Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
LAYUNIN
1.Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap
ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita
sa radyo at telebisyon.
(F11PN-IId-89)

2. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa


talakayan. (F11PT-IIe-87)

3. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng


paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa
kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at
grupong kinabibilangan. (F11PS-IIe-90)

4. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa


paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita.
(F11WG-IIf-88)

4. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba't


ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba't ibang grupong
sosyal at kultural sa Pilipinas. (F11EP-IIf-34)

IKALAWANG MARKAHAN
SHS 11
Inihanda ni: Bb. GERALDINE MAE B. DAPYAWIN
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 1

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO

Layunin ng pagtuturo ng wika ang


pagpapaunlad sa kaalaman ng mag-aaral sa

PANIMULA gamit ng wika sa pagmamagitan ng paggamit


nito sa makabuluhang konteksto ng
pakikipagtalastasan. Ang kakayahang
komunikatibo o communicative competence
ay tumutukoy sa kakayahang magamit ang wika
nang wasto at naaayon sa layunin ng
pakikipagtalastasan. Ang inaasahang bunga ng
pagkatuto ng wika ay kakayahang
makipagtalastasan, hindi lamang ang
kakayahang magamit ang wika nang eksakto sa
pagkakagamit ng katutubong tagapagsalita nito.

MGA KAKAYAHANG A. Kakayahang Lingguwistiko


B. Kakayahang Sosyolingguwistiko

PANGKOMUNIKATIBO C. Kakayahang Pragmatik


D. Kakayahang Diskorsal
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO

Sa terminolohiyang panligguwistika, ang


pagtuturo ng wika ay hindi lamang kakayahang
lingguwistiko kundi kakayahang
pangkomunikatibo sa pangkalahatan.

KAKAYAHANG Ang kakayahang lingguwistiko ay kaalaman sa


mga tuntunin ng wika, gaya ng balarila,

LINGGUWISTIKO talasalitaan, at ang mga kombensyon ng pasulat


na representasyon (pasulat at ortograpiya).
Binibigyang pansin dito ang
pagtukoy sa paggamit ng
Binubuo ang balarila ng kaalaman sa mga tunog
balarila, sintaks, at
talasalitaan ng isang wika. Ito at ang pagbigkas sa mga ito (ponetika), ang mga
ay sumasagot sa mga tanong tuntunin sa interaksyon ng mga tunog at
na: Ano-anong salita ang
pagkakabuo nito (ponolohiya).
gagamitin? Paano
pagsasama-samahin ang
mga ito upang makabuo ng
Ang pagbuo ng mga salita ayon sa pagbabago
mga pahayag at
pangungusap? sa tono at ang ugat ng mga ito (morpolohiya).

Ang mga tuntunin sa pagsama-sama ng mga


salita at pahayag tungo sa pagbuo ng mga
pangungusap (sintaks).

Ang paraan sa pagtukoy sa kahulugan sa


pamamagitan ng wika (semantika).
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
TAMANG GAMIT NG SALITA SA PAHAYAG
Kailangang taglayin ng mga pahayag ang kawastuhang panggramatika. May mga
salita kasi tayong ginagamit na ang akala natin ay maaaring malayang
nagkakapalitan ngunit hindi naman kung ibabatay natin sa istriktong tuntuning
panggramatika.

Bukod sa kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng panalita katulad ng pangngalan,


panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangangkop, pang-ukol at pangatnig
ay dapat ding matutuhan ng isang magpapahayag ang wastong gamit ng mga
salita. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

PAHIRIN - PAHIRAN PUNASIN - PUNASAN


Pahirin – pagtatanggal, pag-alis, o pagpawi Punasin – ginagamit kapag binabanggit ang
ng isang bagay. bagay na tinatanggal
Halimbawa: Pahirin mo ang iyong Halimbawa: Maaari mo bang
pawis sa ilong punasin ang alikabok sa mesa?

Pahiran – paglalagay ng isang bagay. Punasan – ginagamit kapag ang binabanggit


Halimbawa: Masarap na almusal ay ang bagay na pinagtatanggalan
ang pandesal na pinahiran ng ng kung ano man.
mantekilya. Halimbawa: Punasan mo ang iyong
mukha.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
TAMANG GAMIT NG SALITA SA PAHAYAG
IWAN - IWANAN
PINTO - PINTUAN
Iwan – huwag isama/dalhin;
Pinto (door) – bahagi ng daanan na isinasara
Halimbawa: Iwan mo na lang ang bag
o ibinubukas
mo sa kotse ko.
Halimbawa: Isinara ni April ang
Iniwan – paglayo o paglisan
pinto upang hindi makaiwas sa
Halimbawa: Iniwan ko ang pag-aaral
masasamang-loob.
dahil walang pantustos ang magulang
ko.
Pintuan (doorway) – kinalalagyan o
kinakabitan ng pinto; bahaging
Iwanan – bibigyan ng kung ano ang isang tao;
daanan
Halimbawa: Iwanan mo ako ng perang
Halimbawa: Nakaharang sa pintuan
pambili ng hapunan.
ang hinubad niyang
sapatos.
– paglagay ng bagay o tao sa isang
lugar o tao. HAGDAN - HAGDANAN
Halimbawa: Naiwanan ko ang payong Hagdan (stairs) – mga baitang na inaakyatan
doon sa simbahan, nakita mo ba? at binababaan sa bahay o
gusali.
Halimbawa: Mabilis nilang inakyat ang
hagdan dahil huli na sila sa klase.

