Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 38

One Bad Move (Memo Clarkson's Story)

One Bad Move (Memo Clarkson's Story)

written by HaveYouSeenThisGirL (Denny)

He made her feel special.

She is broken. He is empty.

She is gullible. He is nobody's fool.

She's confused. He's playing with her head.

She's hurt and he's too cruel.

Let's play a game.

Do you know what's the most complicated and hurtful game?

The one which you play with human feelings, sacrificing hearts, lives and yourself.

He's the master, she's the piece and they are the enemies.

Foes. Opponents. Who are the real enemies? Is it you? Or is it me?

"Memo Clarkson killed me."

One day Aria Ly receives a secret note. She knows how cruel and heartless Memo
Clarkson is but she also knows that he couldn't and wouldn't kill a person. He
plays with people's lives but she's 99.9% sure that he has never killed anyone...
yet.

"Memo Clarkson killed me.

You know me, too."

Someone keeps on sending her those notes, with continuations of the previous ones.
It's like a guessing game: Guess who I am. Guess if Memo Clarkson is really a
murderer. Guess who is going to be killed next.
She wants to think that it is just a prank but unfortunately, it is not. It's a
real game where in every note delivered, someone dies. And it will continue until
she finds the sender, the killer, the opponent and beat him. She must solve the
puzzle before the game is over.

-♥-♥-♥-

Denny's note:

TAGLISH story ito promise! HAHAHA, sorry pure english ang prologue. Sorry din if
ever may maling grammar, paki-tama na lang po ako. Salamat! :)

And yes, finally, ito na ang matagal niyo ng kinukulit sa akin, ang story ni Memo
Clarkson. Haha! Sabi ko I wanted to publish it sa 2014 pero magtu-2014 na hindi ko
pa rin natatapos isulat, ilang beses na kasi akong paulit ulit at pabago bago ng
draft, sobrang complicated isulat ng story ni Memo knowing pa na sobrang
nakakapressure ang expectation niyo sa story na ito. XD

Ipo-post ko dito sa Wattpad ang isusulat kong drafts para makita niyo but please (I
humbly ask you) no ripping, that's the least you can do sa pagpost ko nito sa
Wattpad. Salamat! :)

Pero hindi ko ma-update agad ito, tatapusin ko po muna mga ongoing ko tulad ng
"Kapiraso" at "The Most Painful Battle" bago ko i-post. Sana suportahan niyo po
muna 'yung dalawang ongoing ko para mas ganahan ako at mas mapabilis ko silang
matapos at para ma-update ko na ito. Hehehe! XD ^_^V
At yup, may halong mystery-thriller itong kwento ni Memo. (Waa! Sobrang
challenging, kinakabahan ako kung kakayanin kong sulatin ang ganoong theme XD) Pero
syempre hindi pa rin mawawala ang paborito niyong "romance". (♥u♥)

Thank you <3


<center><h1>UNANG KABANATA: Magulo? Oo, magulo.</h1></center>

Denny's note:

This story will probably be different from all the stories I've written. There IS
romance but it's not the main focus. I know One Bad Move had so many different
versions before, it was because I always end up deleting and rewriting this due to
pressure (I know you guys expect so much from this story *bites nail*) But I
promise that this will be the last version of this and I will finish writing this
until the end. It might take me a lot before I could update this but please have
patience, I have other things to do. As for minimun, I'll try to update every week
or every other week. Thank you! *insert smiling emoticon* (LOL, trying to avoid
using emoticons.)

One Bad Move (Memo Clarkson's Story)

written by HaveYouSeenThisGirl (Denny)

UNANG KABANATA

"Si Memo Clarkson ang


pumatay sa akin."

Nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan sa kilabot ng nabasa. Nabitawan ni Aria
Ly ang maliit, parisukat at itim na papel. Yumuko siya at pinulot rin agad ito,
tumingin sa kanan at kaliwa ng hallway: maraming tao, kani-kaniya ang ginagawa at
may ilang mga mata ang sandaling nakakasulubong niya ngunit ni isa sa kanila ang
kahina-hinalang naglagay ng sulat na iyon. Sa kabila ng ingay ng mga estudyante,
hinintay niyang may biglang tatawa at sasabihin sa kanyang naloko siya ng isang
hindi nakakatawang biro. Pero walang lumapit sa kanya, ni isa. Pinagmasdan niya
ulit ang hawak na sulat, bawat letra ay typewritten at gamit nito ang kulay puti,
hindi niya malaman kung nagkataon lang o sadyang ang paborito niyang font ang
ginamit: Helvetica.

"Aria," agad isinuksok ni Aria ang papel sa loob ng bulsa ng kaniyang palda at
sinarhan ang kaniyang locker nang marinig ang boses ng lalaking kaytagal na niyang
iniibig.

"Memo!" katunog nito ang memo pad na idinidikit niya sa lamesa sa gilid ng kama
niya kapag may mga bagay siyang hindi niya dapat makalimutan.
Pagkalingon niya ay agad siyang napasandal sa sariling locker dahil napakalapit
nito sa kanya habang nakapalibot sa kanya ang mga kamay nitong nakapatong sa
sinasandalan niya. Hilig nitong gawin iyon sa kanya, ilalapit ang mukha nito habang
ang lalim ng titig sa kaniyang mga mata at sa magkalapit na labi ay ibubulong nito
sa kanya ang hindi magandang layunin.

"Let's start another game."

'For the thrill of your touch

I will shamefully lust

As you tell me we're nothing but trouble'

Mahinang kinakanta niya sa sarili ang kantang iyon habang nakatingin sa labas sa
may katabing bintana, ikalawa sa dulo ang upuan niya, nakahalumbaba siya habang
mahina at paulit-ulit na pinupukpok ang dulo ng lapis sa nakabukas na kuwaderno.
Kanina lamang ay nakikinig siya sa nagtuturong guro sa harapan pero nawalan na siya
ng interes at pinaulit ulit na lang niya sa isipan niya ang kantang "Love Like War"
ng All Time Low, ang paborito niyang banda.

'We go together or we don't go down at all'

Sa mga salita sa kantang iyon isang pangalan lamang ang pumapasok sa isipan niya:
Memo Clarkson. Naghiwalay sila sa hallway nang tumunog ang bell, ni hindi man lang
nito sinabi kung anong sunod na laro ang kanilang sisimulan. Natatakot siya ngunit
hindi niya rin mahintay ang oras na makita itong muli at makasama. Ang lalaking
iyon ang dahilan ng tila isang digmaan sa loob niya. Siya ang gumugulo sa kanya,
siya rin ang umaayos sa kanya.

Akala ni Aria Ly, noong mga oras na iyon, ay wala ng mas gugulo pa sa sitwasyon
niya pero lingid sa kaalaman niya, paparating pa lang talaga ang tunay na gulo sa
buhay niya.

Enero, kagagaling lang nila sa bakasyon, kasisimula pa lang ng bagong taon at ang
sumalubong sa kanya ay ang "kamatayan". Ang sulat na natanggap ay nasa loob pa rin
ng bulsa niya.

Si Memo Clarkson ang pumatay sa akin.


Inisip niyang hindi totoo iyon, isinawalang bahala niya na lang ang sulat na
natanggap, iniisip niyang may nagbibiro lang at pinagkakatuwaan siya. Hindi maganda
ang birong iyon, pero sige itatawa niya na lang 'wag lang magkatotoo.

'And the weight of it all

I am caught in the web of a lie'

Napatigil siya sa pagkanta, naiwang nakabukas ang kanyang bibig, nabitawan niya ang
hawak na lapis na gumulong na pababa mula sa kanyang lamesa, saglit niya lang
nakita pero nagpa-ulit ulit na sa kanyang isipan.

Mula sa kinauupuan niya at sa bintana sa tabi niya ay nakita niyang may katawang
mabilis na bumagsak mula sa taas. Sa bilis nang pagbagsak nito ni hindi niya nakita
ang itsura nito, ang alam niya lang naka-pantalon ito at ito ay isang lalaki.

Mukhang hindi lang siya ang nakakita nito dahil ilan sa mga kaklase niyang
nakatingin din noon sa may bintana ay napatayo at napasigaw, nakuha nila ang
atensyon ng guro at ng buong klase. Itinuro nila ang nakita at ang lahat ay
nagtungo malapit sa bintana at tinignan ang katawang tinutukoy. Nang masilip na ng
iba, agad silang lumayo, ang iba ay naiiyak, nasusuka at hindi maalis sa mukha ang
pagkabigla. Dahan dahan siyang tumayo mula sa kinauupuan at nagdadalawang isip na
sumilip sa bintana, maingay na sa labas at marami na ring mga estudyante sa iba't
ibang silid ang nakadungaw mula sa kanilang mga bintana. Tumingin siya sa baba,
doon nakita niya ang duguan at lasog lasog na katawan ng isang lalaki, nakatalikod
ito at naliligo sa sariling dugo, napapaligiran na ito ng mga ilang guro at
trabahador ng paaralan nila, may mga estudyanteng gustong lumapit pero pinapalayo
ng mga gurong nandoon, nakita niya rin ang principal nila na tumatakbo palapit sa
eksena, may hawak itong telepono at mukhang may kausap, tumatawag siguro ng
ambulansya at ng pulis. Napansin niyang isa sa mga janitor ay nakikipag-usap sa isa
sa mga guro at itinuturo nito ang itaas, inilabas niya pa ang ulo niya sa may
bintana at sinundan ang itinuturo ng daliri nito. Hindi niya naman makita ang
rooftop ng gusali nila kahit anong gawin niya pero sigurado siya na doon nagsimula
ang pangyayaring iyon.

Lalayo na sana siya sa bintana ngunit bago iyon ay hindi sinasadyang napatingin
siya sa bintana sa may bandang kanan sa hindi kalayuang silid sa kanila at nakita
niya ang lalaking kanina lamang ay laman ng isip niya. Nabigla siya nang hindi ito
nakatingin sa baba kundi sa kanya, diretso sa mga mata niya. Napaatras siya,
napahawak sa may bulsa at inilayo agad ang sarili sa bintana.

Takot siya kay Memo Clarkson, pero hindi niya mailayo ang sarili dito.

Magulo? Oo, magulo.


<center><h1>2: Testigo</h1></center>

Denny's note:
Dahil napublished na ang mga libro ko, may mga nirevise ako at tinanggal o
binawasan ko ang partipasyon ni Memo sa mga librong iyon. Ginawa ko iyon dahil
habang nirerevise ko ang DNP, hindi ko inaasahang pati iba ko pang mga libro ay
maipu-published, para maiwas ang pagkalito sa mga offline readers o mga magbabasa
lang ng published books ay tinanggal ko ang parte ni Memo. Kaya 'wag niyo itong
ibase sa mga nabasa niyo dati before mapublished ang mga kwento ko, pero nandito pa
rin naman ang pagiging manipulator ni Memo na nakilala niyo sa DNP, IMAJWNIS,
Voiceless at She Died at pati na rin ang mga koneksyon niya sa ilan sa mga tauhan
sa mga kwentong iyon. Dahil tapos ko na ang #TheMostPainfulBattle baka mas mapadali
ang paga-update ko dito, it's either once or twice a week na, dipende. :)

---

IKALAWANG KABANATA

Dalawa lang ang maaaring dahilan ng pagkamatay ng lalaking nahulog sa building:


Suicide o murder.

Kung suicide, bakit?

Kung murder, bakit rin? At sino ang salarin?

Nagkakagulo sa buong unibersidad, itinigil ang mga klase, nagsidatingan na ang mga
pulis, iniimbestigahan ang pangyayari. Itinakdang mga bandang 2:11 pm to 2:13 pm
naganap ang pagkahulog ng biktima sa ika-apat na palapag ng Macasaet building, o
ang gusali kung saan nabibilang ang kurso nina Aria Ly at Memo Clarkson. Naka-abot
na ang balita sa iba pang gusali at kurso pati na rin sa ibang kalapit na
unibersidad. Maya-maya lang ay dadating na rin ang mga mamamahayag upang sumakop ng
mga impormasyon.

"Uuwi ka na ba, Aly?" nag-aayos na siya ng kaniyang back pack na nakapatong sa may
lamesa niya nang mapa-angat siya ng tingin sa tao sa unahan niya, maigsi ang buhok
nito at naka-suot ito ng itim na headband. Aly ang itinawag nito sa kanya tulad
nang tawag sa kanya ng karamihan, iyon kasi ang palayaw niya.

