Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

SINESOS

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

MODYUL 1

Inihanda ni:

Imelda G. Josue, MAEM


Faculty
NPC ONLINE COURSE GUIDE FOR AY 2020-2021

TALAAN NG MGA NILALAMAN

I. Mga Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan


 Marxismo
 Realismo
 Pormalismo
 Feminismo

II. Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan


 Karakterisasyon/Mga Tauhan
 Banghay/Plot at/o Sinopsis at/o Buod
 Sinematograpiya
 Panlipunang Nilalaman/Social Content ng Pelikula

III. Panonood at Pagtalakay/Pagsusuri sa Mga Pelikula


IV. Pahambing na Pagtalakay/Pagsusuri sa Tematikong Dulog (Sa Pagitan ng Marxismo at
Realismong Teorya o Pelikula)
V. Pahambing na Pagtalakay/Pagsusuri sa Tematikong Dulog (Sa Pagitan ng Pormalismo at
Feminismong Teorya o Pelikula)
VI. Pagsusuri at Pagrerebyu ng Ilang Uri ng Pelikula
VII. Paggawa ng Maiksing Pelikula, Video Clip o Dokumentaryong Pelikula

DESKRIPSYON

Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal na


panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa kontekstong Pilipino. Sa
pamamagitan ng dulog na tematiko ay inaasahang masaklaw ng kurso ang mga paksang
makabuluhan sa pag-unawa ng kontemporaryong pelikulang panlipunan, mapalokal, nasyonal at
internasyonal man, alinsunod sa pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong pwersa.

LAYUNIN

Makatugon sa pangangailangang edukasyonal ng mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng


mga kalagayang panlipunan patungkol sa piling pelikula na naghahatid ng kamalayan, kaunlaran
at kasanayan sa pagkilatis at pagsusuri ng mag-aaral. Gayundin, layunin ng asignaturang ito na
magkaroon ng bahagi ang manonood dilang sa kasiyahang makukuha sa panonood, kundi maging
bahagi sila ng pag-unlad dala ng pelikulang panlipunan, sa aspektong moral, social, at intelektuwal
na bahagi nito.

BALANGKAS

Kompetensi (Kakayahan): Ang asignaturang ito o kurso ay magbibigay daan sa mga mag-aaral na
Pilipino na malinang ang kakayahan na magamit ang kaalaman at kakayahang kumilala ng sining
pampelikula sa anyong kultural, teknikal, pampanitikan, moral, sosyal at panlipunan.

Inaasahang Matututuhan (sa pagtatapos ng kurso)

1. Magkaroon ng kaalaman sa pagpapaliwanag o pagtalakay sa mga aralin;

2. Magamit ang kasanayan sa pagsusuri at paghahambing ng pelikulang panlipunan.

3. Pakikilahok at pag-uulat sa mga paksang itinakda

4. Pagpapahalaga sa paggamit ng Online na teknolohiya

5. Mailarawan ang sining ng pelikula sa makabuluhan at malayang paghahayag

6. Maipaliwanag kung paanong ang kultural na kamalayan ay gumising sa mapanglikhang diwa

ng mag-aaral

7. Matutong gumawa ng rebyu ng pelikula, film analysis/film writing, short film video clip at iba pa

Kinakailangan sa Kurso:

Pag-aralan o makibahagi sa paksang tinalakay, mag-ulat at ihanda ang mga sagot pagkaraan ng
isang linggo o hinihingi ng pagkakataon. Maghanda sa maikling pagsusulit makaraan ang ilang
miting ng aralin o talakayan.
Pamagat ng Kurso: SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN______

Skedyul: _______________________________________________________________

Guro: _Imelda G. Josue_____________________________________________

Bilang ng Modyul: 1______________________________________________________

Paksa: Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan (Marxismo)

Linggo: 1 - 2_____________________________________________________________

Inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral pagkatapos ng yunit

1. Maipaliwanag ang piling teorya sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan.


2. Mapanuring maisakatuparan ang makrokasanayang panonood.
3. Makapa-ambag sa pagtataguyod ng Wikang Pilipino bilang daluyan ng makabuluhan at
mataas na antas ng diskursong pangkultura, pampanitikan, at pampelikula.
4. Magamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng komparatibong pagsusuri ng pelikulang
panlipunan.

