47233962

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Example of Detailed Lesson Plan

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang 9 - Ekonomiks

I.Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Nasusuri ang ugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok.

2. Nabibigyang halaga ang konsepto ng consumption at savings sa pag-iimpok.

3. Naipapakita ang ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, pagkonsumo at ang “7


Habits of a Wise Saver” sa pamamagitan ng iba’t-ibang pangkatang gawain na itatanghal ng mga
mag-aaral.

II. Nilalaman

Paksa: Yunit III: Makroekonomiks

Aralin 3: Ugnayan ng Pangklahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo

Sanggunian: Ekonomiks, Araling Panlipunan: Modyul para sa mga Mag-aaral

Pahina: 259-263

Mga Materyales: mga kagamitang biswal, power point presentation, laptop, projector, pisara at
yeso

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1.Panalangin
Magsitayo ang lahat.
Simulan natin ang araw na ito sa (Ang mga mag-aaral ay magsisitayo upang
pamamagitan ng isang maikling panalangin. simulan ang panalangin)
Francis, maaari mo bang pangunahan ang
pagdarasal?

2.Pagbati
Magandang Umaga 9-Gold!
Magandang Umaga rin po Binibining de
3.Pagsisiyasat ng Kapaligiran Jesus! Welcome to 9-Gold! Mabuhay!
Bago kayo magsiupo, pakipulot ang mga kalat
na nakikita sa inyong paligid. Matapos pulutin
ang mga kalat, mangyari na ayusin ang
inyong mga upuan. Pakitago ang mga bagay (Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng kalat
na walang kinalaman sa ating asignatura. at aayusin ang kanilang mga upuan)

4.Pagtatala ng Liban

Divine, mayroon bang lumiban sa klase


ngayon?

Magaling! Bigyan ang inyong mga sarili ng


hooray clap. Wala po. Ang lahat po ay naririto.

5.Balik-aral
(Gagawin ng mga mag-aaral ang naturang
Bago tayo dumako sa ating istilo ng pagpalakpak)
aralin magkakaroon muna tayo ng balik aral.
Ano nga ba ang tinalakay nating paksa noong
nakaraang pagkikita?
Mahusay! Sa pamamagitan ng pagsusukat ng Ma’am, ang tinalakay po natin ay ang
Pambansang Kita, nakakapagbigay ito ng kahalagahan ng pagsusukat ng pambansang
ideya patungkol sa antas ng produksiyon ng kita at kung paano ito naging batayan sa pag-
ekonomiya sa isang partikular na taon at unlad ng ekonomiya ng bansa.
naipapaliwanag kung bakit mababa o malaki
ang naging pag-unlad ng bansa.

Mayroon pa ba kayong ibang ideya?

Magaling! Salamat. Bukod sa kahalagahan ng


pagsusukat ng pambansang kita, ano pa ang Sa pamamagitan po ng paghahambing ng
ating tinalakay? Pambansang Kita sa loob ng ilang taon
nakikita po kung anong direksyon mayroon
Tama. Mahusay! ang ekonomiya ng isang bansa kung may pag-
unlad na bang nagaganap.
Paano nga ba nagkakaiba ang GNI at GNP?
Ang pagkakaiba po ng GNI at GNP.

Ang Gross National Income po ay sinusukat


Magaling! Ang Gross National Income ay gamit ang salapi ng isang bansa samantala
tumutukpy sa kabuuang pampamilihang ang Gross Domestic Product ay sinusukat
halaga ng mga produkto at serbisyo na kasama ang mga kita ng mga dayuhan sa loob
nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. ng bansa.
Samantala ang Gross Domestic Product
naman ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihamg halaga ng lahat ng tapos na
produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng
isang takdang panahon sa loob ng isang
bansa.

Tunay na marami kayong natutunan sa ating


nakaraang talakayan. Ako ay humanga sa
ipinakita ninyong galing. Mahusay 9-Gold.
Bigyan ang inyong mga sarili ng Good Job
Clap.

(Gagawin ng mga mag-aaral ang naturang


istilo ng pagpalakpak)

B.Pagganyak

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


(PAGTAGLINETAGLINE-IN!)

Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong Opo.


aralin. Handa na ba kayo? Ihanda ang sarili
para sa talakayan ngayong araw na ito. Pero
bago ang lahat tayo ay magkakaroon ng isang
laro. Kung saan ang bawat grupo ay bibigyan
ko ng materyales na magagamit para sa ating
boards up. Ang bawat pangkat ay may
itatalagang lider upang isulat ang
napagkasunduang sagot batay sa tagline na
makikita sa larawan sa projector. Kung sino
ang unang pangkat na makapagpakita ng
tamang sagot ang siyang makakakuha ng
puntos na idadagdag sa grado sa pangkatang
gawain. Matapos malaman ang bawat sagot,
isulat o tandaan ang mga ito upang
makatulong sa inyo sa pagsagot sa mga
ibabato kong ilang mga katanungan ukol dito.
Nauunawaan ba? Nakakasunod pa ba?

Opo.

BPI

BDO
Landbank

Metrobank

PAG-IBIG Fund

Mga halimbawa po ng banko.


Ano ang inyong napansin sa mga nakalap na
kasagutan?

Marami pong perang dinadala sa bangko.


Tumpak! Ano ang unang pumapasok sa
inyong isip kapag naririnig mo ang salitang
bangko?

Karaniwan po dito dinadala ng ibang tao lalo


Tama! Ano pa ang inyong mga ideya? na ng mayayaman yung mga salaping
kanilang kinita sa tuwing sila ay sumesweldo.
Sa bangko po nila ito ipinapatago upang
magkaroon ng savings.
Tama. Magaling! Sa bangko nila itinatago o
iniimpok ang kanila mga kinitang salapi.

Bukod sa pag-iimpok ng pera, saan o paano


ba natin ginagamit ang mga kinitang salapi?
Ibig sabihin ang pera ay ginagamit natin sa Ginagamit po nating panggastos.
papaanong paraan?

Ginagamit po natin ang pera sa pagbili ng


Tama! Ang pera ang ginagamit nating upang ating mga pangangailangan at kagustuhan.
kumonsumo ng produkto at serbisyong
kinakailangan natin sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Kasama na rito ang ating mga
luho at nais mga bilhing bagay.
Samakatuwid ang salaping mula sa kita ng tao
ay iniipon at ito rin ang ginagamit na
panggastos.
C.Pagtalakay
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Mayroon na ba kayong ideya kung ano ang Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-
ating aralin sa araw na ito? iimpok at Pagkonsumo po.

Magaling! Ang ating tatalakayin sa araw na ito


ay patungkol sa Ugnayan ng Pangkalahatang
Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo.

Ngayon ay aalamin natin kung papaano nga ba


nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok at
pagkonsumo.

Sa inyong palagay, ang salapi ba ay maaaring Opo. Lalo na po kung hindi ito pinapalago.
maubos? Nauubos po kaagad ang pera dahil po sa
mataas na presyo ng bilihin.

Tama, ang pera ay maaaring maubos kaagad. Madalas na ang pinanggagalingan ng pera ay
Saan nanggagaling ang pera at paano ang mga kita o sweldo po ng tao sa kanilang
nagkakaroon ng pera ang isang tao? mga trabaho.

Mahusay! Ito ay mula sa kita ng mga tao. Ano


nga ba ang kita? Sa paanong paraan Batay po sa ating mga nakaraang talakayan,
nagkakaroon ng kita ang tao? ang kita po ang salaping tinatanggap ng mga
manggagawa kapalit ng pagtatrabaho.
Tama! Napakausay! Natatandaan pa ang
konsepto ng kita.
Ang kita ay maaaring gastusin sa Ito po ang pagbili at paggamit ng mga
pangangailangan at kagustuhan ng tao. O yung produkto o serbisyo na magbibigay
tinatawag nating pagkosnsumo. Ano ang kapakinabangan sa tao.
pagkonsumo?

Magaling! Sa konsepto ng pagkonsumo ay Isang uri po ng mamimili na gastadora.


mayroon tayong tinatawag na impulse buyer. Yung bili lang po ng bili, hindi iiisip na
Mayroon ba kayong ideya patungkol dito? kakailanaganin pa niya ng pera kinabukasan.
Walang pakialam kung maubos man ito
kaagad.
Tama. Kung mayroong mga taong nais mag-
impok mayroon ring mga impulse buyer, kung
saan basta may pera bili nalang nang bili
hanggang maubos ito. Kapagka wala ng pera,
saka maaalala ang kanyang iba pang
pangangailangan. Nabubuhay sila as one day
millionaire.

Subalit bukod sa paggastos ng pera, ano pa ang


ibang bagay na maaaring gawin sa pera?

Magaling! Ito ay maaaring itago sa bangko Iniipon po ito. Maaari po itong itabi o itago
upang maging savings. Dahil nabanggit ninyo sa bangko bilang savings.
ang salitang savings alamin natin kung ano ang
kahulugan nito. Batay sa impormasyon sa
inyong aklat ayon kay Roger Farmer, ano ang
kahulugan ng savings?

