Musical Radio Drama Script

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

98.

00 CEStudyante READYo
Musical Radio Drama sa Hapon

PROGRAM TITLE : EDUKA-DEMYA

“Edukasyon sa Gitna ng Pandemya”

STATION I.D : 98.00 CEStudyante READYo

1 Intro Song (Fade Up) (Fade Down)

2 Tagapagsalaysay: Ating sundan ang tagpo ng isang pangyayaring gumimbal sa

buhay ng bawat isa. Ang Covid-19, isang virus na sumira sa

positibong pananaw ng bawat tao sa mundo, winasak ang

lahat; ekonomiya, kalusugan at pati ang edukasyon.

Subaybayan natin ang kwento ng Eduka-Demya, Edukasyon

sa Gitna ng Pandemya.

3 Aling Iska: Ben, mga anak… Panoorin niyo itong balita oh, may bagong

virus daw na nadiskubre…

4 Reporter: Kakapasok lamang na balita, isang nakamamatay na virus

ang nadiskubre ng World Health Organization. Halos

kalahating milyon na na katao ang namamatay sa buong

mundo dala ng virus na ito.

5 Mang Ben: Grabe na talaga ang mga nangyayari. Baka senyales na

kaya ito siguro ng katapusan ng mundo.

1
1 (Fade Up) (Fade Down)

2 Jenny: Nakakatakot naman po Itay, Inay.

3 Aling Iska: Huwag kayong matakot mga anak, alam kong nandiyan

naman parati ang Diyos na siyang gumagabay sa atin.

Magdasal lang kayo at tiyak hindi naman tayo bibiguin.

4 Mang Ben: Tama ang Inay niyo mga anak. Ang mahalaga kailangang

makinig tayo sa mga anunsiyo, panukala at impormasyon

ng D-O-H, ng I-A-T-F at ni Mayor.

5 Aling Iska: Magsuot kayo parati ng Mask at Face Shield, iwasan niyo

munang pumunta sa mga matataong lugar at dapat maging

malinis kayo sa katawan at malusog di dapat, iyan ang the

best.

6 Grace: Opo Inay, ginagawa naman po namin iyan, masamang gawa

ay iwasan, para sa mabuting kalusugan.

7 Mang Ben: Naks naman mga anak. Maganda iyan, alam naming ng Inay

niyo na kayang kayang niyo naman iyan eh. At sigurado rin

kami na ang inyong pagpapasiya ay tama at sigurado

naming may maganda dulot iyan.

8 Continuation Song (Fade Up) (Fade Down)

9 Jenny: Pero, Itay, Inay may kinatatakot parin kami ni Grace eh.

10 Grace: Opo, tama si Jenny.

11 Aling Iska: Ano iyon mga anak?

12 Jenny: Baka hindi na kami makapag-aral, baka hindi na namin

matutupad ang aming mga pangarap. (umiyak)

13 Grace: Opo, kumusta na ang mga ambisyon naming, wala na.

2
1 Mang Ben: (flash back) Ano ang gusto niyo paglaki mga anak?

2 Grace: (flash back) Gusto ko pong maging teacher. Ang saya-saya

Kasing makapagbahagi ng kaalaman.

3 Jenny: Ako po Itay, isang sikat na artista, yehey, gusto kong umawit

at sumayaw.

4 (Fade Up) (Fade Down)

5 Aling Iska: Tahan na mga anak, ano ba kayo? Alam niyo po ang Eduka-

Demya?

6 Continuation Song (Fade Up) (Fade Down)

7 Jenny: Eduka-Demya Inay, ano po iyon?

8 Mang Ben: Darling, sige nga ibida mo nga sa kanila kung ano ang

Eduka-Demya.

9 Aling Iska: Ano, darli darling ka diyan? Hindi, sabagay, tama naman

ang Itay niyo (simpleng tawa). Ang Eduka-Demya, ang ibig

sabihin nun ay Edukasyon sa Gitna man ng Pandemya.

10 Grace: Wow… totoo po ba? Mag-aaral parin po kami?

11 Aling ISka: Oo naman mga anak. Tuloy parin ang edukasyon sa bagong

Normal, yun nga lang wala munang face to face kasi bawal

Muna, dahil wala pa tayong bakuna laban sa virus.

12 Jenny: Paano po kami mag-aaral?

13 Mang Ben: Naku, tulad din ng ginagawa niyo noong nakaraang taon,

nagsusulat, nagbabasa, nagkwekwenta, kumakanta,

sumasayaw, kahit nag dra drama pwede nga eh, (tawa)

tamang tama sa iyo Jenny, diba gusto mong maging artista.