Learning and Teaching Support Materials

1. Modyul
2. Ilustrasyon
3. Online na talakayan
4. Worksheets
5. Ibang teksto/pelikula
Lektyur Proper at Talakayan:

I.A – PELIKULANG PANLIPUNAN PATUNGKOL SA MARXISMO

Mga Layunin

1. Nasusuri ang pelikula – sa konteksto o tema nito sa kabila ng mga umiiral na suliraning
panlipunan

2. Naipapamalas ang pagkakaiba-iba ng kulturang panlipunan na masasabing naging sangkap


ng pelikula, dula o pagtatanghal

3. Natutukoy kung ano ba ng Marxismo at ano ba ang epekto nito sa kamalayan ng isang mag-
aral o manonood

Panimula:

SINESOSYEDAD - sa istandard na kahulugan, walang eksaktong pakahulugan dito. Maliban sa


pagtukoy sa gampaning itinakda upang makita ang kaugnayan ng pelikulang
panlipunan sa panitikan, kultura, sining at mundong ating ginagalawan. Mula
dito, ay mapagpapasyahan ng mag-aaral ang kahalagahan ng asignaturang ito
sa panahon ng pag-aaral patungo sa kamalayan na magsisilbing daan tungo sa
pagkilala ng sining ng pelikula na ekstensyon ng katotohanang nagaganap sa
ating buhay. Tunghayan ang mga susunod pang kaganapan sa pagtatapos ng
kursong ito.

Ano ba ang Marxismo?

Ayon sa pag-aaral, ang Marxismo ay umiikot sa isang teoryang pang-ekonomiya, sosyo-


lohikal, metodong pilosopikal, at panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan. (Wikipedia).

Pinukaw ito ng dalawang Alemang Pilosopo na sina Karl Max at Friedrich Engels, noong
kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo.

Nakakaimpluwensiya ito sa ugnayang panlipunan, sistemang pulitikal. legal, moralidad at


ideolohiya. Nagkakaroon ng tunggalian sa pagitan ng sistemang kapitalismo at proletariat (working
class) na sector na binubuo ng mababang antas ng manggagawa tulad ng magsasaka, factory worker
at iba pang mababang gawain na layunin ay kumita ng maayos sa pamamagitan ng pagbabanat ng
buto samantalang ang pribadong pagmamay-ari ng tinatawag na burges(middle class) ay
namamayagpag na nagiging hadlang sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at karapatan ng
karaniwang mamamayan.

Ano ang epekto ng Marxismo sa kalagayan ng pelikulang panlipunan/ sinesosyedad o


mismong panitikan? Umiiral paba ito hanggang sa ngayon?
Malaki ang ginagampanan nitong papel sa panahon ng makabagong panitikan at sining. Ito
ang nagiging batayan ng mga manunulat at kritiko sa pag-analisa upang bigyan buhay ang kanilang
propesyon sa pagsusulat, paglikha ng obra sa pamamagitan ng tunggalian ng dalawang pwersa o
lakas at maipakita o maihatid ang mensahe sa mambabasa o manood ng pagtatanghal, maging
pelikula man sa puting tabing, aninong gumagalaw sa telebisyon o pagtatanghal sa bulwagang
dulaan.

Magandang materyales ang teorya sa kalagayan ng mga Black man, Latino, Aprikano at
Asyano na kung saan ang karamihan ay maaring maisulat ang kanilang kasaysayan at mabigyan ng
kahulugan ang kanilang imahe sa lipunang ginagagalawan at makabangon sa mga kaapihan at
kahirapang naranasan.

Gawain:

1. Manood ng pelikula, Video Clip, o trailer ng mga sumusunod: -1) ”ang daigdig ng
mga api”(1965) from Cinemasters, Inc. Directed by: Gerardo De Leon. (Winners of eight major
Famas Awards); 2) Ïto ang Pilipino”(1966) by Emar Pictures” starred by the former President
Joseph Estrada. Directed by: Cesar Gallardo, (Winners of four major awards); 2) Sakada (1976),
Directed by Behn Cervantes (RIP), won a Dekada Award in 1981 as Best Film of the Decade. After
three months of showing, copies of the film were seized under the era of Marcos regime. The director
of the film was also arrested under the order of the late President Marcos and served as a political
prisoner. 4) The Lion King II (Simba’s Pride, 1998), Walt Disney 5) Ä Bug’s Life (2002), Walt Disney
Production. Maari ring kumuha ng iba pang suring pelikula patungkol sa Marxismo na alam mo.

2. Magbigay ng sariling reaksyon o halimbawa kung umiiral ba ito sa panahon ngayon


sa pamamagitan ng pansariling sagot. Hindi na maaring ulitin ang sagot ng iba.

3. Gumawa ng maikling tala o pagbubuod tungkol sa Marxismo sa konteksto ng


diwa ng wikang Pilipino. Suriin o ipaliwanag ang umiiral na kalagayan nito sa loob ng apat (4) o
limang (5) pangungusap.

4. Magbigay ng sariling reaksyon sa pag-ganap ng mga tauhan, direksyon, kwento ng


pelikula, setting, sinematograpiya, at kabuuuan nito. Sinong nang-api/sinong inapi?

5. Ano ang moral o social na pagpahahalaga (value), o aral ang nakuha?

Pangalan ng mag-aaral: ____________________________________________________________________________________

Titulo ng Pelikula: __________________________________________________________________________________________

Pangkat: _____________________________________________________________________________________________________
Sagot:_________________________________________________________________________________________________________

1._______________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________

2.________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________

3.________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________

4.________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________

5.___________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

You might also like