Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TANO

- Ramon Ayco, Sr.

Ang “Tano” ay isang halimbawa ng rebolusyonaryong kanta na tungkol sa


ipinaglalabang “equality o pagkakapantay-pantay” ng mga “communism o
komunismo”. Ang mga rebolusyonaryong kanta ay mga kanta sa politika na
nagtataguyod o pumupuri sa mga rebolusyon. Ang mga kantang ito ay isang
kilalang bahagi ng propaganda. Ang pagkanta ng naturang mga kanta ay
madalas na itinuturing bilang isang demonstrative o rebolusyonaryo na
pagkilos. Ginagamit ang mga ito upang mapalakas ang moral, pati na rin para
sa propaganda sa politika o pag-iingat. Sa kabilang banda, kapag naitatag
ang isang rebolusyon, ang ilan sa mga aspeto ng awit ng protesta ay
maaaring isaalang-alang na kontra-rebolusyonaryo.

Sa kantang ito, si Tano ay isang magsasaka na may labis na utang at


nawalan ng lupang sinasakahan. Kaya nagpasya si Tano na sumali sa mga
pwersa ng mga rebolusyonaryo at naging rebolusyonaryong manlalaban.
Hindi lang dahil sa wala siyang pambayad sa sobrang laki ng kanyang utang
ang nagtulak sa kanya upang lumaban, kundi nagkaroon siya ng kamalayan
na wala talagang pag-asa para sa kaunlaran sa loob ng sistemang
pampulitika.

Ang kantang Tano ay may napakagandang mensahe na ipinapahatid sa


atin, hindi lamang sa mga grupo ng taong kasama sa rebolusyon, kundi pati
na rin sa mga mamayang inaalipusta, inaalipin at pinapahirapan ng gobyerno.
Ipinapahiwatig ng kantang ito na dapat imulat natin ang ating mata sa
katotohanan tungo sa tamang landas, na minsan ay dahil sa impluwensya at
takot natin sa mga may kapangyarihan o may kaya sa buhay ay nakakagawa
tayo ng mali o napupunta tayo sa maling landas. Ang kantang ito ang
nagsasabing dapat ipaglaban natin ang alam nating tama at huwag
mabulagbulagan sa mga maling nangyayari. Ipaglaban natin ang ating
karapatan bilang isang mamayan dahil sa mata ng batas tayo ay pantay-
pantay. Sabi nga ni President Ramon Magsaysay Sr., “those who have less in
life, should have more in the eyes of the law”.
Upang mas maintindihan natin ang nais ipahiwatig ng kantang Tano sa
atin, isa-isahin natin ang bawat saknong ng kanta.

“May isang magsasaka


Tano ang Pangalan
Lupa niyang sinasaka'y
Tanging kayamanan”
Ito ang unang saknong ng kanta kung saan ipinakilala si Tano bilang
isang magsasaka na may ari ng isang lupang sakahan na kanyang tanging
kayamanan. Ibig sabihin, si Tano ang sumisimbolo sa mga taong mamayan
na walang masyadong kaya sa buhay.

“Minsa'y nagkasakit 
Kaisa-isang anak
Naubos ang konting pera'y
Di pa rin lumalakas”
Ang ikalawang saknong ng kanta ay sinasabing ang iisang anak ni Tano
ay nagkaroon ng malalang sakit na dahilan upang maubos ang kanyang
perang naipon sa pagapapagamot ngunit hindi pa rin ito gumaling. Sa tunay
na buhay, may mga pagkakataon talaga na kinakailangan natin gamitin ang
ating mga ipong pera sa mga mas importanteng bagay sa ating buhay.

“Sa asendero ay nangutang


Isandaang piso lang
Ngunit ito'y madodoble
Sa anihan babayaran”
Nangutang si Tano sa isang haciendero ng isang daang piso para sa
pagpapagamot ng kanyang anak, ngunit kung hindi niya mabayaran hangang
sa anihan ay madodoble ito. Sa kadahilanang gusto nating mapagamot ang
ating mahal sa buhay o kaya naman ay gusto nating makamit ang mga
importanteng bagay, tayo ay napipilitang mangutang.

“At kapag pumalya


Madodoble na naman
Madodoble nang madodoble
Hangga't di mabayaran”
Ang inutang ni Tano na pera ay madodoble nang madodoble ang bayad
hangga’t hindi niya ito mabayaran, ito ang tinatawag na tubo ng mga taong
napapautang.

“Tano, Tano
Sa gipit mong kalagayan
Tano, Tano
Anong Kasasapitan”
Dahil sa kagipitan ni Tano sa buhay para lang maipagamot ang kanyang
kaisa-isang anak ay hindi na niya alam ang gagawin, hindi na niya alam kung
ano ang kanyang kasasapitan sa laki na ng kanyang utang. Minsan talaga, sa
laki na rin ng ating utang ay hindi na natin alam kung saan kukuha ng pera
pambayad.

“Lumipas ang mga anihang


Sinalanta ng bagyong nagsidaan
Ang pobreng si Tano'y
Nabaon sa utang”
Maraming bagyo ang dumaan kaya’t walang masaganang ani si Tano at
wala siyang pinangkunan ng pambayad sa kanyang utang na siyang dahilan
upang siya’y mabaon sa utang. Kung kailan talaga tayo gipit na gipit ay doon
din tayo sinusubok ng tadhana na siyang humuhubog sa atin upang mas
maging malakas at matatag sa buhay.

“Hanggang ang lupa niya


Ang naging kabayaran
May utang pa si Tano't
Nakikisaka na lang”
At dahil sa wala na talaga siyang pambayad sa kanyang utang, ang
kanyang tanging kayamanan na lupang sinasakahan ang kanyang naging
kabayaran, ngunit ito’y hindi pa naging sapat at may utang pa siyang kailang
bayaran. Kaya ngayon, siya ay nakikisaka na lamang upang may pangkunan
ng pera.

“Ilan ang tulad ni Tanong


Pinahihirapan
Sila'y marami pa ngayon
Doon sa kanayunan”
Si Tano ay isa lamang sa mga halimbawa ng mga mamayang walang
kaya sa buhay na pinapahirapan ng mga taong may kaya o may
kapangyarihan. Marami pang mamayan ang mga tulad ni Tano na inaalipin at
pinapahirapan ng mga taong nakakaangat sa buhay.

“Ngunit itong si Tano


Ay biglang nagtago
Nang siya’y makita
Doon sa kabundukan
Kasama ng sandatahan
Siya'y naging mandirigma
Ng Hukbong Bayan”
Dahil sa pagpapahirap na ginawa nila kay Tano, siya ay nagtago upang
makapag-isip at dito naliwanagan ang kanyang pag-iisip na sumama sa lupon
ng mga taong mandirigma ng hukbong bayan o rebolusyon. Sa pagpapahirap
na ginawaga sa atin ng iba, doon tayo mas nakapag-iisip na lumaban para sa
ating karapatan, lalo na’t alam natin na tayo ay nasa tama.

“Ngayon ay lumalaban
Si Tano sa gahaman
Mga tulad ni Tano
Tayo nang lumaban
Tayo nang lumaban
Tayo nang lumaban!”
Kaya naman si Tano ay nagpasya na lumaban sa mga taong gahaman
para sa kanilang karapatan bilang isang mamamayan kasama ang iba pang
mamayan na nakaranas din ng pagpapahirap tulad ni Tano. Ipinaglaban ang
kanilang karapatan, ipinaglaban ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng
mamamayan.

You might also like