SALAWIKAIN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

21st Century Literature from the Philippines and the World

Explain the following Salawikain.

1. Ano man ang gagawin, makapitong isipin.

2. Kapag ang taoy matipid, marami ang maililigpit.

3. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.

4. Nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa.

5. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda

6. Pag di ukol, di bubukol.

SAGOT:

1. Ang ibig sabihin po, sa bawat gagawin natin ay dapat mag isip tayo ng mabuti at ng

siguradong pasya, kaya nga ang kasabihan natin din"nasa huli ang pagsisisi".

2. Ang ibig sabihin naman po nito ay ang taong matipid o marunong magtabi ay marami ang

maililigpit, sapagkat kung ikaw ay magtitipid o mag-iipon siguradong pag oras ng

kagipitanikaw ay may pakikinabangan sa iyong sariling bunga ng pagtitipid.


3. Ang ibig sabihin naman po nito sa madaling sabi o sa diretsyahan,"ang walang pakinabang

ay walang karapatan na magtapon o mag-aksaya ng hindi niya bunga o walang bahagi", at

talagang walang hinayang magtapon ang tao na talagang hindi nag-ipon dahil hindi niya alam
yung hirap ng mga nagtitipon o yung naranasan nila.

4. Ang ibig sabihin naman po nito sa tunay na kahulugan nito sa salawikain ay hindi daw po

sapat ang humingi lang ng awa sa Dios kundi may kalakip na gawa upang makamit mo yung

biyaya, ngunit kung minsan ay hindi natin namamalayan na yung mga bagay na hindi mo

naman hinihiling o ipinapanalangin ay dumarating o minsan nasa panganib tayo eh wala

naman tayong magagawa, Subalit sa malaking awa ng Dios na may hawak ng ating buhay ay

pinahihintulot parin niya na tayo ay mabuhay, kaya sa lahat ng bagay ang Dios ang

gumagawa.

5. Ang ibig sabihin naman po nito ay ang pagkabata natin, pag-uugali, nakasanayan at

kung paano tayo pinalaki ng ating mga magulang ay ito'y madadala natin sa atin

pagtanda, sapagkat habang tayo ay tumatanda ito'y atin isinasabuhay.

6.Ang ibig sabihin naman po nito ay pag hindi nakalaan talaga sayo ang isang bagay ay hindi

mo talaga ito makakamtan, subalit ito'y isang kawikaan lamang, sapagkat kadalasan nating

naririnig "pag may gusto ay may paraan, pag ayaw may dahilan" at "pag may tiyaga may

nilaga" gayon din naman sa pagaasawa.

You might also like