Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

10

Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 1

Pangunahing Paksa at Ideya ng


Kuwento, Pagsasama ng mga Salita,
Panunuri at Paghahambing ng
Mitolohiya Mula sa Bansang
Kanluranin
Panimula

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa batang katulad mo na nasa ika-10 baitang
upang maiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga akdang pampanitikan ng
South America at ng mga Bansang Kanluranin. Ang mga gawaing matatagpuan dito ay
inaasahang makatulong sa iyo upang lubos na maunawaan ang aralin.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain tungkol sa:


Aralin: Pangunahing Paksa at ideya ng Kuwento, Pagsasama ng mga Salita, Panunuri at
Paghahambing ng Mitolohiya Mula sa Bansang Kanluranin.
(F10PN-IIa-b-71, F10PT-IIa-b-71, F10PD-IIa-b-69, F10PU-IIa-b-73)

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa nabasang kwento;
2. naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(collocation);
3. nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang nabasa/napanood; at
4. naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang
Pilipino.

1
Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa papel ang napiling sagot.

1. Ano ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante
upang sila ay mapasakop sa kapangyarihan nito”?
A. Matalino man ang matsing napaglalamangan din.
B. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiran sa masamang paraan.

2. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng _____.


A. pag-aalala C. pagmamalasakit
B. pagmamahal D. pagtanaw ng utang na loob

3. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura, mga diyos o bathala at ang kanilang
mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. Dula B. Tula C. Mitolohiya D. Maikling kuwento

4. Ang sumusunod na mga pahayag ay mga elementong taglay ng mitolohiya maliban sa


_____.
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may salamangka at mahika
C. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

5. Mahalagang pag-aralan ang mitolohiya dahil _____.


A. nagdudulot ito ng aliw sa mambabasa
B. mapahahalagahan ang uri ng akdang ito
C. kailangang matutunan ito ng mga mag-aaral
D. makikita at mapahahalagahan ang kaugalian, at kultura ng isang bansa
.
6. Ito ay ang pagsasama ng isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang
kahulugan.
A. Denotasyon B. Kolokasyon C. Konotasyon D. Simbolo

Para sa bilang 7-10, tukuyin kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang may salungguhit.

7. Huwag mong sasabihin ang iyong mga lihim sa kaniya dahil siya ay asal-hudas.
A. bastos B. maramdamin C. pakitang-tao D. taksil

8. Karamihan sa mga babae ay balat sibuyas.


A. bastos B. maramdamin C. pakitang-tao D. taksil

2
9. Ayaw ni Don Ruben na may mahangin ang ulo sa kaniyang kaharian.
A. mayabang B. kagalang-galang
B. hindi mapakali D. malikot ang kamay

10. Si Mang Nardo ay mahilig makipagbasag-ulo lalong lalo na kung siya ay lasing.
A. makipagdebate C. makipagsuntukan
B. makipagsayaw D. makipag-usap sa wikang Ingles

11. Ano ang kaibahan ng mitolohiyang Pilipino sa mitolohiyang mula sa bansang kanluranin?
A. Sa mitolohiyang Pilipino ang mga namumuno ay mga hayop samantalang sa bansang
kanluranin ay mga diyos at diyosa.
B. Sa mitolohiyang Pilipino ang mga namumuno ay mga artista samantalang sa bansang
kanluranin ay mga diyos at diyosa.
C. Ang mitolohiyang Pilipino ay tungkol sa mga sikat na manlalaro sa bansa samantalang
sa bansang kanluranin ay mga diyos at diyosa.
D. Ang mitolohiyang Pilipino ay pumapatungkol sa mga maligno o mga hindi
mapaliwanag na mga elemento samatalang sa bansang kanluranin ay mga diyos at
diyosa.

12. Ano ang ginawang paraan ni Utgaro-Loki upang hindi sila matalo nina Thor sa labanan?
A. Gumamit si Utrago-Loki ng mahika.
B. Humingi sila ng tulong sa mga higante.
C. Ginalingan ni Utrago-Loki ang pakikipaglaban.
D. Inalisan ni Utgaro-Loki ng kapangyarihan si Thor.

13. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kaniyang ulo at pinupokpok
niya ng maso ang higante. Si Thor ay nagpapakita ng _____.
A. pagkamaawain C. pagkamainipin
B. pagkamahiyain D. pagkamainitin ng ulo

14. Sa sumusunod na mga pahayag, alin ang unang nangyari batay sa kwentong Sina Thor
at Loki sa mga Lupain ng mga Higante?
A. Hinandugan ni Utgaro-Loki si Thor nang masagang agahan.
B. Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro.
C. Naglakbay ng buong araw sina Thor kasama ang mga anak ng magsasaka.
D. Muling lumisan si Thor at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa
makabalik sa Throuvangar, ang mundo ng mga diyos.

15. Sa sumusunod na mga pahayag, alin ang huling nangyari batay sa kwentong Sina Thor
at Loki sa mga Lupain ng mga Higante?
A. Hinandugan ni Utgaro-Loki si Thor nang masagang agahan.
B. Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro.
C. Naglakbay ng buong araw sina Thor kasama ang mga anak ng magsasaka.
D. Muling lumisan si Thor at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa
makabalik sa Throuvangar, ang mundo ng mga diyos.

Pag-aralan
3
Mitolohiya at Kolokasyon

Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng


kultura ng tradisyong oral.

Ang salitang mitolohiya ay hango sa Griyego na mythos na nangangahulugang “kuwento”.


Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa
mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
Maaaring nagsimula ang mitolohiya nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa
pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya
ay nabibigyan ng linaw ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na
puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha,
at kamatayan.

Bakit mahalaga ang mitolohiya?

Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural
na pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon.
Nagtuturo rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan. Mahalaga rin ito upang
maipahayag ang takot at pag-asa ng sangkatauhan. Ang mitolohiya ay nilikha nang dahil
sa ibat-ibang kadahilanan subalit ang ilan sa pinakamagandang dahilan ng pagbabasa sa
mga ito ay upang tayo ay maaliw sa magandang kuwento, mamangha sa taglay nitong
hiwaga, matuto sa mga taglay na mabubuting aral sa buhay, at mapalawig pa ang
imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba kaysa pangkaraniwan.

Elemento ng Mitolohiya
Tauhan - Ang mga tauhan ng mitolohiya ay mga diyos o diyosa, makulay at puno ng
imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan, may taglay na kapangyarihan at lahat ay
kanilang magagawa.

Tagpuan - Sa tagpuan nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan.


Nalalaman kung anong uri ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at maiuugnay sa
paraan ng kanilang pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa kapaligiran sa
kasalukuyan.Nasasalamin ang sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito
umusbong at may kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan at iba
pa.

Banghay - Ang banghay ay naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari,


pakikipagsapalaran ng isang tao upang ipagtanggol ang kanyang bansa. Ito ay nag
papaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng mga tao sa bansang inilalarawan sa
mitolohiya noon at sa kasalukuyan. Sa element ring ito makikita ang sunod-sunod na
kaganapan at pangyayari at dito rin masusuri ang pagiging makatotohanan o di-
makatotohanan ng akda.

Tema - Naglalahad at nagpapaliwanag sa natural na mga pangyayari at ng ugali ng tao,


mga kahinaan at kalakasan ng tauhan at mga aral sa buhay.

4
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Mga Tauhan:
Diyos: Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki- kasama ni Thor sa paglalakbay at may kapiyuhan
Higante: Skrymir – naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki – hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga Tao: Thjalfi at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka

Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante,
ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay ng karuwahe na hinihila
ng dalawang kambing. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng
isang magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalang kambing at inilagay sa malaking kaldero. Iniluto
at inihain ito sa hapunan. Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila sa pagkain ang mag-anak
na magsasaka. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay nagngangalang Thjalfi at Roskva naman
ang anak na babae. Inutos ni Thor sa magsasaka na paghiwalayin ang buto ng kambing sa
balat nito. Ngunit hindi sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi sa halip ay kinuha ang
bahaging pige at hinati ito gamit ang kutsilyo. Kinabukasan, nagbihis si Thor, kinuha ang
kaniyang maso, itinaas ito at binentidahan ang kambing. Tumayo ang mga kambing ngunit
ang isa ay bali ang paa sa likod. Napansin ito ni Thor.