May iba pa bang kahulugan na nabanngit?


Sinasabi niya po na ang savings ay paraan ng
pagpapaliban ng gastos.

Gaano kahalaga ang pag-iimpok? Opo. Ayon naman po kina Meek, Morton at
Schug, ang ipon o savings ay kitang ginamit
sa pagkonsumo o hindi ginastos sa
pangangailangan.
Maaari ka bang kumita kapagka ikaw ay nag- Ang mga perang nakatabi ay maaaring
iipon? madagdagan pa. At upang may magamit na
salapi sa panahon na lubos itong kailangan.

Tama. Mahusay! Mayroon tayong tinatawag na Opo, dahil nadadagdagan po ang savings
investment kung saan ito ay ipon na ginagamit habang tumatagal.
upang kumita. Sa tingin ninyo, papaano
nagkakaroon ng economic investment?
Tama. Ang isang tao ay maaaring maglagay ng
kanyang ipon sa mga Financial intermediaries. Sa pamamagitan po ng paglalagak ng pera sa
(Ang guro ay may ipapakitang pigura) isang negosyo.

Batay sa nakitang impormasyon sa pigura,


paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga
konseptong nakikita sa pigura?

Mahusay ang naging pag-obserba batay sa


inpormasyon sa pigura. Ang Financial
Intermediaries ang siyang tagapamagitan sa
nag-iipon ng pera at sa nais umutang o
magloan. Kung saan, sa mga Financial
Intermediaries dinadala ng mga taong nag-
iimpok ang kanilang pera. Samantala ang mga
umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang
nahiram na pera sa pagbili ng ari-arian o di
kaya ay para maging dagdag na puhunan sa Ang nag-iimpok at nangungutang ay
kanilang negosyo. nakabase sa mga Financial Intermediaries.

Kung ikaw ay mag-iimpok, itatago mo ba ito


sa bangko o gagawa ka nang iyong sariling
alkansiya?

Magaling. Kung itatago nang matagal na


panahon sa alkansiya ang pera, maaaring lumiit
ang halaga nito dahil sa implasyon. Bukod
dito, maaari itong magdulot ng kakulangan sa
supply ng salapi sa pamilihan. Mas mabuti na
ilagak ito sa matatag na bangko o iba pang
Financial Intermediaries upang bumalik sa
pamilihan ang salaping iniimpok.

Upang higit na malaman kung paano mas


magiging wais at matalinong indibidwal na
nag-iimpok. Ating talakayin ang 7 Habits of a
Wise Saver. Iiisa-isahin natin ang mga
naturang gawi, kung saan kayo ang Mas pipiliin ko po na mag-ipon sa bangko
magbibigay ng mga ito at ipapaliwanag ito kaysa sa alkansiya. Sa bangko mas ligtas ang
base sa inyong pang-unawa. Maaari ring pera at maaari itong dumami.
magbigay ng halimbawang sitwasyon ukol sa
mga ito. Handa na ba kayo?

Tama. Mahusay! At karagdagan, alamin kung


sino ang may-ari ng bangko at sino ang mga
namamahala nito. Sumunod, ano ang
pangalawang gawi ng isang wise saver?

Mahusay! Isa pang mahalagang bagay na dapat


tandaan ang isa pang mahalagang bagay dapat
basahin at unawain ay ang term at condition ng
bangko upang di malito sa mga patakaran at
proseso na mayroon ang naturang bangko. Iba
pang gawi na dapat taglayin ng isang wise
saver? Ang una po ay kilalanin ang iyong
bangko.
Magsasaliksik po ako sa internet upang
malaman ang katayuan ng bangko kung ito
ba ay nalulugi o maayos naman ang
pamamalakad.
Mahusay! Ito rin ay mabisang paraan upang
makaiwas sa mga mapagsamantalang
kalakaran ng bangko.

Ang sumunod po ay alamin ang produkto


ng iyong bangko. Ang unang bagay na
dapat malaman ay kung saan inilalagay ang
mga perang iimpukin. Ito po ay maaaring
ipagatanong sa mga namamahala ng bangko.

Magaling! Ano ang kasunod? Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa


iyong bangko. Dapat na piliin ang ankop na
bangko upang itugma ang serbisyo sa
pangangailangan ng nag-iimpok. At dapat
ring klaruhin ng mabuti ang mga sinisingil at
bayarin ng bangko.