Tumango siya bilang tugon sa tanong nito, isinuot na niya sa likod niya ang bag,
"Pwede na naman daw tayong umuwi, suspended daw ang klase sa araw na ito dahil sa
pangyayari. I can't stand being here, kinikilabutan pa rin ako sa nakita ko."

"Ako rin," nakita niyang namumutla pa rin ang kaklase niya, isa ito sa mga sumuka
nang makita ang duguan at lasog lasog na katawan nang nahulog kanina, "Ayaw maalis
sa isipan ko ang imahen ng pagkahulog at ng katawan ng lalaking iyon, pakiramdam ko
susundan ako nang nakita ko hanggang sa panaginip."
Nararamdaman niya ang trauma nito kaya ipinatong niya ang kamay niya sa balikat
nito, "Wag mo masyadong isipin, makakalimutan mo rin ang iyong nakita. Umuwi ka na
rin para makapagpahinga ka na."

Pagkatapos nun ay nagpaalam na siya at lumabas na ng silid. Habang bumaba na siya


sa hagdan naabutan niya sa ikalawang palapag, sa tapat niya, ang pamilyar na
mapayat na likod at malawak na balikat ng isang lalaki. Kilala niya rin ang itim,
diretso ngunit may kaonting alon na buhok nito na tumatakip hanggang sa buong batok
nito. Nakabukas ang bintana ng corridor at nakasandal ito doon habang nakasilip sa
may baba, nilapitan niya ito at tinabihan, ipinatong niya rin ang mga braso doon at
tinignan ang pinagmamasdan nito. Hindi nila nilingon ang isa't isa, kahit hindi
tumitingin, kilala na nila agad kung sino ang katabi nila.

"About our new game," panimula ni Memo Clarkson habang parehas nilang pinapanuod
ang pagta-trabaho ng mga pulis sa lupang pinagbagsakan ng pumapayapang estudyante,
inalis na ang katawan nito at naiwan na lamang ang binakat na posisyon nang
pagkabagsak ng katawan nito, nalinis na rin ang mga dugong kumalat pero may mga
palatandaan at drawing ang mga ito kung paano ang mga naging patak. Nakuhanan na
rin siguro ng mga larawan ang insidente bago tanggalin ang katawan ng biktima sa
eksena.

"Is this it?"

Ang pinaghalong inis, takot at panginginig sa boses niya ang naging dahilan nang
paglingon ni Memo Clarkson sa kanya, nagtataka ito sa kaniyang sinabi, "Anong - "

"Ito ba iyon?" iniharap niya ang sarili niya dito at lakas loob na tinignan niya
ito sa mga mata, "Ito ba ang bagong larong tinutukoy mo? Are you fed up with just
meddling and manipulating people's lives? I'm willing to help you with those kind
of games pero killing a person? That was out of my expectation. Hindi ko kaya ang
ganoong laro, Memo."

Nakita niya ang saglit na pagkabigla sa mukha nito pero unti-unting napalitan ito
nang pagkalibang at sa pagtaas nang isang gilid ng labi nito ay sinabi nitong, "Do
you think I'm the one who killed that guy?"

Napahawak si Aly sa bulsa ng kaniyang palda, wala siyang ideya kung sino ang
nagbigay nun at kung may kinalaman ba iyon sa nangyaring insidente, hindi niya rin
alam kung may katotohanan ba iyon. Wala siyang pinagsabihan tungkol sa natanggap na
sulat, ibig sabihin wala ring alam tungkol sa sulat na iyon ang taong kaharap niya.
"Kung hindi ikaw, edi sino?"

"Why do you sound so sure that it was a murder, hmm? Maraming nagsasasabing suicide
case raw ito."

Ibinaba niya ang tingin, pinagmasdan niya ang makintab na itim na sapatos nito
habang hindi siya mapakali sa ilalim ng mga mapanusok at mapanghinalang tingin
nito, "Kasi nakita kita sa may bintana kanina nang maganap ang insidente."

"Oh?"

"Imbis na sa pangyayari ka nakatingin," dahan-dahan at nag-aalinlangang itinaas


niya ang tingin kay Memo Clarkson at humigpit ang hawak niya sa may bulsa, "Sa akin
ka nakatingin at ang mga tingin na ipinukaw mo ay tila ba hindi ka na mapakaling
simulan ang larong nasa isip mo. You weren't even shocked sa nangyari as if it was
none of your concerns."

"It really was," simple at diretsong saad ni Memo, "But my coldness towards that
incident doesn't make me a murderer, Aria."

Kahit ang tagal na nilang magkakilala, hindi siya kailanman tinawag ni Memo sa
palayaw niya.

"Pero - " hindi na pinatapos ni Memo ang gusto niya pang sabihin dahil tinalikuran
na siya nito at naglakad na palayo sa kanya. Bago ito lumayo ay may sinabi ito nang
hindi lumilingon, "That guy who just died was supposed to be one of my chess pieces
in our next game, sayang."

Nang mawala na sa paningin niya si Memo Clarkson ay ibinalik niya ang tingin sa may
ibaba, nakita niyang kausap ng isa sa mga pulis ang isang guro ng ika-apat na antas
ng kurso ng Political Science. Ayon sa mga narinig niyang usapan kanina na ang
estudyanteng nahulog mula sa rooftop ay isang 4th year Political Science student,
wala raw itong klase sa mga oras na naganap ang insidente. Ayon sa mga huling
nakasama nito bago maganap ang lahat ay papunta raw sila sa canteen nang magpaalam
ito na magbabanyo lang kaya pinauna na nito ang mga kasama. Naghintay ang mga
kasama sa canteen ngunit hindi na ito dumating pa, sinubukan nilang i-text ito at
tawagan pero walang sumasagot kaya naisipan nilang puntahan ito sa banyo pero wala
rin ito doon, akala nila may ibang pinuntahan na ang kasama kaya hinayaan na lang
nila at bumalik na ulit sa canteen. Pagkatapos nun, nabalitaan na lang nilang
tumalon o nahulog ito mula sa rooftop ng Macasaet building.

Inilabas ni Aria Ly ang papel sa bulsa at muling binasa ang nilalaman.


Si Memo Clarkson ang pumatay sa akin.

Sa araw na iyon niya natanggap ang sulat na iyon, sa araw ding iyon ay may namatay.
Hinilot niya ang sentido, sumasakit ang ulo niya sa kanina pang pag-iisip.
Naguguluhan siya, hindi niya malaman kung anong paniniwalaan, kung anong iisipin.

Ilang taon niya na ring kilala si Memo Clarkson, nang makilala niya ito ay niyaya
siya nitong maging kalaro nito sa paborito nitong laro. Noong una hindi niya
maintindihan ang sinasabi nito ngunit hindi rin naman nagtagal ay nalaman niyang
"human chess game" pala ang tinutukoy nitong laro. Mahirap ipaliwanag kung ano
itong "human chess game" ni Memo, masyadong kumplikado pero sa simpleng salita, ito
ay isang laro kung saan hindi bagay kundi mga tao at buhay ng mga ito ang
pinaglalaruan nila. Parang chess ito, may mga importante at mga wala masyadong
kwentang piraso. Ang pinaka-importante sa larong ito ay ang hari at reyna, o ang
mga napili ni Memo na gusto niyang iparehas. Sa larong ito, maraming nagkatuluyang
mga tao dahil kay Memo. Kung iisipin para siyang "kupido", pero siya ang kupido na
ubod ng sama. Papanain niya ang mga tao sa paligid, hindi lang isang beses kundi
maraming beses hangga't sa hindi nagdurugo ang mga ito sa mga tumusok at sumaksak
na pana. Gusto niyang nahihirapan ang lahat, kailangan magdusa muna sila bago
magkatuluyan. At ang mga pirasong hindi naging hari at reyna sa laro niya? Sila
'yung mga malas na walang puso at walang paki-alam na gagamitin ni Memo Clarkson
makamit lang ang ninanais sa laro niya, sa madaling salita sila ang mga
sinasakripisyo at binabasurang piraso at sila ang pinaka-nagdudusa, sila ang
pinaka-kawawa sa laro. Sa "human chess game", pinaglalaruan ni Memo ang mga
damdamin at buhay ng mga tao, pinapa-ikot niya ang mga ito sa kamay niya tulad ng
paghawak niya sa mga piraso ng chess. Pinapagalaw niya ang mga ito ayon sa
kagustuhan niya, minamanipula niya upang makuha ang resultang ninanais.

Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ginagawa ni Memo Clarkson ang bagay na tulad
nun at dahil rin siguro sa misteryong iyon ay 'tila na-magnet siya sa wirdo at
nakakatakot na lalaking iyon. Pumayag siya sa paanyaya nitong sumali sa kakaibang
laro nito kahit alam niyang hindi naman talaga siya naging kalaro nito kundi isa
lang din siya sa mga piraso ng chess nito. Alam niya kasing ang tanging kalaro lang
nito ay ang "tadhana". Pero kahit ganoon man ay alam niya ring isa siya sa mga
pinaka-importanteng piraso ni Memo, dahil siya ang madalas nitong gamitin upang
maisagawa ang mga plano nito, makamit ang gusto at manalo sa laro. Siya ang tiga-
kuha ng impormasyon, tiga-gawa ng mga bagay bagay, naglalapit, tumutulak, nang-
iipit, tiga-checkmate at kumakain sa mga piraso ng laro. Siya ang "best piece"
nito, ang "Queen".

Alam niyang wirdo at hindi maganda ang larong iyon


pero mukhang namanipula na ni Memo ang isipan at puso niya, hindi siya makatanggi
sa lahat ng gusto ng lalaking iyon. Hindi niya maiwan ito, nalason na ata ang utak
niya.

"That guy who just died was supposed to be one of my chess pieces in our next game,
sayang."
Bumalik sa isipan niya ang sinabi nito bago umalis, sa sinabi nitong "supposed to
be" at "sayang", bakit parang ang tunog noon ay nakain ang isa sa mga piraso ng
chess nito? Hindi nito itatapon ang isa sa mga piraso ng chess niya kung hindi pa
nagsisimula ang laro, diba? Naguguluhan talaga si Aly. Alam niyang may kasamaan si
Memo pero hindi niya matanggap na ganoon ito kasama, na kaya nitong pumatay ng tao.
Handa siyang sumali sa laro kung saan maraming damdamin ang nasasaktan at
napapaglaruan pero labas sa patakaran niya ang kumitil ng buhay. Hindi niya talaga
matanggap ang nakasulat sa natanggap niyang sulat.

Kinabukasan ng umaga, idineklarang suicide ang nangyaring insidente.

Pero hapon din ng araw na iyon, binawi ang deklarasyon.

Ang kaso ay hindi suicide kundi murder. Sinadyang inilaglag ang biktima mula sa
rooftop.

May mga pinaghihinalaan at isa sa mga iyon ay si Memo Clarkson.

Ayon sa impormasyong nakalap, sa araw ng insidente:

2:11 pm - 2:13 pm ang tantyang oras na naganap ang mga pangyayari.

Late ng labing dalawang minuto si Memo Clarkson sa 2pm class nito.

At may nakakita kay Memo Clarkson malapit sa hagdan papuntang rooftop, ang testigo
dito ay nagngangalang Gabriella Astute.
<center><h1>3: Kilala mo ako.</h1></center>

Denny's note:

3rd part! Yay! Reminder, lahat ng isinusulat ko dito ay "draft" pa lang meaning
"unedited", maraming typo, grammatical errors, plot holes at kung anu-ano pang
chervaloo. Hahaha! If ever may makikita kayong mga typo, grammatical errors, please
correct me. At lalong lalo na kapag may nakita kayong plot hole o mali sa plot o
nakalimutang plot o kung anumang similar doon! HAHAHA! Importante po para sa akin
na matulungan niyo akong, hindi man maperpekto, ay maayos itong kwentong ito. Since
Thriller-mystery ito, mas mahirap itong isulat compared sa romance kaya for sure
mas maraming chances na magka-plotholes ito lalo na't first try ko ito sa genre na
ito.
Kung sa tingin niyo hindi ko napansin ang correction nyo or sa tingin niyo
urgent/importanteng ma-correct ko ang error na nakita niyo sa kwentong ito, makiki-
email po ako: haveyouseenthisgirlstories@gmail.com

Thank you po! I won't be angry, I need helpful criticism. And please know what's
"helpful", don't be a kid.

