Professional Documents
Culture Documents
Ibong Adarna
Ibong Adarna
Ibong Adarna
Ang masaya at mabuting pamumuhay ng mga nasasakupan ay biglang napalitan ng lungkot ng biglang
magkasakit ang kanilang hari.
Reyna Valeriana : Aking mahal, anong nangyayari sa iyo? Tila'y hindi normal ang iyong nararamdaman.
Narrator : Nakita ni Haring Fernando sa kaniyang panaginip na pinaslang ng dalawang tampalasan ang
kaniyang bunsong anak na si Don Juan.
Narrator: Lubos ang pag-aalala ng mahal na reyna kaya't nagpatawag ito ng pinakamagaling na mediko
sa buong kaharian.
Reyna: Pakiusap, gawin mo ang iyong makakaya upang mapagaling ang aking minamahal.
Mediko: Ako'y patawarin mahal na Reyna, sapagkat hindi ko matukoy ang sakit ng Amang hari.
Narrator: Bago pa humantong sa kawalan ng pag-sa, isang manggagamot ang sa wakas ay dumating at
tiyaking natukoy ang sanhi ng karamdaman ng hari.
Manggagamot : Ang karamdaman ng mahal na hari ay dahilan ng kaniyang masamang panaginip. Ang
tanging makakapagpagaling lang dito ay ang awit ng ibong adarna.
Don Pedro: Ang ibong adarna lang ang makapagpapagaling sa ating Mahal na Ama, at ako ang kukuha
nito sapagakat ako ang panganay.
Don Diego: Hindi, ako ang kukuha sa Ibong Adarna sapagkat maaari itong maakit ng aking angking
kagwapuhan na kinagigiliwan ng mga babae!
Don Pedro at Don Diego: Hindi maari sapagkat hindi ka karapat dapat at ikaw ay mahina pa!
___________________________________________
Narrator: At dahil si Don Pedro ang inaasahang papalit sa trono, siya ay nagkusang naglakbay upang
hulihin ang Ibong Adarna. Hindi sya nagtagumpay kaya naman at sumunod si Don Diego. Parehas silang
hindi nagtagumpay sapagkat nadapuan sila ng dumi ng Ibong Adarna.
_________________________________________________________
Reyna Valeriana: Ang mga anak ko! Ilang buwan na hindi bumabalik si Don Pedro at Don Diego. Ano ang
gagawin ko.
Don Juan: Ina, hayaan niyo na pong ako ang kumuha sa ibong adarna at iligtas ang aking mga kapatid.
Don Juan: Ama, maaari nyo po ba akong payagan upang makuha ang ibong adarna at hanapin ang aking
mga kapatid? Humingi po ako ng basbas..
________________________________
Narrator: Dahil sa pag-aalala ng hari na magkatotoo ang kaniyang panaginip, ang naging desisyon nito
ay,
Haring Fernando: Hindi maaari, hindi ko kakayanin ang mawalan ng isa pang anak.
Don Juan: Ako po’y nangangakong babalik nang ligtas, tutuparin ko po ang aking hangarin.
Nagmamakaawa po ako, nais ko pong gumaling kayo.
Don Juan: (lumuhod) Parang awa nyo na po, nais ko pong makatulong sa inyo, at nais ko din pong
maligtas ang mga kapatid ko.
_______________________________________
Narrator: Hindi natiis ni Haring Fernando ang kaniyang anak kaya naman ay binigyan nya ito ng basbas
upang maglakbay.
_________________________________________
Matandang Leproso: Maaari bang makahingi ng pagkain, sapagkat ako’y gutom na gutom na.
Leproso: Maraming salamat, hijo. Pagpalain ka sana dahil sa iyong kabutihang taglay. Sana’y
magtagumpay ka sa iyong layunin.
Don Juan: Nandito po kasi ako upang hanapin ang ibong adarna sapagkat ika ng manggagamot, ito lang
po ang tanging nakakapagpagaling sa aking ama.
__________________________________________
Narrator: Pinaalam ng matanda ang lihim kung paano makuha ang ibong adarna. Kaya naman ay
naglakbay si Don Juan patungo sa tahanan ng isang matandang ermitanyo.
