MalikhaingSulatin (Tula)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Pandemya ka lang”

ni: Helna Cachila

Nang dahil sa isang pandemya


Bawat tao at bansa ay walang magawa
Ang dating malaya at masayang bansa
Ngayo'y namuhay sa takot at banta
Hindi nakapaghanda,sa dala nitong sakuna

Paghahawak kamay ay naging armas


Pagtitipon at pagsimba'y naging labag sa batas
Minsan din,pag kontrol sa tao’y nauuwi sa dahas
Tayo'y naging mga ibon sa hawla,hindi makatakas
Naging mahirap ang ating paglabas

Takot ang namayani


Lahat naging bayani
Puwera sa mga taong hindi makaintindi
At sa lahat nalang sa gobyerno ang sisi
Kailangan natin,displina sa sarili

Sana tayong lahat ay magtulungan


Upang ang krisis na ito ay malagpasan
Sarili natin ay pangalagaan
Pagtibayin natin ang ating kalusugan
Upang sakit at impeksyon ay maiwasan

Dahil sa laban na hindi makita


Ang kailangan natin ay magka-isa
Sumunod tayo sa pagdistansya
Maniwala tayo na may pag-asa.
Dahil isa lamang ito pandemya.

You might also like