The Class Hierarchy

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Teacher Myth

Hi ako si Teacher Myth, ang inyong mythical teacher, at aking ikukuwento ang makulay
kung buhay bilang isang college student.

Bilang isang isang estudyante, maraming bagay akong natunghayan at naranasan. Simple
lamang ang ninanais ng bawat estudyante, ito ay ang makapagtapos. Pero hindi lang yan ganun ka
simple gaya ng inisip mo, dahil marami ka pang pagdadaanan.

Sa aming seksiyon ay talaga namang kakaiba sa lahat at maituturing kong isang


kompletong ecosystem na may ibat-ibang uri ng mga nilalang na nagtititpon-tipon sa ibat-ibang
pangkat na mas kilala natin na “Class Hierarchy”. At ito ang aking ikukuwento ng buong puso at
galak sa kalooban.

Naalala ko pa ang ibat-ibang grupo ng aming klase sa kolehiyo. At ginawan ko pa nga ito
ng isang diagram.
Nasa itaas ng hierarchy ang mga all around students, yong mga matatalino, masisipag mag-
aral, mag recite at kung ano-anu pa na kung tawagin ko ay ang mga PRIMER. Ang pangkat ng
mga PRIMER ay nahahati sa dalawa, ang mga PURE PRIMER at HALF BREED PRIMER. Ang
mga PURE ang mga estudyante sa klase na sadyang malinis ang kalooban at dalisay ang
katalinohan na nabibigyan ng matataas na mga grado sa malinis at mabuting pamamaraan.

Ang mga HALF BREED naman ay masasabi kong may angking katalinohan pero sadya
lang talagang mitim ang laging nilalaman ng puso at isipan. Sila yong matuturing na gahaman sa
kapangyarihan at mga puntos na binibigay ng aming mga propesor, yong tipong pinapaganda at
pinapaikot-ikot ang mga sagot na minsan ay wala namang ka konek konek sa mga tanong para
lamang mapansin at magkaroon ng mataas na puntos. Mga HALF BREED din ang mga kadalasang
pabida sa klase, sila yong kunwaring nag didisiplina sa buong klase na kadalasan namang sila
mismo ang may pakana ng kaguluhan.

Kumpara sa mga PURE, ang mga HALF BREED ay maiingay at mga reklamador. Ang
mga PURE ay mahaba ang pasensiya at marunong maghintay. Habang ang mga HALF BREED
ay hindi pa nga nagsisimula sa pag didiscuss ang mga propesor ay tinatanong na kung puwedeng
hingin ang copy ng ppt presentation para sila ang makauna sa lahat ng bagay.

Sa aming klase, aminado akong bilang lamang ng aking isang kamay ang mga PURE
PRIMER. At ang mga HALF BREED naman ay parang mga asong ulol na tahol ng tahol na
nagkukumpulan at palaging naka puwesto sa harapan ng classroom. At pagdating sa mga exams
ay may strategic silang inuupoan na naka disenyo talaga sa mga ganitong sitwasyon.

Sunod na uri ng pangkat naman ang mga tinatawag kong mga INTELLECTS TAIL o yong
mga estudyanteng parang buntot na laging nakabuntot sa mga matatalinong nilalang sa klase at
parang masamang lintang laging nakadikit upang sila ay mabiyayaan at mabigyan din ng mga
matataas na grado. Pero hindi sila umuobra sa mga PURE, dahil alam ng mga PURE na hindi
malinis ang kanilang mga hangarin at maiitim ang kanilang mga budhi. Kaya naman ang mga
INTELLECTS TAIL ay kadalasang kaakibat ng mga HALF BREED. Dahil hindi naman talaga
puwedeng pagsamahin ang tubig at langis, o kami at ng ex crush ko.

Kadalasang ang mga INTELLECTS TAIL ang mga minion’s ng mga HALF BREED,
sunod sunoran sa kung ano ang ipapagawa ng kanyang master. Kung ang mga HALF BREED ang
mga main actor/actress ang mga INTELLECTS TAIL naman ang mga supporting actor/actress.

Sa ibaba naman ng mga INTELLECTS TAIL ang uri ng pangkat ng mga estudyante sa
aming klase na kung tawagin ko ay ang mga LIBERAL, na noong umulan ng kasipagan ay sila
yong labis na namihasa at nabiyayaan. Pero napakahimbing ng tulog nong umulan ng katalinohan.

Sila yong mga estudyanteng napaka sisipag mag-aral at ang hangarin ay makapagtapos at hindi
nakikisali sa napakagulong kompetisyon ng mga nasa itaas ng class hierarchy.