Eksakto! Ano pa ang ibang gawi? Mayroon


pang natitirang dalawa.

Ingatan ang bank records at siguruhing


up-to-date. Palaging i-update ang passbook
at mga CTD (Certificate of Time Deposit) sa
tuwing gagawa ng transaksyon sa bangko. At
ipaalam kaagad sa bangko kung mayroong
Mahusay! Karagdagang impormasyon, ang pagbabago sa contact details upang
kahulugan nito ay Philippine Deposit maiwasan na maipadala ang sensitibong
Insurance Corporation. Ano ang panghuling impormasyon sa iba.
gawi ng wise saver?
Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng
bangko at sa awtorisadong tauhan
nito. Huwag dapat mag-alinlangan na
magtanong sa mga tauhan ng bangko ng
magpakita ng identification card at humingi
Mahusay! Huwag agad maniniwala sa mga palagi ng katibayan ng transaksyon.
alok ng mga taong di mo pa naman lubusang
kilala. Naunawaan ba? Mayroon ba kayong
mga katanungan?

Alamin ang tungkol sa PDIC deposit


insurance. Ang PDIC ay gumagarantiya ng
hanggang Php500, 000 sa deposito ng bawat
depositor. Ang investment product, dinayang
account, at depositing nagmula sa hindi
ligtas at unsound banking practices ay hindi
kabilang sa segurong ibinibigay ng PDIC.

Maging maingat. Lumayo sa mga alok na


masyadong maganda para paniwalaan.
Upang makaiwas sa mga taong
mapanlamang sa kapwa.

Wala po.

D.Pangkatang Gawain:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ngayon ay tutungo na tayo sa inyong
pangkatang gawain. Ang lahat ba ay nasa
kani-kaniyang pangkat na kinabibilangan?
Ngunit bago ang lahat ay ipapaliwanag ko
muna sa inyo ang mga pamantayan kung sa
paanong paraan ko mamarkahan ang
presentasyon ng bawat grupo. Ang bawat
pangkat ay bubunot ng kanilang paksang
ipapakita at bibigyan sila ng lima hanggang
walong minuto upang ito ay kanilang
paghandaan. Una at Ikalawang pangkat

ROLE PLAY
(Magtatanghal ng isang maikling dula na
nagpapakita ng mga halimbawa ng 7 Habits
of Wise Saver)

Ikatlong Pangkat

POSTER MAKING
(Sa pamamagitan ng pagguhit ay ipapakita
nila ang Ugnayan ng Pangkalahatang Kita,
Pag-iimpok at Pagkonsumo. Ito ay
ipapaliwanag nila sa klase.)

Ikaapat na Pangkat

TULA-RAP
E.Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1.Batay sa ating pinag-aralan, paano mo ngayon


masasabi na magkaka-ugnay ang Ang salapi po na galing sa kita ng isang tao ay
pangkalahatang kita, pag-iimpok at maaaring ipunin at gamitin sa pagbili ng ating
pagkonsumo? Tama. Mahusay mga pangangailangan at kagustuhan.

2.Kung ikaw ay mag-iimpok, saan mo ito Kung ako po ay mag-iimpok, ito po ay aking
ilalagak? Sa bangko ba o sa alkansiya? iipunin sa bangko sapagkat higit po itong
makatutulong sa negosyo at pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.

IV.Pagtataya

A.Isulat ang salitang SAVINGS kung ito ay may kinalaman sa pag-iimpok at EXPENDITURES
naman kung ito ay paraan ng pagkonsumo o paggastos.

_______1. Laptop

_______2. PAG-IBIG Fund

_______3. Landbank

_______4. Burger
_______5. PNB

B.Ilagay sa patlang ang salitang “WERPA” kung ang ipinahahayag ay tama at


“PETMALU” naman kung ito ay mali.

_______1. Maaring makipagtransaksiyon sa labas ng bangko at di kilalang tauhan ng bangko.

_______2. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.

_______3. Iwasan na mag-update ng mahalagang impormasyon sa bangko at ingatan ang mga


bank records.

_______4. Unawain kung saan inilalagak ang mga perang iyong iniimpok.

_______5. Kilalanin kung sino ang may-ari ng bangko at pati na rin ang mga taong namamahala
nito.

V.Kasunduan

1. Paano nagaganap ang konsepto ng implasyon?

2.Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng Price Index? Lagyan ng paliwanag o kahulugan ang bawat uri ng
Price Index na nakalap.

Sanggunian: Ekonomiks, Modyul para sa mga Mag-aaral

Pahina: 275-279

You might also like