Professional Documents
Culture Documents
Reading Comprehension Pre Test
Reading Comprehension Pre Test
11. The phrase “getting cross “in the last paragraph means
a. being satisfied
b. being convinced
c. being irritated
d. being jealous
12. The characters’ tone express that they are...
a. in agreement
b. arguing
c. consoling one another
d. trying to come up with a single answer
Sipi mula sa “Isang Dipang Langit”
ni Amado V. Hernandez
1
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
5
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
9
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
13
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
17
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
13. Ano ang kahulugan ng salitang marupok sa linya 3?
a. madaling masira
b. delikado
c. mahina
d. sugatan
14.Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang hindi ipinahahayag ng
ikalawang saknong?
a. Hindi madali ang manatili sa loob ng piitan.
b. Mahigpit ang pagbabantay sa kanya sa kulungan.
c. Wala na siyang anumang kaugnayan sa mundo sa labas ng kulungan.
d. Siya ay mamamatay na.
15. Ang linyang “Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod” ay isang
halimbawa ng
a. Pag-uulit
b. Panghihimig
c. Pagwawangis
d. Pagtutulad
16. Mahihinuha mula sa tono ng tula na
a. Nais niyang tumakas
b. Kinatatakutan niya ang bantay
c. Batbat ng hirap at pagdurusa ang karanasan sa loob ng piitan
d. Nais na niyang wakasan ang kanyang buhay
Sipi mula sa akda ni Kristine V. Romero
Napakahalagang hakbang sa pagpapakilala sa mga mag-aaral sa Filipino
bilang disiplina ang pagpapatatag ng kanilang kaalaman at kasanayan sa
pananaliksik na kakailanganin nang lubos sa kanilang pagtuntong sa
kolehiyo at sa larangang propesyunal. Sa mga kasanayang inilatag sa
tsart ng "Pag-aantas ng mga Kasanayan sa Filipino," ipinakikita na
"kailangang" matutuhan at mabatid na ng mag-aaral sa Baitang 8 ang
mga batayang salik na bumubuo sa pananaliksik. Ilan sa mga ito ang
iba't ibang anyo ng pananaliksik (etnograpiko, historiko, tekstuwal,
pansining, at kultural); bahagi ng papel-pananaliksik; pagbuo ng
abstrak; etikal at legal na proseso ng pagtitipon at pagbabahagi ng
impormasyon; kahalagahan ng pananaliksik; iba't ibang anyo ng
sanggunian; pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon; at
marami pang mga kaugnay na elemento at kasanayan. Kung susuriin
nang mabuti, nasisimulan na ang pagpapasok ng mga kasanayang
kaugnay ng pananaliksik sa mababang baitang pa lamang tulad ng
simpleng paghahanap ng kahulugan ng salita sa diksyunaryo;
pagtatala ng impormasyong hango sa radyo, telebisyon, o diyaryo; mga
detalye sa survey; mga pahayag mula sa pakikipanayam; o kahit batay sa
sariling obserbasyon sa mga sari-saring bagay. Papaitaas ang usad ng
mga kasanayan sa pananaliksik na kailangang gawin at mapanatili upang
makabuo ng higit na pagpapahalaga at pag-unawa ang mga mag-aaral sa
pananaliksik bilang dinamikong proseso ng pagbatid sa mga
impormasyon, pag-unawa sa tiyak na konteksto niyon, pagsusuri ng
kondisyong inilalatag ng realidad, at pagtuklas din ng mga alternatibong
kaalaman.
17. Ano ang pangunahing diwa ng seleksyon?
a. Ang kahalagahan ng pananaliksik sa Filipino
b. Ang pagkatuto sa mga batayang salik sa pananaliksik
c. Ang kahalagahan ng mga batayang salik sa pananaliksik
d. Ang proseso ng pananaliksik sa Filipino
18.Bakit mahalaga na matutunan ang pagpapatatag sa kaalaman at
kasanayan sa pananaliksik sa Filipino?
a. Magagamit ito sa mababang baitang.
b. Magagamit ito sa kolehiyo.
c. Magagamit rin ito sa mga larangang propesyunal.
d. Magagamit ito sa kolehiyo at sa larangang propesyunal.
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga nabanggit na
batayang salik ng pananaliksik?
a. Iba’t ibang anyo ng pananaliksik
b. Pagbuo ng abstrak
c. Pag-interbyu ng mga respondent
d. Mga proseso ng pagtitipon at pagbabahagi ng impormasyon
20. Kailan nagsisimula ang pagkatuto ng mga bagay na kaugnay sa
kasanayan sa pananaliksik?
a. Sa kolehiyo
b. Pagkatapos ng Baitang 8
c. Sa Baitang 8
d. Sa mababang baitang