Batas Republika BLG 11223

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kongreso ng Pilipinas

Kalakhang Maynila

Ika-labing pito na Kongreso

Sinimulan at idinaos sa Kalakhang Maynila, araw ng Lunes, ika-dalawampu't tatlo ng Hulyo, dalawang
libo at labing walo.

Batas Republika Blg. 11223

Isang batas na magtatadhana ng Kalusugan Pangkalahatan para sa lahat ng mga Pilipino, magtatakda ng
mga reporma sa sistemang pangkalusugan at angkop na pondo.

Isinasabatas ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas na sa Kongreso ay nagtitipon:

Kabanata I

Mga Probisyong Preliminaryo

SEKSYON 1. Maikling Pamagat – Ang batas na ito ay kikilalanin bilang “Batas sa Kalusugan
Pangkalahatan".

Sek. 2. Pagpapahayag ng Layunin at Patakaran – Magiging patakaran ng Estado na protektahan at


itaguyod nang tama ang kalusugan ng lahat ng mga Pilipino at mabatid ang kamalayan ng kalusugan sa
kanila. Pagkatapos nito, ang Estado ay dapat pagtibayin ang:

(a) Sama-sama at komprehensibong pagtalakay para matiyak na ang lahat ng mga Pilipino ay
magiging literado pagdating sa kalusugan, mabibigyan ng malusog na kondisyong pamumuhay at
protektado mula sa panganib at peligro na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan;
(b) Isang modelo ng pangangalagang pangkalusugan na naglalayong magbigay ng access sa lahat ng
mga Pilipino ng komprehensibong paglilingkod na dekalidad at sulit, promotive, preventive,
curative, rehabilitative at pagprayoridad ng mga pangangailangan sa mga mamamayang walang
sapat na pambayad sa mga nasabing serbisyo.
(c) Isang balangkas na magtataguyod sa buong sistema, buong pamahalaan at buong lipunan na
magtatalakay sa kalalabasan, pagsasakatuparan, pagkontrol at pagsusuri ng mga patakarang
pangkalusugan, programa at plano; at
(d) Mga taong tinalaga sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan na nakatuon para sa mga
mamamayang nangangailangan ng kaginhawaan at nakababatid sa mga pagkakaiba ng kultura,
asal at pananampalataya.
Sek. 3. Mga Layuning Pangkalahatan – Ang batas na ito ay naghahangad ng:

(a) Progresibong ipauunawa ang Kalusugan Pangkalahatan sa bansa sa pamamagitan ng


sistematikong pagtalakay at malinaw na paglalahad ng mga tungkulin ng mga pangunahing
ahensiya at mga stakeholder tungo sa mas mahusay na pagsasakatuparan sa sistemang
pangkalusugan; at
(b) Matiyak na ang lahat ng mga Pilipino ay mabibigyan ng access sa dekalidad at abot-kayang
serbisyong pangkalusugan at protektado kontra sa mga mahal na gastusin.

Sek. 4. Katuturan ng mga Katawagan – Batay sa mga terminolohiyang ginamit sa batas na ito:

(a) Ang pag-aabuso sa awtoridad ay tumutukoy sa pagtrato nang nakapipinsalang paraan na gawa
ng isang tao na labag sa kung ano ang pinahintulutan ng batas na ito at ng Batas Republika Blg.
7875, mas kilala bilang “Batas ng Pambansang Segurong Pangkalusugan ng 1995”, o katulad ng
kanilang Implementing Rules and Regulation (IRR) at hindi naaayon sa publiko;
(b) Ang amenities ay tumutukoy sa mga tampok ng serbisyong pangkalusugan na magbibigay ng
komportable o ginhawa, katulad ng pribadong tirahan, air conditioning, telepono, telebisyon at
pagpili ng mga pagkain at iba pa;
(c) Ang basic o ward accomodation naman ay tumutukoy sa pagsusuplay ng mga pang-araw-araw
na pagkain, magkahati sa mga kuwarto, bentilador at palikuran
(d) Ang co-insurance ay tumutukoy sa porsyento ng medikal na singil na naibayad ng taong sakop
nito, ang natitira naman sa pinahintulutang halaga ay binabayaran ng Health Insurance Plan;
(e) Ang co-payment naman ay tumutukoy sa tapat na halagang babayaran sa sinasaklawang
serbisyo;
(f) Ang Direct Contributors ay tumutukoy sa mga may kapasidad na makapagbayad, nasa Formal
Sector o may sariling pinagkakakitaan, professional practitioners, mga nagtatrabaho sa ibang
bansa, kabilang na ang qualified dependents nila;
(g) Ang emergency ay tumutukoy sa kondisyon o kalagayan ng isang pasyente na kung saan
nakabase ang resulta ng medikal nito, nasa bingit ng panganib at pagkaaantala ng paunang
suporta at paggamot ay maaaring magresulta ng kamatayan o permanenteng kapansanan sa
pasyente o sa kaso ng pagbubuntis, permanenteng injury o pagkalaglag ng sanggol mula sa
kaniyang sinapupunan o non-institutional delivery;
(h) Ang entitlement ay tumutukoy sa anomang isahan o paketeng serbisyong pangkalusugan na
ibinabahagi sa mga Pilipino na naglalayong mapabuti ang kalusugan;
(i) Ang essential health benefit package ay tumutukoy sa hanay ng individual-based entitlements na
saklaw ng National Health Insurance Program (NHIP), nakapaloob dito ang mga pangunahing
pangangalaga; medisina, diagnostics at pagpapalaboratoryo; at mga serbisyong preventive,
curative at rehabilitative.
(j) Ang fraudulent act ay tumutukoy sa anomang akto ng panloloko o panlilinlang na nagreresulta
ng paghangad ng labis na benepisyo at kalamangan o anomang paraan ng paglihis sa karaniwang
pamamaraan at isinasagawa para lamang sa sariling kapakanan.
(k) Ang health care provider ay tumutukoy sa alinman sa mga sumusunod:
(1) Ang isang medikal na pasilidad, pampubliko o pampribado man ay dapat nakatuon sa
pagtataguyod ng serbisyong pangkalusugan, prevention, diagnosis, treatment,
rehabilitation at pallation ng mga indibidwal na nagdudusa mula sa mga sakit,
malubhang karamdaman, injury o pagkabalda o mga nangangailangan ng obstetrical o
iba pang medikal na pangangalaga;
(2) Ang isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng doktor, nars,
kumadrona, dentista o iba pang kawaning medikal na propesyonal o practicioner ay
nararapat na may lisensya upang makapagsanay sa Pilipinas;
(3) Ang Community-based health care organization ay isang asosasyon ng mga miyembro ng
komunidad na binuo sa layuning mapabuti ang antas ng kalusugan sa partikular na
komunidad; o
(4) Mga pharmacy o botika, laboratoryo at diagnostic clinics.
(l) Ang Health care provider network ay tumutukoy sa grupo ng mga nagbibigay ng pangunahin at
tersiyaryong pangangalaga, mapa-pampubliko o pampribado man, nakasentro sa paglilingkod
nang komprehensibong pagkalinga sa mga tao sa gabay ng primary care provider na nagsisilbing
navigator at coordinator sa pangangasiwa ng kalusugan;
(m) Ang Health Maintenance Organization (HMO) at tumutukoy sa isang klase ng health care
provider na nagbibigay ng benepisyo o sakop na nakadisenyo sa serbisyong pangkalusugan na
kung saan ang mga plan holder o mga miyembro nito ay nagbabayad ng fixed prepaid premium
upang makakuha ng serbisyong pangkalusugan;
(n) Ang Health Technology Assessment (HTA) ay tumutukoy sa sistematikong pagsusuri ng mga
propyedad, epekto o resulta ng mga teknolohiyang nauugnay sa kalusugan, mga aparato,
medisina, bakuna, palakad at lahat ng mga sistemang nauugnay sa kalusugan ay nabuo mula sa
mga kinalabasan, paggugol ng maraming proseso upang suriin ang lipunan, ekonomiya,
organisasyon at etikal na isyu ng teknolohiyang pangkalusugan.
(o) Ang Indirect Contributors ay tumutukoy sa lahat ng mga hindi kabilang sa Direct Contributors
kasama ang qualified dependents nila, kasapi sa miyembro na ito ang mga senior citizens at
persons with disabilities na itinadhana ng mga batas;
(p) Ang individual-based health services ay tumutkoy sa serbisyong maaaring ma-access sa mga
medikal na pasilidad, maaaring limitado sa isa (1) ang nasabing serbisyo upang malimitahan ang
antas ng populasyon;
(q) Ang poopulatio-based health services naman ay tumutukoy sa mga serbisyong pagtataguyod ng
pangkalusugan, pagsubaybay ng mga sakit at vector control na tumatanggap ng pangkatang
populasyon.
(r) Ang primary care ay tumutukoy sa serbisyo ng kawaning medikal na pag-aasikaso, tuloy-tuloy,
komprehensibo at nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan na madaling lapitan sa
anomang oras gaya ng pagpapakonsulta at kakayahang magbigay ng referral sa iba pang medikal
sa pangangalagang pangkalusugan na makapagbibigay ng mas angkop na serbisyo kung
kinakailangan;
(s) Ang primary care provider ay tumutukoy sa mga kawaning medikal na may sapat na kakayahang
medikal at may lisensya o sinertipikahan ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) bilang primary care.
(t) Ang private health insurance ay tumutukoy sa sakoo ng serbisyong pangkalusugan na kung saan
sa pamamagitan ng premium ay ang Health Insurance Plan ang siyang magbabayad ng kaukulang
halaga sa nakatalagang benepisyaryo.
(u) Ang unethical act ay tumutukoy sa anomang aksyon, pakana o plano kontra sa NHIP, katulad ng
pagmamalabis ng mga bayarin, upcasing, pag-aabandona sa mga pasyente o recruitment
practice o anomang aktibidad na salungat sa kodigo ng etika na nakatalaga sa propesyon ng
responsableng tao o iba pang aktibad na kaugnay nito.

