2q Summ

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 8

SUMMATIVE TEST

Name: Ashanti Cherish M. Hernandez


Grade & Section: GRADE 8 SAPPHIRE (HA)

A. Panuto. Basahin ang mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa guhit.
A 1. Ang pinakamataas na lugar sa mga lungsod-estado kung saan itinayo ng mga Greek ang
kanilang mga temple.
A. Polis B. Acropolis C. Agora D. Pamilihang Bayan
A 2. Tawag sa kasuotang pambahay na hanggang tuhod ng mga kalalakihan Romano.
A. Tunic B. Toga C. Stola D. Palla
D 3. Sila ay may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon.
Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa.
A. Emperador B. Diktador C. Plebian D. Konsul
C 4. Ito ang unang dakilang imperyo sa kanlurang Africa. Matatagpuan ang sentro nito sa
rehiyong tinatawag na Sudan.
A. Imperyong Songhai B. Imperyong Mali C. Imperyong Ghana D. Imperyong Aztec
D 5. Ito ang tawag sa mga bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang
nakatali sa lupang kanilang sinasaka.
A. Mga Pari B. Mga Kabalyero C. Mga Serf D. Mga Bourgeoisie
B 6. Isang amphitheater para sa labanan ng mga gladiator.
A. Basilica B. Colloseum C. Forum D. Aqueduct
D 7. Karagatan kung saan matatagpuan ang mga pulo ng Polynesia, Melanesia at Micronesia.
A. Indian Ocean B. Atlantic Ocean C. Arctic Ocean D. Pacific Ocean
A 8. Isang sistemang politikal at military sa kanlurang Europa noong Gitnang Panahon.
A. Pyudalismo B. Manoryalismo C. Krusada D. Imperyalismo
C 9. Ito ay kasuotang pambahay na hanggang talampakan ng mga babaing Romano
A. Tunic B. Toga C. Stola D. Palla
A 10. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa.
Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas .
A. Twelve Tables B. Stucco C. Aqueduct D. Forum
C 11. Isang maalamat na hari na nagtatag ng Kabihasnang Minoan
A. Remus B. Romulus C. Haring Minos D. Haring Solon
B 12. Ito ay tumutukoy sa lugar bilang sentro ng lungsod.
A. Colloseum B. Forum C. Basilica D. Aqueduct
A 13. Natatangi sila sa sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon
dahil hindi sila maaaring magasawa. Maaaring manggaling sila sa hanay ng maharlika,
manggagawa at mga alipin.
A. Mga Pari B. Mga Kabalyero C. Mga Serf D. Mga Bourgeoisie
C 14. Ito ang guasaling ipinakilala ng mga Romano bilang bulwagan ng nagsisilbing korte at
pinagpupulungan ng Assembly.
A. Colloseum B. Forum C. Basilica D. Aqueduct
A 15. 4. Siya ay nagtatamasa ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul.
A. Diktador B. Emperador C. Plebian D. Konsul

B. Essay

1. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang Minoan at


Mycenean? (5pts)
Isa sa mga pagkakatulad ng kabihasnang Minoan at Mycenean ay pareho
silang matagumpay at makapangyarihan na mga kabihasnan noong kapanahunan.Pareho
nilang napabagsak at nasakop ang Isla ng Crete. Ang kanilang pangunahing industriya rin ay
ang pangangalakal. Sila ay nagbigay daan upang mabuksan ang proseso ng kalakalan sa
buong mundo.

Ang pagkakaiba naman ng dalawang kabihasnan ay mas naunang nanakop sa Isla ng Crete
ang mga Knossos. Knossos ang tawag sa mga tao sa kauna-unahang sibilisasyong Gresya—
ang kabihasnang Minoan. Ang mga tao naman sa kabihasnang Mycenean ay tinawatag na mga
Dorian. Sila ang nakatalo at nakapagpabagsak sa kabihasnang Minoan.
2. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliing tumira, sa
Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang sagot. (5pts)
Kung ako man ay papipiliin na mabuhay sa panahon ng Sinaunang Griyego, mas
pipiliin kong mabuhay sa pangkat ng Athens. Sapagkat ng Anthens ay binigyan ng
pagkakataong mag-aral ang mga kabataan mula pitong taong gulang hanggang marating ang
edad na mayroon na itong kakayahang pisikal upang magsanay maging mandirigma. Sa
ganitong pamumuhay, nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat kabataan na mapahusay ang
angking kagalingan. Samantala sa hukbo ng Sparta ay agad pinapatay ang mga kabataang
nakikitaan ng mahinang pangangatawan o walang kakayahang lumaban. Sa hukbong ito ay
kinakailangan ipinanganak kang malakas upang hindi mamatay.
3. Ano ang pangunahing papel na ginampanam ng Simbahan noong Gitnang Panahon?
Patunayan. (5pts)
Noong Gitnang Panahon, naging mahalaga ang papel na ginampanan ng
Simbahang Katoliko, partikular na sa paraan ng pamumuhay ng maraming mamamayan sa
kontinenteng Europa.
Sinasabing noong taong 1400s, ang simbahan ang pinakamalakas at
pinakamakapangyarihan na institusyon sa kalakhang Europeo.
Ang impluwensiya ng simabahan ay talaga namang napakalawak at napakahalaga.
Nagkaroon ng mga reporma sa mga batas at alituntunin ng mga pamahalaan.
Ang simbahan ang nagbigay daan upang magkaroon ng pansariling kapakanan at
karapatan ang mga mamamayan. Nagbunga ng katiwasayan ang pagsunod sa simbahan. Ang
mga tao ay nagsimulang sumamba sa iisang Diyos at sumunod sa mg autos na ipinagkaloob sa
kanila.

4. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Ipaliwanag. (5pts)


Piyudalismo ang tawag sa sistema kung saan ang mga lupain ay
pinangangasiwaan ng mga tinatawag na panginoong may lupa. Tanging ang mga panginoon
lamang na ito ang may kakayahan mamalakad sa mga lupain. Ang mga ibang uri ng tao,
partikular na ang mga nasa mababang antas sa isang hirarkiya, ay maaari lamang magtrabaho
o maghanap-buhay para sa panginoong may lupa.Wala silang karapatan magmay-ari ng mga
lupain. Kaya naman napakahalaga talaga ng lupa sa sistemang piyudal. Ang lupa ang
nagpapakita ng kapangyarihan ng isang tao.Kung mas maraming lupain ang isang panginoong
may lupa ay tiyak na mas malakas at mas makapangyarihan siya kaysa sa kapwa niya.
5. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon ng Greece sa pag-usbong ng Kabihasnang Greek?
(5pts)
Nagbigay daan ang mga ito upang mapadali ang pagtataguyod ng Kabihasnang
Greek. Naging madali para sa mga karatig na lugar o bansa na makipagkalakal—isang proseso
ng pagpapalitan ng produkto.

Dahil sa mga lupain at karagatan ay nagkaroon ng paraan para pumasok at lumabas sa bansa
ang mga kalakal. Nabigyang pansin rin ang larangan ng agrikultura, pangingisda, at
paglalakbay. Ang mga ito ay nagpaunlad sa kabihasnan at nakilala ang kabihasnang Greek
bilang isa sa mga maunlad na kabihasnan sa Europeo.

You might also like