Nagalit ito nang husto at nanlilisik ang kaniyang mga mata. Gayon na lamang ang takot ng
buong pamilya. Halos magmakaawa sila kay Thor at sinabing handa nilang ibigay ang
lahat. Nang makita ni Thor kung gaano natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din ang
kaniyang kalooban at hininging kapalit ang mga anak nito. Kaya’t sina Thjalfi at Roskva ay
naging alipin niya pagkatapos.
Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi sa lupain ng mga
higante. Naglakbay sila buong araw at nang abutan ng dilim humanap sila ng matutuluyan.
Doon nila nakita ang malaking pasilyo at nagpasyang manatili roon.

Hatinggabi na nang gulatin sila ng malakas na lindol, umuuga ang buong paligid at
pakiramdam nila ay nagiba ang kanilang kinatatayuan. Nang siyasatin nila ang paligid ay
nakakita sila ng isang silid. Natakot ang mga kasama ni Thor kaya’t binunot niya ang kaniyang
maso at humanda sa pakikipaglaban. Maya-maya pa ay nakarinig sila nang malakas na ungol.
Kinaumagahan, nakita ni Thor sa labas ang isang higante. Natutulog ito at umuungol nang
malakas. Akmang pupukpukin ni Thor ng kaniyang maso ang higante nang bigla itong
magising. Tinanong ni Thor ang pangalan ng higante.

Siya raw si Skrymir at nakikilala niya si Asa-Thor. Tinanong nito kung inalis ba ni Thor ang
kaniyang guwantes. Noon nalaman ni Thor na higante na pala ang kanilang tinulugan at ang
hintuturo nito ang inaakalang silid. Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama
sa kanilang paglalakbay at ito ay pumayag naman. Nang buksan na ni Skrymir ang baon
niyang bag at humandang kumain ng almusal wala ang baon nina Thor at ito ay nasa ibang
lugar. Napagkasunduan nila na pagsamahin ang kanilang mga baon. Pumayag si Thor, kaya’t
pinagsama ni Skrymir ang kanilang mga baon sa isang bag at ibinuhol ito.

5
Sa kanilang paglalakad nauuna ang higante dahil sa malalaki nitong hakbang, sila ay
nagpahinga sa isang malabay na puno. Napagod ang higante kaya’t itoy nakatulog agad at
napakalakas humilik. Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit hindi
niya maalis kaya’t uminit ang kaniyang ulo at agad kinuha ang kaniyang maso at pinukpok sa
ulo ang higante. Nagising si Skrymir at inaakalang may nalaglag na dahon sa kaniyang ulo,
tinanong si Thor kung sila ay kumain na. Sinabi nitong tapos na. Nang handa nang matulog
lumipat sila ng ibang puno. Hatinggabi na nang marinig na naman ni Thor ang malakas na
hilik ng higante. Nagising si Thor, kinuha ang kaniyang maso at muling pinukpok ang higante.

Nagising ang higante at tinanong kung may acorn ba na nahulog sa kaniyang ulo. “Ano ang
nangyayari sa iyo Thor?” sabi ng higante. Sinabi nitong siya ay naalimpungatan lamang at
mahaba pa ang oras para matulog. Naisip niya na kapag pinukpok niya sa pangatlong beses
si Skrymir ay maaaring hindi na nito kayanin kaya’t hinintay niyang muling matulog ang
higante.

Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito.
Napatayo si Skrymir, kinamot ang kaniyang pisngi at nagwika kung may mga ibon ba sa itaas
ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa kaniyang ulo. “Gising
ka na ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo sa kaharian
ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kuwentang higante. Kung
makararating kayo kay Utgaro makikita ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng
mabuting payo. Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki.” sabi pa nito.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang matibay na
tanggulan. Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit hindi niya mabuksan. Nakakita
sila ng mataas na pader, pinanhik iyon at doon ay may daanan.

