Paano Kaya Kung Di Tayo Nakakapagbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Paano kaya kung di tayo nakakapagbasa?

Paano natin malalaman ang sasakyang jeep o bus o anong petsa ngayong araw?

Ang mga batang di nakakabasa sa unang dalawang taon sa pagpasok sa eskwelahan ay mahihirapan sa
mga gawain at assignment pagtungtong nila sa susunod na baitang.

Naku ayaw nating mangyare ito sa ating mga anak. Kaya ano pang hinihintay natin? Halina at turuan
natin sila magbasa.

Pero teka teka bago natin sila turuan magbasa meron muna tayong dapat linangin sa kanila.

PAGLINANG NG WIKANG BINIBIGKAS AT TALASALITAAN

Unang una ang WIKANG BINIBIGKAS kung malawak ang talasalitaan ng mga bata o marami silang alam
na salita mas madali nilang mauunawaan ng mababasa nila kinalaunan.

Paano ba malilinang ang wikang binibigkas?

Ilan lamang ito sa pwedeng gawin kasama ang mga bata

1. Pakikipagkwentuhan tungkol sa bagay na mahalaga sa kanila.


2. Pagkanta ng awiting pambata
3. Pagsabi tungkol sa mga karanasan nyo noong bata pa kayo
4. Pagkukuwento ng aklat pambata at pagtatanong tungkol ditto.
5. Paglalaro ng kunya-kunyari
6. Pagtatanong sa nakikita nya sa isang larawan
7. Pagpapaguhit sa kanya ng mga pangyayari sa isang kuwento at pagpapasalaysay dito.

Tingnan natin itong isang libro na iginuhit ng isang bata

Diba may kuwento sa mga larawan. Pwedeng tanungin ang anak tungkol sa mga larawan. Matutuwa pa
sya kung ang guhit nya ay mapag uusapan

Halimbawa lang ito ng mga tanong na makakatulong sa inyong anak na kanyang kuwento na kaniyang
iginuhit.

Ano ang nakikita nyo sa larawang ito?

Bigyan nga natin ng pangalan ang tauhan sa kuwento.

Ano ang kanyang ginagawa sa larawang ito?

Ano kaya ang kanyang nararamdaman?

Ano sa palagay moa ng gagawin ng kanyang ama?

Ano kaya ang ginagawa ng dentist

Ano sa palagay moa ng mararmdaman ng bata pagkatapos nito.

Tama baa ng nagging hula mo?


Ilan lamang yan sa pwede nating gawin upang madevelop ang wikang pasalita.

May naiisip pa ba kayong gawin kasama ng bata?

KAMALAYANG PONOLOHIYA- kakayahang kumilala ng mga salita, tunog,pantig o tugma

Habang tinutulungan natin ang mga anak natin na malinang ang wikang pasalita.Dapat matutunan din
nila ang phonological awareness o kamalayang ponolohiya.

Parang ang bigat naman ng katagang ito ano? Huwag mabahala, simple lang ito.

Ito ay ang kakayahang kumilala ng

Salita

Pantig

Tugma

Tunog

PAGBILANG MGA SALITA

Simulan natin sa pagbilang ng mga salita sa pangungusap.

Halimbawa: “Masarap maglaro ng piko.” ( mama a isa isahin mo ng bigkas per word)

Turuan natin ang mga bata na makilala ang bawat salita sa pangungusap

Pansinin nyo ang kamay ko.( per banggit mo sa isang word ay may hand gesture)

Ilang salita ang nasa pangungusap?

Tama apat ang mga sa pangungusap.

Ngayon naman bilangin natin ang mga pantig sa salita.

Pansinin ang pagbuka ng bibig ko kapag binibigkas ko ang mga salita.

Bawat pagbuka ay isang pantig.

Halimbawa:”ba-sa”

Ilang pantig ang meron sa salitang ito.

Ba-sa

Tama ang salitang basa ay may dalawang pantig.

Ngayon naman ay sabayan natin ng palakpak ang bawat pantig

Ba-sa ( clap per pantig mama)

Maaring subukan ito sa ibang salita


Magsimula sa pagpalakpak sa unang pantig sa mga tao sa bahay.

MGA SALITANG MAY TUGMA

Ngayon pagtutuunan natin ang ang mga sumusunod na salita

Keso- baso

Diba magkapareho ang tunog ng kanilang huling pantig

Ito ang magkatugma

Pansinin naman ang mga sumusunod na salita

Keso-kalat

May tugma ba?