Narrator: Nang makarating doon, pinapasok nya ito. Labis niyang ikinagulat nang makita niya sa hapag
ang mismong tinapay na ibinigay niya sa matandang leproso.
Ermitanyo: Ipagkakaloob ko sayo itong labaha, mga dayap at itong gintong sintas. Habang kumakanta
ang ibong adarna, hiwaan mo ang iyong palad at patakan mo ng dayap. Bawat kanta ng ibong adarna,
gawin mo ito.
Narrator: Sinimulan nya ang pag-lalakbay wala pa ang Ibong Adarna nang marating nya ang lugar na
iyon. Hindi pa dumadating ang ibon ay inaantok na ito. Pitong awit ang ginawa, bawat kanta ay
sinusugatan ni Don Juan ang kaniyang palad at upang lalong humapdi, pinipigaan niya ang sugat ng
dayap. Naiilagan ni Don Juan ang dumi ng ibong adarna. Nahuli niya ang ibon at tinalian ng gintong
sintas. Agad syang bumalik sa tahanan ng ermitanyo.
Don Juan: Nahuli ko na po ang ibong adarna, paano ko po maililigtas ang kapatid ko?
Ermitanyo: Ito, ibibigay ko sayo ang tubig na ito, buhusan mo ang mga kapatid mo na naging bato.
_____________________________________
Narrator: Matapos na magbalik bilang tao ang kanyang mga kapatid at magpaalam nang maayos sa
ermitanyo, naglakbay nang pauwi ang tatlong prinsipe.
Don Pedro: Hindi ako makakapayag, hindi ako uuwing biguan! Kailangan nating paslangin si Don Juan.
Don Diego: Tutol ako diyan! Siya’y ating kapatid. Alam kong magagalit ang ating ama sa atin.
Narrator: Dahil dito, naipasya na lamang ng dalawa na bugbugin ang pinakabatang prinsipe at iwan sa
gitna ng kabundukan. May nakakita naming matanda na tumulong kay Don Juan.
________________________________
Don Pedro: Ina! Nandito na po kami! Dala dala na naming ang ibong adarna na magpapagaling sa ating
ama.
Haring Fernando: Bakit pumangit ang kulay ng ibon, hindi din sya umaawit?
Narrator: Isinalaysay naman ng ibong Adarna ang ginawa ni Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.
Nagalit ang hari sa dalawang prinsipe.
Don Pedro: Nadala lang po kami sa aming emosyon. Sana’y patawarin nyo kami.
Don Juan: Ama, pinapatawad ko na po ang aking mga kapatid. Sana’y bigyan nyo po sila ng pagkakataon
na magbago.
Don Pedro at Don Diego: Sana’y patawarin mo din kami Don Juan.
Narrator: Kinalaunan ay gumaling na ang hari at binilinan niya ang magkakapatid na bantayan ang Ibong
Adarna. Pinuyat ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan at pinakawalan ang ibong adarna. Nagpasya si
Don Juan na hanapin ito at umalis nang walang paalam. Sa pag-aakalang si Don Juan ang may kasalanan,
Haring Fernando: Nasaan ang inyong kapatid? Siya’y inyong tugisin! Ngayon din!
_____________________________
Narrator: Napadpad ang magkakapatid sa kabundukan ng Armenya. Nakakita sila ng balon at binalak ni
Don Pedro at Don Diego na makarating sa dulo ng balon ngunit hindi sila nagtagumpay. Ngunit, hindi ito
ang natagpuan ni Don Juan, pagkat bukod sa kaharian, natagpuan niya sa dulo ang magandang si Donya
Juana.
Donya Juana: Papayag ako, kung makakaya mong matalo ang higanteng nagbabantay sa akin.
_________________________________
_____________________________________
Donya Juana: Pumapayag na ako, ngunit, maaari mo bang mailigtas ang aking kapatid na si Donya
Leonora sa kamay ng serpyente?