Nakita nila ang malalaking tao na nakaupo sa dalawang bangko. Sumunod na araw ay
kaharap na nila ang hari na si Utgaro-Loki. Nakilala niya si Thor ang mahusay na mandirigma.
“Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga
kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.” wika nito.

Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. Walang sinuman sa
naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni Utgaro-Loki ang nakaupo sa dulong
upuan na nagngangalang Logi. Inilagay sa gitna ng mesa ang mga hiniwang
karne. Magkatapat sa dulo ng mesa, naupo ang dalawang magkatunggali. Kinain nila nang
sobrang bilis ang karne, buto na lamang ang naiwan sa parte ni Loki ngunit ni walang butong
natira sa parte ni Logi. Kaya’t malinaw na natalo si Loki sa nasabing labanan. Sumunod na
paligsahan naman ang pabilisan sa pagtakbo na nilahukan ng batang si Thjalfi
laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang paglalaban, masyadong malayo ang agwat ni Hugi.
Inulit ito nang tatlong beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi.

Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang ipakikita nito. Sinabi
nitong gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-
Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng mga panauhin. “Isang

6
mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang lagukan, ang iba ay kaya ito ng
dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang tatlong lagukan,” sabi ng pinuno ng mga
higante.

Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw. Nilagok niya nang
malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang tingnan ang lalagyan ay
parang wala pa ring nabawas. Ganito rin ang nangyari sa ikalawang lagok. Sinabi ni Utgaro-
Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa pangatlong pagkakataon. Tingin ko ay hindi ka
kasinlakas ng inaasahan ko.” Nagalit si Thor kaya’t ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas
ngunit tila wala pa ring nabawas sa laman ng tambuli kaya’t binitiwan ito hanggang sa
matapon lahat ng laman.

“Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming iniisip. Gusto
mo pa bang subukin ang iba pang uri ng pakikipaglaban?” tanong ni Utgaro-Loki. “Anong
labanan ang maimumungkahi mo?” sagot ni Thor. “Isang laro na paborito ng kabataan dito
buhatin ang aking pusa mula sa lupa”. Isang abuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito
ngunit hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang lahat ng
lakas. Ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor.

“Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa aking malaking
pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni Utgaro-Loki. “Tawagin mo na akong maliit
kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon,”
sabi ni Thor. “Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong
tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan mo ng
wrestling, marami na siyang pinatumbang mga lalaki na tulad mong malakas.” Hindi na dapat
pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang kaniyang buong lakas lalo lamang
matatag ang matandang babae hanggang mawalan ng balanse si Thor. Pumagitna si Utgaro-
Loki at sinabing itigil na ang labanan.

Hindi na kailangang makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na noon


ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila makapagpapahinga at inasikaso
nang maayos. Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at
humanda na sa paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang agahan. Sa
kanilang paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung ano ang naiisip nito sa
kinalabasan ng kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba itong lalaki na higit na malakas
kaysa kaniya (Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi niya
maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil iniiisip nito na siya
ay walang halaga at hindi niya ito gusto.

Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko sa iyo ang


katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga mangyayari, hindi mo na
kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam
ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat.
Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika.
Noong una tayong magkita sa kakahuyan agad kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin
ang pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos noon
hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una ay mahina pero kung umabot ito
sa akin ay patay na ako. Nang makita mo ang burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking

7
kuta kung saan naroon ang tatlong kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang
marka ng iyong maso. Inilagay ko talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong mga
hampas pero hindi mo ito nakita. Gayun din ang nangyari nang magkaroon ng paligsahan
laban sa aking mga tagapaglingkod. Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga
hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi na tulad ng
mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. At si Thjalfi na lumaban ng
takbuhan sa tinatawag naming Hugi, siya ay lumaban sa aking kaisipan. Walang makatatalo
sa bilis ng aking kaisipan. At noong ikaw naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo na
ikaw ay mabagal. Sa aking salita, anong himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat
pero hindi mo ito nakita pero tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito. Hindi rin
kamangha-mangha sa akin nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para sabihin ko
sa iyo ang totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi
totoong pusa kundi isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang
daigdig ng kaniyang ulo at buntot. Iniangat mo ito nang mataas halos abot hanggang
langit. Kamangha-mangha rin nang makipagbuno ka nang matagal at napaluhod ng isang
tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban kay Elli na wala kahit sino mang makagagawa
niyon. At ngayon tayo ay maghihiwalay mas makabubuti para sa ating dalawa na tayo’y di na
muling magkita. Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o
anumang paraan upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa akin.

Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit wala na si
Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta kundi isang malawak lamang na
kapatagan. Muli siyang lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa
makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.

Mga Gawaing Pampagkatuto

Kolokasyon
Ang pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa isang salita o talasalitaan upang
makakabuo ng iba pang kahulugan.Ito ay mga salitang karaniwang nagagamit nang
magkapareha may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang
isa. Higit na mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita kung ito’y kasama ng iba pang
salita. May mga salitang nagsasama-samang palagi sa isang konstruksyon at mayroon
namang nagsasama-sama paminsan-minsan.
Halimbawa:
puso ng saging nagdurugong puso
hampas lupa marangyang piging
basag-ulo
Basag (pagkasira ng isang bagay) + ulo (bahagi ng katawan). Kapag pinagsama ay
nagiging basag-ulo na nangangahulugang gulo o away.

Gawain 1: Unawain Mo!

8
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa nabasang mitolohiya. Isulat sa
sagutang papel ang iyong kasagutan.
1. Saan naglakbay sina Thor at Loki?

2. Ano ang dahilan ng pagkagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito?


Pinarusahan ba sila ni Thor? Paano?

3. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyayari kapag sa galit niya ay
hinahampas niya ng maso si Skrymir?

4. Ano ang ipinagtapat ni Utrga-Loki kay Thor nang sila’y paalis na?

5. Kung ikaw si Thor at kaniyang mga kasama, ilarawan ang iyong magiging damdamin
kapag nalaman mong nalinlang ka sa paligsahan? Bakit?

Pamatayan sa pagwawasto sa bilang 5

Pamantayan 5 4 3
Malinaw at Hindi malinaw at Hindi malinaw at
Nilalaman detalyado kulang sa detalye hindi detalyado

Mahusay dahil
Napakahusay Marami-rami ang
kakaunti lamang
dahil walang mali mali sa
ang mali sa
Gramatika sa gramatika, gramatika,
gramatika,
baybay at gamit baybay at gamit
baybay at gamit
ng bantas ng bantas
ng bantas

Gawain 2: Pagsamahin Mo!


Panuto: Batay sa mitolohiyang nabasa, magtala ng mga salita na kapag pinagsama ay
makabubuo ng salitang may ibang kahulugan. Maaaring gumamit ng mga pang-
angkop sa pagbubuo. Sundin ang nasa halimbawa. Isulat sa sagutang papel ang
iyong kasagutan.

Unang Salita Ikalawang Salita Salitang Mabuo Kahulugan


Hal. Alsa balutan Alsa-balutan lumayas

1.

2.

3.

4.

5.
Gawain 3. Buuin Mo!
Panuto: Batay sa nabasang mitolohiya na “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante” ay buuin ang balangkas sa ibaba. Isulat sa sagutang papel
ang iyong kasagutan.

9
Panimula

Papataas na
Pangyayari 1

Papataas na
Pangyayari 2

Kasukdulan

Papababang
Pangyayari 1

Papababang
Pangyayari 2

Wakas

Gawain 4: Paghambingin Mo!


Panuto: Basahin ang mitolohiya mula sa Pilipinas na Rihawani at ihambing ito sa binasa
nating mitolohiyang Griyego. Gamitin ang venn dayagram sa ibaba para sa
gagawing paghahambing. Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan.

10
BUOD NG "RIHAWANI"

Sa isang kagubatan maraming bundok sa isang lugar ng Marulu, isang liblib na pook, ang
mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng mga puting usa. Ito
ang kuwento ng kanilanga mga ninuno na unang nanirahan doon.

Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo
bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito na takot na takot na
magawi o maglagalag sa kagubatan pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila
maraming makukuhang mga bagay-bagay na maari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga
prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa.