Kabanata II
Kalusugan Pangkalahatan (UHC)

Sek. 5. Saklaw ng Populasyon – Ang bawat mamamayang Pilipino ay awtomatikong maibibilang sa NHIP,
kung ito ay matutukoy bilang isang programa.

Sek. 6. Saklaw ng Serbisyo – (a) Ang bawat mamamayang Pilipino ay marapat na agarang pagkalooban
ng karapat dapat at access sa preventive, promotive, curative, rehabilitative at pallative care para sa
medikal, dental, mental at biglaang pangangailangan sa serbisyong pangkalusugan, maihahatid alinman
batay sa populasyon o batay sa indibidwal na serbisyong pangkalusugan. Tinitiyak na ang bawat kalakal
at serbisyo na isasama ay matutukoy sa batas at malinaw na proseso;

(b) Sa loob ng dalawang (2) taong pagiging epektibo ng nasabing batas, nararapat ipatupad ng
PhilHealth ang komprehensibong benepisyo para sa mga outpatient kabilang ang outpatient drug
benefit at biglaang pangangailangan aa serbisyong medikal na naaayon sa rekomendasyon ng Health
Technology Assessment Council (HTAC) Na naipatupad sa ilalim ng Seksyon 34;

(c) Ang DOH at mga yunit ng lokal na pamahalaan (LGU's) ay nararapat na pagsumikapang
makapagbigay ng health care delivery system upang makapagkaloob sa bawat Pilipinong health care
provider na kayang gumanap bilang navigator, coordinator at inisyal at pagpapatuloy sa punto ng
kontrata sa health care delivery systems. Bukod sa mga biglaang pangangailangan o mga seryosong kaso,
ang mas mataas na lebel ng pangangalaga ay kailangang i-ugnay ng mga health care providers;

(d) Ang bawat mamamayang Pilipino ay dapat magparehistro sa pampubliko o pampribadong health
care providers na naaayon sa kanilang pipiliin. Nararapat na ipalaganap ng DOH ang mga patnubay
tungkol sa pangunahing tagapangalaga at ang pagrerehistro ng bawat Pilipino bilang primary care
providers.

Sek. 7. Saklaw Pampinasyal – (a) Ang serbisyong pangkalusugan batay sa populasyon ay nararapat
pondohan ng pamahalaan sa DOH at magbigay ng libreng serbisyo sa mga Pilipino.

Ang pamahalaan ay marapat na suportahan ang LGU's sa pagpondo ng kapital at pagtustos ng


serbisyong pangkalusugan batay sa populasyon.

(b) Ang serbisyong pangkalusugan batay sa indibidwal ay marapat na tustusan sa pamamagitan ng


prepayment mechanisms tulad ng social health insurance, private health insyrance ay plabo ng HMO
para matiyak ang pagtantiya sa gastusing pangkalusugan.

Kabanata III

Programa para sa Pambansang Segurong Pangkalusugan

Sek. 8. Pagiging Kasapi sa Programa – Ang pagiging kasapi sa programa ay mailalahad sa dalawang (2)
uri: Ang direct contributors at indirect contributors na tinalakay sa seksyon 4 ng nasabing batas na ito.
Sek. 9. Karapatan sa mga Benepisyo – Ang bawat miyembro ay karapat dapat para sa health benefit
package sa ilalim ng programa. Hindi kailangan ng PhilHealth Identification Card upang makasagap ng
serbisyong pangkalusugan: Bilang karagdagan, walang kailangang bayaran para sa mga serbisyong
ibinibigay: Karagdagan, ang mga co-payment at co-insurance ng amenities ng pampublikong ospital ay
marapat na isaayos ng DOH o PhilHealth. Panghuli, ang bawat packagr sa PhilHealth ay hindi dapat
mabawasan o magkulang.

Ang PhilHealth ay kailangang magbigay ng karagdagang benepisyo para sa mga direct contributors
kung naaangkop. Kung sakaling hindi makapagbayad ng premium ay hindi nararapat pagbawalang
magtamasa ng benepisyo ng programa. Karagdagan, ang mga empleyado at self-employed direct
contributors ay nararapat na bayaran ang mga namintis na kontribusyon na may interes, pinag-samang
buwanan na may halos tatlong porsyento (3 %) para sa mga empleyado at hindi lalampas sa isa at isa't
kalahating porsyento (1.5%) para sa sariling ipon, professional practicioners at migrant workers.

Sek. 10. Premium na Kontribusyon – Para sa mga direct contributors, ang singil sa premium ay nakaayon
sa mga sumusunod na talaan at buwanang kita para sa minimum at maximum.

