Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan
Araling Panlipunan
Araling Panlipunan
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Suriin
Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga
lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang
produkto sa pamilihang lokal.
Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang
naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming insentibo ang
naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong
produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal na high class product na saging,
mangga at iba pa na itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa.
Ang pagpasok ng bansa at ng mga nakalipas na administrasyon sa mga usapin at
kasunduan sa GATT, WTO, IMF-WB, at iba pang pandaigdigang institusyong pinansyal
ay lalong nagpalumpo sa mga lokal na magsasaka bunsod ng pagpasok ng mga lokal na
produkto na naibebenta sa lokal na pamilihan ng mas mura kumpara sa mga lokal na
produktong agricultural. Batay sa ulat ng DOLE (2016), mahigit 60% ng mga dayuhang
produktong agrikultural sa loob ng sampung taon (2006- 2016) ay malayang nagiging
bahagi sa mga lokal na pamilihan.
Talahanayan 2.2 Percentage Distribution of Employed Persons by Industry,
Occupation, Class of Worker and Hours Worked in a Week, Philippines 2016
B. Sektor ng Industriya
Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito
na makakarating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa. Kaalinsabay nito ang
iba’t ibang suliranin, bunsod ng globalisasyon sa pamamagitan ng patakarang
liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhan kasunduan na
kung binubuksan ng malaya ang kalakalan ng bansa sa mga dayuhang kompanya o
TNCs kaya’t sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa TNCs nalilimitahan ang
bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigan kalakalan.
Bunga ng isinagawang patataya ng APEC (2016) ay kinikilala ang Pilipinas bilang isa
sa “emerging and developing countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng sektor ng
serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi nito ay ang mababang pasahod sa mga
manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng mga mamumuhunan, tax incentives.
Ngunit kaakibat nito ang samu’t saring suliranin tulad ng over-worked, mga sakit na
nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa sa BPO dahil na
rin sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho. Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang
ng Small-Medium Enterpirses (SMEs) sa bansa dahil pinasok na rin ng mga malalaking
kompanya o supermalls ang maliliit o mikro-kompanyang ito sa kompetisyon na kung
saan sila ay may kalamangan sa logistics, puhunan, at resources (NEDA report, 2016).
Iskemang Subcontracting
Bunsod din ng globalisasyon mas naging mabilis ang pagdating ng mga dayuhang
namumuhunan na mas pinatingkad naman ng kumpetisyon sa hanay ng mga dayuhan
at lokal na kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga
namumuhunan na pumasok sa bansa at hindi na naiwasang mapalaganap ang iskemang
subcontracting sa paggawa sa bansa na naging malaking hamon sa pagpapaangat ng
antas ng pamumuhay ng uring manggagawa.
Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang
kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor
upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. May dalawang
umiiral na anyo ng subcontracting ito ay ang:
Isaisip
Tayahin
A. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6
na buwan.
B. Sistema ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang
isang trabaho o serbisyo isang takdang panahon.
C. Iskema ng pagkuha ng isang kompanya para sa pagsasagawa ng isang trabaho o serbisyo
D. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng
mas mahabang panahon.
4.Aling sector ng ekonomiya ang lubusang naaapektuhan ng pagpasok ng mga TNCs at iba pang
dayuhang kompanya bunsod din ng mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang
pandaigdigang institusyong pinansyal tulad ng mga imposisyon ng IMF-WB?
6. Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita
at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
7. Ang isang manggagawa ay kailangang magtrabaho nang walong oras lamang sa isang araw.
Kapag labis na sa walong oras siya ay binabayaran ng overtime pay. Ilang bahagdan ng kanyang
sahod ang dapat ibabayad ng kanyang employer?
A. 25 bahagdan C. 10 bahagdan
B. 30 bahagdan D. 50 bahagdan
8. Alin sa sumusunod ang nasa kategorya ng Self-employed without any paid employee o
tumutukoy sa trabahong para-paraan o sa sinasabing vulnerable employment ng Labor Force
Survey (2016)
Tama o Mali. Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ito ay
nagpapahayag ng katotohanan at MALI kung ito ay walang katotohanan.
1. Ang Labor-only Contracting ay anyo ng iskemang sub-contracting na kung saan ang
subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang
pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya.
2. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa
paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
3. Ang mga isyu sa paggawa ay hindi nakaaapekto sa kalagayan ng mga manggagawa sa
kasalukuyan.
4. Ang DepEd ang ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas para sa
paggawa.