Mga Sitwasyong Pangwika Sa Pilipinas

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

MODYUL 1

MGA
SITWASYONG
PANGWIKA SA
PILIPINAS
LAYUNIN
1.Natutukoy ang iba't ibang paggamit ng wika sa mga
napakinggang pahayag mula sa mga panayam at balita sa
radyo at telebisyon.
(F11PN-IIa-88)
2. Natutukoy ang iba't ibang paggamit ng wika sa
nabasang pahayag mula sa mga blog, social media posts
at iba pa. (F11PB-IIa-96)

3. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko


at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga
pelikula at dulang napanood. (F11PD-IIb-88)

4. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga


kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino. (F11PU-IIc-87)

IKALAWANG MARKAHAN
SHS 11
Inihanda ni: Bb. GERALDINE MAE B. DAPYAWIN
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 1

SITWASYONG
PANGWIKA
SA PILIPINAS
Bagama't halos isang siglo na nang simulang
buuin at paunlarin ang Filipino, nanatili ang

PANIMULA posisyong mapanggiit nito. Bukod sa politika ng


pagpaplanong pangwika sa Pilipinas, sarisaring
hamon ang kinakaharap nito sa gitna ng
pagbabago ng panahon at modernisasyon ng
lipunan. Napapanahong patuloy na suriin ang
kalagayan ng wika bilang isang penomenong
panlipunan kaugnay ng kalagayang pang-
ekonomiya at pampolitika ng Pilipinas. Ang
mayamang kultura, kasaysayan at makulay na
politika sa bansa ang nagbubunsod ng
pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang
pangwika sa edukasyon at iba pang aspekto ng
lipunan.

A. Pamahalaan
ALAMIN ANG MGA B. Edukasyon
C. Kalakalan
SITWASYONG D. Telebisyon at Pelikula

PANGWIKA SA:
E. Radyo at Pahayagan
F. Text, Internet o Social Media
G. Kulturang Popular
GAWAIN
PAALALA: Sagutin ang sumusunod na gawain. Gumamit ng hiwalay na
sagutang papel o document file para sa iyong sagot. Hindi kailangang
kopyahin ang mga tanong, sagot lamang ang ilagay.
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 1

GAWAIN I
HAMON SA PAMBANSANG WIKA
PANUTO: Basahin at suriin ang kasunod na malayang salin ng sipi mula
sa artikulong Language, Learning, Identity, Privilege ni James Soriano na
unang nailathala sa Manila Bulettin noong Agosto 24, 2011. Maari ring
mabasa ang orihinal at buong artikulo sa
https://opinion.inquirer.net/11649/language-learning-identity-privilege.
Sagutin ang tanong na kasunod nito.

Ang Filipino...ay itinuturing na "iba pang" asignatura -- halos


espesyal na asignatura tulad ng PE at Home Economics, liban lamang
dahil dito ay ginagraduhan tulad ng Science, Math, Religion at English.
Lagi kaming nagrereklamo ng mga kaklase ko sa Filipino. Gawain ang
Filipino, tulad ng paghuhugas ng pinggan; hindi ito wika ng pagkatuto. Ito
ang wikang ginagamit namin sa pakikipag-usap sa mga taong
naghuhugas ng aming pinagkainan.

...

Iniisip namin noon na ang pagkatuto ng Filipino ay mahalaga


dahil ito ay praktikal. Filipino ang wika sa labas ng klasrum. Ito ang wika
ng lansangan. Ito ay kung paanong kinakausap ang mga tindera kapag
nagpupunta ka sa tindahan, kung ano ang sinasabi mo sa katulong kapag
may utos ka, at kung paano tinetext si manong kapag kailangan mo ng
"sundo."
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 1

GAWAIN I
HAMON SA PAMBANSANG WIKA

Ano ang reaksyon mo sa pahayag ni Soriano tungkol sa wikang


Filipino? Sumasang-ayon ka ba rito o hindi? Pangatuwiranan.
(15 puntos)
IKALAWANG MARKAHAN | MODYUL 1

GAWAIN 2
MGA SITWASYONG PANGWIKA

Magsagawa ng pananaliksik at tukuyin ang kasalukuyang kalagayan o


paggamit ng Wikang Filipino sa iba't ibang sitwasyon sa loob ng
kultura at lipunang Pilipino.

Mga Sitwasyong Pangwika sa:

A. Pamahalaan (5 puntos)
B. Edukasyon (5 puntos)
C. Kalakalan (5 puntos)
D. Telebisyon at Pelikula (5 puntos)
E. Radyo at Pahayagan (5 puntos)
F. Text, Internet o Social Media (10 puntos)
G. Kulturang Popular (10 puntos)

You might also like