IKATLONG KABANATA: Kilala mo ako.

"Anong ginagawa mo bago mangyari ang eksena?" relax na nakasandal si Memo Clarkson
sa upuan na ibinigay sa kanya sa loob ng interrogation room ng presintong
pinagdalhan sa kanya kasama ng iba pang mga pinaghihinalaan, kaharap niya ang isang
lalaking mukhang nasa mga edad na dalawampu't lima hanggang tatlumpu, bata pa at
mukhang bago lang sa posisyon, seryosong tinitignan siya nito sa kabilang upuan
habang binabato siya ng mga tanong. Ito lang ang kasama niya sa maliit at walang
kalaman laman na silid, alam niyang sa maitim na salamin sa kanan niya ay may mga
taong nakatingin sa kanila at nakikinig sa usapan nila.

"Papunta sa classroom ko," napahikab siya at hindi na nag-abalang takpan ang bibig
para ipakita sa kausap na wala siyang interes sa usapan at sa mga pangyayari.

"Ang sabi ay late ka raw ng twelve minutes sa 2 pm class mo," pinagmasdan niya ang
hawak hawak na papel ng batang inspektor, may mga binabasa itong impormasyon doon
na may kinalaman sa insidente, "At sa mga oras na iyon ay namataan ka raw na
naglalakad malapit sa pinangyarihan ng insidente, saktong ganoong oras nahulog ang
biktima mula sa rooftop."

"Sino naman ang nagsabi nito?"

"Hindi namin pwedeng sabihin sa'yo."

"Kung sinuman siya," inalis ni Memo ang likod sa pagkakasandal sa upuan at


ipinatong ang mga siko sa lamesa at inilapit ang sarili sa inspektor, ngumiti siya
dito at binigyan ito ng mga mapaglarong tingin, "Hindi niya ako makikita sa oras at
lugar na iyon kung wala rin siya doon, hindi ba?"

"Anong gusto mong ipahiwatig?" dahil bago pa lang ang inspektor na ito ay hindi
nito napigilang ma-intimidate sa reaksyon ng isang estudyante, hindi ito ang unang
beses na kailangan niyang mag-interrogate ng isang estudyante pero ito ang unang
pagkakataon na nakakita siya ng mga ganoong mata kung saan parang binabaliktad nito
ang sitwasyon, kadalasan kasi sa mga estudyanteng nakaharap niya na sa silid na
iyon ay kung hindi naiiyak ay kinakabahan at pinagpapawisan pero itong isang ito ay
parang walang paki-alam sa kahit anong nangyayari. Ang lamig ng presensya nito,
kinikilabutan siya.
Humalumbaba si Memo at tumingin sa may itim na salamin sa kanan niya, ngumiti siya
doon kahit wala siyang nakikita sa kabila noon, "Ano rin kaya ang ginagawa ng
testigong iyon sa ganoong oras? Bakit rin kaya napadaan siya sa corridor na iyon?
Nale-late rin ba siya sa klase tulad ko? O lumabas siya para mag-cr saglit? Ano
kayang dahilan niya? Hmm, kahina-hinala rin ang testigong iyon hindi ba mister
inspektor?"

"Nag-cr daw saglit ang testigo. Mr. Clarkson, 'wag mong baliktarin ang mga papel
natin dito, ako ang magtatanong sa'yo at ikaw ang sasagot, hindi ang kabaligtaran.
Hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung bakit ka na-late, kahina-hinala ang pagdaan
mo sa corridor na iyon malapit sa hagdan nang pinangyarihan ng insidente at ang
sabi sa amin ng mga kaklase at guro mo ay dumating ka lang daw sa klase mo
pagkatapos makita ng lahat ang pagkahulog ng biktima. Napansin ng iba mong mga
kaklase na wala ka man lang karea-reaksyon sa mga pangyayari. Tumingin ka lang raw
sa may bintana pero wala man lang daw bakas ng pagkabigla sa mukha mo."

"I couldn't care less if a person decides to kill himself, why would I waste time
reacting to someone's death? At na-late ako dahil may nagnakaw ng chess board ko."

"Chess board?" inabot ng inspektor ang ballpen na ipinatong nito sa lamesa at


nagsulat sa papel ng mga impormasyon na kanina pa nitong hawak.

"Oo, importante sa akin iyon kaya hinanap ko iyon kahit alam kong male-late ako sa
klase ko. Wala naman akong paki-alam ma-late."

"Nahanap mo?"

"Oo."

"Saan?"

"Sa may lupa, sa mismong punto nang pinagbagsakan ng estudyanteng nahulog sa


rooftop."

"Paanong? Seryoso ka ba o pinaglalaruan mo kami?"

Tumawa si Memo, "Pinaglalaruan ko kayo? Hindi sa pagkakataong ito, dahil "tayo" ang
pinaglalaruan."

Makalipas ang ilang oras ay pinalabas na rin si Memo, iimbestigahan pa nila ang
kaso at ang mga sinabi niya. Kinabukasan din naman ay inalis na sa mga
pinaghihinalaan si Memo dahil may mga estudyanteng nakapagpatunay at nakakita nang
sinasabi nitong chess board na nakapatong sa lupa sa mismong punto nang
pinagbagsakan bago mangyari ang insidente. Hindi rin sapat ang pagkakita dito na
naglalakad sa corridor malapit sa hagdan ng rooftop. Sa madaling salita, walang
sapat na ebidensya na may kinalaman si Memo Clarkson.

Ganoon din ang nangyari sa mga ibang pinaghihinalaan, pinakawalan din sila
pagkatapos ng interrogation. Hindi mahanap ang may sala, lumipas ang ilang linggo
na halos nakakalimutan na ng lahat ang pangyayari. Kinalimutan na rin ng mga pulis
ang kaso, dineklara na lang ulit na isa itong suicide case dahil walang makalap na
sapat na ebidensya para mapatunayan talagang murder ito at mahanap ang may
kagagawan ng lahat. Pero si inspektor Ranko ay hindi matanggap ang resultang iyon,
alam niyang hindi talaga suicide iyon, ayon sa background ng biktima ay wala ito
miski isang dahilan upang magpakamatay, mayaman ito, matalino, maraming kaibigan,
mahilig pumunta sa mga party at mag-enjoy, may magandang girlfriend ito, wala itong
pagkukulang miski isa kaya imposibleng magdesisyon na lang ito na biglang tumalon
sa building. Hindi makakalimutan ni inspektor Ranko ang mga sinabi ni Memo
Clarkson, "tayo ang pinaglalaruan". Nino? Hindi niya pa rin maintindihan ang ibig
sabihin nito.

"Sino? Si Saturn Ignacio?" tanong ni Aly habang naka-upo sila sa isa sa mga lamesa
sa canteen ng unibersidad nila, hindi sila nalalayo sa upuan kung saan nandoon ang
taong pinaguusapan nila na kasama ang mga kaibigan nito at masayang
nakikipagkulitan ito sa mga iyon.

"Ang ace player ng Brave Arions," tinutukoy nito ang basketball team ng unibersidad
nila na ipinangalan sunod sa isang mythological horse ni Adrastus, sinisimbolo nito
ang bilis ng mga manlalaro ng kanilang unibersidad.

"Pero bakit siya?" hindi na iniisip ni Aly ang tungkol sa insidente nang nahulog na
estudyante pati na rin ang sulat na natanggap, inisip niya na lang na may nangti-
trip lang sa kanya at may tiwala siyang hindi magagawa ni Memo ang pumatay ng tao.
Dahil kumalma na ang mga kaganapan ay sinisimulan na ulit nila ang "naantalang"
paglalaro nila, itinuturo na ni Memo sa kanya ang mga taong paglalaruan nila at
ipinapaliwang na nito sa kanya kung anong gagawin niya.

"Wala lang, mukhang interesante siya e at saka may kinalaman siya kay Gabriella
Astute."

Nabigla si Aly sa pangalang binanggit nito, nagawang ma-corrupt ni Memo ng pera ang
isa sa mga pulis na nagiimbestiga sa kaso at nakakuha siya ng mga impormasyon mula
dito, isa na doon ang pangalan ng "testigo" na nang-ipit sa kanya sa mga pulis.

"Anong relasyon nila?"

Hindi sumagot si Memo sa tanong niya imbis ay may itinuro itong naglalakad palapit
sa lamesa ni Saturn Ignacio, nakita ni Aly si Gabriella Astute na may hawak na tray
ng pagkain at umupo ito sa lamesa kung saan nandoon ang mga manlalaro ng Brave
Arions, binati siya ng mga manlalaro, mukhang kilalang kilala siya ng mga ito at
sobrang friendly nila sa isa't isa, napansin niyang hinila si Gabriella Astute ni
Saturn Ignacio at pinaupo sa tabi nito, nagtatawanan at nagkukulitan ang mga ito,
mukhang sobrang close ang dalawa.

"Sila ba?" pagtatanong ulit ni Aly matapos ang obserbasyon.

Umiling si Memo, nginuya at nilunok muna nito ang kinakain bago sumagot, "Sila ay
malapit na magkaibigan."
"Ahh," pinaglaruan niya ang straw at pina-ikot ikot ang patunaw na yelo sa coke
niya, "Akala ko sila, mukha kasing may gusto sila sa isa't isa."

"You really have good eyes, Aria. That's what I like about you," bumilis ang tibok
ng puso niya nang biglang umakbay sa kanya si Memo at inilapit nito ang bibig sa
may tenga, ramdam niya ang mainit na hininga nito na dumaloy sa butas ng tenga niya
nang ibulong nito ang balak, "Alam na ng lahat ang nararamdaman nila para sa isa't
isa pwera na lang sa kanilang dalawa. Takot silang masira ang pagkakaibigan na
meron sila kaya ayaw nilang aminin ang mga nararamdaman pero syempre, kaya nga
nandito tayo diba? Paglalaruan natin sila, sisirain natin ang ikinatatakot nilang
masira."

"O-oo," kinukulang sa hangin si Aria sa sobrang lapit ni Memo sa kanya, nagiinit


ang katawan niya kahit hindi naman talaga ganoon kainit ang panahon ng araw na
iyon. Parang alak talaga sa kanya ang katabing lalaki, nalalasing na lang siya sa
boses nito at nawawala na sa tamang katinuan. Malala na talaga siya.

Lumayo na nang kaonti sa kanya si Memo pero hindi pa rin nito inaalis ang
pagkakaakbay sa kanya, pinagmamasdan nito ang mga taong paglalaruan, "Natatandaan
mo ba ang apelyidong Astute?"

Napa-isip siya saglit sa tanong nito at nang may maalala ay napatakip siya ng bibig
sa pagkabigla, "Magka-anu ano sila ni Seven Astute?"

Si Seven Astute ay isa sa mga naging piraso sa human chess game nila, taga-ibang
school ito, isang high school student na nakilala ni Memo at kunwaring kinaibigan
para mapaglaruan. Sa larong iyon hindi naman talaga nagdusa si Seven Astute dahil
wala naman silang ginawa masyado dito, actually nagkatuluyan naman ito at ang gusto
nitong si Annika Reyes, isa rin sa mga piraso. Ang nagdusa lang talaga doon ay sina
Kirby Roxas at Yuri, si Yuri na walang kaalam-alam sa panloloko ng bestfriend at
boyfriend niya at si Kirby Roxas na binlackmail ni Memo upang maki-cooperate sa
plano nito: ang lokohin at pagsabayin ang mag-bestfriend na sina Yuri at Annika.
Ang tanging naging role niya lang sa larong iyon ay kumalap ng impormasyon tungkol
sa buhay ni Kirby para ma-ipit nila ito sa laro at maka-checkmate si Memo - ibig
sabihin ay mangyari ayon sa gusto ni Memo Clarkson ang larong iyon, ang manalo.

"Magkapatid sila."

"Talaga?" hindi niya inaasahang nasa iisang paaralan lang pala nila ang kapatid ng
isa sa mga pinaglaruan nila.