Hagdanan (stairway) – bahagi ng bahay na


kinalalagyan ng hagdan
Halimbawa: Ang hagdanan ng kanilang
bahay ay matibay kaya hindi gumuho ang
hagdan niyon matapos ang lindol.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
TAMANG GAMIT NG SALITA SA PAHAYAG
OPERAHAN - OPERAHIN WALISIN- WALISAN
Operahan – tumutukoy sa tao at hindi ang Walisin – tumutukoy sa bagay na tatanggalin
bahagi ng katawan Halimbawa: Kailangan na nating
Halimbawa: Kailangang maoperahan walisin ang mga tuyong
siya agad dahil malala na ang bukol sa dahon.
kanyang dibdib.
Walisan – tumutukoy sa lugar na lilinisin
Operahin – tumutukoy sa tiyak na bahagi ng Halimbawa: Huwag din nating
katawan na kailangang tistisin kalimutang walisan ang
Halimbawa: Bukas na ooperahin ang likod-bahay.
mga mata ng matanda.

SUNDIN - SUNDAN KUNG - KONG

Sundin – sumunod sa payo o pangaral Kung (if) - pangatnig na panubali at

Halimbawa: Sundin mo ang lagi kong ginagamit sa hugnayang

inihahabilin sa iyo upang hindi ka pangungusap

mapahamak. Halimbawa: Magpaalam ka muna


sa iyong lola kung aalis ka.

Sundan – pumunta sa pinuntahan ng iba


Halimbawa: Sundan mo agad ang Kong (my) – nanggaling sa panghalip na

kaibigan mo at baka tuluyan na iyong panaong ko na inangkupan ng ng

magtampo. Halimbawa: Mapagkakatiwalaan


ang matalik kong kaibigan.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
TAMANG GAMIT NG SALITA SA PAHAYAG
TUNGTONG - TUNTONG - TUNTON SUBUKIN - SUBUKAN
Tungtong – panakip sa palayok o kawali Subukin (to try or test) – pagsusuri o
Halimbawa: Hindi maalala ni Aling pagsisiyasat sa uri, lakas o
Rosita kung saan niya nailagay ang kakayahan ng isang tao o bagay;
tungtong ng palayok. Halimbawa: Susubukin ng guro ang
kakayahan ng kanyang mga
Tuntong – pagyapak sa anumang bagay mag-aaral.
Halimbawa: Tumuntong si Rady sa
mesa upang maisabit ang parol. – pagsubok sa bisa ng isang bagay
Halimbawa: Subukin mong kumain
Tunton – pagbakas o paghanap sa bakas ng ng gulay at prutas nang lumusog
anumang bagay ka.
Halimbawa: Hindi matunton ni Gladee
kung saan nagsuot ang kanilang tuta. Subukan (to spy) – pagtingin upang malaman
ang ginagawa ng isang tao o mga
SILA - SINA
tao
Sila – panghalip na panao
Halimbawa: Matagal na namin
Halimbawa: Sila ay mahusay mamuno
siyang sinusubukan kung saan siya
ng palatuntunan sa paaralan.
nagpupunta pagkatapos ng
klase.
Sina – panandang pangkayarian sa
pangngalan (anyong maramihan ng “si”)
Halimbawa: Sina Susan at Rowen ay
masisipag na anak.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
TAMANG GAMIT NG SALITA SA PAHAYAG

KINA - KILA
Kina – panandang pangkayarian sa panggalan
Halimbawa: Pupunta kami kina Angela
sa darating na Linggo.

Kila – walang salitang kila sa Balarilang


Filipino.

TAGA - TIGA
Taga – unlaping nagsasaad ng gawaing
isinasaad ng salitang-ugat
Halimbawa: Ang kalihim ang tagakuha
ng mahahalagang datos sa bawat
gawain.

Tiga – walang salitang tiga sa Balarilang


Filipino
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
TAMANG GAMIT NG SALITA SA PAHAYAG
NG
Ginagamit ang “ng” kasunod ng mga pang- NANG

uring pamilang. Ginagamit ang “nang” sa gitna ng mga

Halimbawa: Bumili si Rex ng apat na pandiwang inuulit.

tinapay para sa anak niya. Halimbawa: Takbo nang takbo ang bata sa
parke sa sobrang kaligayang naramdaman

Ginagamit ang "ng" sa mga pangngalan. niya.

