Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

1GRADE LEVEL: 8

2SUBJECT: FILIPINO
3NARRATIVE SCRIPT
4Pamagat: Karunungang- bayan
5Kumpetensi: Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: paksa/tema, layon, gamit
6ng mga salita, at mga tauhan. (F8PB-IIIg-h-32)
7Treatment: Narrative Lesson
8Running Time: 20 mins
9Tagasulat ng Skrip: Joan Maghanoy Bahian
10P A G E 1 OF 9
11___________________________________________________________________
1OBB

2UPBEAT MUSIC PLAYING

3FADE IN TO MEDIUM SHOT, NORMAL ANGLE OF TEACHER JOAN WITH A

4PICTURE OF THE CLASSROOM IN HIS BACKGROUND, TEACHER JOAN

5INTRODUCTION

6Magandang magandang araw mga mahal kong mag-aaral sa ika-walong baitang!

7Naritong muli ang guro ninyong maghahatid ng kaalamang hindi ninyo pa nababatid!

8Huwag aksayahin ang pagkakataong matuto upang kinabukasan ay sigurado!

9Panatiling laging nakaantabay dahil ako’y inyong magiging gabay tungo sa magandang

10buhay! Ako si teacher Joan na nagsasabing “Sa panahon ngayon ng Covid, hindi

11mahirap ang matuto basta ikaw ay pursigido!” Kaya tara, sabay tayong matuto!

12FADE OUT SCENE, TRANSITION IN FLIP BOX, ZOOM OUT TO LONG SHOT

13NORMAL, SIDE, TOP ANGLE OF TEACHER JOAN INSIDE THE CLASSROOM.

14Noong nakaraan ay tinalakay natin ang mga elemento ng Dokumentaryong

15Pampelikula. Ito’y ang mga sumusunod: sequence skrip, sinematograpiya, tunog at

16musika, pananaliksik o riserts, disenyong pamproduksyon, pagdidirehe, at pag-eedit.

17TEXT OVERLAY “SEQUENCE ISKRIP”, “SINEMATOGRAPIYA”, “TUNOG AT

18MUSIKA” “PANANALIKSIK O RISERTS”, “DISENYONG PAMPRODUKSYON”,

19“PAGDIDIREHE”, “PAG-EEDIT” UPPER PART OF THE OPEN PALM UPON

20SAYING THE WORD.


1P A G E 2 OF 9
2
3
1FADE OUT SCENE, TRANSITION IN FLIP BOX, ZOOM OUT TO LONG SHOT

2NORMAL, SIDE, TOP ANGLE OF TEACHER JOAN INSIDE THE CLASSROOM.

3Sa araw na ito ay matututunan ninyo ang tungkol sa Suring Pelikula kung saan

4malalaman ninyo ang mga dapat pagtuunang-pansin sa pagsusuri. TEXT OVERLAY

5“SURING PELIKULA”, ANALISIS AT OPINYON NG ISANG TAO UKOL SA

6PELIKULANG NAPANOOD” AT THE UPPER PART OF THE SCREEN

7Ngayon tatalakayin natin ang tungkol sa Suring-Pelikula. Sa pagsusuri ng pelikula,

8mayroong apat na aspetong dapat tingnan. Ito ay ang mga sumusunod: paksa/tema,

9layon, gamit ng mga salita, at mga tauhan. TEXT OVERLAY “PAKSA/TEMA”,

10“LAYON”, “GAMIT NG MGA SALITA”, “MGA TAUHAN” UPPER PART OF THE

11OPEN PALM UPON SAYING THE WORD.

12Asahan ninyo na aking iisa-isahin ang mga aspetong dapat bigyang-pansin sa pagsuri

13ng pelikula. Nais kong tulungan ninyo akong matamo ang layunin nating masuri ang

14napanood na pelikula batay sa: paksa/tema, layon, gamit ng mga salita, at mga tauhan.

15TEXT OVERLAY “PAKSA/TEMA”, “LAYON”, “GAMIT NG MGA SALITA”, “MGA

16TAUHAN” UPPER PART OF THE OPEN PALM UPON SAYING THE WORD.