"Oo," inalis na ni Memo ang kamay nito sa balikat niya at kinuha nito ang kutsilyo
at isinaksak sa isang piraso ng karne sa pinggan nito habang hindi nito inaalis ang
mga tingin sa nakangiting si Gabriella Astute, "Hindi ko pa rin nahahanap ang
nawawalang King piece sa chess board ko at hindi ako natutuwa sa nagnakaw noon kung
sinuman siya."

"Hala, hanggang ngayon hindi pa rin natin natutuklasan kung sinong kumuha nun at
naglagay ng chess board mo sa lugar na 'yun," hindi pinansin nito ang sinabi niya,
tumayo lang ito, mukhang wala ng balak tapusin ang pagkain.

"Testigo pala, ha?" iyon lang ang huling sinabi nito sa sarili bago tumaas ang
sulok ng mga labi at tumalikod na upang maglakad patungo sa pintuan palabas ng
canteen.

"T-teka Memo, hintayin mo ako!" nagmamadaling tumayo na rin siya, hindi na rin
tinapos ang kinakain kahit medyo gutom pa upang mahabol ang palayong si Memo. Pero
pagtayo niya at pagtalikod niya ay hindi sinasadyang nabangga niya ang isang
estudyante na may dalang tray ng pagkain, natapon tuloy sa kanya ang spaghetti nito
pati na rin ang lamang softdrinks nang natumbang baso, napatingin halos lahat sa
kaniya pero pagtingin niya sa direksyon ni Memo ay hindi man lang ito lumingon at
dire-diretso pa rin patungo sa pinto. Wala talagang paki-alam sa kanya ito pero
habol naman siya nang habol.

"Sorry miss! Ayos ka lang ba? Nako, nadumihan ko ang damit mo!"

"I'm ok, don't worry!" inilalayo ni Aly ang basang damit sa balat ng katawan niya
habang inaalis niya ang mga kumapit na spaghetti, "Sorry din, bigla na lang akong
tumalikod, hindi kita nakita. Babayaran ko na lang ang natapong lunch mo."

"Ok lang, you don't need to pay for it. May pampalit ka ba ng damit?" napangiwi si
Aly sa tanong ng kaharap, "Wala eh, uuwi na lang siguro ako."

"Eh? Halika, sumama ka sa akin," nabigla siya nang hawakan siya nito sa may pulso
ng kamay at hinihila patungo sa pinto.

"Teka, saan mo ako dadalhin?" tanong niya habang nagpapahila dito, ang taga-linis
sa canteen na ang nag-asikaso ng kalat na dinulot niya.

"May extra akong damit, ipapahiram ko sa'yo."

"Nako, 'wag na. Ok lang talaga, uuwi na lang ako."

Kahit tinatanggihan niya ito ay patuloy pa rin ito sa paghila sa kanya hanggang sa
nakarating sila sa may lumang Art room na katabi lang ng hagdan sa may second floor
ng Macasaet building. Pagkapasok nila doon ay binitawan na agad siya ng lalaki,
hindi naman siya lumayo sa pinto habang maingat na pinagmamasdan niya ang lalaki na
naglalakad patungo sa isang locker sa gilid ng silid. Medyo makalat nang kaonti ang
silid na iyon, puno ng mga nakatambak na lumang canvas at mga nakatiklop na canvas
board stand sa mga sulok ng silid, may natatanging canvas board na nakatayo sa
dulo, malapit sa locker at katabi ng bintana. May upuan sa tapat nito, napansin
niya ring may mga nakapatong na painting materials sa may stand pero hindi niya
kita kung anong naka-paint doon o kung meron man dahil nakatalikod ito sa
kinatatayuan niya.

"Ok na siguro ito?" naputol ang pagmamasid niya sa silid na iyon nang marinig
niyang magsara ang locker at nagsalita ang lalaking humila sa kanya doon, may
hawak-hawak itong puting t-shirt na puro may talsik ng iba't ibang kulay ng pang-
painting, "Pasensya ka na ha, ito lang ang meron ako."

"Eh?" nabigla si Aly nang i-abot nito sa kanya ang t-shirt, "Sabi ko, ok lang ako.
Hindi ka na dapat nag-abala pa!"

"I didn't want to trouble you. The accident was my fault, too. Please accept the
shirt, I have that as an extra shirt kasi I'm a Fine Art student, I paint a lot
here in this room even after my class and whenever I paint ay laging iyan ang
ginagamit ko para hindi madumihan ang uniform ko. Don't worry, I always wash that."

Ang awkward ng pakiramdam niya kaya napa-"oh" na lang siya bilang tugon sa mga
sinabi nito, inabot na rin niya ang t-shirt na ipinapahiram nito sa kanya.

"Ako nga pala si Castle," inabot nito ang kamay, "Castle Faber."

"I'm Aria Ly but you can just simply call me Aly," inabot niya ang kamay nito at
ngumiti rin siya dito, ini-angat niya ang t-shirt na ipinahiram sa kanya, "Thank
you dito. Punta na akong c.r. para magpalit, ha? I'll give this back tomorrow."

"Sure, nandito lang ako palagi sa lumang Art room na ito pero just to be sure,
anong number mo?" pagkarinig niya nang huling sinabi nito ay pinukulan niya ito
nang mga mapanghinalang tingin kaya naman napakamot si Castle at nakangiwing
dinagdagan ang sinabi, "Ehmm, just in case na hindi mo ako mahanap dito. Ibibigay
ko na lang ang number ko sa'yo para ikaw na lang ang mag-text sa akin kapag
hinahanap mo ako when you decide to return the shirt."

"Ok," hesitant na inilabas ni Aly ang cellphone niya at nakipagpalitan ng number


dito, habang ginagawa nila iyon ay lumapit ito nang sobrang lapit sa mukha niya,
hindi niya napigilan ang maamoy ang pamilyar na amoy sa mga painting, hindi niya
alam kung watercolor, oil paint o acrylic ba ang amoy na iyon. Napansin niyang ang
mahahabang bangs ng buhok nito ay humaharang sa mga mata nito kapag nakayuko, napa-
isip siguro siyang nagsusuot ito ng headband o itinatali nito ang mga bangs sa
tuwing nagdo-drawing o nagpe-paint, na-imagine niya saglit iyon at nakyutan sa
itsura ng isang lalaking naka-ponytail ang maigsing bangs sa unahan nito.

Pagkatapos magpaalam kay Castle ay nagtungo na siya sa may banyo upang magpalit,
tumunog na rin ang bell kaya pagpasok niya sa banyo ay wala ng ibang tao doon,
pumasok siya sa dulong cubicle, doon ay hinubad niya ang suot na blouse, pinahiran
niya ng basang tissue ang nanlalagkit na katawan dahil sa natapong spaghetti.
Habang ginagawa niya iyon ay may narinig siyang mga yabag pero hindi niya pinansin,
narinig niya ring nagbukas ang pinto ng katabing cubicle. Nagpatuloy siya sa
pagpupunas ng katawan, matapos gawin iyon ay itinapon niya sa may toilet bowl ang
ginamit na tissue, finlush niya iyon. Kinuha niya ang plastic na nahingi niya kay
Castle mula sa Art room at doon inilagay ang maruming damit, pagkatapos nun ay
isinuot na niya ang ipinahiram na t-shirt sa kanya, medyo malaki ito sa kanya pero
hindi naman iyon problema. Inaayos niya ang buhok na pumasok sa loob ng t-shirt
niya nang biglang makaramdam siya ng basa sa may paanan niya, pagtingin niya sa may
sahig ay napasigaw siya nang makitang dugo iyon na kumalat mula sa katabing
cubicle.

Nakakuha ng atensyon nang marami ang sigaw niyang iyon at hindi nagtagal ay may mga
pumasok na sa banyo upang makita ang bangkay ng isang babaeng estudyante sa gitnang
cubicle ng banyo. Ang dugong nakita niya ay galing sa hiniwang pulso ng namatay.

Tumawag agad ng ambulansya at mga pulis ang paaralan nila, nang dumating ang mga
pulis ay tinanong siya ng mga bagay bagay. Ang tanging nasagot niya lang ay, "Wala
po akong alam, nagpapalit lang po ako ng damit tapos nakita ko na lang pong may
dugo sa sahig na nanggagaling sa kabilang cubicle."

Matapos siyang tanungin at i-check ang psychological condition niya ay pinauwi na


rin siya para makapagpahinga, bago siya umuwi ay dumaan muna siya sa locker niya
upang mag-iwan at kumuha ng mga ilang gamit doon. Pagbukas niya ng locker niya ay
nanlamig siya bigla nang may malaglag na namang itim na sulat, pinulot niya agad
ito at nakita niyang kaparehas na kaparehas ito nang natanggap niya dati ngunit may
tatlong salitang nadagdag.

"Si Memo Clarkson ang pumatay sa akin.

Kilala mo ako."

Napatakip ng bibig si Aly pagkabasa 'nun. Kilala niya?

"Sino ka?" napapa-iling na tanong niya sa hawak na papel, "Hindi kita kilala."

Alam niya nang hindi ito isang biro, sa tuwing may natatanggap siyang sulat ay may
namamatay.
<center><h1>4: Ang kuryusidad ng pusa</h1></center>
Denny's note:

First of all, para sa mga nakabasa ng "I met a jerk whose name is Seven", of course
alam niyo ang ending niya at iba iyon sa nakasaad sa last chapter. But remember,
ang ending sa I met a jerk ay nangyari after some years (sa FUTURE pa), I'm not
going to explain further dahil baka maging "spoiler" ako nang hindi sinasadya, you
have to figure that out yourself. It's not that hard to understand. :)

Second, the new character's name is "CASTLE FABER" not "FABER-CASTELL" which is a
famous brand for office&art supplies. Obviously, I took the name from it and
changed it a little to have a unique name. Just like with The Most Painful Battle's
character names, I modified them a little. (like "Kaiby Gan", "Khon Trabida", etc)
It's "Castle" not "Castell", ok? He's not a ballpen! Hahaha! Well, Faber-Castell is
my fave brand. ;) :P

And thank you for your corrections, so "pakialam" is written w/o hyphen pala. Hehe!
Sorry, now I know! I will not make the same mistake again! Hahaha :P Keep on
correcting any faults you find in the story, it's very helpful! :)

IKA-APAT NA KABANATA

Pangalan ng namatay: Rose Dominguez

Tungkol sa kaniya: 3rd yr Comm Arts student, cheerleader

Dahilan ng pagkamatay: Paglaslas ng kanang pulso gamit ng isang maliit na blade na


natagpuan malapit sa biktima sa lugar nang pinangyarihan

"Memo, may itatanong ako sa'yo!" pagkakitang pagkakita niya kay Memo sa may gate
ng unibersidad nila ay nilapitan niya agad ito at kinausap. Nagtatakang nilingon
lang siya ng lalaki.

"Ano, kasi," hindi malaman ni Aly kung paano siya magsisimula, "Umm..."

"Ano 'yun?" kumukunot na ang noo ni Memo sa hindi matuloy-tuloy na sasabihin ni Aly
sa kanya.

"Ano, gusto ko lang sana itanong kung saan ka nagpunta pagkatapos mong lumabas ng
canteen?" pilit itinatago ni Aly sa ekspresyon ng mukha niya at tono ng boses ang
duda na meron siya para dito.

"Sa may library."

"Anong ginawa mo doon?"

"Ano pa ba sa tingin mo? Naglalaro ng chess."

"Ahh," nilaro laro niya ang dulo ng buhok niya habang pinagiisipan ang sagot nito.

"Bakit mo naitanong?"

Inalis niya ang daliri sa may buhok at ikinaway ang kamay sa harapan, "Ah! Wala,
wala. Curious lang ako."

"Iniisip mo bang may kinalaman ako sa pagkamatay nung babae sa banyo kahapon?"

"Eh?" nabigla si Aly nang mabasa nito ang isipin niya, pinilit niyang itanggi ito,
"Hindi ah! Hindi kita pinagdududahan, bakit ko naman iiisipin na may kinalaman ka
doon? Curious lang talaga akong malaman kung saan ka nagpunta, kasi iniwan mo ako
sa canteen. Medyo nakakatampo."