Halimbawa: Pumunta ng paaralan ang


guro. Ginagamit ang “nang” pampalit sa “na at ang”,
“na at ng”, at “na at na” sa pangungusap.

Ginagamit ang “ng” upang magsaad ng Halimbawa: Umaga nang dumating si Jose

pagmamay-ari. sa bahay nila. (Umaga na ng dumating si

Halimbawa: Ang silid-aralan ng mga bata Jose sa bahay nila.

ay ibinaha.
Ginagamit ang “nang” para magsaad ng dahilan

Ginagamit ang “ng” kapag ang sinusundan na o kilos ng galaw.

salita ay pang-uri. Halimbawa: Nag-aral nang tahimik ang

Halimbawa: Bumili ng magandang damit magkapatid.

ang tatay para ibigay kay nanay.

Ginagamit ang “ng” upang pananda sa


gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: Inalis ng matanda ang mga
nakaharang na bakod sa daan.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
TAMANG GAMIT NG SALITA SA PAHAYAG
Ang rin, raw, rito, roon, riyan, at rini ay ginagamit
kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig at malapatinig na y at w.

Halimbawa:
1. Gusto raw niya kumain ngayon ng mangga na
may bagoong.

2. May lumitaw raw na mga bagong pulo sa


Pilipinas?

3. Nasasaktan na rin siya kaya huwag ka nang


manggulo pa.

Ang din, daw, dito, doon, diyan, at dini ay


ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig.

Halimbawa:
1. Hindi naman daw sinasadya ang nangyari kaya
patawarin mo na siya.

2. Kailangan dito ngayon ang mga gamit na


pinapadala sa iyo kahapon.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO

Tumutukoy sa kaalaman sa mga tuntuning


pansosyokultural, gaya ng mga paraan sa
paggamit at pagtugon sa mga tuntuning
pansosyokultural, gaya ng mga paraan sa
paggamit at pagtugon nang naaangkop sa

KAKAYAHANG wikang gamit ng kausap.

SOSYOLINGGUWISTIKO Ang pagkaangkop nito ay naaayon sa tagpuan


ng komunikasyon, sa paksa at sa kaugnayan ng
Kalimitang tinatanong ang mga taong nag-uusap. Higit pa rito, nakaayon
mga ito: Ano-anong salita o din ito sa pagiging mulat sa mga bagay na hindi
pahayag ang naaayon sa
lugar ng pag-uusap at sa
katanggap-tanggap sa kultura ng kausap, sa
paksang pinag-uusapan? ginagamit na mga salitang kababakasan ng
Paano naipahahayag ang
paggalang, pagtukoy sa angkop na salita para
angkop na pag-uugaling
ipakikita kung sa isang sitwasyon at paraan ng pagpapahayag
kinakailangan? Paano ng pagiging palakaibigan, taong nasa
malalaman ang pag-uugali
ng kausap ayon sa kanyang
kinauukulan, pagpapakita ng paggalang at iba
pagpapahayag? pa.

Upang mailarawan ang iba't ibang bagay na


itinatampok ng isang sitwasyong
pangkomunikasyon at upang makatulong sa
kontektuwalisasyon ng isang pag-aanalisang
lingguwistiko, binuo ni Dell Hymes ang
modelong SPEAKING. Ginamit niya ang mga titik
ng salitang SPEAKING bilang akronim upang
matanim sa isip ng bawat isa ang salik na
nakaaapekto sa komunikasyon.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO

S - SETTING AND SCENE:


Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan?
Kailan ito nangyari?

P - PARTICIPANTS:
Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?

E - ENDS:
Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng

SPEAKING pag-uusap?

A- ACT SEQUENCE:
Modelo ng
Paano ang takbo o daloy ng pag-uusap?
Komunikasyon ni
Dell Hymes K- KEY:
Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso ba o
pabiro?

I- INSTRUMENTALITIES:
Ano ang anyo at estilo ng pananalita?
Kumbersasyonal ba o may mahigpit na pagsunod
sa pamantayang panggramatika?

N- NORMS:
Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at
ano ang reaksyon dito ng mga kalahok? Malaya
bang nakapagsasalita ang mga kalahok o
nalilimitahan ba ang pagkakataon ayon sa uri, lahi,
kasarian, edad, at iba pang salik?

G - GENRE
Ano ang uri ng sitwasyon o materyal na
ginagamit (halimbawa: interbyu, panitikan, liham)?
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
Ayon kina Lightbown at Spada (2006), ito ay
tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa
isang partikular na konteksto upang

KAKAYAHANG magpahayag sa paraang diretsahan o may


paggalang. Ibig sabihin, ang isang taong may
PRAGMATIKO kakayahang pragmatiko ay mabisang nagagamit
ang yaman ng wika upang makapagpahayag ng
mga intensyon at kahulugang naaayon sa
konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang
ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi, at
ikinikilos ng kausap.

Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang


diskurso ay nangangahulugan ng "pag-uusap
at palitan ng kuro" (2010).

KAKAYAHANG Mula rito, mahihinuha na ang kakayahang

DISKORSAL diskorsal ay tumutukoy sa


umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na
kakayahang

wika.

2 Uri ng kakayahang diskorsal:

1) Kakayahang tekstuwal
- kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at
pag-unawa ng iba't ibang teksto gaya ng mga
akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal,
transkripsyon, at iba pang pasulat na
komunikasyon.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO

2 Uri ng kakayahang diskorsal:

KAKAYAHANG 2) Kakayahang Retorikal


- tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal
DISKORSAL na makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito
ang kakayahang unawain ang iba't ibang
tagapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw o opinyon.
GAWAIN
PAALALA: Sagutin ang sumusunod na gawain. Gumamit ng hiwalay na
sagutang papel o document file para sa iyong sagot.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

GAWAIN I
PAGGAMIT NG ANGKOP NA SALITA
PANUTO: Basahin ang pahayag sa sumusunod na larawan. Tukuyin ang
salita o parirala na nagtataglay ng kamalian sa gramatika. Ipaliwanag
kung bakit ito mali at palitan ito ng angkop na salita o parirala ayon sa
konteksto ng paksa. (10 puntos)

*Mga Larawang Kinuha sa Google


IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

GAWAIN 2
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

PANUTO: Panoorin ang isa sa ginawang talakayan sa palatuntunang


DZMM Teleradyo, ito ay may paksang "Mga Dapat Isaalang-alang sa
Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo." Himayin ang naging pag-uusap gamit ang
modelong SPEAKING ni Hymes. Gamitin ang kasunod na pormat.
(20 puntos)

https://youtu.be/5avhCR4ua64
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

GAWAIN 2
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
PANUTO: Panoorin ang isa sa ginawang talakayan sa palatuntunang
DZMM Teleradyo, ito ay may paksang "Mga Dapat Isaalang-alang sa
Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo." Himayin ang naging pag-uusap gamit ang
modelong SPEAKING ni Hymes. Gamitin ang kasunod na pormat.
(20 puntos)

Pamagat ng Palatuntunan:

___________________________

Gabay: Tala:

S - Settings and Scene

P - Participants

E - Ends

A - Act Sequence

K - Key

I - Instrumentalities

N - Norms

G - Genre
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

INAASAHANG
AWTPUT
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
PANUTO: Suriin ang mga larawan. Pansinin ang paggamit ng wika sa
mga ito. Mula rito, bumuo ng isang kritikal na sanaysay na magbabahagi
ng iyong naging obserbasyon o hinuha sa iba't ibang paraan ng paggamit
ng wika ng iba't ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

INAASAHANG
AWTPUT
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

PANUTO: Suriin ang mga larawan. Pansinin ang paggamit ng wika sa


mga ito. Mula rito, bumuo ng isang kritikal na sanaysay na magbabahagi
ng iyong naging obserbasyon o hinuha sa iba't ibang paraan ng paggamit
ng wika ng iba't ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG KRITIKAL NA SANAYSAY:

a. Nilalaman 40 %
b. Balarila (Wasto ang Gramar o 40 %
Pagkakaayos ng mga salita)
c. Orihinalidad 20 %

Kabuuang Marka 100 %


IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 2

SANGGUNIAN

Badayos, B. B., Carreon M. B., Francisco, C.C., Escoto, M. C., Illana, M. A.,
Medellin, J. P. at Rosales, G. B. (2010). Masining na Pagpapahayag
(Aklat sa Filipino 3 – Antas Tersyarya. Mega-Jesta Prints, Inc.

Batnag, A. E., Fortunato, T. F. at Reyes, A. C. (2011). Sanaysay: Sining ng


Mabisang Pagpapahayag. C & E Publishing.

Bernales, R. A., Bernardino, E. C., Sison, E. O., Babasa, E. E., Balanza, M.


A., Banawa, M. D., Cruz, M. F., Madre, A., Noble, A. A., Perez, S. D.,
Ramos, T. D. G. at Quijano, M. Q. (2013). Retorika: Ang Sining ng
Pagpapahayag Batayan at Sanayang-Aklat sa Filipino 3,
AntasTersyarya. Mutya Publishing House, Inc.

Impong Elyang. (2012). Buwan ng Wika Special: Wastong Gamit ng mga


Salita
http://www.philstar.com/cebu-lifestyle/2012/08/02/834114/buwan-
ngwika-special-wastong-gamit-ng-mga-salita.

You might also like