Taon Singil sa Premium Minimum na kita Maximum na kita


2019 2.75 % P 10,000.00 P 50,000.00
2020 3.00 % P 10,000.00 P 60,000.00
2021 3.50 % P 10,000.00 P 70,000.00
2022 4.00 % P 10,000.00 P 80,000.00
2023 4.50 % P 10,000.00 P 90,000.00
2024 5.00 % P 10,000.00 P 100,000.00
2025 5.00 % P 10,000.00 P 100,000.00

Para sa mga indirect contributors, ang ppremium subsidy ay nararapat ayusin unti-unti at isama
taon-taon sa General Appropriations Act (GAA). Ang pondo ay ibibigay sa PhilHealth. Bilang karagdagan,
ang DOH, sa pakikipag-ugnayan ng PhilHealth ay maaaring humiling sa kongreso ng nararapat na
pondong karagdagan upang maabot ang milyahe nitong batas. Pinakahuli, sa bawat pagtaas ng singil ng
kontribusyon sa direct contributors at premjum subsidy ng mga indirect contributors, nararapat
magbigay ang PhilHealth ng naaayong dagdag sa mga benepisyo.

Sek. 11. Programa para sa Nakalaang Pondo – Ang Ang PhilHealrh ay nararapat na magtabi ng bahagi ng
naipong kitang hindi kinakailangan para matugunan ang presyo ng paggasta ngayong taon bilang
nakalaang pondo. Ang kabuoang halaga ng nakalaan ay hindi dapat lumagpas sa ceiling equivalent
hanggang sa tantiyang halaga para sa dalawang (2) taong gastusin ng proyekto ng programa. Kapag ang
aktuwal na nakalaan ay lumagpas sa kinakailangang ceiling pagkatapos ng piskal na taon, ang matitira o
sosobra sa nakalaang pondo ng PhilHealth ay gagamitin upang idagdag para sa mga benepisyo ng
programa at upang mabawasan ang halaga ng kontribusyon ng mga miyembro.

Ang anomang bahagi ng nakalaang pondo na hindi nagamit para maitagpo sa mga obligadong
gastusin o suporta sa mga nasabing programa ay nararapat na ilagay sa ipon para kumita ng
pamantayang kita taon-taon sa umiiral na singil ng interes at matukoy bilang Investment Reserve Fund.
Ang Investment Reserve Fund ay nararapat na puhunan ayon sa mga sumusunod:
(a) Interest-bearing bonds, seguridad o anomang ebidensiya ng pagkakautang ng pamahalaan ng
Pilipinas: Kung ang puhunan ay halos limampung porsyento (50 %) nang nakalaang pondo;
(b) Sa mga seguridad ng utang at corporate bonds of prime o solvent corporations na nagawa o
umiiral sa ilalim ng batas ng Pilipinas: Ang issuing o predecessor entity ay hindi nararapat
pumalya sa pagbayad ng interes sa anomang seguridad nito. Bilang karagdagan, mga seguridad
na inilabas ng kompanya na may mataas na paglago na oportunidad at potensyal sa ipon.
Panghuli, ang puhunan ay hindi dapat lumagpas sa tatlumpung porsyento (30 %) ng nakalaang
pondo;
(c) Sa mga deposito na may interes at pautang sa seguridad sa anomang domestikong bangko na
gumagawa ng negosyo sa Pilipinas: Sa kaso ng naturang mga deposito, hindi ito nararapat na
lumampas sa anomang oras ng unimpared capital at sobra o kabuoang mga pribadong deposito
ng depository bank, alinman ang mas maliit: Panghuli, ang bangko ay dapat itinalaga bilang isang
depository para sa hangaring ito ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas;
(d) Sa preferred stocks ng anomang solvent corporation o institusyong ipinatupad o mayroon sa
ilalim ng mga batas ng Pilipinas na nakalista sa palitan ng stock na may napatunayan na talaan o
kakayahang kumita sa huling tatlong (3) taon at pagbabayad ng tubo para sa isang panahon na
hindi bababa sa tatlong (3) taong nakatakdang oras ng pamumuhunan sa naturang preferred
stocks;
(e) Sa mga kawaning stock ng anomang solvent corporation sa kumpanya o institusyong ipinatupad
o mayroon sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas na nakalista sa stock exchange na may mataas na
oportunidad sa paglago at mga potensyal na paglago ng kita;
(f) Sa mga bonds, seguridad, promissory note o iba pang mga katibayan ng pagkakautang sa
accredited at mahusay na pinansyal na mga institusyong medikal na eksklusibo upang tustusan
ang konstruksyon, pagpapabuti at pagpapanatili ng mga ospital at iba pang mga medikal na
pasilidad: Ang naturang mga seguridad at instrumento ay nararapat na ipagkaloob ng Republika
ng Pilipinas o institusyong medikal na nag-iisyu ng seguridad ay kapwa namarkahan na triple ‘A'
ng authorized accredited domestic rating agencies: Panghuli, ang sinabing pamumuhunan ay
hindi lalampas sa sampung porsyento (10 %) ng kabuoang pondo ng nakalaan at;
(g) Sa dept instruments at iba pang seguridad na ipinagkakalakal sa pangalawang merkado na may
parehong instrinsic quality tulad ng naitala sa mga pangungusap (a) hanggang (e) dito, saklaw sa
pag-apruba ang Konseho ng PhilHealth.