"Bakit mo nga ba ako pagdududahan?" tumigil ito sa paglalakad, ngumiti bigla pero
hindi nakatingin sa kanya at para bang ang tanong na iyon ay para lang sa sarili
nito at hindi sa kanya, "Curiosity kills the cat."

Umiling ito pagkasabi nun at saka pinagpatuloy ang paglalakad, hindi man lang
lumilingon upang tignan kung sumusunod pa ba siya. Naiwan na lang tuloy siyang
nakatayo mag-isa doon sa nilalakaran nila habang pinagmamasdan niya ang papalayong
likuran ni Memo.

"Curiosity kills the cat?" inulit niya sa sarili ang huling sinabi ni Memo at
kinuha niya ang dalawang papel sa kanyang bulsa, pinagmasdan niyang muli ang mga
nakasulat doon, "But ignorance will not save us."
"Aly!" nabigla na lang siya nang may tumawag sa pangalan niya at may tumapik sa
braso niya, sa pagkabigla niya ay kamuntik niya nang mabitawan ang mga papel na
hawak.

"Ano 'yan?" pagkalingon niya nakita niya ang nakangiting mukha ni Castle habang
tinuturo nito ang mga papel na hawak niya, agad agad niyang itinago ang mga iyon sa
bulsa at umiling iling dito, "W-wala! Wala ka na dun!"

"Uhh," napabitaw si Castle sa pagkakahawak sa balikat niya nang sigawan niya ito,
nagulat siguro ito sa inakto niya kaya dumistansya ito nang kaonti, "Sorry,
nagtatanong lang."

"Ah," na-realised niya rin naman agad na nag-overact siya, hindi niya sinasadyang
sigawan ito kaya nag-sorry agad siya, "Sorry, nabigla mo kasi ako. Wala lang talaga
'yung mga papel na hawak ko, memo lang 'yun para sa isang subject ko. Oo nga pala,
ibabalik ko na sa'yo 'yung ipinahiram mo sa aking t-shirt."

"Hindi mo naman kailangan ibalik kaagad," sambit nito pagka-abot ng plastic na may
laman ng t-shirt na inalabas niya mula sa bag niya.

"Ok lang, napatuyo ko naman agad eh."

"Wow, plantsado pa!" nang silipin nito sa loob ng plastic ang t-shirt napansin
nitong walang gusot sa damit at maayos itong nakatiklop, "Hindi ka na dapat nag-
abala pang plantsahin ito tutal sinusuot ko lang naman ito kapag nagpe-painting
ako."

Nginitian niya si Castle, "Ok lang, isinabay ko na rin sa pagpaplantsa ng uniform


ko bago pumasok. Salamat sa pagpapahiram."

"Wala 'yun at pasensya ka na ulit sa pagtatapon ko ng spaghetti sa'yo."

"Ano ka ba, ako ang nakabunggo sa'yo."

"Parehas tayong hindi tumitingin," tumawa silang dalawa, gumagaan na ang


pakiramdam nila sa isa't isa, "Oo nga pala, narinig ko ang nangyari kahapon. I'm
sorry you had to see it, siguradong hindi magandang karanasan iyon para sa'yo."

Nawala ang mga ngiti ni Aly, nagsimula na silang maglakad patungo sa Macasaet
building, "Hindi ko talaga inaasahan iyong nakita ko kahapon, may narinig akong
naglalakad at pumasok sa katabi kong cubicle habang nagpapalit ako tapos bigla ko
na lang nakita 'yung dugo sa sahig. Pero alam mo, may nakakapagtaka lang..."

"Ano 'yun?" pagtatanong ni Castle nang hindi niya ituloy ang sinasabi.

"Ano kasi," hindi siya mapakali, "Wala akong narinig na sigaw o kahit mahinang
boses, hindi ba't kapag naglaslas ka kahit papaano, kahit saglit ay may
mararamdaman kang sakit? At kapag nasaktan ka diba mapapasigaw ka o atleast man
lang ay mapapaungol o mapapasinghap nang malakas? Pero wala eh, wala talaga akong
narinig miski mahinang ungol."

"Uhh, hindi ko masundan ang sinasabi mo."

"Ewan Castle, hindi ko rin masundan ang iniisip ko."

"Hmm, pero hindi mo ba napapansin Aly..."

"Hmm?"

"Kakamatay lang nung lalaki na nahulog sa rooftop, tapos ito naman ngayon. Parehas
pang suicide ang pagkamatay nila, parang may curse, tipong may pumapatay isa isa sa
mga estudyante."

Natawa si Aly nang makita ang seryosong mukha ni Castle habang sinasabi iyon,
pabirong hinampas niya ang balikat nito, "Curse ka dyan! Nasobrahan ka ata sa
panunuod ng horror movies!"

"Pero nakakatakot naman talaga eh," napapakamot ng ulong sabi nito, "Isa na lang,
iisipin ko na talagang may sumpa na pumapatay isa isa sa mga estudyante."

"Paano kung hindi sumpa, paano kung tao ang pumapatay sa kanila?"
"Ha?"

"Paano kung may mamamatay tao sa paaralan natin?"

"Ha?!" nanlaki ang mga mata ni Castle sa sinabi niya, binawi naman agad ito ni Aly
at kunwaring nagbibiro, "Joke lang! Hahaha! Masyado ka kasing absorbed sa sinasabi
mong sumpa, naki-ride na lang ako sa'yo. Wala naman sigurong sumpa o mamamatay tao,
baka nagkataon lang talaga na halos magkasunod iyong dalawang insidente ng
pagpapakamatay. 'Wag na nga lang sana masundan pa."

Nang makarating na sila sa second floor ay naghiwalay na sila ng mga landas at


nagsitungo na sa kani-kaniyang classroom. Pagkarating niya sa klase ay sinalubong
agad siya ng mga kaklase niya, mga nag-aalala sila sa kanya, tinatanong nila kung
ayos lang ba siya at naguusisa na rin sila tungkol sa nakita niya kahapon. Kung
anu-ano rin ang mga sinabi sa kanya ng mga kaklase, ilan sa mga iyon ay tulad ni
Castle na nagtataka rin sa magkasunod na kaso ng pagpapakamatay sa kanilang
paaralan.

Nang mag-lunch break ay nakipagkita siyang muli kay Memo upang sabayan itong
kumain, nasa may green ground sila ng paaralan nila, nakaupo sila sa may damuhan sa
ilalim ng malaking puno, naglalaro si Memo ng chess mag-isa habang kinakain ang
hamburger na binili nito bilang lunch. Sanay na siyang makitang naglalaro mag-isa
ng chess si Memo. Palagi iyong ginagawa ni Memo, paborito nito ang maglaro ng chess
mag-isa, pakiwari ni Aly na para kay Memo mas mahalaga pa ang chess board nito kesa
sa kanya, hindi niya tuloy mapigilan minsan na pagselosan ang mga piraso ng kahoy.

"Pinalitan mo na pala ang King piece," pansin ni Aly nang makitang katabi ng kahoy
na puting Queen piece ang bagong King piece na standout sa lahat ng mga piraso
dahil ito lang ang natatanging kulay blue na gawa sa crystal.

Hinawakan ni Memo ang tinutukoy niyang piraso at pinaikot ikot ito ng kaonti sa
posisyon, "I can't play without the King, can I?"

"Yeah, tama ka nga. But wouldn't it be better to replace it with another wood
piece just like the rest rather than a crystal piece?"

Ipinatong ni Memo ang burger na hindi pa natatapos kainin sa may chess board niya
at hinila ang isang kamay ni Aly, ipinatong niya sa palad nito ang crystal King
piece saka hinawakan ang gilid ng kanyang mukha at tinignan siya nang diretso sa
mga mata, "My Queen, a King must stand out."
SHE HATES HIM!

... she loves him, too.

Naiinis siya sa tuwing ginaganon siya ni Memo, hindi niya alam kung sinasadya ba
nitong pakawalan lahat ng paru-paro sa loob ng tiyan niya at pagwalain ang mga
iyon. Sa pamamaraan nang paglapit nito sa kanya, pagtingin at pagsasalita sa kaniya
ay palaging may malaking epekto sa puso niya. Minsan ang lamig lamig ng trato nito
sa kanya, minsan naman gaganunin na lang siya bigla tulad nang kanina, nang ilagay
nito ang mga kamay sa gilid ng mukha niya at tinignan siya ng diretso sa mga mata.
Alam niyang alam nitong malakas ang epekto nito sa kanya at sinasamantala naman ng
lalaking iyon ang kahinaan niya! At bwisit siya sa sarili niya na iyon ang kahinaan
niya.

Ano bang nagustuhan niya sa lalaking iyon?

Unang una, isang malaking wirdo si Memo Clarkson!

May psychological disorder ata! Bipolar!

Manipulating freak! Mean! Cruel! Heartless!

User! Selfish! Liar! Arrogant!


Conceited and full of himself!

What's so good about him?

What's so good about a guy who never cares for her?

Who only uses her for his own cruel pleasure?

"A-ano ba! L-layuan niyo ako, please!" naririnig niya ang boses ng nakaraan,
bumabalik sa isipan niya ang mga pangyayari ilang taon na ang nakakalipas, noong
araw na nakilala niya si Memo Clarkson.

Ahh, tanda niya na kung bakit niya nagustuhan si Memo Clarkson sa kabila nang
lahat ng negatibong pagkatao nito. May isa, isang natatanging dahilan.
Iniahon siya nito sa dilim na lumulunod sa buhay niya noon.
<center><h1>5: Stalker</h1></center>

IKA-LIMANG KABANATA

Noong high school si Aly may malaki siyang psychological problem: takot siya sa
mga lalaki. Hindi niya kayang kausapin ang mga ito at nanginginig siya kapag may
lalapit sa kanyang lalaki, kahit pa guro niya. Dahil doon kilala siya sa buong
campus nila noon bilang isang wirdong tao, hindi na rin siya masyadong nilalapitan
ng mga babae dahil nga sa wirdo niyang ugali. Walang nakakaintindi sa kanya dahil
hindi naman siya pala-imik, naka-upo lang siya palagi sa gilid ng classroom at
hindi umiimik. Wala tuloy siyang naging kaibigan noong high school siya.

"Oh, nandito pala si babaeng takot daw sa ating mga lalaki?" naglalakad siya noon
mag-isa sa may corridor nang may makasalubong siyang tatlong lalaki na humarang sa
daanan niya, may kaonti pang tao malapit sa kanila pero pinagmamasdan lang ng mga
iyon ang nangyayari.

"E-excuse me," sinubukan niyang umiwas sa mga iyon pero nang maglakad siya sa
ibang direksyon ay agad siyang hinarangan ng isa sa mga lalaki, hindi niya magawang
i-angat ang mukha niya at naiiyak na siya, hindi niya talaga kayang mapalapit sa
mga lalaki. Natatakot siya.

"Iiyak na siya oh!" tinuro siya nang isa sa mga lalaki habang tumatawa ito, "Totoo
ngang takot siya sa mga lalaki! Hahaha! Nanginginig talaga siya!"

Napupuno nang tawanan ang corridor at gusto niya nang tumakbo palayo doon pero
hinaharangan siya ng mga lalaking iyon. Naramdaman niyang hinawakan ng isa sa mga
lalaki ang buhok niya, agad niyang pinalis ang kamay nito at humakbang palayo dito,
nanlalaki ang mga mata niya at mas lalong lumalakas ang panginginig ng katawan
niya.

"L-layuan niyo ako!"

"Dito ka muna," biglang hinigit ng isa sa kanila ang braso niya at pilit niyang
tinatanggal ang hawak nito sa kanya, tawa naman sila nang tawa habang pinagmamasdan
ang pagpupumiglas niya, "Laro muna tayo."

"A-ano ba! L-layuan niyo ako, please!"

"Woops!" biglang bumitaw ang lalaki sa pagkakahawak sa braso niya at dahil buong
lakas niyang hinihigit ang braso niya ay natumba siya nang malakas nang bitawan
siya nito, napasalampak siya sa may sahig.
Iiyak na sana talaga siya pero napa-atras ang mga luha niya nang may marinig
siyang malakas na tunog ng isang paghampas at kasunod nito ang isang malakas na
"aray", pag-angat niya ay nakita niya ang likod ng isang lalaki sa harapan niya,
may hawak itong nakasarang chess board at nakita niyang 'yung lalaking bumitaw sa
braso niya ay nakayuko at nakahawak sa ulo na tila ba ay nasasaktan. Sa palagay
niya ay hinampas ng lalaki sa harapan niya ng chess board ang ulo ng lalaking
nambabastos sa kanya.

