Rizal Law

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

RIZAL LAW: REPUBLIC ACT 1425 - ANG PINAKA-KONTROBERSYAL NA BATAS NG 1956

Ang Republic Act 1425 o mas kilala sa tawag na "Rizal Law", ay marahil na isa sa mga pinaka-
kontrobersyal na batas sa kasaysayan ng bansa. Bago lagdaan ang batas noong 1956, napakahabang
diskusyon at debate ang pinagdaan ng nasabing batas bago ito mapirmahan ni noo'y Presidente
Ramon Magsaysay. Umani ito ng iba't-ibang pambabatikos at matinding oposisyon, lalo na mula sa
Simbahang Katolika.
Si Sen. Claro Recto ang pangunahing nagsulat at nagsulong ng batas. Sa kanyang Senate Bill No.
438 o ang Rizal Bill, kasama ang isa pang may-akda na si Sen. Jose Laurel Sr., layunin ng Rizal Law
na ikintal sa isipan ng mga kabataan ang buhay, mga likha at isinulat ni Gat José Rizal, na
kinikilalang pambansang bayani ng bansa. Layunin ng batas na isama sa kurikulum ng mga
pampubliko at pribadong paaralan, kolehiyo at unibersidad sa bansa ang pagtuturo ng buhay, isinulat
at mga likha ni Rizal, partikular na ang kanyang nobela na Noli Me Tangere at El Filbusterismo.
Ipinresenta sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Rizal Bill ni Recto, at dumaan sa
mga deliberasyon. Katakot-takot na debate ang pinagdaanan ng bill bago ito lagdaan para maging
isang ganap na batas. Umani ito ng iba't-ibang mga reaksyon, mga pambabatikos, at oposisyon
partikular na mula sa Simbahang Katolika.
OPOSISYON:
Ayon sa oposisyon, ang Rizal Bill ay "labag sa kalayaan ng konsiyensya at ng relihiyon". Ang
dalawang nobela ni Rizal na Noli at Fili raw ay umaatake at sumasalungat sa mga turo ng Simbahang
Katolika.
Hindi man direktang kasali sa deliberasyon ng batas sa Kongreso, malaki ang naging impluwensya
ng Simbahang Katolika sa pagtutol sa Senate Bill No. 438. Sa isang pastoral letter na isinumite ng
Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sinabi ng organisasyon na nilabag ni Rizal
ang Canon Law 1399 - na nagbabawal at pumipigil sa mga aklat na umaatake at kumukutya sa
doktrina at kasanayan ng Simbahang Katoliko.
Dagdag pa ng ibang mga miyembro ng Simbahan na tumututol sa panukala, mahigit sa 170 bahagi ng
Noli Me Tangere, at 50 bahagi ng El Filbusterismo ang tumutuligsa sa paniniwalang Katoliko.
Sa halip, hinihikayat ng Simbahan ang mga mag-aaral na basahin ang reading material na "Rizal
Anthology", koleksyon ng mga isinulat ni Rizal na naglalaman ng diwang makabayan, liban sa Noli
at Fili.
Dagdag pa ng mga ibang tumutuligsa sa bill, sa mahigit 333 pahina ng Noli Me Tangere, 25 lamang
rito ang may diwang makabayan, habang 120 rito ay anti-Catholic. Ipinunto rin nila na tahasang
inamin ni Rizal na hindi niya lamang inatake ang mga prayleng nanlinglang sa mga Pilipino, maging
ang pananampalatayang Katoliko.
Suportado rin ng iba't-ibang mga grupo ang pagtutol sa Senate Bill 438. Kabilang dito ang Holy
Name Society of the Philippines, Catholic Action of the Philippines, Legion of Mary, Knights of the
Columbus, at Daughters of Isabela.
Sa Senado, naging mainit ang debate laban sa Rizal Bill. Kabilang sa mga tumututol dito sina Sen.
Francisco Rodrigo, na dating Pangulo ng Catholic Action; Sen. Mariano Cuenco; at si Sen. Decoroso
Rosales, na kapatid ng isang arsobispo.
Sa isang sesyon sa Senado, binanggit ni Sen. Cuenco na "[Rizal] attacked the dogmas, belief and
practices of the Church. The assertion that Rizal limited himself to castigating underserving priest
and refrained from criticizing, ridiculing or putting in doubt dogmas of the Catholic Church is
absolutely gratuitous and misleading."
Sinipi rin ni Sen. Cuenco mula sa aklat ni Rizal na
"Rizal says that the idea of Purgatory does not exist in the Old Testament or in the Gospels; that
neither Moses nor Christ made the slightest mention of it; and that the early Christian did not believe
