Professional Documents
Culture Documents
Esp 3 q1 Las 7-8
Esp 3 q1 Las 7-8
ACTIVITY WORKSHEET
Nakasusunod sa mga pamantayan/tuntunin ng mag-anak
Tunay na ang isang masayang pamilya ay nakikita sa pamamagitan ng maayos at mabuting pagsasama
Ang mga magulang na may mga anak na katulad mo ay natutuwa kung ikaw ay sumusunod sa kanilang
mga utos at patakaran. Halimbawa ay ang sumusunod
Maglaan ng sapat na oras para sa pag-aaral at paggawa ng mga takdang-aralin
*Maging magalang sa lahat ng oras at pagkakataon
Ang pagsunod nang buong katapatan sa mga itinakdang tuntunin at gawain ay magbubunga ng
kapayapaan at kaayusan sa samahan sa bawat kasapi ng isang pamilya.
Palagian mong hangarin na maging masaya ang iyong mga magulang. Utos ng Diyos sa mga anak na
mahalin nila ang kanilang mga magulang.
Kinalulugdan ng Diyos ang mga anak na nagmamahal sa kanilang mga magulang.
Reference: Edukasyon sa Pagpapakatao LM p. 64
PAGTALAKAY SA PAKSA
Ang bawat kasapi ng pamilya ay mahalaga dahil mayroon silang mga tungkulin na
ginagampanan. Dapat nating sundin ang mga tuntuning itinakda sa loob ng tahanan tungo sa masaya at
maayos na samahan. Bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya, makabubuti na ang iyong mga ginagawa ay
ikinasisiya ng iyong mga magulang. Magsisilbi itong inspirasyon upang lalo pang mapaganda ang
kinabukasan ng anak na tulad mo.
Kilalanin ang batang si Rico sa pamamagitan ng pagbabasa ng kwento. Anong mga panuntunan
ang ibinilin ng nanay ni Rico?
Si Rico Lakwatsero
ni: Marie Chris A. Plopenio
May isang batang pasaway. Ang pangalan niya ay Rico. Si Rico ay mahilig maglakwatsa at
kadalasang hindi sinusunod ang bilin ng kanyang mga magulang.
Isang araw, aalis ang kanyang nanay papuntang bayan. "Rico dito ka lang sa bahay ha. Magsaing
ka ng pananghalian. Pinagluto na kita ng ulam. Baka hapon pa ako babalik. “Huwag na huwag kang aalis"
bilin ng kanyang nanay. “Opo nanay" sagot naman ni Rico.
Pagkaalis ng nanay niya ay nagsaing agad si Rico. Nagwalis din sya sa kanilang bakuran. Biglang
nabagot si Rico. "Hay!!! parang masayang pumunta sa ilog at maligo. Pero sabi ni nanay huwag daw ako
aalis ng bahay. Hmmm! sabagay hapon naman yun babalik. Hindi niya naman malalaman na pumunta
ako sa ilog." sabi ni Rico sa kanyang sarili. Patakbong pumunta si Rico sa ilog. Nadatnan niya roon ang
kanyang mga kaibigan. Masayang-masaya si Rico habang nasa ilog kasama ang kanyang mga kaibigan.
Makalipas ang ilang oras ay napagod na si Rico sa paglalaro at naisipan niya na umuwi na muna. “Mga
kaibigan kailangan ko ng umuwi. Tumakas lang kasi ako sa bahay. Ang bilin ni nanay huwag daw akong
aalis,” pagpapaalam ni Rico sa kanyang mga kaibigan.
Patakbong bumalik si Rico sa kanilang bahay. Nang malapit na siya sa kanilang bahay ay biglang
namutla si Rico. Nanginig ang kanyang tuhod at bumuhos ang kanyang luha. "Tulong! Tulong! sigaw ni
Rico. Nasunog ang kanilang bahay. Wala ng nagawa si Rico kundi umiyak. "Nanay, patawarin mo ako.
Kung hindi ako umalis hindi po sana nasunog ang bahay natin. Nakalimutan ko po kasing patayin yung
apoy pagkatapos ko magsaing. “Simula po ngayon hindi ko na susuwayin ang mga utos at bilin ninyo sa
akin. Buong pusong humingi ng tawad si Rico sa kanyang ina at labis din ang kanyang pagsisisi. Simula
noon ay hindi na sinusuway ni Rico ang mga bilin at utos ng kanyang mga magulang.