"Oy! Anong problema mo?!" susugudin sana ng isa pa sa mga lalaking nanggugulo sa
kanya ang lalaking may hawak ng chess board pero itinaas agad nito ang chess board
niya dahilan para mapaatras ang susugod sa kanya.

"Wala akong problema, gusto ko lang talaga manghampas ng chess board sa mga kagaya
niyo."

Hindi na lumala pa ang eksenang iyon dahil may dumaang titser at sinita sila,
pinagalitan ang mga lalaking nanggulo kay Aly pati na rin si Memo. Hindi pa sila
magkakilala noon, pero kilala na nila ang isa't isa sa mukha at pangalan. Parehas
kasi silang kilala sa campus nila, isang "wirdong babaeng takot sa lalaki" at isang
"wirdong lalakeng mahilig maglaro ng chess mag-isa", sila ang mga kilalang "wirdo"
sa paaralan nila.

Naiwan ang tatlong lalaking nang-api sa kanya sa may loob ng principal office para
mabigyan pa ng higit na kaparusahan sa mga ginawa nila samantalang pinagsabihan
lang saglit si Memo at pinalabas na silang dalawa. Nauna nang naglakad palayo si
Memo, hindi man lang siya nilingon o kinausap nito, naglakad lang ito palayo sa
kaniya na tila ba nakalimutan na ang pag-iral niya. Hawak hawak pa rin nito sa
kaliwa ang chess board, pinagmasdan niya ang papalayo nitong likod at habang
ginagawa iyon ay napansin niyang natatakot siya dito pero parang gusto niyang
lapitan ito. Niligtas siya nito sa mga nang-aapi sa kanya, simpleng akto lang iyon
pero para kay Aly ay malaking bagay na iyon dahil sa dami nang mga nanunuod habang
inaapi siya ay si Memo lang ang tanging lumapit at pumigil sa mga lalaking
nanggugulo sa kanya.

"T-teka..." iyon ang kauna-unahang pagkakataong lumapit si Aly sa isang lalaki


matapos ang mga hindi kanais-nais na pangyayari sa nakaraan niya na nagdulot sa
kaniya ng problema at takot sa mga lalaki. Mahina lang ang pagkakasabi niya noon na
para bang hangin lang na lumabas sa bibig niya kaya naman hindi siya narinig ni
Memo, kinagat ni Aly ang labi at huminga nang malalim bago muling tinawag si Memo.
Sa pagkakataong ito ay nagkaroon siya nang lakas ng loob na laksan ang boses, "Teka
lang!"

Sa sigaw niyang iyon ay tumigil sa paglalakad si Memo at lumingon sa kaniya,


walang kalaman lamang emosyon sa mukha nito, ni pagtataka sa mukha ay hindi
makikita. Nakatingin lang ito sa kaniya, hinihintay kung anong sasabihin o
kailangan niya.

"A-ano," iniwas ni Aly ang tingin, hindi siya mapakali, hindi niya masabi ang
gusto niyang sabihin. Hindi pa rin talaga niya mapigilan ang panginginig kapag may
kaharap na lalaki, "Ah... ano... kasi..."

"You're welcome."

Napabalik agad agad ang tingin niya kay Memo nang mabigla siya sa sinabi nito,
hindi pa niya nasasabi ang gusto niyang sabihin ay alam na agad nito ang sagot.

"Paano m - "

"Don't worry, hindi ko nababasa ang isip mo. It was just obvious na that's what
you wanted to tell me," ngumiti ito sa kaniya at hindi niya mapigilan ang sarili na
mamangha habang pinagmamasdan niya ang nakangiti nitong mukha, ang bait nito, ang
bait bait nito sa kaniya. Gumagaan ang loob niya para dito dahil sa mga ngiting
iyon, nandoon pa rin ang takot niya pero parang may nag-crack nang kaonti sa pader
na binuo niya, "Pero nakakabiglang kinakausap mo ako, akala ko takot ka sa mga
lalaki? 'Yun ang sabi sabi dito sa campus kaya nilayuan na agad kita pagkatapos
tayong palabasin sa principal's office."

Tumangu tango siya bilang sagot, "Oo, takot ako pero gusto ko talagang
magpasalamat sa'yo."

"Bakit ka takot sa mga lalaki?" marami nang nagtatanong sa kaniya noon pero hindi
niya sinasagot ang mga iyon, nang mapansin ng kausap na wala siyang balak sumagot
ay ikinaway nito ang kamay sa kaniya, "Ah, don't worry, hindi mo naman kailangan
sagutin. Nagtataka lang ako. Sige."

Pagkatapos nun ay tumalikod na ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Naiwan siya


doon na medyo malungkot, parang gusto niyang sumunod kay Memo pero sinampal niya
ang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang pumasok sa isip niya iyon,
bakit para siyang nama-magnet. Iyong mga ngiti kasing iyon, iyong saglit na
kabaitan nito ay tumagos sa pader na binuo niya.

Pagkatapos nang pangyayaring iyon tila ba palagi niya na lang nakikita si Memo,
siguro kaya ganoon ay dahil nakilala niya na si Memo at nagsisimula na siyang
mapansin ang pag-iral nito. Madalas makikita niya itong mag-isa na naglalaro ng
chess, wirdo nga ito tulad ng mga sabi sabi pero hindi tulad niya, may mga kaibigan
ito, may mga lumalapit at kumakausap dito, walang nambu-bully dito. Wirdo na cool,
ganoon ito. Naiinggit tuloy siya, paano niya nagagawa iyon? Marami pa ring
lumalapit dito, maraming kumakaibigan na tila ba napapa-ikot nito ang mga tao sa
sariling pabor. May kakaibang charisma si Memo Clarkson.

Patagal nang patagal para na siyang nagiging stalker nito, pinagmamasdan nang
palihim, sinusundan sa canteen, sa library para mapagmasdan. Naging interesado siya
dito, nandoon pa rin ang takot niya pero kahit natatakot siya ay gusto niyang
lapitan ito, attracted siya dito, parang magnet na kahit ayaw niya ay hinihila siya
nito palapit.

Isang araw nagpunta sya sa may library, kunwaring nagbabasa ng libro pero ang
totoo ay sinundan niya lang si Memo Clarkson, naka-upo ito malapit sa may bintana
at naglalaro mag-isa ng chess. Tahimik sa loob, maririnig lang ang mahihinang
hakbang ng mga taong naglalakad sa loob, ang paminsan minsang paglipat ng pahina at
pagbukas ng pinto sa tuwing may papasok o lalabas.

Sa tuwing naglalaro ito ay seryosong seryoso ang mukha nito, sobrang naka-focus
ang mga mata nito sa mga piraso ng chess na tila ba may sarili na itong mundo kaya
naman nang bigla nitong i-angat ang paningin ay nabigla siya at agad niyang ibinaba
ang tingin dito kahit alam niyang nahuli na siya nito nang magtama ang mga mata
nila. Hindi niya inalis ang mga tingin niya sa mga letra sa pahinang binuklat na
lang niya basta, ni hindi niya nga alam kung anong libro ba ang hawak niya, basta
na lang siya umabot ng libro sa pinakamalapit na shelf para may props siya sa pag-
stay niya sa loob ng libary. Maya-maya lang ay narinig niya ang pagliligpit ni Memo
ng mga piraso ng chess nito, hindi niya pa rin inaangat ang tingin niya pero
nahahagip ng kaonti ng paningin niya ang pagtayo nito at pagsara nito ng chess
board nang matapos magligpit, narinig niya ang paghigit nito ng upuan at paglalakad
nito. Naglalakad na ito patungo sa may pinto, akala niya lalabas na ito pero nang
nasa tapat niya na ito ay nabigla siya nang hinigit nito ang upuan sa tapat niya
mismo at ipinatong sa table niya ang chess board nito. Sila lang dalawa sa table,
hindi niya pa rin tinatanggal ang tingin sa pahina ng librong hawak, hindi
makatingin sa umupo sa harapan niya sa kabila nang lubusan niyang pagtataka.

"Were you stalking me?"

"Eh?" saka niya lang nagawang ibaba ang libro at tignan ito nang bigla itong
umimik, hindi naman ito nakatingin sa kaniya, inaayos nito ang posisyon ng mga
piraso ng chess, magsisimula na naman ito ng panibagong laro.

"Akala mo ba hindi ko napapansin ang pagsunod mo palagi sa akin?"

"E-eh? A-ano..." hindi siya mapakali, hindi niya alam ang sasabihin, nabuko na
siya pero nahihiya siyang umamin.

Tumawa si Memo sa pagpa-panic niya, ini-angat nito ang tingin sa kaniya, "Akala ko
ba takot ka sa mga lalaki,
bakit lapit ka nang lapit sa akin? Hindi ba lalaki ang tingin mo sa akin?"

"Hindi ganun!" napalakas ang tono ng boses niya kaya sinita siya agad ng
librarian, nag-sorry siya at hininaan ang boses habang nahihiyang yumuko, "Oo,
takot ako sa mga lalaki. Takot din ako sa'yo pero, simula nung araw na nakilala
kita at ipinagtanggol mo ako, ewan ko ba pero bigla ka na lang naging exception
para sa akin. Parang pakiramdam ko kakaiba ka, hindi mo ako sasaktan tulad ng iba."

"Wow, did I really give such an impact to you?" napa-iling ito pero nakangiti pa
rin sa kaniya, "I wish I can know what happened to you kaya ganiyan ka towards
guys. We can be friends if you want, you know. You don't have to stalk me always.
Talk to me if you want."

"T-talaga?" bigla siyang nakaramdam ng saya.

Tumango tango si Memo bilang sagot, "Hindi ako kasingbait nang iniisip mo pero if
you want me, just tell me."

"I, I don't want you..." unti-unting nag-iinit ang pisngi niya sa sinabi nito.

"Oh? But you like me, don't you? You feel attracted to me, it's probably confusing
and hard for you since you seem to be afraid of guys. You can't explain how you've
come to feel something nice towards a guy."

"Yeah," hindi na itinanggi pa ni Aly ang mga sinabi niya, "I don't know why but I
kind of like you..."

"Kung ganoon, make me like you too."

"Eh?" palagi na lang siyang nabibigla sa mga sinasabi nito. Napatawa naman si Memo
sa reaksyon niya, "If you tell me about you, I might probably start to like you too
and I can help with your problems."

Napakagat ng labi si Aly at napakunot ng noo, "Talaga?"

"Talaga. I'll even tell you about me. Let's get to know each other from now on,
Aria Ly."

Naputol ang pagbabalik tanaw ni Aly sa nakaraan nang makarating na siya sa harapan
ng pinto ng library, maliit lang ang pinto at may salamin sa gitna kung saan
matatanaw mo ang ilang mga tao sa loob na nakaupo at nagbabasa ng tahimik.
Hinawakan niya ang door knob, pinihit ito at pumasok sa loob. Iyon lang ang
natatanging library sa unibersidad nila pero malaki iyon, may ikalawang palapag
ito. Pagkapasok agad, sa may kanan ay may isang mahabang desk kung saan may tatlong
mga babaeng mukhang mga estudyante ang nakaupo sa harap ng tatlong computer, one
seat apart ang pagkakalayo nila sa isa't isa, dalawa sa kanila ay busy sa pagre-
register ng mga libro ng mga nanghihiram na nakapila sa harapan nila. Ang isa naman
ay biglang tumayo at lumapit sa isang cabinet sa likod nila at binuksan iyon, may
mga lamang papel, mukhang may hinahanap. Sila ang mga librarians na mga estudyante
din, part time nila iyon. Sa tabi ng mahabang desk nila ay ang banyo, malinis ang
banyo sa loob noon palibhasa kaonti lang ang gumagamit. Wala gasinong tao sa loob
ng library, sa tapat ng desk ng mga librarians ay may labing apat na mahahabang
desk, nahahati ito sa dalawang columns, pitong desk malapit sa desk ng librarians
at pito malapit sa malalaking bintana ng library. Sa tuwing pumupunta siyang
library mas gusto niyang umupo sa mga desk na malapit sa bintana kasi kita niya
mula sa kinauupuan niya ang ibaba at ang mga taong naglalakad sa labas, nasa
ikatlong palapag kasi ang library.