3
1 Jenny: Talaga po, pero ang tanong kop o, saan po kami mag-aaral?

2 Aling Iska: Dito sa bahay?

3 Jenny: Yes! Mas maganda po makakasama po naming kayo

habang nag-aaral.

4 Mang Ben: Tamang-tama. Kami muna ang mga guro ninyo. (tawa)

5 Grace: Ang enjoy naman po iyon, walang katapusang bonding natin

6 Aling Iska: Oo naman mga anak, kita niyo, tuloy parin ang inyong pag-

aaral.

7 Jenny: Kaya nga po, ang galling talaga ng Eduka-Pandemya.

8 Aling Iska: Yes na yes talaga. Yes na yes rin na maaabot niyo ang

inyong mga pangarap.

9 Grace: Opo (malungkot)

10 Mang Ben: Bakit Grace? Bakit malungkot ka parin?

11 Grace: Ang kinatatakot ko po kasi, handa na po ang ahensiya sa

Edukasyon sa Gitna ng Bagong Normal?

12 Mang Ben: Naku, naku, oo naman, teka teka, iyan na ang interview kay

Sir Pozon, ang S-D-S natin pakinggang natin.

13 (Fade Up) (Fade Down)

14 Aling Iska: O, narinig niyo mga anak?

15 Grace: Opo, tama nga po, tuloy tuloy po talaga.

16 (Fade Up) (Fade Down)

17 Mang Ben: Pala, pala, Darling?

18 Aling Iska: Namumuro ka na sa akin ah, darling ka ng darling (tawa)

Ano ba iyon?

19 Mang Ben: Hindi, baka makalimutan ko, nakabili ka na ba pala ng mga

4
bond papers?

1 Aling Iska: Ay oo nga, oo darling tatlong kahon iyong binili ko.

2 Mang Ben: Naku, kumagat ka narin sa pagtawag sa akin ng darling ah

(tawa), gusto ma narin pala akong tawaging darling a (tawa)

3 Aling Iska: Ikaw talaga (tawa)

4 Mang Ben: Tsaka nagulat ako, dalawa lang na kahon ang ipinabibili ko

sa iyo bakit ginawa mong tatlo? Tatlo ba talaga para I love

you? (tawa ng malakas)

5 Aling Iska: Naku, may pagkabaduy ka rin pala ano, Mr. Bienvenido?

For your information, ginawa kong tatlong kahon para mas

matagal gamitin ni Madam Celina, alam mo naman

kailangan nila ngayon ng bond paper para sa module nina

Grace at Jenny.

6 Mang Ben: Tya, tya. Tama nga naman, ang bait talaga ng darling ko.

7 Aling Iska: Mano ako sa iyo eh, kailangan ang Bayanihan ngayon

Darling.

8 Mang Ben: The best ka talaga darling!

9 (Fade Up) (Fade Down)

10 Continuation Song (Fade Up) (Fade Down)

11 Aling Iska: Oh, ano mga anak, go for education?

12 Grace: Yes Nanay! Go for reaching our ambitions in life!

13 Jenny: We will continue our dreams amidst the pandemic.

14 Mang Ben: Oh, don’t English English me ah, ah…ah… do not worry, ah,

I, I.. man.. ma ma manage (tawa) Basta katuwan niyo kami

ng Inay niyo.

5
1 Jenny: Talaga po?

2 Aling Iska: Oo naman, suportado kami. Andito kami One hundred and

One percent.

3 Jenny: Naku, nakakaiyak naman iyan.

4 Aling Iska: Sige, sige, tanungin ko kaya ulit? Ano ang Eduka-Demya?

5 Lahat: Edukasyon sa Gitna ng Pandemya

6 Jenny: Isulong Edukalidad!

7 Grace: Handa Isip, Handa Bukas!

8 Aling Iska: Oh, bakit Jenny, Grace, dala dala niyo bag ninyo? (tawa)

9 Mang Ben: Kaya nga (tawa) at talagang naka uniporme pa kayo ah

10 Jenny at Grace: May klase kami Inay, Itay, mag aalas otso na.

11 Mang Ben: Oo nga pala, online class schedule nila ngayon, nakalimutan

Ko darling.

12 Aling Iska: Oo nga pala ano, nakalimutan ko rin (tawa)

13 Mang Ben: Iba na talaga ang tumatanda, alam mon a makakalimutin na

14 Aling Iska: Naku, Mr. Bienvenido, ikaw lang ang matanda (tawa ng

malakas)

15 Continuation Song (Fade Up) (Fade Down)

16 Coda Song (Fade Up) (Fade Down)

--- TAPOS NA ANG SCRIPT ---

You might also like