_____________________________
Narrator: Nang makarating na sila sa lugar na kinaroroonan ni Donya Leonora, nabihag ng dilag ang puso
ng Don Juan kaya naman ginawa nya ang lahat upang iligtas ito sa serpyente. Isinama na ni Don Juan si
Donya Juana at Donya Leonora sa ibabaw ng lupa. Inggit na naman ang namayani sa puso ni Don Pedro
sa magandang kapalaran ng bunsong kapatid.
_______________________________________
Donya Leonora : Sanadali, may nakaligtaan akong isang bagay, ang singsing. Naiwan ko ito sa palasyo.
________________
Narrator: Habang nakalambitin sa lubid, tinaga ni Don Pedro ang lubid at bumagsak si Don Juan.
Tinangkang tumulong ni Donya Leonora ngunit pinigilan siya ni Don Pedro at pilit na isinama sa
Berbanya. Sa kabila nito, nagawang bulungan ng princesa ang kaniyang kaibigang lobo upang iligtas at
alagaan si Don Juan. Nang makaahon sa balon sa tulong ng lobo, natuklasan niyang iniwan na siya ng
mga kapatid, kasama ang mga princesa. Sanhi ng pagod at lumbay, nakatulog siya sa ilalim ng isang
puno.
______________
Ibong Adarna: Wag ka nang mag-alala at kalimutan mo na si Leonora. Sa kaharian ng Crystales, naroon
ang higit na magandang si Donya Maria. Kailangan mo lang makalagpas sa pagsubok ng hari.
____________________
Narrator: Sarisaring kababalaghan ang mga nakaharap ni Don Juan patungong Reino de los Cristal. Sa
kanyang pagdating, nakita nya ang mga dalagang naliligo ngunit, nabighani sya sa pinakamaganda sa
mga ito na dili iba’t si Donya Maria. Hindi napigilan ni Don Juan na nakawin ang damit nito.
_______________________________
Narrator: Nahulog agad ang damdamin ng dalaga sa prinsipe, kaya naman umuwi sila sa palasyo at
nakilala na ni Don Juan si Haring Salermo. Inisa isa ni Don Juan ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring
Salermo at ito’y kanyang napagtagumpayan. Nalaman ni Haring Salermo na tinulungan siya ng princesa
kaya naman ay..
____________________________
Don Juan: Babalik ako sa Berbanya. Paghahandaan ko ang pagtanggap nila sa iyo, aking Reyna.
_________________
Narrator: Tulad ng inaasahan, nagana pang sumpa ni Haring Salermo. Hindi na nga nakabalik si Don Juan
at nakalimutan na si Donya Maria. Nang malaman ng princesa na ikakasal na ang binate kay Donya
Leonora, agad itong nagtungo sa Berbanya.
____________
Donya Maria: Itigil ang kasal! Kailangan ako ang ipakasal kay Don Juan! Ako ang tunay niyang iniirog!
Donya Leonora: At sino ka naman? Ako ang tunay na mahal ni Don Juan. Iniligtas nya ako sa kamay ng
serpyente sapagkat tuna yang kaniyang pag-ibig.
Donya Maria: Ako ang tunay niyang mahal! Ginawa nya ang lahat ng pagsubok upang makuha nya ang
suporta ng aking ama sa aming pagmamahalan!
_________________________
Narrator: Matapos ang kasal ay ninais ni Haring Fernando na ilipat ang kanyang setro’t korona kay Don
Juan ngunit hindi pumayag si Donya Maria sapagkat mat sarili nang kaharian si Don Juan bunga na sya ay
kabiyak ng nag-iisang princesa ni Haring Salermo. Bunga nito, kay Don Pedro napunta ang kaharian ng
Berbanya at sa kanyang Reyna Leonora at nagkatuluyan naman si Don Diego at Donya Juana. Sa
pagbabalik nina Don Juan at Donya Maria sa Reino de los Cristal, nabatid nilang namayap na si Haring
Salermo at ang mga kapatid nito kaya naman ay kinoronahan na si Don Juan bilang bagong hari.
Hanggang sa kanilang pagpanaw, hindi sila nalilimutang ilakip sa mga dalangin ng mga taong kanilang
pinamumunuan.