17ZOOM IN TO MEDIUM SHOT RIGHT SIDE VIEW ANGLE OF TEACHER JOAN WITH

18CLASSROOM BACKGROUND PICTURE OF BULB APPEAR UPON ASKING ANO

19NGA BA ANG SURING-PELIKULA

20ZOOM IN TO MEDIUM SHOT RIGHT SIDE VIEW ANGLE OF TEACHER JOAN WITH

21CLASSROOM BACKGROUND PICTURE OF BULB APPEAR UPON ASKING ANO

22NGA BA ANG SURING-PELIKULA


1P A G E 3 OF 9
2
3
1Ano nga ba ang Suring-Pelikula? Ito ay galing sa dalawang salitang pinagtambal: ang

2salitang ‘pelikula’ at ang salitang ‘suri’. TEXT OVERLAY “PELIKULA”, “SURI” RIGHT

3SIDE OF THE SCREEN UPON SAYING THE WORDS Kung saan ang pelikula ay

4isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng

5sining. TEXT OVERLAY “PELIKULA”, ISANG LARANGAN NA SINASAKOP ANG

6MGA GUMAGALAW NA LARAWAN BILANG ISANG ANYO NG SINING” RIGHT

7SIDE OF THE SCREEN UPON SAYING THE MEANING At ang pagsusuri ay isang

8proseso ng pag-aanalisa at paghihimay-himay ng isang paksa upang makatanggap ng

9isang mas mainam na pagkaunawa. TEXT OVERLAY “PAGSUSURI”, PAG-

10AANALISA AT PAGHIHIMAY-HIMAY NG ISANG PAKSA UPANG MAKATANGGAP

11NG ISANG MAS MAINAM NA PAGKAUNAWA” CENTER OF THE SCREEN UPON

12SAYING THE MEANING

13FADE OUT SCENE TRANSITION IN FLIP IN BOX TO LONG SHOT NORMAL

14ANGLE TEACHER JOAN WITH A CLASSROOM BACKGROUND

15Atin nang isa-isahing alamin ang mga aspetong dapat bigyang-pansin sa pagsusuri ng

16pelikula. Sa pagsusuri, bigyan natin ng pansin ang paksa/tema ng pelikula dahil ito ang

17diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula. Ito’y kung anong diwa o kaisipan ang naiwan

18sa isipan ng manonood at anong impak ng pelikula sa buhay ng taong nakapanood.

19Halimbawa, suliraning pampamilya ang paksa ng pelikulang “Seven Sundays.” Naiwang

20mag-isa nalang sa buhay matapos magkapamilya ng ibang anak niya. Hindi

21magkakasundo ang mga anak niya tuwing nagkikita-kita dahilan para lubos ang sakit na

22nararamdaman ng ama tuwing nag-aaway-away ang mga anak niya. Kaya naman

23gumawa siya ng paraan para magkasundo sila. OVERLAY “PAKSA/TEMA”, “DIWA,

24KAISIPAN, AT PINAKAPUSO NG PELIKULA ”, “KUNG ANONG DIWA O KAISIPAN


1P A G E 4 OF 9
2
3
1ANG NAIWAN SA MGA MANONOOD” UPPER SIDE OF THE SCREEN UPON

2SAYING THE MEANING

3FADE OUT SCENE TRANSITION IN FLIP IN BOX TO LONG SHOT NORMAL

4ANGLE TEACHER JOAN WITH A CLASSROOM BACKGROUND

5Dapat ding tingnan ang layon ng pelikula. Ang layon ay tumutukoy sa layunin na nais

6ipabatid ng pelikula sa mga manonood. Ano ang nais iparating ng pelikula sa atin? Ito

7ay nagsisilbi ring panghatak ng pelikula. Halimbawa, layunin ng pelikulang “Seven

8Sundays” ang maiparating sa mga manonood ang kahalagahan ng pamilya. May sarili

9ka mang pamilya o wala, pahalagahan pa rin ang pamilya lalo na ang mga magulang na

10siyang laging naiiwan. TEXT OVERLAY “LAYON”, LAYUNIN NA NAIS IPABATID NG

11PELIKULA SA MGA MANONOOD” UPPER SIDE OF THE SCREEN UPON SAYING

12THE MEANING

13FADE OUT SCENE TRANSITION IN FLIP IN BOX TO LONG SHOT NORMAL

14ANGLE TEACHER JOAN WITH A CLASSROOM BACKGROUND

15Tingnan rin ang mga salitang ginamit sa pelikula. Ito’y mga linyang binabanggit ng mga

16tauhan sa pelikula. Ang mga salitang ito ba ay nakapagpaantig sa inyong damdamin at

17tumimo ba sa inyong isipan. Halimbawa, sobrang naka-aantig ng damdamin ng mga

18salitang binibitiwan ng mga tauhan sa pelikula. Gaya nito, “Naging busy kase kami sa

19pag-aayos ng sari-sarili naming mga buhay. Nakalimutan naming naiwan ka naming

20mag-isa.”

