EsP 8-Q3-Module 7

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pasasalamat sa Ipinamalas na Kabutihan ng


Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jezreel M. Caranguian
Editor: Irma C. Angkiangco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC, PhD, Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC- Office of the Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa Pagpapakatao
8

Ikatlong Markahan
Modyul 7
Pasasalamat sa Ipinamalas na
Kabutihan ng Kapwa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pasasalamat sa
Ipinamalas na Kabutihan ng Kapwa!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul


sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pasasalamat sa Ipinamalas na
Kabutihan ng Kapwa!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makympleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUBOK
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Naisasagawa ang mga angkop na kilos at pasasalamat sa kapwa.

MGA LAYUNIN

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

A. natutukoy ang kahulugan ng pasasalamat;

B. nabibigyang-halaga ang pagiging mapagpasalamat; at

C. nakabubuo ng paraan kung paano maipapakita ang pasasalamat sa


bawat miyembro sa loob ng tahanan.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng puso (♥ )kung ang tinutukoy ng
pahayag ay iyong ginagawa.

Mga Pahayag Ginagawa


1. Pagpapasalamat sa mga guwardiya na nagbubukas ng pinto sa
mall.

2. Pagpapadala ng liham-pasasalamat sa mga tao na gumawa ng


kabutihan.

3. Pagbibigay ng munting regalo sa mga kaibigan.

4. Pagbigay ng simpleng yakap sa iyong mga magulang.

5. Paggawa ng mabuting bagay sa iyong kapwa na walang hinihinging


kapalit.
BALIK-ARAL
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat sa patlang kung ang ito ay MABUTI
gawin upang isabuhay ang pasasalamat at HINDI MABUTI kung hindi.

_______________1. Pinapakita ni Erika ang kanyang pagmamahal sa kanyang


magulang sa pagtulong sa gawaing bahay.

_______________2. Madalas makipag-away si Paolo sa kanyang kapatid.

_______________3. Masaya ang pamilya Mendoza sa munting salo-salo na inihanda


para sa kaarawan ni Joana.

_______________4. Sama-samang nagdadasal ang pamilya Madrigal upang


magpasalamat sa pag iingat ng Diyos sa kanilang buong pamilya.

_______________5. Madalas magbigay ng tip si Martin sa mga waiter na masipag na


nagtatrabaho.

ARALIN

Pasasalamat sa Ipinamalas na Kabutihan ng Kapwa

Ngayong panahon ng pandemya maraming


nagpakita ng mabubuting gawa sa kanilang
kapwa. Nandyan ang pag-aabot ng tulong sa
mga pamilya na naapektuhan ng community
quarantine at marami pang iba. Isa ang
pamilya na ito na nabiyayaan ng grocery, ng
isang non-profit organization na naglalayong
makatulong sa mga kababayan nila na
naapektuhan ng malawakang quarantine. Makikita sa pamilya ang abot langit na
ngiti sa natanggap na pagpapala. Mayroon ba kayong kilalang tao na nagpakita ng
kabutihan sa kanilang kapwa ngayong panahon ng pandemya? Maari mo silang
alalahanin at iabot ang iyong pasasalamat sa kanila.
Ang pasasalamat ay ang pagkilala sa mga biyayang natanggap at bukal na
pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihan. Ang pasasalamat
sa salitang Ingles ay gratitude, na nagmula sa salitang Latin na gratus (nakalulugod),
gratia (pagtatangi o kabutihan) at gratis (libre o walang bayad).
Ang salitang "salamat" ay tumutukoy sa pagpapahayag ng ating damdamin na kung
saan nagbibigay pugay tayo o pinahahalagahan natin ang kung ano man ang
natanggap natin. Marahil hindi lahat ng tao ay madalas nagsasabi nito ngunit
naniniwala ako na ang bawat isa saatin ay may kanya kanyang paraan upang
ipamalas ang pagpapasalamat sa mga tao na tumulong sa atin.

Itala sa loob ng kahon ang iba’t-ibang paraan na nagpapakita ng pasasalamat sa


ginawang kabutihan ng kapwa.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang sumusunod na tungkulin. Lagyan ng tsek (✔) kung ikaw ay
sang-ayon sa mga ito at isulat ang maaaring bunga nito sa inilaan na kolum.

Pangalan: Pangalan:

Naitulong sa kapwa ngayong pandemya: Naitulong sa kapwa ngayong pandemya:

Mensahe: Mensahe:
Mga Tungkulin ✔ Bunga

1. Mahalin, igalang, at sundin ang


magulang upang mapatatag ang
pamilya.