Pero hindi siya pumunta roon para magbasa o kung anuman, nais niya lang makita ang
mga pangalan ng mga taong pumunta sa library kahapon. Mayroon kasing maliit na
stand sa gilid ng desk ng mga librarian kung saan may nakapatong na malaking
notebook na hinihingi ang pangalan mo, anong oras at araw ka pumasok ng library at
lumabas. Obligatory iyon sa lahat ng pupunta sa library, nagsu-survey kasi ang
library ng unibersidad nila kung gaano kadami ang mga estudyanteng pumupunta sa
library at gaano sila katagal sa loob. Nagtungo siya doon para isulat ang pangalan,
matapos gawin iyon ay binuklat niya pabalik ang pahina para sa mga sumulat ng mga
pangalan nila doon kahapon. Hinanap niya ang pangalan ni Memo Clarkson, natagpuan
niya ito sa ika-tatlumpu't walong pumirma doon, tinignan niya ang oras at tama nga
ang sinabi nito kaninang umaga, nasa library ito the whole time na nangyari ang
insidente ng babaeng sinabing "nagpakamatay" sa banyo. Inilagay niya ang kamay sa
loob ng bulsa ng palda upang mabasa ulit ang maliit at maigsing sulat na natanggap
niya sa hindi niya kilalang tao ngunit narating niya na ang dulo ng bulsa ng
kaniyang palda ay wala pa rin syang mahawakang papel, kinapa niya rin ang kabilang
bulsa ngunit cellphone niya lang ang nandoon. Sinubukan niyang kapain ulit parehas
ang mga bulsa niya pero wala talaga doon, tumingin tingin siya sa sahig nagbabaka
sakaling nalaglag niya habang kinakapa ang bulsa ngunit walang papel doon, nagpa-
panic na siya. Nasaan na? Dalawang papel iyon pero parehas na nawawala. Nasaan na?
Nandoon pa man din ang pangalan ni Memo Clarkson. Nasaan na? Anong gagawin niya
kapag may nakakita?

"Miss, ok ka lang ba?" nabigla siya nang may magsalita sa likod niya, pagkalingon
niya ay nakita niya ang isang matangkad na lalaki na nakatingin nang may pagtataka
sa kaniya. Mukhang hindi nito maintindihan kung bakit siya nagpa-panic at panay ang
pagkapa sa bulsa, mukhang nakapila ito sa likod niya dahil kakapasok lang nito sa
library at ire-register din nito ang pangalan.

"May nawawala ba?" sa kanina niya pang pagkapa sa damit at paglingon lingon sa
sahig mukhang naintindihan na ng lalaking nasa harapan niya ang problema niya.
Tumango tango siya bilang sagot.

"Nilagay ko lang sa bulsa ko iyon eh, alam ko nasa bulsa ko lang pero nawala na
lang bigla," hindi siya mapakali, paano kung may makakita? Pwedeng isipin ng mga
tao na kalokohan lang ang nakasulat doon pero pwede rin nilang isipin na may
kinalaman iyon sa mga nangyayaring insidente sa paaralan nila. Mapapahamak si Memo.

"Ano bang nawala mo?"

"Papel, dalawang maliliit na itim na papel."

"Papel?" kumunot ang noo ng kausap niya, mukhang nagtataka ito kung bakit ganoon
na lang siya nagaalala sa pagkawala ng dalawang maliliit na papel, "Gusto mo
tulungan kitang hanapin? Saan mo ba huling naaalalang hawak ang mga iyon?"
"Eh?" napatigil sa pagkapa si Aly sa mga bulsa at ini-angat ulit ang tingin sa
kausap, "Wag na, ok lang. Hindi naman tayo magkakilala, maiistorbo pa kita."

"Ok lang sa akin, mukhang importante ang hinahanap mo. Saka isa pa, wala naman
akong ginagawang importante, nagpapalipas lang ako ng oras bago mag-bell kaya
nandito ako sa library."

"Naku, 'wag na talaga."

"Ano ka ba, ok lang talaga sa akin. Ako nga pala si Saturn," inabot nito ang kamay
sa kaniya, tinignan niya lang iyon tapos ini-angat niya ang tingin sa mga mata
nito, umangat ang magkabilang gilid ng mga labi nito, "Saturn Ignacio."

Siya ang target nila ni Memo sa bagong laro nila, ang sabi sa kaniya ni Memo ay
mangolekta raw muna siya ng impormasyon tungkol dito bago nito pag-isipang mabuti
kung anong "galaw" ang gagawin. Hindi pa siya nakaka-aksyon dahil sa mga nakaraang
pangyayari, ang balak niya ay bukas niya na gagawin iyon kapag kumalma na siya ng
kaonti pero tignan mo nga naman, ito na mismo ang lumapit sa kaniya. Pero bakit
ngayon pa kung kailan may hinahanap siyang importante.
<center><h1>6: Mga Papel</h1></center>

IKA-ANIM NA KABANATA

"May personality disorder ka rin ba?" naglalakad lakad si Aly sa loob ng kwarto ni
Memo, napatigil siya sa isang picture frame na nakapatong sa may maliit na cabinet
na katabi ng isang malaki at itim na bookshelf. Naitanong niya iyon habang
pinagmamasdan ang mga taong nakangiti sa larawan, iyon lang ang natatanging larawan
sa loob ng malaking kwarto na iyon.

"Bakit mo naman naitanong?" inalis niya ang tingin sa picture frame at lumingon
kay Memo, naka-upo ito sa may sahig, sa may gitna ng kwarto kung saan may nakalagay
na maliit na glass table. Nakapatong sa lamesa ang nilalaro nitong chess board.
Hindi man lang nito ini-angat ang tingin nang sumagot ito ng tanong sa tanong niya.

Naglakad siya patungo dito at umupo siya sa gilid nito, pinapanuod ang mga daliri
nitong ina-angat ang isang pirasong pawn na itim, "Kasi minsan mukhang mabait at
friendly ka at minsan naman, sobrang lamig ng pakikitungo mo at may pagkakataong
nakakatakot ang mga tingin at ngiti mo. Hindi ko tuloy malaman kung ano ka ba
talaga, mabait o masama."

Ngumiti ang kausap niya, pero hindi iyong tipo ng ngiting "masaya" kundi isang
ngiting "namamangha", lumingon ito sa kanya, " Alam mo na ang sekreto ko, dapat
alam mo na rin ang tunay na ako."
"Hmp," dinampot niya ang isang puting bishop na nasa labas ng chess board, ito
iyong mga pirasong "nakain" o talo na, at pina-ikot ikot niya iyon, "Hindi sapat
ang isang sekreto upang makilala ng buo ang isang tao."

"Pero sa sekretong iyon, alam mong hindi ako mabuting tao."

Napatingin si Aly sa padiretsong hinakbang na "White Rook" (o ang piraso na may


hugis tore ng isang kastilyo) ni Memo, nagtaka siya sa galaw na iyon kaya tinanong
niya ito, "Bakit mo inilagay sa tabi ng Black Queen ang White Rook? Hindi ba
makakain iyan? Dapat iyong "White Knight"," o ang piraso na hugis kabayo, "ang
ginalaw mo para makain mo iyong black pawn sa gilid."

"Can't you see, it's a trap."

"Huh?"

Itinuro ni Memo ang nakatagong black Knight sa likod ng mga black pawn na nasa
posisyon na kung saan maaabot ng L-range nito ang pagbabagsakang posisyon ng galaw
na itinuro ni Aly, "Kapag iginalaw ko ang white Knight para lang makain ang isang
piraso na tulad ng pawn ay makakain naman ng kalaban ang white Knight ko. If I'll
be blinded with such a trap, I'll gain something worthless and lose something
important."

"Oh," nasabi ni Aly nang ma-gets niya ang paliwanag nito, "Pero bakit mo inilapit
ang white Rook mo sa tabi ng black Queen? Makakain nito ang white Rook mo. Ahh,"
nang mapagmasdan nang maigi ni Aly ang mga piraso ay mukhang naintindihan niya na
ang "galaw" nito, "Hindi maaaring kainin ng Black Queen mo ang White Rook mo dahil
kapag ginawa niya iyon ay makakain naman siya nang nakaabang na white Bishop. Pero
kung hindi naman kakainin ng black Queen ang white Rook, siya naman ang makakain
nito. At kung aalis ang black Queen sa tabi ng white Rook upang maprotektahan ang
sarili, makakain naman ng white Rook ang black Rook na nasa kaliwa ng black Queen.
The black Queen is stuck, kahit anong gawin niyang galaw ay may mawawala sa kaniya,
either siya mismo o ang mga pirasong mahahalaga sa kaniya."

"Tama," mukhang natuwa sa kaniya si Memo dahil mas iniharap nito ang sarili sa
kaniya at ifinocus ang mga tingin sa kaniya, "It's either she'll kill and get
killed, sacrifice herself and protect others or vice versa, whatever she does
she'll lose something. What do you think is the right move for her? What would be
worth it to lose in the end?"

"Ewan," hindi niya talaga alam kung anong tamang galaw para sa larong iyon dahil
hindi naman talaga siya magaling mag-chess, nakakaintindi lang siya at marunong
maglaro ng kaonti, "Pero sa tingin ko, mas maiging i-sacrifice na lang iyong black
Rook kesa iyong black Queen, hindi ba? Pinakamalakas kasi ang Queen sa chess, siya
'yung may pinakamaraming galaw at pinakamalaki ang chance na kayang protektahan ang
King."
"That's true but you can still win a game without the Queen," in the end,
ipinakain nga ni Memo ang Black Queen sa White Rook. Hindi maintindihan ni Aly ang
galaw na iyon pero pinagpatuloy na lang niya ang panunuod sa laro nito.

"Paano mo natatalo ang sarili mo? Kung alam mo na kung anong mga patibong ang
sinet mo sa larong iyan?"

"It's either I forget the traps I set or it becomes an endless game without a
winner or a loser."

"Aly, hey Aly!" nabalik siya sa sarili nang maramdaman ang malalaking kamay sa may
balikat, pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang nagtatakang itsura ni Saturn
Ignacio. Katulad ng sinabi nito ay sinamahan siya nito sa paghahanap ng nawawala
niyang mga papel, binalikan nila ang mga lugar na pinuntahan ni Aly sa araw na iyon
pero halos matatapos na ang break time nilang parehas ay hindi pa rin nila ito
makita.

"Ok ka lang ba, bigla ka na lang natulala dyan?" inilipat ni Saturn ang tingin sa
may bulletin board na pinagmamasdan niya kanina bago matulala, may nakapagkit na
mga announcement dun at isa na doon ay ang malaking poster ng bandang Syntax Error
na magpe-perform para sa nalalapit na Senior Party ng unibersidad nila, "Fan ka ba
ng Syntax Error? Sikat na sikat sila ngayon ah kasabay ng bandang Runaway ba 'yun.

Ah, Syntax Error. Kaya na lang biglang nagbalik tanaw siya nang makita niya ang
poster na iyon ay dahil isa sa mga miyembro ng Syntax Error ang nakasali sa "Human
Chess Game" ni Memo, ang vocalist ng banda na si Sync Mnemosyne. Iyong nasa larawan
kasi na tinignan niya noon sa kwarto ni Memo ay isang larawan ng buong pamilya
nito: nandoon ang mga magulang ni Memo na mga nakangiti ngunit parang ang "seryoso"
ng mga ngiti, nasa pagitan silang dalawa ng nakababatang kapatid niyang si
Momoxhien Clarkson. Nakangiti roon si Memo ngunit hindi niya mabasa kung totoo o
hindi ang ngiting iyon samantalang ang kapatid lang nito ang talagang nakangiti ng
masaya sa larawang iyon. Ang kapatid niyang iyon ay may gusto kay Sync Mnemosyne at
nagkataong kilala nito ang vocalist na iyon at marami itong alam tungkol dito,
sinamantala nito ang kaalaman na iyon upang guluhin at paglaruan ang dalawa.

