Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

kasaysayan ng noli me tangere

Unang nobela ni Rizal ang Noli Me Tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya.
Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga
Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya
ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang
mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila.
Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.

Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya
umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibá ñ ez, isang
bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na
pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañ ang at
inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan,napayapa ang
liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa
kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang
persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Litoměřice: "Gumawa ng maraming ingay ang
libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil
doon . . . pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na
Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong
na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako
sa kalye pagkagat ng dilim ... "
kasaysayan
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong
1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral,
nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni
Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin"
ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa
kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang
kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang
sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang
kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin
niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng
kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.

Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand


Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay
maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay
"Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad
niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.

Noong si Rizal nag-aral ng kolehiyo sa Sto. Tomas, nakatira siya sa boarding house ng
magulang ni Leonor. Noong panahon na iyon, si Leonor doon din nakatira,13 lang yata
siya noon eh. Nagdadalaga na siya noong niligawan siya ni Rizal. Naging sila for 11
years,” sabi ni Michael Charles Kipping, apo ni Leonor Rivera.

Paniwala ng nanay ni Leonor na hindi magiging maganda ang buhay niya sa piling ni Rizal
lalo na noong panahong tinutugis na siya ng mga Kastila. “Sa lahat ng mga sulat na
ipinapadala ni Leonor kay Rizal at lahat ng sulat ng ipinapadala ni Rizal kay Leonor, in-
intercept niya,” sabi ni Kipping. Sa huli, nagpakasal si Leonor kay Henry Kipping, isa sa mga
inhinyero ng Manila-Dagupan Railway habang si Rizal ay may mga ibang naging pag-ibig
bago tuluyang naaresto at pinapatay sa Bagumbayan ng mga Kastila. Si Leonor naman,
namatay matapos manganak sa ikalawang sanggol na sinawing palad ding hindi nabuhay.

Krus - nangangahulugan ng pagdurusa o paghihirap ng mga Pilipino sa kamay ng mga


kastila Bulaklak ng Pomelo at dahon ng Laurel - sumisimbolo sa dangal at katapatan ng
mga Pilipino sa kanilang lupang sinilangan. Silweta ng babae o dalagang Pilipina -
larawan ni Maria Clara na isa sa pangunahing karakter sa kwento. Nagliliyab na sulo -
masidhing pagnanasa ng mga Pilipinong makalaya sa kamay ng mga mananakop.
Sunflower - kaliwanagan Mga tangkay ng kawayan na pinutol at tumutubong muli -
sumisimbolo sa mga katangian ng mga Pilipino na di pasisiil Lalaking may mabuhok na
paa - lumalarawan sa mga pari na ginagamit ang relihiyong Katolisismo sa paggawa ng
masasamang gawain. Mga Kadena - pagkaalipin ng mga Pilipino Latigo - kalupitan ng
mga kastila Helmet ng guardia sibil - pananamantala sa kapangyarihan ng mga nasa
katungkulan

You might also like