Walang bahagi ng nakalaang pondo o kita ang madagdag sa general fund ng pamahalaan o sa
alinmang mga ahensiya nito, kasama ang mga propyedad ng gobyerno o mga punapamahalaang
korporasyon.

Bilang parte ng mga operasyon ng investments, ang PhilHealth ay maaaring kumuha ng mga
institusyon na may lisensya bilang maging external local fund managers sa mga nakalaang pondo na
angkop sa mga pampublikong gusali. Amg fund manager na ito ay nararapat na magsumita sa PhilHealth
ng taunang ulat ukol sa investment performance.

Ang PhilHealth ay nararapat na magtayo ng mga sumusunod na pondo:

(1) Isang pondo na magseseguridad ng mga benepisyo mula sa pay-outs ng mga miyembro bago sila
maging llifetime member;

(2) Isang pondo na magseseguridad ng pay-outs sa mga lifetime member; at


(3) Isang pondo para sa opsyonal na karagdagang benepisyo na nakapailalim sa mga nadadagdag na
kontribusyon.

Ang bawat bahagi ng nasabing mga pondo sa itaas ay nararapat na makilala bilang pangkasalukuyan.
Walang kaukulan ang nasabing mga bahagi bilang parte na isasaalang-alang sa invested assets.

Ang PhilHealth ay nararapat na maglaan ng bahagi ng lahat ng mga kontribusyon sa pondo para sa
mga lifetime member batay sa pagtukoy ng porsyento ng kasalukuyang edad ng mga miyembro at kurba
ng bilang ng mga Pilipinong may sakit.

Ang PhilHealth ay nararapat na pangasiwaan ang karagdagang beneposyong pondo sa minimum


nitong required upang matiyak ang seguridad ng supplemental benefit payments.

Sek. 12. Pampangasiwaang Bayarin – Hindi lalampas sa pito at kalahating porsyento (7.5 %) ng aktuwal
na kabuoan ang nakolekta sa premium na galing sa direct at indirect ccontributor members sa nakalipas
na taon at nararapat na italaga para sa pangangasiwaang bayarin ng pagpapatupad ng programa.

Sek. 13. Mga Pamunuan ng PhilHealth sa Konseho

(a) Ang mga pamunuan ng PhilHealth sa konseho ay tinatag ng labing tatlong (13) miyembro na
binubuo ng mga sumusunod: (1) limang (5) miyembro ng ex officio, pinangalanang: Kalihim ng
Kalusugan, Kalihim ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan, Kalihim ng Badyet at
Pamamahala, Kalihim ng Pananalapi, Kalihim ng Paggawa at Empleyo; (2) tatlong (3) miyembro
ng ekspert panel na magpapadalubhasa sa pampublikong kalusugan, ekonomiyang
pangkalusugan; at limang (5) miyembro ng sektoral panel, kumakatawan sa direct ccontributors,
indirect contributors, grupo ng mga empleyado, mga kawaning medikal na inindorso ng kanilang
asosasyon ng institusyong pangangalaga ng kalusugan at mga propesyonal sa pangangalagang
pangkalusugan at kinatawan ng mga Lokal na Punong Ehekutibo na inindorso ng Liga ng mga
Lalawigan sa Pilipinas, Liga ng mga Lungsod sa Pilipinas at Liga ng mga Munisipalidad sa Pilipinas:
Na dapat magtaglay ng kahit na isang (1) miyembro ng ekspert panel at dalawang (2) miyembro
ng sektoral panel na babae.

Ang isang miyembro ng sektoral at ekspert panel ay nararapat na isang mamamayang Pilipino at may
mabuting katangian ng moralidad.

Ang isang miyembro ng ekspert panel ay nararapat na:

(i) May karangalan, malayang nakagagawa at propesyonal pagdating sa publiko, pamayanan o


serbisyong akademiko;

(ii) May masigasig na kasanayan sa kanilang propesyon na may pitong (7) taon; at

(iii) Hindi nahirang sa loob ng isang (1) taon matapos matalo sa nagdaang halalan, mapa-regular
oospecial man.

Ang isang Kalihim ng Kalusugan ay nararapat na ex officio non voting Chairperson of the Board.

Ang lahat ng mga miyembrong nahirang sa konseho ay nararapat na sumailalim na magsanay sa


health care financing health systems, costing health services at HTA bago magsimula ang kanilang
panunungkulan. Ang mga hindi sasailalim ay tatanggalin.
Sa loob ng tatlumpung (30) araw ng pagpapatupad ng batas na ito, ang Government Commission for
Government-owned o mga pinapamahalaang kooperasyon (GCG) ay nararapat na umayon sa mga
probisyon ng Batas Republika Blg. 10149, ipahayag ang nominasyon at proseso ng pagpili para sa mga
hinirang na miyembro ng konseho na may malinaw na hanay ng mga kwalipikasyon, mga kredensyal at
rekomendasyon mula sa kinauukulang sektor.

