Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

ARALIN

SI USMAN, ANG ALIPIN


1 (Maikling Kwento)

MGA KASANAYAN:

❖ Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan


ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay
sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

❖ Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa


pagbibigay ng mga patunay

❖ Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod,


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento,
mito, alamat, at kuwentong-bayan.
ARALIN 1 FILIPINO 7

Ang Aralin 1 ay inaasahang matutunan ng

mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga

paksa tulad na lamang ng mga karunungang-

bayan at pahayag na nagpapatunay. Sa

pamamagitan ng kagamitang pagkatutong ito

ay mapaunlad ang iba’t ibang kasanayan ng

mga mag-aaral gaya na lamang ang

kakayahang mahinuha ang kaugalian at

kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan

ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari

at usapan ng mga tauhan. Saklaw rin sa araling

ito ay ang mga iba’t ibang kuwentong-bayan sa

Pilipinas at mga pahayag na nagbibigay

patunay.

2|
ARALIN 1 FILIPINO 7

ARALIN 1:
Nakapunta ka na ba sa Maguindanao?
Ang kuwentong-bayan ng Maguindanao ay
tinatawag ding Maguindanaon, Maguindanau o
Magindanaw. Ang mga taga-Maguindanao ay
nangangahulugang taong tagakapatagan o
people of the flood plains.

Halina’t ating alamin ang nilalaman ng kuwentong-bayan


ng Maguindanao na pinamagatang
“Si Usman, Ang Alipin”.

Para sa kabuoang nilalaman ng kuwentong-bayan,


basahin ang nasa pahina 9 – 11 ng aklat.

NILALAMAN:
TALASALITAAN:

➢ Napagtanto – nalaman
➢ Nasawi – namatay
➢ Nagpupuyos – galit na galit
➢ Panangis – pag-iyak
➢ Pagsusumamo - pagmamakaawa

3|
ARALIN 1 FILIPINO 7

TAUHAN:
• Usman – pangunahing tauhan ng akda
• Potre Maasita – babaeng nagkagusto kay Usman
• Sultan Zacaria – malupit na sultan

MAHALAGANG KAISIPAN:

• Ang anumang kakulangan o kapintasang taglay


mo, hindi dapat maging hadlang sa iyong
pagiging mabuting tao.
• Dapat igalang nating ang bawat isa kahit anuman
ang estado sa buhay (mayaman man o mahirap)
• Bilang isang lider, dapat maging pantay at
makatarungan at hindi husgahan ang isang tao
batay sa buhay na pinagmulan.

ATING ALAMIN
Ano nga ba ang kuwentong-bayan?
Ang kuwentong-bayan ay bahagi ng ating
katutubong panitikang nagsimula bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Karaniwang
inilahad ang kaugalian at tradisyon ng lugar kung
saan ito nagsimula at lumaganap

Basahin ang nasa pahina 17 – 18 para sa kabuoang


nilalaman ng paksa.

4|
ARALIN 1 FILIPINO 7

HALIMBAWA NG KUWENTONG-BAYAN SA BANSA:


A. TAGALOG:
✓ Si Maria Makiling
✓ Si Malakas at Si Maganda
✓ Mga Kuwento ni Juan Tamad

B. BISAYA:
✓ Ang Bundok ng Kanlaon
✓ Ang Batik ng Buwan

C. MINDANAO:
✓ Si Manik Buangsi
✓ Si Monki, si Makil at ang mga Unggoy
✓ Si Lokes a Babay, si Lokes a Mama at ang
Munting Ibon
✓ Si Usman, Ang Alipin

5|
ARALIN 1 FILIPINO 7

LAGING ISAISIP
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA
PATUNAY
Buksan ang aklat sa pahina 21 para sa kabuoang
nilalaman ng paksa.

❖ DAPAT TANDAAN:
• Kadalasang pahayag o pangungusap ay
naglalaman ng mga salita/ parirala na “patunay”,
1 “katunayan” o “ayon sa/ kay”.

HALIMBAWA:

➢ Ang probinsyang Bohol ay matatagpuan sa Rehiyon VII ng


Pilipinas na Tagbilaran City ang kabisera nito. Katunayan,
ang pangalang Bohol ay nanggaling sa salitang “boho” na
may ibig sabihin na butas.

