Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: FILIPINO Grade Level: 10 Quarter: 3 Week: 5


MELC:
 Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa: - sarili, -panlipunan, - pandaigdig - F10PS-IIId-e-81
 Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang
binasa at ng alinmang social media - F10PU-IIId-e-81
 Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda -
F10WG -IIId-e-74

A. PAGBABASA /PAGTATALAKAY

Ang araling ito ay karugtong sa natalakay na maikling kuwento na


pinamagatang “Ang Alaga” ni Barbara Kimenye na isinalin sa Filipino ni Prof.
Magdalena O. Jocson. Kung natatandaan ito ay halimabawa ng kuwento ng tauhan –
at binibigyang - diin ang ugali o katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay
kumilos ayon sa kaniyang paligid.

Lumutang ang pag-uugali at katauhan ng pangunahing tauhan na si Kibuka


batay sa mga pangyayari sa akda. Siya ay isang responbleng empleyado na
nagpamalas ng kasipagan at kaayusan sa serbisyo. Mapagmahal sa alagang baboy at
nang lumaon ay naging kahinaan niya dahil isinama niya sa pagtulog at naninimot
na lamang siya sa pagkain alang-alang nito. Naging mahina siya dahil sa labis na
pagmamahal niya nito.

Nangingibabaw ang mga suliraning panlipunan kagaya ng kawalan ng


pagpapahalaga sa trabaho, pagkamakasarili at bisyoso sa mga babae, kahirapang
dulot ng mababang pasahod at pagretirong walang naiipon na nagtitiyaga na lamang
sa maliit na dampa sa tabi ng ilog, ang pagka-iresponsable ng drayber na humantong
sa aksidente sa kalsada at ikinapahamak ng mga inosentong tao.

Ang mga suliraning ito ay hindi lamang nangyayari sa East Africa kundi sa
buong daigdig. Mahihinuha na walang masyadong pagkakaiba ang ugali at katangian
ng mga tao sa mundo dahil kahit saang sulok nito ay talamak ang mga iresponsable,
makasarili, bisyoso at kawalan ng sapat na suweldo sa mga empleyado. Ang
pangunahing tauhan ay nakikiayon at nakikinabang na lamang sa nakayanan sa
buhay.

Subalit, ang akdang ito ay nagpapahiwatig ng aral para sa lahat na mahirap


maging mahirap. Mas nakabubuti na bigyang-pansin ang kalagayan ng mga
empleyado nang sa gayon ay hindi maging kaawa-awa kapag magretiro na sa trabaho.
Bigyan ng sapat na prebilihiyo batay sa kanyang serbisyo.
B. PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto: Pagnilayang mabuti ang mga sumusunod na bahaging hango sa akdang
nabasa at magpahayag ng damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan
ng akda sa sarili, panlipunan at pandaigdig.
A.
Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang tanggapan upang tingnan kung
kailangan ng kanyang kapalit ang payo at tulong. Hindi siya
nakapaniwala sa nadatnan niyang nagkalat na ang mga papeles at
napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Nagkalat ang iba’t ibang
papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na hindi dapat
makita ng kung sino-sino ay nababasa ng lahat. Sa ganitong sitwasyon
tila walang pakialam ang kanyang kapalit at mas binibigyang-pansin
pa nito ang pakikipag-usap sa telepono habang napaligiran ng ilang
babae.

1. Kahalagahan ng akda sa:


sarili _______________________________________________________________
lipunan ____________________________________________________________
pandaigdig _________________________________________________________

B.

Isang araw, habang pumunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang


naghuhukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di
inaasahang pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy,
at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang
direksyon. Nasagasaan si Kibuka at ang kanyang alaga. Nang
nagkamalay siya, natuwa sapagkat buo pa rin ang kanyang katawan
maliban sa isang balikat na sumasakit at dugo sa mga kamay niya
samantalang ang kanyang alaga ay matinti ang pagkaipit sa leeg nito
at namatay.

2. Kahalagahan ng akda sa:


sarili _______________________________________________________________
lipunan ____________________________________________________________
pandaigdig _________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Basahin ang blog na ito at ihambing ang damdaming nangingibabaw sa
akdang binasa, “Ang Alaga”
Blog -https://studentsgrievances.wordpress.com/bulok-na-sstema-ng-pup/

Bulok na sistema ng PUP


Nakakalungkot isipin na ang politeknikong unibersidad ng Pilipinas na dapat na
lumilingap sa mga mahihirap na estyudyante nito ang siya pang nagpapahirap sa kanila.
Maraming bulok ns sistema ang PUP na dapat ng mabago. Kaawa awa nanam ang kalagyan
ng mga estudyante na umaasa sa murang serbisyo ng unibersidad subalit binabalasubas
nanan ng mga walang awa at walang puso na mga empleyado. Halimbawa na lang ay sa
student records na pagkatagal tagal sa pagproseso dahil sa mga iresponsableng myembro ng
departamneto na iyan ng pup. Subukan niyong sumilip dun at makikita niyo ang ilang
empleyado na walang ginawa kundi ang magtsismisan. Tandaan po ninyo na buwis ng
taumbayan ang sinusweldo niyo!!!!! magtatanong ka lang sa kanila ay ubod na sama ng
isasagot sa iyo sa madaling sabi mga walanmg modo!!!!!Di ko naman po nilalahat may mga
emplayado ang students records na mabait at tutulungan ka hangaang sa abot ng kanilang
kakayahan. Pero may iba na tumanda nawala sa lugar tulad ng humahawk sa engineering
records!!!! mam mahiya ka naman sa balat mo!!!!!! wag mong pahirapan ang mga estudyante
na mahirap na nga pinahihirapan niyo pa!!!! Dr. Dante Guevarra hamon po ito sa inyo. Kung
gusto nio ponh maging total university ang PUP parusahan niyo po ang mga empleyadong
abusado at walang pusong tao sa students record