2. Pag-aalaga sa kapamilya na may


kapansanan at pagpapakita na sila ay
mahalaga.

3. Igalang, hindi lamang ang matatanda


bagkus lahat ng miyembro na nasa loob
ng tahanan.

4. Pinapahalagahan ang nararamdaman


ng mga taong kasama sa loob ng
tahanan.

5. Tumutulong sa gawaing bahay na


walang hinihinging kapalit.

Mga Gabay na Tanong:

1. Balikan ang iyong gawa, ilan ang tsek na iyong natala?

________________________________________________________________________________

2. Sa iyong pagsang-ayon, maipapakita ba ng mga gawaing ito ang pasasalamat sa


bawat miyembro sa loob ng tahanan?

________________________________________________________________________________

Pagsasanay 2.

Punan ang tsart sa ibaba. Sa unang hanay, isulat ang iyong pananawa tungkol sa
taong MAPAGPASALAMAT. Sa iyong palagay, ano-ano ang kanyang mga katangian.
Punan naman ang ikalawang hanay ng iyong pananaw tungkol sa taong HINDI
MAPAGPASALAMAT. Ano-ano naman ang katangian ng taong hindi
mapagpasalamat.
Pananaw sa mga Taong Pananaw sa mga Taong Hindi
Mapagpasalamat Mapagpasalamat

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Pagsasanay 3

Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag.

“Pinagkalooban ka ng Diyos ng Ang taong hindi nalulungkot dahil


86,400 na Segundo sa araw na ito. sa mga bagay na wala sa kanya
Isang segundo ba rito ay ginamit bagkus ay nagagalak dahil sa mga
mo upang magpasalamat?” – bagay na mayroon siya ay tunay na
William A. Ward matalino.–Epictetus

Sagutin batay sa binasang mga pahayag.

1. Batay sa inyong naging pagsusuri ng mga pahayag. Ano ang kahulugan ng


pagpapasalamat? Ipaliwanag.

___________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang pasasalamat?

___________________________________________________________
PAGLALAHAT
Ano ang mahalagang konseptong iyong natutuhan mula sa araling
“Pasasalamat sa Ipinamalas na Kabutihan ng Kapwa”
Sumulat ng tatlong salita sa bawat kahon na tumutugon sa iyong natutuhan sa
modyul na ito.

PAGPAPAHALAGA
Mga Hakbang tungo sa Pagpapahalaga:

Ako

Ano ang gagawin mo sa araw-araw upang lalo pang maging mapagpasalamat?

______________________________________________________________
Para sa Kapwa

Mag-isip ng isang kaibigang maari mong mabahaginan ng iyong mga natutunan sa


araling ito. Isulat ang iyong ibabahagi sa kanya.

______________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan:

_______1. Ang _________________ ay pagkilala sa mga biyayang natanggap at bukal


na pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihan.

a. Pasasalamat c. Pagmamahal

b. Pagtutulungan d. Pagbibigay

_______2. Ang pasasalamat sa salitang Ingles ay ____________.

a. gratitude c. patience

b. love d. kindness

_______3. Salitang Latin na __________ (nakalulugod).

a. gratus c. gratis

b. gratia d. gramo

_______4. Salitang Latin na __________ (pagtatangi o kabutihan).

a. gratia c. kabutihang panlahat

b. gratus d. gratis

_______5. Salitang Latin na __________ (libre o walang bayad).

a. gratis c. gratitude

b. gratus d. gratia
SUSI SA PAGWAWASTO

Sagot sa Balik-aral

3. MABUTI

5. MABUTI 2. HINDI MABUTI


4. MABUTI 1. MABUTI

Sagot sa Panapos na Pagsusulit

5. a 4. a 3. a 2. A 1. a

Sanggunian
A. Aklat

Calsado, Ric, Jade Diaz, Dolores Quiambao, and Veronica Ramirez. 2016. Good
Character Matters. Quezon City: Vibal Group, Inc.
Guzman, Carmelita E. De, Elsie G. Celeste, and Marivic R. Leano. 2019.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8. Manila: Vicarish Publications and
Trading Inc.
Del Rosario, Guevarra, Alonzo, and Cruz. 2015. Daloy. Pasig City: ICI Ministries-
Foundation, Inc.

B. Pampamahalaang Publikasyon

Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Pasig City: FEP


Printing Corporation.

You might also like