FPL M3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
Mabalbalino National High School
Mabalbalino, San Carlos City, Pangasinan
PAGSUSULIT (MODYUL 3- LAKBAY-SANAYSAY)
KWARTER 2
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Pangalan: Petsa:
Grado at Seksyon: Iskor:
Pangkalahatang Panuto: Basahing maigi ang bawat katanungan. Anumang anyo ng pagbura ay maituturing na
maling sagot.

I. Maraming Pagpipilian: Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ano ang tawag sa isang sanaysay na kadalasang naglalaman at nagtatala sa mga karanasan ng awtor sa
paglalakbay, pagsasaliksik at pagtuklas ng isang lugar?
A. Lakbay-sanaysay C. Replektibong sanaysay
B. Posisyong papel D. Saliksik-sanaysay
_____ 2. Si Jimar ay isang manunulat. Naglalakbay siya sa iba’t ibang dagat at bundok sa Pangasinan at siya ay
sumusulat sa isang aklat na pinamagatang “Sa Dagat at Bundok (Ang Natatagong Ganda ng Pangasinan). Dahil sa
aklat na iyon ay nakilala ang lugar sa Pangasinan at tumaas ang turismo. Marami rin ang nagnais ng aklat na iyon
para mabasa. Anong layunin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na masasalamin sa teksto?
A. Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. C. Isadokumento ang kasaysayan, kultura, at
heograpiya ng lugar.
B. Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay. D. Makalikha ng patnubay para sa posibleng
manlalakbay
_____ 3. Alin sa ibaba ang TOTOO ayon sa dalawang pahayag na nabanggit?

A. Ang manlalakbay ay may kaalaman sa paglalakbay at kumikilala sa lugar at tumutuklas ng bagong daigdig.
B. Ang turista ay naglalakbay sa mga piling lugar at madalas ay upang aliwin ang sarili sa limitadong bilang ng
araw.
A. Ang unang pahayag ay mali samantalang ang ikalawa ay tama.
B. Ang unang pahayag ay tama samantalang ang ikalawa ay mali.
C. Parehong mali ang pahayag.
D. Parehong tama ang pahayag.
_____ 4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa mga hakbang kung paano sumulat ng isang lakabay-
sanaysay?
A. Habang naglalakbay, magsulat ng mga nakikita, lugar at pinuntahan at mga taong nakasalamuha
B. Maglagay ng mga larawang matagal nang nakunan o di kaya’y mga larawang makikita sa internet.
C. Magkaroon ng panahon upang rebyuhin ang mga naging tala.
D. Matapos makumpleto ang outline, sumulat ng may pagkamalikhain ang travelogue.
_____ 5. Ikaw ay nagbabalak na sumulat ng isang lakbay sanaysay sa tungkol sa isang lugar na gustong-gusto
mong puntahan. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong iwasan?
A. Gawing kapaki-pakinabang para sa mga taong gustong makarating sa lugar ang iyong gagawin.
B. Makipag-usap sa mga tao at alamin ang kwento pansarili nilang karanasan
C. Magbigay ng kasaysayan tungkol sa isang lugar na iyong pupuntahan.
D. Maglagay ng mga larawang matagal nang nakunan o di kaya’y mga larawang makikita sa internet.

II. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay totoo. Isulat naman ang MALI kung ito ay hindi totoo.

_______ 1. Ang lakbay-sanaysay ay nagbibigay daan upang magbukas ng turismo sa isang.

_______ 2. Makikilala ang lugar na itinampok sa lakbay-sanaysay.

_______ 3. Lakbay-sanaysay ay nagbubukas ng kaalaman sa mga taong mahilig maglakbay.

_______ 4. Ang Lakbay-sanaysay ay personal at kalimitang nakakapang-akit ng mambabasa.

_______ 5. Nakakapukaw sa reyalidad ang pagsusulat ng lakbay-sanaysay.

_______ 6. Ang Lakbay-sanaysay ay makapagbibigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang
destinasyon.

_______ 7. Ang nasabing sulatin ay naglalaman lamang ng mga larawan.

_______ 8. Mahalaga ang isang lakbay-sanaysay sapagkat ito ang ating magiging pamamaraan upang maibahagi
ang naging karanasan ukol sa ating mga nakikita sa ating paglalakbay.

_______ 9. Ang lakbay-sanaysay ay personal at kalimitang tumutuligsa ng mambabasa.

_______ 10. Kapag nagsusulat ng isang lakbay-sanaysay, naglalaman ito ng maraming larawan kaysa teksto.

Inihanda ni:

ARNEL B. DE GUZMAN
Tagapagturo

You might also like