21 “Sa lahat ng pagkakamali ko, kayo ang tamang nangyari sa buhay ko.” Ito ang sinabi

22ng amang si Manuel sa pelikula matapos magbati-bati ng mga anak niya. TEXT

23OVERLAY “GAMIT NG MGA SALITA”, MGA LINYANG BINABANGGIT NG MGA

24TAUHAN SA PELIKULA”, UPPER SIDE OF THE SCREEN UPON SAYING THE

25MEANING
1P A G E 5 OF 9
2
3
1FADE OUT SCENE TRANSITION IN FLIP IN BOX TO LONG SHOT NORMAL

2ANGLE TEACHER JOAN WITH A CLASSROOM BACKGROUND

3Sa pagsusuri ng pelikula, huwag ding kalimutan ang mga tauhan. Nagampanan ba

4nang buong husay ang papel na ginagampanan ng mga tauhan? Nadala ka ba sa

5ipinapakitang emosyon at damdamin? Halimbawa, magagaling ang mga artistang

6gumanap na sina Cristine Reyes, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Aga Muhlach at ama

7nilang si Manuel. Talagang di-matatawaran ang husay nila sa pag-arte. Nagampanan

8nilang lubos ang kanilang papel lalo na sa pagpapakita ng emosyon sa bawat eksena.

9TEXT OVERLAY “MGA TAUHAN”, NAGAMPANAN BA NANG BUONG HUSAY ANG

10PAPEL NA GINAGAMPANAN NG MGA TAUHAN” UPPER SIDE OF THE SCREEN

11UPON SAYING THE MEANING

12FADE OUT SCENE TRANSITION IN FLIP IN BOX TO LONG SHOT NORMAL

13ANGLE TEACHER JOAN WITH A CLASSROOM BACKGROUND

14Batid kong naintindihan mo ang aking inilahad kani-kanina lang. Muli, sa pagsusuri ng

15pelikula mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga sumusunod: paksa/tema, layon,

16gamit ng mga salita, at mga tauhan. TEXT OVERLAY “PAKSA/TEMA”, “LAYON”,

17“GAMIT NG MGA SALITA”, “MGA TAUHAN” UPPER PART OF THE OPEN PALM

18UPON SAYING THE WORD

19FADE OUT SCENE TRANSITION FLIP IN BOX LONG TO MEDIUM SHOT NORMAL

20ANGLE TEACHER JOAN WITH BACKGROUND OF CLASSROOM.

21Ayos! Natapos natin ang pagtalakay sa Suring pelikula! Ngayon ay may ipakikita ako sa

22inyong halimbawa ng isang dokumentaryo mula sa GMA, na “I Witness” by Kara David

23na pinamagatang “Guro sa Minalinga.” TEXT OVERLAY “I WITNESS”, “GURO SA

24MINALINGA” WITH TEACHER JOAN WITH AN OPEN PALM LEFT AND RIGHT.
1P A G E 6 OF 9
2
3
1FADE OUT SCENE TRANSITION FLIP IN BOX LONG TO MEDIUM SHOT NORMAL

2ANGLE TEACHER JOAN WITH BACKGROUND OF CLASSROOM.

3Sa inyong panonood sa dokumentaryong ito, kailangan ninyong tingnan at alamin ang

4paksa/tema, layon, gamit ng mga salita, at mga tauhan para madali nalang para sa inyo

5ang aking ibibigay na gawain pagkatapos. PLAY “I WITNESS ENTITLED ‘GURO SA

6MINALINGA” IN JUST 15 MINUTES

7Anong masasabi ninyo mula sa inyong napanood? Naka-aantig ng damdamin hindi ba?

8Napagtatanto nating may iba palang tao na lubos na pinahahalagahan ang edukasyon.

9Na kayang magsikap, maghirap, magsakripisyo, at magtiis makamit lang ang

10edukasyong ninanais.

11FACE LEFT MEDIUM SHOT NORMAL ANGLE TEACHER JOAN

12Nararapat lamang silang parangalan hindi ba? Lalo na ang mga guro natin sa Minalinga

13na dalawang araw ang binabagtas makarating lang sa paaralan kung saan sila

14nagtuturo. Umulan man at bumagyo, hindi hadlang ang mga ito sa kanila lalo na’t may

15naghihintay sa kanilang mga mag-aaral na pursigidong matuto.

16 FACE RIGHT MEDIUM SHOT NORMAL ANGLE TEACHER JOAN

17Gaya ng sinabi ko na noon, ang edukasyon ay huwag balewalain at ipagsawalang-

18bahala. Habang may pagkakataon, sikapin ninyong matuto dahil ito ang magpapaunlad

19sa inyo.

20FADE OUT SCENE TRANSITION FLIP IN BOX MEDIUM SHOT NORMAL ANGLE

21TEACHER JOAN WITH BACKGROUND OF CLASSROOM.