1
Pagtalakay sa Pag-unawa
Pamprosesong Katanungan:
Anong mga panuntunan ang ibinilin ng nanay ni Rico?
________________________________________________________________
Ano ang nangyari nang hindi sumunod si Rico sa bilin ng kanyang nanay?
________________________________________________________________
Bakit kailangang sumunod sa ating mga magulang?
________________________________________________________________
Gawain 1
Isulat ang T sa patlang kung wasto ang sinasabi at M kung hindi.
___________1. Gampanan ang kayang gawin na gawaing-bahay bilang tulong kay Nanay.
___________2. Ayaw ni Marta na tumulong sa gawaing dahil bata pa raw siya.
___________3. Sa pagtulong sa gawaing-bahay, natututo ang batang magtrabaho.
___________4. Tapusin muna ang ibinigay na gawaing-bahay bago makipaglaro.
___________5. Masaya at matutuwa ang magulang sa mga batang tumutulong sa mga Gawain.
Gawain 2
Sabado ng umaga, namalengke si nanay. Nilinis ni Ana ang kanilang bakuran. Pinulot niya
ang mga latang walang laman at inilagay niya ang mga ito sa basurahan. Pinulot niya ang mga batong
nakakalat at inayos ito sa gilid ng mga halaman. Winalis din niya ang mga tuyong dahon at kanya itong
sinigaan, nagulat si nanay nang siya’y dumating. “Ang ganda at ang linis n gating bakuran”, sabi ng
kanyang ina. “Natutuwa akong laging linisin ang ating bakuran nanay”, ang sagot ni Ana.
https://www.slideshare.net/ellaboi/banghay-aralin-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao
Gawain 3
Panuto:Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Umalis si nanay papuntang palengke. Binilin sayo ang nakababata mong kapatid. Ano ang gagawin
mo?
a.Huwag susundin ang magulang.
b.Isama ang kapatid sa pakikipaglaro sa labas.
c.Sumunod sa bilin ng nanay.
d.Iwan na lamang sa bahay ang nakababatang kapatid.
2.Si Jezel ay nanghiram ng ruler sa kanyang kapatid. Gustong-gusto niya ang kulay nito at naisip niya na
huwag ng isauli ang hiniram sa kapatid. Kung ikaw si Jezel, ano ang gagawin mo?
a.Isauli sa kapatid ang hiniram na ruler.
b.Itago sa kabinet ang ruler para hindi makita ng kapatid.
c.Sabihin na lamang na nawala ang ruler para hindi na hanapin ng kapatid.
d.Pagalitan ang nanay kasi hindi ka ibinili ng ganoong ruler.
3.Ano ang gagawin mo kapag hindi pumayag ang nanay na kumain ka ng mga matatamis gaya ng kendi?
a.Pilitin ang nanay na pumayag siyang kumain ng kendi.
b.Sundin na lamang ang nanay para sa iyong kabutihan.
c.Umiyak nang umiyak upang pumayag ang nanay.
d.Huwag ipaalam sa nanay na kumain ka ng kendi.
2
4.Pumayag ang tatay na pumunta ka sa kapitbahay ngunit pinapauwi ka nito bago dumilim. Ano ang
dapat mong gawin?
a.Sundin ang tatay ngunit humingi pa ng isa pang oras para maglaro.
b.Sundin ang tatay sa ibinigay nitong oras ng pag-uwi.
c.Huwag sundin ang tatay kasi maganda ang pinapanood ninyo .
d.Patagong pumasok sa bahay para hindi makita ni tatay.
5.Nakita mo ang iyong lola na nahihirapan sa pagwawalis sa bakuran. Ano ang iyong gagawin?
a. Magkunwaring tulog para hindi makita ni lola.
b. Pagtawanan si lola habang nahihirapan sa pagwawalis
c. Sabihan si nanay na dapat siya ang nagwawalis.
d. Lumapit kay lola at sabihan na siya na lang ang magwalis
Gawain 4
B. Isulat sa patlang kung kaninong tungkulin ang nakasaad sa mga sumusunod na pangungusap.
SANGGUNIAN
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1. T
2. M
3. T
4. T
5. T
Gawain 2
B. 1. X 2./
3. / 4.x
5. / 3
Gawain 3
1. C 2. A 3. B 4. B 5. D
Gawain 4
Inihanda ni:
CATHERINE L. FAJARDO
Guro I