in Purgatory."
Dagdag pa ni Cuenco, "majority of the members of this Chamber, if not all (including) our good
friend, the gentleman from Sulu, believe in Purgatory."
Bukod sa tatlong senador, kabilang pa sa mga tumututol ay ang mga kongresistang sina Ramon
Durano, Marciano Lim, Jose Nuguid, Manuel Soza, Godofredo Ramos, Miguel Cuenco, Lucas
Paredes, Congressmen Carmen Consing at Tecia San Andres Ziga.
MGA SANG-AYON:
Ayon kay Sen. Claro Recto, ang mga pagnanais na ipagbawal ang mga aklat na isinulat ni Rizal sa
mga paaralan ay magdudulot ng pagpawi sa ating mga isipan ng mga alaala ng ating pambansang
bayani.
Dagdag pa ng senador, "This is not a fight against Recto but a fight against Rizal."
Sa paliwanag naman ni Sen. Laurel, na siyang chairman ng Committee on Education, si Rizal ang
naging tagapagtaguyod ng nasyonalismo sa bansa at may mahalagang papel sa pag-ambag sa
kasalukuyang estado ng ating lipunan sa ngayon. Dagdag pa niya, marapat lamang na ikintal sa
isipan ng mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan, ang mga dakilang ideya ni Rizal.
Ipinagtanggol nina Recto at Laurel ang batas at sinabing layunin lamang nito na panatilihing buhay
ang alaala ni Rizal sa isipan ng bawat Pilipino.
Bukod sa dalawang senador, suportado rin nila Sen. Lorenzo Tanedo, Quintin Paredes at Domacao
Alonto ang panukala, maging ng mga kongresistang sina Jacobo Gonzales, Emilio Cortez, Joaquin
Roxas, Lancap Lagumbay at Pedro Lopez ang bill.
Suportado rin ni Mayor Arsenio Lacson ng Maynila ang panukala. Katunayan, sa isang tala, nag-
walked out ang alkade sa isang misa matapos basahin ng isang arsobispo ang pastoral letter na
kumukontra sa Rizal bill at tumutuligsa sa mga grupong sumusuporta na maipasa ang bill gaya ng
Knights of Rizal, Women Writers of the Vernacular, Philippine Vetarans Legion, College Editor's
Guild at ang Philippine School Teacher's Association. Tinawag ni Mayor Lacson na "bigoted at
intolerable" ang mga tutol sa bill.
Mas lalong uminit at lumala ang tensyon kaugnay sa pagsasabatas ng Rizal bill. Nauwi diumano sa
isang suntukan ang palitan ng argumento nina Rep. Ramon Durano ng Cebu at Rep. Emilio Cortez
ng Pampanga.
Nagbanta rin ang ilang Catholic school sa bansa na baka magsara sila kapag naisabatas ang panukala.
Nangampanya rin si Bacolod City Archbishop Manuel Yap na kasuhan ang mga mambabatas na pro-
Rizal bill sa darating na halalan. Tinawag rin na komunista si Sen. Recto.
Dahil sa lumalalang tensyon, inamyendahan ang bill.
• Ayon kay Sen. Laurel, bukod sa Noli at Fili, isasama rin sa pagtuturo ang iba pang akda ni Rizal.
Ang "unexpurgated" (hindi nalinis/nirebisa) na bersyon ng Noli at Fili ay hindi na sapilitang ituturo
sa elementarya at hayskul.
• Ang mga estudyanteng sa tingin nila ay makakaapekto sa kanilang pananampalataya ang pagbabasa
ng Noli at Fili ay maaaring humingi ng 'exemption' mula sa Department of Education, Culture and
Sports na huwag basahin ang dalawang nobela.
• Sa mungkahi ni Sen. Primicias, maaaring humingi ng exemption sa pagbabasa ng Noli at Fili ang
mga estudyante sa pamamagitan ng kasulatan o affidavit, ngunit hindi pa rin siya exempted sa Rizal
courses.
Sa hinaba-haba man ng diskusyon at debate, sa pirmahan pa rin ang tuloy.
Noong May 17, 1956, ipinasa na ng Kongreso ang panukala. Nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay ang batas noong June 12, 1956.
Sa Memorandum Order 247 na inilabas ni Pangulong Fidel Ramos noong 1994, inatasan niya ang
Kalihim ng Department of Education, Culture and Sports, at ang Chairman ng Commission on
Higher Education (CHED) na i-"fully implement" ang Republic Act 1425.
Bilang pagtalima ng CHED, sila ay naglabas ng Memorandum No. 3 na magpapatupad sa
Memorandum ni Pangulong Ramos.

You might also like