Hindi niya pa rin talaga alam ang pinakadahilan ni Memo sa paglalaro nito sa buhay
ng mga tao at kung bakit pati kapatid nito ay nagawa nitong isali sa masamang
larong iyon. Pakiramdam niya, may naganap na hindi magandang pangyayari sa loob ng
pamilya ni Memo ngunit wala naman itong nababanggit sa kanya. Gusto niyang
magkwento pa sa kanya si Memo, gusto niyang magtiwala ito sa kanya, gusto niyang
tulungan ito pero alam na alam naman niyang isa lang rin naman siya sa mga pirasong
handang isakripisyo ni Memo. Pero atleast, ako ang pinakamahalagang piraso para sa
kaniya, pakonsuwelo ni Aly sa sarili.

"Ah, hindi naman masyado,"umiling siya at humarap dito, "May naalala lang ako."

"Ano 'yun?" pag-uusisa nito.

"Sobrang fan ng bandang iyan ang kapatid ng kakilala ko."

"Talaga? Dito ba siya pumapasok? Kung oo, siguro tuwang tuwa 'yun."

Umiling ulit siya, "Hindi."

Tinalikuran na niya ang bulletin board at pinagmasdan ang paligid, tahimik na sa


may corridor at wala na masyadong mga estudyanteng dumadaan. Kinuha niya ang panyo
sa loob ng bulsa at ipinahid ito sa butil ng pawis na biglang tumulo mula sa gilid
ng noo niya, itinaas niya ang tingin sa kalangitan at napapikit ng kaonti ang mga
mata niya sa taas ng sikat ng araw, agad niya ring ibinaba ang tingin at sinilip
ang oras sa kaniyang relos.

"May klase na ako maya-maya ng kaonti, ikaw ba?" pagtatanong niya kay Saturn na
inilabas na ang cellphone at may tinitignan sa screen. Ini-angat nito ang tingin sa
kaniya upang sumagot, "May klase na rin ako."

"Salamat, Saturn kahit hindi natin nakita 'yung mga papel. Imposible nang makita
iyon sa laki ng unibersidad natin, nalibad na siguro iyon o nawalis na."

"Pero sayang naman, mukhang importanteng importante sa'yo."

"Di bale," nagpatuloy na siya sa paglalakad papunta sa building niya, sumunod


naman sa kaniya si Saturn, "Same building ka rin ba?"

"Sa Macasaet ka ba? Dun ang klase ko ngayon eh."

"Dun din," ngumiti sila sa isa't isa, "Uy, salamat talaga. Nakakatuwa ka naman,
kahit ang laking abala para sa'yo ay tinulungan mo pa rin ako kahit hindi mo naman
ako kilala."

"Wala 'yun, wala naman kasi akong magawa kanina," sumilip muna ito ng huling beses
sa screen ng cellphone bago nito itinabi sa bulsa at ngumiti sa kaniya.

Habang naglalakad sila sa kahabaan ng corridor ay napatingin silang parehas sa


direksyon ng puwang na parisukat na napapaligiran ng kabuuan ng building nila, sa
isang punto malapit sa gitna ng maberdeng damuhan ay may pumpon ng bulaklak na
nakatabi sa isang picture frame, hindi makita ang larawan na nilalaman nito dahil
nagre-reflect ang sikat ng araw sa salamin ng frame. Ang tahimik ng lugar at oras
na iyon, paminsan minsang maririnig ang hakbang ng mga paa, ang mahihinang tawa
galing sa itaas o sa loob ng malapit na classroom, maririnig ng kaonti ang paghigit
ng mga silya.

"Kung hindi mo mamasamain ang tanong ko," napataas ang balikat ni Aly sa bigla
nang umimik muli si Saturn, inalis niya ang tingin sa pumpon ng bulaklak na
nakapatong sa may damuhan at nilingon ito, "Ha?"

"Ano, kasi," iniwas nito ang mga mata at napahawak sa may batok habang nakabitin
ang mga sunod na sasabihin, "Hindi ba ikaw iyong nakasaksi doon sa nagpakamatay na
babae sa banyo?"

"Paano mo nalaman?" nanlaki saglit ang mga mata niya bago kumunot ang kaniyang
noo.

"Syempre, bali-balita sa buong unibersidad," napansin nito na naalarma siya sa


sinabi nito kaya kinalma siya agad nito, "Wag kang mag-alala, hindi ka naman
napapag-usapan. Wala namang sinasabing kung anong masama sa'yo, nababanggit lang
talaga ang pangalan mo dahil nga nandoon ka sa insidente. Actually, I lied to you."

"Huh?"

"Sinundan kita
sa library, nagtanong ako sa mga kakilala ko kung sino si Aria Ly at tinuro ka
nila sa akin kaya nang makita kita kanina na papunta sa library, pumunta rin ako
dun. Hindi ko alam kung paano ka lalapitan o kakausapin, pero nang makita kitang
parang may hinahanap ay kinuha ko na ang pagkakataon na iyon na kausapin ka habang
nagpapanggap na gusto kong tumulong dahil wala akong magawa pero ang totoo gusto ko
lang talagang makahanap ng tiyempo para itanong sa'yo ang isang bagay."

"Ha? Ano 'yun?"


"Sa tingin mo ba nagpakamatay talaga 'yung babaeng nakita mo sa banyo?"

Marahang iniyuko patagilid ni Aly ang kaniyang ulo sa may kanan habang gusot na
gusot na ang pagitan ng mga kilay niya, "Bakit mo itinatanong?"

Marahas na inalis ni Saturn ang kamay sa may batok at marahas din ang pagbagsak ng
kamay nito sa gilid ng katawan, ibinalik nito ang mga tingin sa kaniya at napansin
niyang tumigas at lumalim ang nilalaman ng mga mata nito, "Hindi kasi ako
naniniwalang nagpakamatay siya, sa tingin ko may pumatay sa kaniya."

Bumagsak ang ibabang panga ni Aly at naiwang nakabukas ang maliit niyang bibig,
nabura na lahat ang gusot sa kaniyang mukha at napalitan ng gulat. Hindi niya
maisara ang bibig ni makapagsalitang muli, nabato na lang siya sa sobrang
pagkabigla sa sinabi nito.

"Kilala ko 'yung namatay, girlfriend siya ng kaibigan ko. Tinanong ko ang kaibigan
ko, mga kaibigan ni Rose," pangalan nang pinaguusapan nilang namatay sa banyo, "At
ayon na rin sa mga nakaraang obserbasyon ko kay Rose noong buhay pa siya ay wala
namang makikitang motibo para magpakamatay siya bigla, ganoon rin ang sinabi ng mga
kamag-anak nito, wala silang problema sa pamilya, sa pera o kung anuman. Maayos ang
relasyon nila ng kaibigan ko, wala siyang kaaway sa mga kaibigan niya, walang
nambu-bully sa kaniya, wala naman siyang problema sa mga grades niya kaya bakit
niya kikitilin ang sariling buhay?"

"Kilala mo siya?" nahanap na rin ni Aly ang biglang nawalang boses.

Tumango si Saturn at marahan nitong itinuro ang direksyon ng pumpon ng mga


bulaklak at picture frame sa gitna ng damuhan, "Kilala ko rin ang bumagsak mula sa
rooftop ng building na ito."

Ibinaba na nito ang kamay na nakaturo, "Hindi ba nakakapagtakang sunod sunod ang
mga namamatay? At lahat ng dahilan ng pagkamatay nila ay suicide? Pero ni isa sa
kanila wala namang makitang motibo para magpakamatay."

"Anong gusto mong iparating?" bumibilis ang tibok ng puso ni Aly, lumalakas ang
mga hakbang, nage-echo ang mga tawa sa corridor, nakakangimi ang paghigit ng mga
silya sa sahig at parang mas lalo niyang nararamdaman ang init na dala ng araw,
"Bakit sinasabi mo itong mga bagay na ito sa akin?"
"Murder, 'yan ang gusto kong iparating. May mamamatay tao sa paaralang ito na
pinagmumukhang suicide ang bawat pangyayari. Sinasabi ko ito sa'yo dahil ikaw ang
nakakita ng bangkay ni Rose."

Umatras si Aly mula kay Saturn at nagkaroon ng himig ng pagkainis sa boses niya,
"Pinaghihinalaan mo ba ako?!"

"Hindi, hindi," napa-iling ang kausap niya, mukhang nahihirapan ito na ipahiwatig
ang gustong sabihin, "Gusto kong tulungan mo akong alamin ang totoong nangyari at
nangyayari. Ikaw ang nakakita sa bangkay ni Rose, wala ka bang nakitang kakaiba o
hindi tama sa insidenteng iyon? Mukha ba talagang suicide para sa'yo iyong nakita
mo?"

Huminga ng malalim si Aly bago sumagot, "Pasensya na pero hindi ko gaanong maalala
ang itsura niya, sobrang nabigla at natakot ako noon, nag-panic ako at hindi ko
siya napagmasdan nang maayos. Alam ko lang ay may nakita akong blade sa tabi ng
pulso niyang duguan, nakahiga siya sa may sahig ng banyo tapos ewan, hindi ko
matandaan kung paano ang pagkakahiga niya o ang itsura niya, hindi ko na natignan
ng maayos. Natakot kasi talaga ako."

"Ganoon ba," mukhang dismayado ito sa sagot niya, parang may inaasahan pa siyang
makukuhang impormasyon mula sa kaniya pero hanggang doon lang talaga ang
natatandaan niya, "Sige Aly, pasensya na kung isanasangkot pa kita sa paranoia ko.
Hindi ko lang kasi talaga matanggap ang mga pangyayari, dalawang kakilala ko kasi
ang bigla na lang nagpakamatay. Parang hindi talaga katanggap tanggap."

"Sige, punta na ako sa klase ko," tumalikod na ito, itinaas ang kamay at nagpaalam
na. Pinagmasdan ni Aly ang papalayo nitong likod, pinakinggan ang tunog ng mga
hakbang nito habang pinagiisipan ang mga sinabi nito sa kaniya.

"Saglit!" tawag niya dito, napatigil naman ito at lumingon sa kaniya. Tumakbo siya
palapit dito at hinihingal na sinabi, "Murder."

Hindi umimik ang kaharap, binato lang siya nito ng pagtataka.

"Murder," humigpit ang kapit ni Aly sa gilid ng palda, "Sa tingin ko iyon din ang
mga nangyayari, hindi lang basta suicide. May sasabihin ako."

Hinintay ni Saturn ang sasabihin niya, huminga muna siya ng malalim.


"Iyong mga papel na hinahanap natin," tumigil muna siya sandali at nag-isip,
nagdadalawang isip siya kung itutuloy ang sasabihin, "Wag mong ipagsasabi kahit
kanino."

"Ano 'yun? Anong meron sa mga papel na hinahanap natin?"

"Ipangako mo munang hindi mo ipagsasabi kahit kanino."

"Oo, pangako. Ano bang meron?"

Pumikit si Aly, hinigpitan ng sobrang higpit ang hawak sa gilid ng palda at


binitawan din agad saka iminulat muli ang mga mata, "Natatanggap ko iyon sa locker
ko, hindi ko alam kung kanino galing pero nakasulat doon ang pangalan ng isang
taong pumatay daw sa kaniya."

"Pumatay daw sa kaniya? Ha? Paano 'yun?"

"Hindi ko alam, pero basta," umiling iling si Aly, lumunok muna siya ng laway
dahil pakiramdam niya ay bumabara ang lalamunan niya, "Nang matanggap ko ang unang
papel ay nangyari 'yung rooftop incident, at nang makita ko 'yung sa banyo
natanggap ko iyong ikalawang papel. Hindi ko alam kung may koneksyon ang mga papel
na iyon sa mga insidenteng naganap pero those papers were talking about murder.
Tapos - "

"Aria?" napatigil sa pagsasalita si Aly nang marinig niya ang pamilyar na boses na
tumawag sa pangalan niya, hindi sa palayaw niya kundi sa pangalan niya mismo,
inulit pa nito ang tawag sa kaniya nang hindi agad siya sumagot, "Aria."

Parang tumigil sa pagtibok ang puso niya at biglang tumibok ulit ng sobrang bilis,
marahan niyang nilingon ang tumatawag sa kaniya, "Memo."

"What were you talking about?"

Sasabog na talaga ang puso niya sa bigla, sa gulo at sa kaba.

You might also like