Sek. 14. Pamgulo at Punong Ehekutibong Opisyal (CEO) ng PhilHealth -sa rekomendasyon ng konseho,
ang Pangulo ng Pilipinas ay nararapat na hirangin ang Pangulo at CEO ng PhilHealth mula sa Board's non-
ex officio members; Sa kasunduan, hindi maaaring marekomenda ng konseho ang Pangulo at CEO ng
PhilHealth maliban na lamang kung ang kasapi ay isang mamamayang Pilipino at mayroomg pitong (7)
taon ng karanasan sa larangan ng pampublikong pangkalusugan o kombinasyon ng alinman sa mga
kadalubhasaang ito

Sek. 15. Ang mga Tauhan ng PhilHealtg bilang Pampublikong Kawaning Medikal – Ang lahat ng mga
tauhan ng PhilHealth ay nararapat na uriin bilang pampublikong kawaning medikal alinsunod sa angkop
na probisyon sa ilalim ng Batas Republika Blg 7305, o mas kilala bilang Magna Carta of Public Health
Workers.

Sek. 16. Mga Karagdagang Lakas at Tungkulin ng PhilHealth – (a) Para ayusin ang makatuwirang
kabayaran, sustento at mga iba pang benepisyo ng lahat ng mga posisyon kabilang ang Presidente at
CEO nito, batay sa komprehensibong pagsusuri sa trabaho at rebisa ng aktuwal na mga tungkulin at
responsibilidad sa pag-apruba ng Pangulo ng Pilipinas. Ang planong kabayaran ay nararapat na
maihalintulad sa government social security institute at nararapat din na pana-panahong nasusuri ng
konseho na hindi hihigit sa isang beses bawat apat (4) na taon nang walang pinsala sa merit reviews o
pagtaas batay sa produktibo at kahusayan;

(b) Para maitatag ang istrukturang pang-organisasyon at staffing pattern ng PhilHealth na sentral at
rehiyonal na mga opisyales na sasaklaw aa mga lalawigan, lungsod, distrito, kabilang ang mga ibang
bansa, kailanman at saan man ito pakikinabangan, kakailanganan at maisasagawa at para masiyasat o
maging dahilan ng pagsisiyasat nang pana-panahon tulad ng sa mga tanggapan, saklaw sa pag-apruba ng
konseho;

(c) Para mapanatili ang pondong nakalaan na nabuo sa mga kontribusyon na parehong gawa ng
PhilHealth at mga opisyales nito at mga empleyado at mga kinita doon, para sa kabayaran ng mga
benepisyo o ng sumusustento sa kanila o mga tagapagmana sa ilalim ng naturang mga tuntunin at
kundisyon na inatas ng konseho, saklaw sa pag-apruba ng Pangulo ng Pilipinas; at

(d) Para pagtibayin o aprubahan ang taunan at karagdagang badhet sa resibo at paggasta kabilang
ang mga sahod, sustento at maagang pagretiro ng mga tauhan ng PhilHealth at pahintulutan ang kapital
at operating expenditures at pagbibigay kung kinakailangan at angkop para sa mabisang pamamahala at
operasyon ng PhilHealth: Ito ay nararapat na saklaw sa nakasaad sa mga limitasyon sa badget sa ilalim
ng Seksyon 12 ukol dito: Bilang kqragdagan, ang pagsumite ng corporate budget ay sa Kagawaran ng
Badget at Pamamahala (DBM) ay nararapat na layuning impormasyon lamang.

Kabanata IV

Paghahatid ng Serbisyong Pangkalusugan


Sek. 17. Serbisyong Pangkalusugan batay sa Populasyon – Ang DOH ay nararapat na magsumikap na
makakontrata sa buong lalawigan at buong lungsod ng sistemang pangkalusugan para sa paghahatid ng
serbisyong pangkalusugan batay sa populasyon. Ang buong lalawigan at buong lungsod ay nararapat na
magkaroon ng mga sumusunod:

(a) Primary care provider network na may talaan ng mga pasyente na na-a-access sa buong
sistemang pangkalusugan;
(b) Wasto, sensitibo at napapanahong epidemiologic surveillance systems; at
(c) Maagap at epektibong mga programa ng pagtataguyod ng kalusugan o mga kompanya.

Sek. 18. Serbisyong Pangkalusugan batay sa Indibidwal (a) Ang PhilHealth ay nararapat na magsumikap
ba makakontrata ng publiko, pribado o mixed health provider networks para sa paghahatid ng
serbisyong pangkalusugan batay sa indibidwal: Ang pag-access ng miyembro sa serbisyo ay hindi saklaw:
Bilang karagdagan, ang network na ito ay sumang-ayon sa serbisyong dekalidad, co-payment, co-
insurance at mga pamantayan ng mga datos: Karagdagan, sa panahon ng paglipat, ang PhilHealth at
DOH ay nararapat na gawing insentibo ang health care providers na bumubuo ng networks: Panghuli,
ang apex o end-referral hospitals ay tinukoy ng DOH ay maaaring kontratahin bilang stand-alone health
care providers ng PhilHealth.