Sang-ayon sa kanila, may nakasumpong na kay Rihawani. Isa sa mga taong nanirahan din
doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako ito
sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa.

Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap


sa ilang mga usang puti na nasa kanyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong
patungo sa kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos ito sa bahay ay hindi magkumahog
sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang nagging katatakutan ang
kagubatang iyon.

Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doong na ang pakay ay mangaso o mamaril
ng hayop-gubat. Nagtanong ang mga ito kung sang gubat marami ang mga hayop o ibon na
maaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na
pinananahan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag pagnasaang puntahan ang pook na iyon.
Para sa ikasisiguro ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang tagapag-gabay. At lumisan
ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating sa paanan ng isang bundok ay
napagkasunduan ng mga itong maghiwa-hiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa
dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagka-interes na dumako sa
gubat na pinananahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa
lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglakad-lakad muna at
nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang maputing usa na sinasabi ng
matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang, napansin niya ang isang pangkat ng
mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at
nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang
natiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta
at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na ng
mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang puting-puting usa na
malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo itong namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at
naging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon
ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay maging isang puting usa rin at
mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani.
Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nan tinawag ang pangalan
nito ngunit walang sumasagot.
Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamahan gabay na sinuway nito marahil ang
tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, naging aral na sa mga nandoon

11
ang pangyayaring iyon, ang bundok ay pinangilagan na ng mga mangangaso ang dakong
iyon ng kagubatan.

Venn diagram:

Mitolohiyang
Mitolohiyang
Griyego
Pilipino
Mga Pamagat
Pamagat
Pagkakapareho

Mga
Mga
Pagkakaiba
Pagkakaiba

12
Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa Mitolohiya at Kolokasyon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang natutunan ko…

bagay na 1. ____________________________________________
3 natutuan 2. ____________________________________________
3. ____________________________________________

Ang bagay na nakapupukaw sa aking interes ay…


bagay na 1. ____________________________________________
nakapukaw
2 ng interes
2. ____________________________________________

Kailangan ko po ang matutunan ang…

bagay na 1. ____________________________________________
1 nakapagpalito

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa papel ang napiling sagot.

13
1. Mahalagang pag-aralan ang mitolohiya dahil _____.
A. nagdudulot ito ng aliw sa mambabasa.
B. mapahahalagahan ang uri ng akdang ito.
C. kailangang matutunan ito ng mga mag-aaral.
D. makikita at mapapahalagahan ang kaugalian, at kultura ng isang bansa.

2. Ayaw ni Don Ruben na may mahangin ang ulo sa kaniyang kaharian.


A. mayabang C. kagalang-galang
B. hindi mapakali D. malikot ang kamay

3. Huwag mong sasabihin ang iyong mga lihim sa kaniya dahil sa ay asal-hudas.
A. bastos B. maramdamin C. pakitang-tao D. taksil

4. Ano ang kaibahan ng mitolohiyang Pilipino sa mitolohiyang mula sa bansang kanluranin?


A. Sa mitolohiyang Pilipino ang mga namumuno ay mga hayop samantalang sa bansang
kanluranin ay mga diyos at diyosa.
B. Sa mitolohiyang Pilipino ang mga namumuno ay mga artista samantalang sa bansang
kanluranin ay mga diyos at diyosa.
C. Ang mitolohiyang Pilipino ay tungkol sa mga sikat na manlalaro sa bansa samantalang
sa bansang kanluranin ay mga diyos at diyosa.
D. Ang mitolohiyang Pilipino ay pumapatungkol sa mga maligno o mga hindi
mapaliwanag na mga elemento samantalang sa bansang kanluranin ay mga diyos at
diyos.

5. Sa sumusunod na mga pahayag, alin ang unang nangyari batay sa kwentong “Sina Thor
at Loki sa Luppain ng mga Higante”?
A. Hinandugan ni Utrago-Loki si Thor nang masaganang agahan.
B. Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utrago.
C. Naglakbay ng buong araw sina Thor kasama ang mga anak ng magsasaka.
D. Muling lumisan si Thor at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik
sa Throuvangar, ang mundo ng mga diyos.