• May mga numerikal o mabibigat na ebidensiya.


2
HALIMBAWA:

➢ Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong


pisong badyet para makamit ng bansa ang pagkakaroon
ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon.

6|
ARALIN 1 FILIPINO 7

KAYA MO YAN!

G.1: PANUTO: Tukuyin kung ano/sino ang


ipinapahiwatig sa mga sumusunod na pahayag. Piliin
ang sagot sa mga salitang nasa loob ng kahon.

Usman Maguindanao Kuwentong-bayan


Ebidensya Buluan Zacaria
Potre Maasita nawala nagmamakaawa
Namatay pag-iyak nalaman

______________________1. Dalagang anak ni Sultan Zacaria na


nagkagusto kay Usman.
______________________2. Siya ang ipinabilanggo ni Sultan Zacaria
dahil sa taglay na kakisigan ng binata.
______________________3. Malupit na sultan sa akdang “Si Usman,
Ang Alipin”.
______________________4. Lugar kung saan nangangahulugang
taong tagakapatagan o people of flood
plain.
______________________5. Tawag sa mga bagay o datos na
ginagamit para mas lalong kapani-
paniwala ang iyong pangangatwiran.
______________________6. Kabisera o kapital ng probinsyang
Maguindanao sa Mindanao.
______________________7. Akdang pampanitikan na may layuning
makapanlibang at magbigay aral sa mga
mambabasa.
______________________8. Kahulugan ng pagsusumamo.
______________________9. Kahulugan ng maglaho.
______________________10. Kahulugan ng napagtanto.
7|
ARALIN 1 FILIPINO 7

G.2 PANUTO: Ang mga sumusunod ay mga halimbawang


kuwentong-bayan sa ating bansa. Isulat ang KT kung ito
ay galing sa mga Tagalog, KB kung ito ay galing sa mga
Bisaya at KM naman kung ito ay galing sa Mindanao.

____________1. Ang Bundok ng Kanlaon


____________2. Ang Batik ng Buwan
____________3. Si Malakas at si Maganda
____________4. Si Lokes a Babay, si Lokes a Mama
____________5. Si Usman, Ang Alipin
____________6. Si Maria Makiling
____________7. Si Manik Buangsi
____________8. Si Monki, si Makil at ang mga Unggoy
____________9. Mga Kuwento ni Juan Tamad

G.3 PANUTO: Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod na


pangyayari (1-6) ng kuwentong-bayang “Si Usman, Ang
Alipin”. (6 puntos)
________ Nang sumunod na araw, ikinasal sina Usman at Potre
Maasita at silang dalawa ang namuno sa kanilang lugar.
________ Isang umaga, pumunta si Usman sa palengkeng malapit
sa palasyo ng namumunong sultang nangangalang
Zacaria.
________ Nagbunyi ang mga tao matapos silang tulungan nina
Usman at Potre Maasita.
________ Hinuli si Usman ng mga tauhan ni sultan Zacaria sapagkat
mas makisig pa ito kaysa sa sultan.
________ Isang malakas na lindol ang yumanig sa palasyo na
ikinamatay ni sultan Zacaria.
________ Nagmamakaawa si Potre Maasita sa kanyang ama na
pakawalan ang kanyang minamahal na si Usman.
8|
ARALIN 1 FILIPINO 7

G.4 PANUTO: Lagyan ng tsek (✓) kung ang pahayag ay


nagbibigay patunay at (x) kung hindi. (10 puntos)

