Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

i - ACHIEVERS ACADEMY

Tulay na Bato, Bongabon, Nueva Ecija 3128

LEARNING MODULES IN AP 6
THIRD QUARTER
WEEK 4
NAME: ______________________________ DATE: March 8-13, 2021

LESSON: Ang Pamumuno ni Carlos P. Garcia


LEARNING COMPETENCIES: Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t-ibang administrasyon
sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula
1946-1972.

Si Carlos Polistico Garcia isang Pilipinong makata at politiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng


Pilipinas (18 Marso 1957–30 Disyembre 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete
ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia sa
kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino First").
EKONOMIYA
Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit upang maalis ang
korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na pamilihan at sinikap na pagsiglahin ang
ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang patakarang
"Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang lahat ng mga
imbestor na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong interes sa
mga kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong pagsalalay sa Estados Unidos bilang
guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng bagong orientasyon tungo sa ibang mga bansang Asyano.
Ang mga patakarang ito ay hindi nagustuhan ng mga Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga
katutubong sining pangkultura upang pagtibayin ang pagkakakilanlang pambansa ng mga Pilipino.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados
Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa
kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga
pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado
Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961.

MGA PATAKARAN AT PROGRAMA NG ADMINISTRASYONG GARCIA


 ANG FILIPINO FIRST POLICY- (Patakarang Pilipino Muna) ay isa sa mga pangunahing batas na
ipinatupad ng administrasyon ni Pangulong Garcia. Alinsunod ito sa layunin ng pamahalaan na bigyang
solusyon ang bagsak na ekonomiya ng bansa. Tahasang inadhika ni Pangulong Garcia na mawakasan
ang paghahari ng mga dayuhan sa negosyo, kalakalan, komersiyo, at industriya sa Pilipinas at palayain
ang ekonomiya ng bansa sa matagal na panahong pagkakagapos nito sa ekonomiya ng mga dayuhan
lalong-lalo nan g Amerika. Malinaw na itinatakda ng patakarang ito ang pagbibigay ng prayoridad sa
mga negosyanteng Pilipino kaysa sa mga dayuhang namumuhunan.
 ANG AUSTERITY PROGRAM- binigyang diin ng programang ito ang wasto at matalinong paggasta
sa pondi ng publiko, pagiging masigasig sa trabaho, matipid, mapagkakatiwalaan, at pagkakaroon ng
integridad at katapatan sa tungkulin particular na ang mga kawani ng iba’t-ibang tanggapan at ahensiya
ng pamahalaan.
 ANG BOHLEN-SERRANO AGREEMENT AT PATAKARANG ANTI-COMMUNISM- itinakda
sa kasunduang ito ang pagpapaiksi sa orihinal na 99 na taong pananatili ng mga base military ng mga
Amerikano sa Pilipinas sa 25 na taon na lamang. Ipinagpatuloy rin ang kampanya ng Pilipinas laban sa
komunismo at ano mang uri ng organisasyon at pagkilos na nauugnay sa Anti-Communism. Nilagdaan
ni Pangulong Garcia ang Republic Act No. 1700 noong Hunyo 19,1957 na nagsasabatas sa kampanya ng
pamahalaan na matuldukan ang ano mang pag-iral ng kaisipan, uri, organisasyon, at pagkilos na
nauugnay sa komunismo.
 ANG REPUBLIC CULTURAL AWARDS- alinsunod sa layuning ito, binuhay at itinampok ni
Pangulong Garcia ang kultura at pagkakakilanlang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
parangal at pagkilala sa mga natatanging Pilipinong manunulat, siyentista, historyador, at artista ng
iba’t-ibang uri ng sining.
1961 HALALAN NG PAGKAPANGULO
Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon, si Garcia ay
natalo sa halalan ng pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong si Diosdado Macapagal. Pagkatapos ng
pagkatalo, siya ay nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay hinikayat siya ni Ferdinand Marcos na mamuno
sa isang bagong kumbensiyong konstitusyonal na lilikha ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 ngunit
namatay siya bago pa makuha ang posisyon.
AKTBIDAD 1:
Panuto: Isulat ang salitang “TAMA” sa patlang bago ang bilang kung ang pahayag ay nagsasaad ng
katotohanan. Kung MALI ang pahayag, isulat ang “MALI”, salungguhitan ang termino/ sugnay na nagpapamali
sa pahayag, at isulat ang tamang termino/sugnay sa espasyong inilaan pagkatapos ng pahayag.

_________1. Sa pampanguluhang halalan ng 1961, natalo si Pangulong Garcia kay Diosdado Macapagal na
mula sa kalabang partido na Nationalista Party. _______________________________________.
_________2. Isa sa mga kontrobersiyang ipinukol sa administrasyong Garcia ay ang pagkalugi ng dalawang
korporasyong pag-aari ng pamahalaan- ang Philippine Homesite and Housing Corporation at ang
Philippine Charity Sweepstakes Office.______________________________________________.
_________3. Ninais ng administrasyong Garcia na mabigayng-halaga ng mga Pilipino ang sariling kultura at
pagkakakilanlan bilang Pilipino kung kaya sinimulan nito ang paggawad ng Ramon Magsaysay
Award. _____________________________________________.
_________4. Ipinagpatuloy ng administrasyong Garcia ang kampanya ng Pilipinas laban sa Liberalismo at ano
mang uri ng organisasyon at pagkilos na nauugany rito. ______________________________.
_________5. Ang Bohlen-Serrano Agreement ay naglayong palayain ang politika ng Pilipinas sa pag-
impluwensiya ng mga dayuhan partikular na ng mga Amerikano. _________________________.
_________6. Sa paglalayong mawakasan ang lumalaganap na isyu ng korapsiyon sa pamahalaan, ipinairal ang
administrasyong Garcia ang Filipino First Policy. _____________________________________.
_________7. Pinayagan ang mga dayuhang maglagak ng kanilang capital sa mga negosyo sa Pilipinas ngunit sa
kondisyong 60-40 ratio na pabor sa mga Pilipino. _____________________________________.
_________8. Binago ni Pangulong Garcia ang patakaran ng kalakalang-tingi (retail trade) sa Pilipinas na
lubhang nakaapekto sa mga negosyanteng Hapon sa Pilipinas. ___________________________.
_________9. Ipinatupad ni Pangulong Garcia ang Austerity Program upang mawakasan ang paghahari ng mga
dayuhan sa kalakalan, komersiyo, at industriya sa Pilipinas. _____________________________.
________10. Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Garcia, lumaganap ang kaso ng korapsiyon sa iba’t-ibang
ahensiya ng pamahalaan particular na sa Bureau of Internal Revenue at Government Service
Insurance System. ________________________________________________.

AKTIBIDAD 2:
Isa sa mga hinangaang programa ni Pangulong Garcia ay ang paggawad niya ng Republic Cultural
Awards sa mga natatanging Pilipinong nagtampok at nagbigay-karangalan sa kulturang Pilipino. Gumawa ng
isang poster na nagtatampok ng iyong pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Ibatay ang output sa pamantayan sa
pagbibigay ng marka.

Pamantayan sa Pagmamarka Puntos


Kalidad ng Kaisipang Inilahad 15
Kaangkupan sa Tema 15
Orihinalidad at Pagkamalikhain 10
Mapanghikayat 10
Kabuuang Puntos 50

Inihanda ni:
Jamaica M. Leodones-Valdez, LPT
Guro

You might also like