Wala kasi hindi magkatunog ang kanilang huling pantig

Tingnan ang mga larawang ito at sagutin ang mga salitang may tugma

Lobo lata kubo

PAGBILANG NG MGA TUNOG SA ISANG SALITA

Kanina nagbilang tayo ng may mga pantig ngayon naman ay magbibilang tayo ng tunog.

Ano ito? Mesa

Mmmm eeeee sssss aaaa( iano mo ung mga sound nung bawat letter)

Ilan ang nadidinig nyong tunog?

Tama ang mesa ay may apat na tunog.

MGA SALITANG PAREHAS ANG UNANG TUNOG

Pansinin ang mga sumusunod na larawan.

Laso-lobo-ulo

Alin sa mga salitang ito ang magkapareho ang unang tunog

Tama laso- lobo. Pareho silang nagsisimula sa letrang “l”

Pwede ring tingnan ang mga gamit sa bahay at tanungin ang bata kung ano ang unang tunog ng mga ito.

Halimbawa ano ang tawag ditto. ( picture ng sardinas)

Tama sardinas.

Ano ang unang tunog ng salitang sardinas.( sssardinas)


Tandaan hindi lahat ng kasanayang ponolohiya ay kailangan ituri agad agad. Pwede itong gawing isa isa
o pailan ilan lang bawat araw depende sa kakayahan ng inyong anak. Basta ang mahalaga ay mag praktis
hanggat makuha ng bata. Huwag madaliin .

KAALAMAN SA ALPABETO

Ngayon naman ay dumako tayo sa alphabet knowledge o mga titik ng alpabeto

Halimbawa ang titik M

Ganito ang itsura ng malaking titik M

Ganito naman ang itsura na maliit na titik M

At ganito naman ang tung nya(mmmm)

Manga, mata, mukha

Bigyan mo nga ako ng bagay na nagsisimula sa letrang “m”

Mama

Kapag natutunan na ng mga bata ang titik m ay pwede na ito sundan ng iba pang mga titik.

Ito ang rekomendasyon sa pagkakasunod sunod ng mga titik sa pagturo sa mga bata

Letters

Mamaya ay malalaman natin kung bakit ganito ang pagkakasunod sunod nito.

Tandaan: hindi dapat madaliin ang pagturo ng mga titik siguraduhin muna na alam na ng anak nyo ang
mga tunog nito bago lumipat sa susunod

PANIMULANG PAGBABASA

Pagkatapos nyo maituro ang tatlong letra. M s a ay pwede na simulant ang pagturo ng pagbasa

Balikan nga natin sila.(mmmm.sssss.aaaa)

Ano kaya ang pwedeng maging tunog kapag pinagsama ang tunog na “m” at “a”

Tama kapag pinagsama ang “m at a” mabubuo ang “ma”

At kapag inulit natin ito magiging “ma”

Ano ang salitang mabubuo? “mama”

Tingnan ang mga larawang ito.

Tandaan: palagi nating icheck kung nauunawaan ng bata ang kanyang nabasa. Dhil ang tunay na
pagbabasa ay palaging may pag-unawa. Pero wag po tayong mag alala kung hindi pa nila nuunawan
agad. Ito ay hudyat sa atin na kailangan pang palawakin ang talasalitaan ng inyong mga anak.

Ngayon naman ay tingnan natin ang mga ito.


Ano kaya ang pwedeng maging tunog kapag pinagsama ang tunog na “s” at “a”

Mabubuo ang pantig na “sa”

Ngayon pagsamahin natin ang sa at ma

Ano nga ang tunog ng salitang ito?

“sama”

Tingnan natin sa mga ito ang nagpapakita ng pagsama

Tama ang nasa kanan na larawan ang nagpapakita ng pag-sama.

Sila ay mag kasama

Ngayon mga tatay at nanay. Pagkatapos matutunan ng mga bata ang magbasa ng mga salita
makapagbabasa na sila ng parilara

Halimbawa

Sasama sa ama

Diba ito ang unang tatlong letra na inaral natin.

At kapag dinagdagan natin ng isang titik ay makakabasa na sila ng isang simpleng pangungusap.

Halimbawa: sasama si Mama sa misa.

Mga tatay at nanay naiintindihan nyo nap o ba kung bakit ito ang rekomendadong pagkakasunod sa
pagtuturo ng mga salita.

Sa unang apat na titik pa lamang makapagbabasa na ng pangungusap ang inyong mga anak.

Kaya naman palang ituro ang pagbabasa sa bahay.

Halina mga nanay at tatay . sama sama nating turuan an gating mga anak.

You might also like