________1. Bumaba ng 64 bahagdan ang kaso ng dengue sa


lalawigan ng Bohol at ipinahiwatig lamang dito na naging
epektibo ang pagsulong ng kampanya laban sa dengue
ayon pa kay Dr. Reymoses Cabagnot ng Provincial Health
Office.
________2. Kung isinasapuso niyo ang mga aral na nasa seminar,
hindi malabong maging matagumpay ang kapanya
laban sa dengue.
________3. Umaasa ang marami na dahil sa Oplan tokhang ay
mababawasan ang bilang ng mga Pilipinong nalulong sa
droga.
________4. Ayon sa datos na nakalap ng Philippine Drug Enforcement
Agency (PDEA), mahigit 1,308,078 na nalulong sa
ipinagbabawal na gamot ang sumuko noong Hulyo 2017
at kaakibat nito ay ang unti-unting pagbaba ng
kriminalidad ng ating bansa.
_______5. Maging mapagmatyag tayo palagi dahil hindi natin
matantiya kung kalian darating ng kalamidad sa ating
bansa.
_______6. Ang probinsyang Bohol ay matatagpuan sa Rehiyon VII ng
Pilipinas na Tagbilaran City ang kabisera nito. Katunayan,
ang pangalang Bohol ay nanggaling sa salitang “boho”
na may ibig sabihin na butas.
_______7. Kamakailan lamang ang Boracay ay nagsara kaya tuloy
madalang na lamang pumunta ang mga turista.
_______8. Noong Oktubre 2013, isang malakas na lindol ang yumanig
sa pulo ng Bohol at ayon pa sa National Disaster Risk
Reduction and Management Council (NDRRMC), humigit
200 ang namatay dahil dito.
9|
ARALIN 1 FILIPINO 7
_______9. Maraming turista ang dumadayo sa dagat ng Panglao
kaya roon tayo maligo sa darating na bakasyon.
_______10. Maraming Pilipino ang nabighani sa teleseryeng
“Bagani” ng ABS-CBN at patunay lamang nito ang 35.5%
rating sa unang episode pa nito.

G.5 PANUTO: Maghinuha sa kaugalian at kalagayang


panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-
bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga
tauhan. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (Maaaring
makikita sa pahina 13 – 14 ng aklat.)

1. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit


sa palasyo ng sultan. Mahihinuhang ang lugar ng sultan ay …
A. Mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo
ng mga tao
B. Ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao
C. Katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak
D. Tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang
si Usman

2. Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang itsura,


nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking
nakhihigit sa kanya hindi man lang ito tinutulan ng kanuang
mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na …
A. Malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan
B. Kinakatatakutan ang makapangyarihang sultan
C. Mayaman at maraming ari-arian ang sultan
D. Masipag at mapagmalaki ang sultan

3. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po


siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ni Potre Maasita sa
10 |
ARALIN 1 FILIPINO 7

kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin


nito.Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay …
A. Matigas ang kalooban
B. Mapaghiganti
C. Mapagtimpi
D. Matalino

4. “Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang


mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig.
Mahihinuha sa ginagwang ito ng dalaga na …
A. Matatakutin siya at madaling sumuko sa mga pagsubok
B. Matalino siya at laging umiisip ng paraan
C. Mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa magulang
D. Malakas ang kanyang loob at hindi siya basta sumusuko

5. Nang magkaroon ng malakas na lindol sa kanilang lugar ay


hindi nagdalawang-isip sina Usman at Potre Maasita na
tumulong sa mga kababayang nasalanta. Nang bumalik sa
normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan.
Mahihinuhang ang taumbayan ay…
A. Nagagalak sa pagkakaroon ng mabubuting pinuno kapalit
ng nagdaang malupit na pinuno
B. Nag-aalala nab aka ang susunod na pinuno ay malupit
ding tulad ng nauna
C. Namamayani ang kagustuhan para sa mga pinunong may
magandang itsura
D. Nagbabakasaling makatagpo na sila ng mga pinunong
makatutulong upang maging mayaman ang bawat isa sa
mga kaharian.

11 |
ARALIN 1 FILIPINO 7

Baisa-Julian, A. G., Lontoc, N. S., & Del Rosario, M. G. (2018).


Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma. 927 Quezon
Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Steward, James. "Maguindanao." Encyclopedia.com. 1996.
Accessed July 26, 2016. http://www.encyclopedia.com/
doc/1G2-3458000839.html.

PETSA KAILAN NATAPOS: _________________________

PANGALAN NG MAGULANG AT PIRMA:

_________________________________________________

“Ang anumang kakulangan o kapintasang


taglay mo, hindi dapat maging hadlang sa
iyong pagiging mabuting tao.”

12 |

You might also like