22Ang inyong napanood ay hindi ang full episode ng dokumentaryo. Kung nais ninyong

23mapanood ang full episode nito ay hanapin lang sa Youtube.com ang “I Witness”

24channel at mapanonood ni’yo roon ang iba’t ibang dokumentaryo. SHOW THE

25PICTURE OF “I WITNESS” ON THE RIGHT SIDE OF THE SCREEN


1P A G E 7 OF 9
2
3
1FADE OUT SCENE TRANSITION FLIP IN BOX MEDIUM SHOT SIDE VIEW ANGLE

2TEACHER JOAN WITH BACKGROUND OF CLASSROOM.

3Batid kong naintindihan mo nang mabuti ang ating tinalakay ngayong araw.

4Mahalagang kaalaman sa araw na ito ang pagsusuri ng pelikula batay sa: paksa/tema,

5layon, gamit ng mga salita, mga tauhan.

6FADE OUT SCENE TRANSITION FLIP IN BOX MEDIUM SHOT SIDE VIEW ANGLE

7TEACHER JOAN WITH BACKGROUND OF CLASSROOM.

8Alam kong gigil kayong gawin ang inyong performance output ngayon. Kung lubusan

9ninyo nang naunawaan ang ating paksa ngayong araw ibibigay ko sa inyo ang ating

10takdang aralin.

11FADE OUT SCENE TRANSITION FLIP IN BOX MEDIUM SHOT SIDE VIEW ANGLE

12TEACHER TJ WITH BACKGROUND OF CLASSROOM.

13Gumawa ng isang suring-pelikula. Suriin ang dokumentaryong ipinanood ko sa inyo

14kanina. Sa inyong pinanood ay alamin kung ano ang paksa/tema, layon, mga salitang

15ginamit, at mga tauhan. Sa inyong pagsusulat, tandaan na sa pagbuo ng talataan, may

16bahagi o hakbanging dapat sinusunod upang maging mabisa ang kabuuan nito. TEXT

17OVERLAY “PAKSA/TEMA”, “LAYON”, “GAMIT NG MGA SALITA”, “MGA

18TAUHAN”, UPPER SIDE OF THE SCREEN UPON SAYING THE WORD

19FACE RIGHT MEDIUM SHOT NORMAL ANGLE TEACHER JOAN

20Narito ang mga sumusunod na hakbangin: una, isulat ang pamagat ng pelikulang

21susuriin; pangalawa, simulan ang talata sa paglalahad ng paksa/tema ng pelikula;

22pangatlo, isulat ang layon ng pelikula sa ikalawang talata; pang-apat, sa ikatlong talata,

23isulat ang mga papuri/puna sa mga tauhang nagsisiganap; panglima, isulat sa ikaapat

24na talata kung ano ang opinyon mo sa kanilang mga salita o dayalogo; at pang-anim, sa

25panghuling talata ay isulat mo ang kaugnayan ng pelikula sa kasalukuyan at aral na


1P A G E 8 OF 9
2
3
1nakuha mo mula rito. Nakuha mo ba ang sinabi ko? TEXT OVERLAY “1. ISULAT ANG

2PAMAGAT NG PELIKULANG SUSURIIN”, “2. SIMULAN ANG TALATA SA

3PAGLALAHAD NG PAKSA/TEMA NG PELIKULA”, “3. ISULAT ANG LAYON NG

4PELIKULA SA IKALAWANG TALATA”, “4. ISULAT SA IKATLONG TALATA ANG

5MGA PAPURI/PUNA SA MGA TAUHANG NAGSISIGANAP”, “5. SA IKAAPAT NA

6TALATA AY ISULAT ANG OPINYON MO SA KANILANG DAYALOGO O MGA

7SALITA”, “6. ISULAT MO SA PANGHULING TALATA ANG KAUGNAYAN NG

8PELIKULA SA KASALUKUYAN AT ARAL NA NAKUHA MO MULA RITO” CENTER

9OF THE SCREEN UPON SAYING THE WORD

10FADE OUT SCENE TRANSITION FLIP IN BOX MEDIUM SHOT SIDE VIEW ANGLE

11TEACHER JOAN WITH BACKGROUND OF CLASSROOM.

12Ako ang inyong gurong pantelebisyon, muli ako si teacher Joan palaging nagpapaalala

13“Sa panahon ngayon ng Covid, hindi mahirap ang matuto basta ikaw ay pursigido!”

14FADE OUT SCENE TRANSITION FLIP IN BOX MEDIUM SHOT SIDE VIEW ANGLE

15TEACHER JOAN WITH BACKGROUND OF CLASSROOM.

16Hanggang sa susunod nating episode sa ating academia network hatid sa inyo ng

17DepEd RX ADOBE. Paalam!

18CBB

19 ---WAKAS---

You might also like