Damdaming
Damdaming
Pagkakatulad Nakapaloob sa Blog
Nakapaloob sa
_____________ na Binasa (Bulok na
Akdang Binasa (Ang
_____________ Sistema ng PUP
Alaga)
______ _________________
_________________
Pagkakaiba _________________
_________________
_____________ _________________
_________________
_____________ ________________
__
______ _________________
_________________
__
__
_________________
_________________
_____ __
__
Gawain 3: Panuto: Suriin ang damdaming nangingibabaw sa akdang binasa at bigyan
ng kahulugan kung ano ang nais sabihin nito. Pumili sa mga
salita/pahayag na nagsasaad ng opinion sa loob ng kahon sa
pagpapakahulugan.

 Sa palagay ko > sa tingin ko


 Ipinahiwatig sa kanyang sinabi > maaaring
 Batay sa aking paniniwala > baka
 siguro

Damdamin Pagbibigay-kahulugan
Nangingibabaw sa Akda

Pagkadismaya sa
nadatnang kalat ng
papeles

Pagkatuwa na buo pa
siya matapos
masagasahan ng
motorsiklo

Pagkabahala kung
saan hahanap ng
ipakain sa lumalaking
alaga

______________________
___
Naiisip ni Kibuka na
kaawa-awa na siya at
mabuting mamatay
nalang

_____________________________________________________________________
Basahing mabuti ang nasa loob ng kahon para sa susunod na Gawain.

Linangin

Wika at Gramatika:

Alam mo bang ang salita o pahayag na naglalahad ng opinion


ay mahalagang maunawaan natin? Nais nitong ipahiwatig
ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.
Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon:
a. Sa palagay ko…
b. Ipinahiwatig sa kanyang sinabi …
c. Batay sa aking paniniwala …
d. Sa tingon ko…
e. Maaring…
f. Sa ganang akin…
g. Inaakala ko…

Gawain 4

Panuto: Basahing mabuti ang talata. Pumili sa mga salitang nagpapakilala ng


pagsasaad ng opinion na angkop sa patlang.

ROSALIA VILLANUEVA TEODORO,


DAKILANG INA
Mapagmahal, maasikaso, malambing, matalino at higit sa lahat may
takot sa Diyos. Iyan ang aking ina. Walang hindi gagawin para sa kapakanan
naming magkakapatid. __________, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang
sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala
naming sa kaniya _________ na nanghihina ang kanyang katawang pisikal at
espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. __________ sa
paniniwala ng aking mga kapatid lalo pa nga siyang tumapang at tumatag,
iyon ay upang patuloy niya kaming magabayan. __________, wala nang
papantay pa sa kadakilaan ng aking ina.
C. PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa tatlong pangungusap lamang.

1. Anong aral ang napulot mo sa akdang binasa at ang naging bisa nito sa iyong
sarili? ______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

2. Ano ang bisa sa lipunan sa pahayag na ito, “Mas binigyan-pansin pa nito ang
pakikipag-usap sa telepono habang napaligiran ng ilang babae.”
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. Pagkatapos magretiro ni Kibuka ay gugugulin niya ang kanyang buhay sa maliit


niyang dampa sa tabi ng ilog. Anong suliranin ang lumutang kaugnay sa
sweldong tinatanggap niya sa matagal na paninilbihan at ang naging bisa nito
sa ndaigdig?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

D. KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Sumulat ng maikling blog ukol sa iyong damdamin kaugnay sa damdaming


nangingibabaw akdang binasa.

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
_

__________________________________________________________________________
_
Pamantayan sa Pagsulat:

1. Gumamit ng simple at payak na mga pangungusap.


2. Iwasan ang paggamit ng mga di-kaaya-ayang salita at mga sensitibong
mga pahayag.
3. Malaya kang magpalabas ng mga hinanakit ngunit gawin sa
malumanay at responsableng paraan.
4. Gawing kapaki-pakinabang sa mambabasa at makatutulog sa
paglutas ng mga suliraning ito.

Pamantayan sa Pagmamarka Nakalaang Nakuhang


Puntos Puntos
a. Responsableng pagpapahayag ng 5
saloobin at damdamin
b. Konteksto – (Maayos ang 5
pagkakaugnay ng mga ideya)
c. Paggamit ng pahayag na 5
nagpapakilala ng opinyon
15
Kabuuang Puntos

Talasanggunian

1. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Modyul para sa


Mag-aaral –Panitikang Pandaigdig – Filipino 10
2. Blog -https://studentsgrievances.wordpress.com/bulok-na-sstema-ng-pup/

Prepared by: IMELDA M. ECARMA, Liloan District Filipino Coordinator

Edited by: CARMELITO M. LAURON SR., SH Arcelo MNHS-DC

Reviewed by: PRESCILLA R. CACANOG, PSDS District of Liloan

You might also like