(b) Ang PhilHealth ay nararapat na pagsumikapang baguhin ang pagbabayad sa providers gamit ang
performance-driven, close-end, prospective payments batay sa sakit at diagnosis related
groupings at validated costing methodologies at walang pagkakaiba-iba ng pasilidad at bayad sa
propesyonal, pagbuo ng pagkakaiba-iba sa pamamaraan ng pagbabayad na magbibigay
konsiderasyon sa dekalidad na serbisyo, kahusayan at katarungan at magkaroon ng matibay na
pagmamatyag at mekanismo sa pagtutuos uoang masiguro ang network, pagsunod sa
obligasyob ng kontraktwal.

Kabanata V
Organisasyon ng Lokal na Sistemang Pangkalusugan

Sek. 19. Pagbubuo ng Lokal na Sistemang Pangkalusugan tungo sa Sistemang Pangkalusugan sa buong
Lalawigan at buong Lungsod – Ang DOH, DILG, PhilHealth at Lokal na Pamahalaan ay nararapat na
magsikap upang bumuo ng sistemang pangkalusugan sa buong lalawigan at buong lungsod. Ang mga
konseho ng lalawigan at lungsod ay nararapat pangasiwaan at makipag-ugnayan sa pagbubuo ng
serbisyong pangkalusugan para sa sistemang pangkalusugan sa buong lalawigan at buong lungsod na
binubuo ng munisipalidad at component city health systems at ang sistemang pangkalusugan sa buong
lungsod na urbanisado at independent component cities. Ang konseho ng lalawigan at lungsod ay
nararapat magsaayos ng espesyal na pondo para sa pangkalusugan na tinalakay sa Seksyon 20 nitong
batas at nararapat na magpaganap ng administratibo at teknikal na pangangasiwa sa pangkalusugang
pasilidad at mapagkukunan ng tao sa pangkalusugan na nakapaloob sa nasasakupan ng kanilang
teritoryo, ang munisipalidad at lungsod na kasama sa sistemang pangkalusugan sa buong lalawigan at
buong lungsod ay dapat mabigyang titulo sa pagrerepresenta sa konseho ng lalawigan at lungsod, ano
man ang magiging kaso.

Sek. 20. Espesyal na Pondo para sa Pangkalusugan – Ang sistema ng pangkalusugan para sa buong
lalawigan at buong lungsod ay dapat pamahalaan at pangasiwaan sa pamamagitan ng espesyal na pondo
para sa pangkalusugan, ang lahat ng mapagkukunan para sa serbisyong pangkalusugan ay tutustusan
ang serbisyong pangkalusugan batay sa populasyon at batay sa indibidwal, health system operating
costs, pamumuhunan sa kapital at bayad sa karagdagang kawaning medikal at insentibo para sa mga
kawaning medikal. Karagdagan, kung ang DOH, sa pakikipag-ugnayan ng DBM at LGU's ay dapat
magpatupad ng pamantayansa paggamit ng espesyal na pondo para sa pangkalusugan.

Sek.21. Income Derived from PhilHealth Payments – Ang lahat ng kitang nagmula sa bayarin ng
PhikHealth ay kailangang maidagdag sa espesyal na pondo para sa pangkalusugan na ilalaan ng LGU's
para sa ikabubuti ng sistemang pangkalusugan ng LGU's. Ang bayarin ng PhilHealth ay ililista sa regular
na kita ng pamahalaan taon-taon.

Sek. 22. Insentibo para sa Umuunlad na Kompitensiyang Sistema ng Paghahat8d Serbisyo sa


Pampublikong Pangkalusugan – Ang pamahalaan ay nararapat na gumawa ng magagamit na katapat ng
pinansyal at hindi pinansyal na pagtutugma ng mga gawad, kabilang na paggasta sa kapital,
mapagkukunan ng tao para sa kalusugan at kagamitan para sa kalusugan, upang mapabuti ang
pagpapaandar sa sistemang pangkalusugan ng buong lalawigan at buong lungsod. Ang mga kulang sa
serbisyo at hindi nabigyan ng serbisyo ay nararapat bigyang prayoridad sa pagkuha ng mga gawad.
Narararapat na amg mga gawad ay naaayon sa aprubadong plano sa pamumuhunan ng pangkalusugan
sa buong lalawigan at buong lungsod na kung saan ay nararapat na pakinabangan para sa
pagkukumpleto ng pampubliko at pampribadong health care providers at pampribadong health sector
investments.

Sek. 23. National Health Human Resource Master Plan – Ang DOG, sa pakikipag-ugnayan ng stakeholder,
ay nararapat na matiyak ang pormulasyon at implementasyon ng National health human resource plan
na makapagbibigay ng mga patakaraan at diskarte para sa naaangkop na henerasyon, pangangalap,
muking pagsasanay, regulasyon, pagpapanatili at reassessment ng kawaning medikal batay sa
pangangailangang pangkalusugan at populasyon.