Ngunit sa kabila ng kasipagan, yong ultimong wala na halos silang tulog at kain sa ka-aaral
at ka-rereview dahil may exam na naman gaya ng midterms, final terms at other terms. Pero hindi
nila maintindihan kung sang parte na ng universe napunta ang mga nireview at pinag-aralan nila,
dahil bigla nalang silang walang maalala at maisagot sa mga katanungang tinatanong sa exam. Na
kadalasang nauuwi sa alam niyo na, mababang grado, pagkainis, at minsan ang pag sumpa sa mga
propesor. Bakit naman kasi tinatanong sa mga estudyante ang mga bagay na alam na naman nila.
Halimbawa nalang, Who won the Peloponnesian war? Well, maybe the Peloponnesian people,
kung puwede lang sumagot ng ganyan, pero alam kong hindi yan ang tamang sagot at alam yun
ng propesor. Isa pa, What is the Capital of Bolivia? Well, I don’t know, and now I would like to
learn it maam/sir, pero pag ganyan isinagot mo, tiyak special mention ka sa susunod na discussion.

Ang mga liberal ang kadalasang kinakaibigan at kinakasama ng mga matatalinong PURE
dahil sila ay mga malalayang nilalang, masaya at magaang kasama at lalong-lalo na sila ay dalisay
na mga mag-aaral tulad ng mga matatalinong PURE. Ang mga LIBERAL at mga PURE ay may
magandang samahan na pawang kabutihan at walang kinikilang, dahil pawang serbisyo lamang.

Sa mga PURE ipinagkakatiwala ng mga LIBERAL ang kanilang mga sama ng loob. At
ang mga PURE naman ang taga-bigay ng mabubuting payo sa mga LIBERAL na may problema
at sumasagot sa mga katanungan. Kapalit naman neto ang tiwalang binibigay ng mga PURE sa
mga LIBERAL dahil sa mga LIBERAL din ipinagkakatiwala ng mga PURE ang kanilang mga
problema at hinanakit.

Sa ibaba naman ng mga LIBERAL ang nasa pinaka ibaba ng class hierarchy sa loob ng
aming klase ang Tropang KKK o yong mga Kakatapang - tapangan, Kakaloko – lokohan at
kakatamad – tamaran na uri ng pangkat ng mga estudyante. Ang mga Tropang KKK ang mga tipo
ng estudyanteng maraming mga kayang gawin na hindi kaya ng mga nasa itaas ng mga pangkat
ng hierarchy. Kaya nilang umupo ng buong maghapon. Seryoso, hindi ko talaga alam kung paano
nila nagagawa yon. Kadalasan silang nakapuwesto sa likoran ng classroom para hindi sila
mapansin ng guro at magawa kung ano mang gusto nilang gawin lalong-lalo na ang pasimpleng
pagtulog at pag-gamit ng selpon habang may klase.

Sila yong pinakamatapang sa klase at may napakataas na confidence level na minsa sila
ang nagsasalba sa buong klase dahil sila ang madalas na nag-aangat sa buong seksiyon lalo na sa
Sports at iba pang mga extra-curricular activities. Sila din yong pinkamatapang na magsasabing
“Oi Pakopya”, na ultimo pangalan mo ay nakopya na din, dahil nga naman sa kanilang katamarang
mag-aral. Pero sila naman yung pangkat na may mga JOWA na tiyak wala ang mga mas
nakakataas na mga pangkat.

Ang Tropang KKK din ang palaging nalelate sa mga klase at nakakatikim ng mga
malulutong na mga sermon ng mga propesor. Pero sila naman yong pinakaunang lumabas sa
classroom pagkatapos ng klase, yong tipong papatapos pa lang ang klase ay nakasukbit na ang
kanilang mga bag at handang-handa ng lumabas. Ito ang pangkat ng kadalasang male dominant
dahil halos mga kalalakihan ang mga nagiging miyembro ng Tropang KKK.

So ayon nga ang ibat-ibang uri ng pangkat ng mga estudyante sa aming klase. Nandiyan
ang mga nakakataas at pinakamababa sa class hierarchy. Kung inyong tatanungin kung saan ako
nabibilang, hindi naman sa akoy nagmamayabang, masasabi kong ako ay nabibilang sa pangkat
ng mga PURE PRIMER, isang uri ng estudyanteng bibihira nalang na nabubuhay sa mundo, na
sinuwerte ng labis sa katalinohan pero minalas din naman ng labis sa… hindi ko na babanggitin.

Ikaw, saang pangkat ka naman kaya nabibilang?

Hanggang sa susunod nating kuwentohan. Ako si Teacher Myth., ang inyong mythical at
mysterious teacher!

Next time naman ay ating pagkukuwentohan at iisa-isahin ang mga ibat-ibang uri ng
estudyante sa loob ng classroom.

You might also like