6. Si Mang Nardo ay mahilig makipagbasag-ulo lalong lalo na kung siya ay lasing.


A. makipagdebate C. makipagsuntukan
B. makipagsayaw D. makipag-usap sa wikang Ingles

7. Sa sumusunod na mga pahayag, alin ang unang nangyari batay sa kwentong “Sina Thor
at Loki sa Luppain ng mga Higante”?
A. Hinandugan ni Utrago-Loki si Thor nang masaganang agahan.
B. Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utrago.
C. Naglakbay ng buong araw sina Thor kasama ang mga anak ng magsasaka.
D. Muling lumisan si Thor at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa
makabalik sa Throuvangar, ang mundo ng mga diyos.
8. Ano ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante
upang sila ay mapasakop sa kapangyarihan nito”?
A. Matalino man ang matsing napaglalamangan din.
B. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.

14
D. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiran sa masamang paraan.

9. Ano ang ginawang paraan ni Utgaro-Loki upang hindi sila matalo nina Thor sa labanan?
A. Gumamit si Utrago-Loki ng mahika.
B. Humingi sila ng tulong sa mga higante.
C. Ginalingan ni Utrago-Loki ang pakikipaglaban.
D. Inalisan ni Utgaro-Loki ng kapangyarihan si Thor.

10. Ang sumusunod na mga pahayag ay mga elementong taglay ng mitolohiya maliban sa
isa.
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may salamangka at mahika
C. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

11. Karamihan sa mga babae ay balat-sibuyas.


A. bastos B. maramdamin C. pakitang-tao D. taksil

12. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura, mga diyos o bathala at ang kanilang
mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. Dula B. Tula C. Mitolohiya D. Maikling kuwento

13. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng _____.


A. pag-aalala C. pagmamalasakit
B. pagmamahal D. pagtanaw ng utang na loob

14. Ito ay ang pagsasama ng isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang
kahulugan
A. Denotasyon B. Kolokasyon C. Konotasyon D. Simbolo

15. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kaniyang ulo at pinupokpok
niya ng maso ang higante. Si Thor ay nagpapakita ng _____.
A. pagkamaawain C. pagkamainipin
B. pagkamahiyain D. pagkamainitin ng ulo

15
16
Gawain D:
Panapos na Paunang
Pagtataya Ang sagot ay maaring Pagtataya
magkaiba
1. B 1. D
2. B 2. A
3. D 3. D
4. B Gawain C: 4. D
5. C 5. B
6. C Ang sagot ay maaring 6. C
7. D magkaiba 7. D
8. B 8. C
9. A 9. B
10. C 10. D
11. D 11. B
12. B Gawain B: 12. B
13. D 13. A
14. B Ang sagot ay maaring 14. C
15. D magkaiba 15. D
Gawain A:
Ang sagot ay maaring
magkaiba
Mga Sanggunian

Aklat:
Amat V., Barcelo M., Cariṅo E., Dasig M., Enrijo W., Molina S., Rivera J., Salum R., Sayson
J., Tabora M., Urgelles R. 2015. Filipino 10 Panitikang Pandaigdig. Unang Edisyon. Pasig
City, Philippines: Department of Education

Marasigan E., Del Rosario M., Dayag A. 2015. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix
Publishing

Websites:
Pangilinan, Nicole Angelique. 2019. “Kolokasyon”.Slideshare. Access date: October 30,
2020
https://www.slideshare.net/mobile/NicoleAngeliquePangilinan/tekstong-deskriptibo-grade-11-
204065026

17
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng Caraga
Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Recel C. Betoy
Editor : Lileth Olivero
Fe M. Bonono
Fe M. Clerigo
Jeanyveth P. Alipao
Alfe S. Lito
Tagasuri : Melba H. Pahayahay
Karmela Kaye Navarro
Alfe S. Lito
Filipina F. Meehlieb
Tagaguhit : Recel C. Betoy
Tagalapat : Alfe S. Lito
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Venus M. Alboruto
Filipina F. Meehlieb

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod Surigao Office


Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

18

You might also like