Para matiyak ang tuloy-tuloy na probisyon ng mga programa at serbisyong pangkalusugan, ang lahat
ng mga propesyonal sa pangkalusugan at kawaning medikal ay nararapat na pagkalooban ng
permanenteng trabaho at mataas na sahod.

Sek. 24. National Health Workforce Support System – Ang National Health Workforce (NHW) Suppirt
System ay binuo upang sumuporta sa lokal na pampublikong sistema ng pangkalusugan para tugunan
ang kanilang mga pangangailangan: Ang pagpapalawak sa Geographically Isolated and Disadvantaged
Areas (GIDA's) ay nararapat na unahin.

Sek. 25. Iskolarsip at Programang Pagsasanay – (a) Ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED),
Technical Education, and Skills Development Authority (TESDA), Komisyon sa Regulasyon ng mga
Propesyon (PRC) at ang DOH ay nararapat na magbuo nat magplano sa pagpapalawig ng mga
kasalukuyan at bagong kapanalig at mga degree na nauugnay sa pangkalusugan at mga programang
pagsasanay kabilang na ang community-based health care workers at pangasiwaan ang bilang ng mga
nagpatala sa bawat programa batay sa pangangailangang pangkalusugan ng populasyon lalo na ang mga
nasa lugar na hindi nasasaklawan ng serbisyo;

(b) Ang CHED at ang DOH ay nararapat na palawakin ang paggawad ng iskolarsip sa mga kapanalig at
undergraduate at graduate na mga programa na nauugnay sa pangkalusugan: Amg iskolarsip ay
ibabatay sa pangangailangang kadre ng national at local health managers at mga propesyonal sa
pangkalusugan. Bilang karagdagan, ang iskolarsip sa mga bona fide na residente na hindi
naseserbisyohan o mga lugar na hindi naaabot ng serbisyi ay nararapat na unahin;

(c) Ang PRC at ang DOH, sa pakikipag-ugnayan ng mga nakarehistrong medikal at allied health
professional societies ay nararapat na magtakda ng pagpapatala ng medikal at mga kapanalig na
propesyonal sa pangkalusugan, bukod pa sa bilang ng kanilang pangkasalukuyang practicioners at
lokasyon ng pagsasanay;

(d) Ang CHED, PRC at DOH, sa pakikipag-ugnayan ng mga nakarehistrong medikal at allied
professional societies ay nararapat na magbatid sa mga medikal at allied medical professional education
at health professional certification and regulation tungo sa paghubog ng mga kawaning medikal na may
kakayahan sa pangunahing serbisyong pangkalusugan.

Sek. 26. Kasunduan sa Pagbabalik Serbisyo – Ang lahat ng mga nagsipagtapos ng kursong may kaugnay
sa pangkalusugan na nasa ilalim ng government-fund scholarship programs ay nararapat na maglingkod
bilang pampublikong sektor sa prayoridad na kugar sa loob ng tatlong (3) buong taon, mat makukuhang
kabayaran at sasailalim sa pangangasiwa ng DOG: Bilang karagdagan, ang sinomang nagnanais na
maglingkod pa ng karagdagang dalawang (2) taon ay nararapat na mabigyan ng karagdagang insentibo
mula sa DOH: Bilang karagdagan, ang mga nagsipagtapos ng kursong may kaugnay sa pangkalusugan
mula sa mga estadong unibersidad at kolehiyo at pribadong paaralan ay nararapat na hikayatain na
maglingkod aa mga nasabing lugar.

Ang DOH ay nararapat na makipag-ugnayan sa CHED at PRC para sa epektibong pagpapatupad ng


seksyong ito kabilang ang mga pagtatatag ng mga alituntunin sa mga hindi sumusunod.

Kabanata VII

Regulasyon

Sek. 27. Kaligtasan at Dekalidad – (a) Ang PhilHealth ay nararapat na magtatag ng markang sistema sa
ilalim ng insentibong iskema bilang pasasalamat at pabuya sa mga medikal na pasilidad na naglalaan ng
maayos na kalidad ng serbisyo, mahusay at pagkamakatao, ang PhilHealth ay nararapat na kilatisin ang
third party accreditation mechanisms at maaaring gamitin ito bilang batayan para sa paggawa ng mga
insentibo.

(b) Ang DOH ay nararapat na naglunsad ng sistema ng paglilisensya at regulasyon para sa mga stand-
alone health facilities, kabilang ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan.

(c) Ang DOH ay nararapat na magtakda ng mga pamantayan para sa klinikang pangangalaga sa
paraang pag-unlad, pag-susuri at paggamit ng mga patnubay na klinikal na pangkasanayan sa pakikipag-
ugnayan ng professional societies at ng akademya.

Sek. 28. Abot-Kaya – (a) Ang mga health care provider ng DOH ay nararapat na kumuha ng mga gamot at
aparato na may patnubay ng pprice-reference indices, alinsunod sa mga negosasyong presyo, ipagbilu
ang mga ito nang naaayon sa iniresta at isumite sa DOG ang listahan ng presyo ng lahat ng nga gamot at
aparatong nakuha at naibenta ng health care provider.

You might also like