Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Ang Taong Malikhain,
Bansa’y Kaniyang Pauunlarin!
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Ang Taong Malikhain, Bansa’y Kaniyang Pauunlarin!
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Evelyn B. Tala
Co-Awtor - Content Editor : Jeanette R. Penaflor
Co-Awtor - Language Reviewer : Cris V. Regala
Co-Awtor - Illustrator : Mary Grace L. Beltran
Co-Awtor - Layout Artist : Evelyn B. Tala

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Ang Taong Malikhain,
Bansa’y Kaniyang Pauunlarin!
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang bawat bata ay isinilang na may sariling kakayahan. Ngunit ang kakayahang ito
ay kailangan niyang linangin – isa na rito ang pagiging malikhain. Ang
pagkamalikhain ang kaniyang magiging susi upang maging matagumpay sa buhay.
Kailangan niya itong matutuhan upang siya ay makaagapay sa kapaligiran at
matutong makibagay dito.

Bilang isang mag-aaral, kailangang maging malikhain ka upang maiangat mo ang


iyong sarili pagdating ng panahon. Halina at ating alamin ang mga paraan upang
maging bahagi ka sa pag-unlad nitong bansa natin.

Pagkatapos ng gawain sa modyul na ito ay inaasahan na maipamamalas mo ang


kakayahang:

Naipapakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng anumang proyekto na


makatutulong at magsisilbing inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-unlad ng
bansa (EsP6PPP- IIIh–39).

1. Natatalakay ang mga paraan upang maipakita ang pagiging malikhain sa


paggawa ng anumang proyekto na makatutulong;

2. Naipamamalas ang pagiging malikhain sa paggawa na makatutulong sa


kapwa at magsilbing inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa.

Subukin

Isulat sa sagutang papel ang kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng


pagiging malikhain at kung hindi.

1. Mahusay magsulat si Gifty nguni’t walang nakaaalam niyon dahil nananatili


siyang tahimik at hindi sumasali sa mga gawaing may kinalaman sa pagsusulat.
2. Nakahihiligang gawain ni Jamez ang pagdedisenyo kaya’t sumasali siya sa mga
seminar-workshop sa kanilang bayan.
3. Napag-alaman ni Irish na magkakaroon ng pagsasanay sa pag-arte sa kanilang
paaralan kaya agad siyang nagpalista at sumali.
4. Nakapanood sina Althea at Leira ng mga Do-it-Yourself (DIY) videos sa Youtube,
sila man ay gumawa ng sariling bersyon nito.

1
5. Nasira ang iyong bag na pamasok kaya kumuha ka ng mga lumang pantalon at
tinahi ito kagaya ng iyong napanood sa internet. Hinangaan ng mga kamag-aral
mo ang iyong bag.
6. Mas nais ni Alvin ang maglibot at maglaro ng mga online games kaysa linangin
ang kaniyang mga talento.
7. Natanggal ang mga mata ng iyong stuffed toy kaya itinapon mo na lamang ito.
8. Itinatapon ni Steven ang mga tirang kanin kahit puwede pa itong kainin.
9. Ginagaya ni Lorraine ang mga magagandang damit na nakikita niya sa magasin
dahil gusto niyang maging fashion designer pagdating ng araw.
10. Maraming magagandang kahon ng sapatos sina Shane, binalutan niya ito at
pinaglagyan ng kaniyang mga kagamitang pampaaralan.

Aralin Ang Taong Malikhain,


1 Kaniyang Bansa’y
Pauunlarin
Ang taong malikhain ay may kakayahang makapag-isip at makabuo ng mga ideya,
mga pamalit na pamamaraan at mga posibilidad na magagamit niya upang malutas
ang isang suliranin, makipag-ugnayan at makalibang din ng kaniyang kapwa.

Ikaw? Paano mo maipakikita ang pagiging malikhain?

Balikan

Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin? Itanong sa nakatatanda sa iyo kung


naisagawa mo ng maayos ang mga sumusunod.

Lagyan ng ang bilang kung nagampanan ang isang gawain ayon sa


pamantayan at maganda ang kalidad ng kinalabasan nito at kung kailangan
pang pagbutihin ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Maghugas Pagsusulsi
sa nasira Pagwawalis
ng mga
niyang sa inyong
pinagkainan.
damit. bakuran.

1 2 3

2
Pinalabhan
Ipinabiling ang mga
gulay sa damit
tindahan. panloob.

4 5

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na nasa ikaanim
na baitang upang malaman at malinang ang pagsunod sa pamantayan
at kalidad na paggawa pagkatapos ng gawain

Tuklasin

Nagawa mo ba nang buong husay ang ating balik-aral? Binabati kita! Ngayon ay
handa ka na para sa susunod na gawain.

Ngayon ay basahin mo ang


isang kuwento tungkol sa isang taong
malikhain.

Ang pagiging malikhain niya ay


maaari mong gawing inspirasyon
upang makabuo ka ng mga bagay na
hindi mo pansin sa iyong paligid.

3
Ang Batang si Ramon

Isinulat ni Evelyn B. Tala

Bata pa lamang si Ramon ay hilig na niya ang mamulot ng mga mumunting


bagay na kakaiba sa kaniyang paningin. Tinitingnan niya itong mabuti at inilalagay
niya sa kaniyang mga lalagyan. Nguni’t higit ang pagkatuwa niya sa mga bato na
nakikita niya.

“Inay, bakit kaya bilog ang batong ito? Ang isa naman ay lapad.” “Bakit
makinis ang iba at mayroon ding magaspang?” “Ang kulay ng batong ito ay puti, may
itim at pula.” Marami pang tanong at puna si Ramon sa kanyang ina at sa mga bagay
na kaniyang napapansin.

Noong una ay nagagalit ang kaniyang ina sa ginagawa niya. Basurero raw
siya. Kalaunan, maging ang ama at kapatid niya ay namumulot na rin ng mga
“kakaibang bato” sa mga lugar na napupuntahan nila. Galak na galak si Ramon
kapag inuuwian siya ng mga “mumunting pasalubong” ng mga ito. Inilalagay niya
ang mga bato sa istante na binili ng kanyang ina para sa mga koleksyon niya.
Pinaghihiwa-hiwalay niya ang mga ito ayon sa laki, hugis at kulay. Ang iba ay
inilalagay niya sa mga kahon ng sapatos na binalutan ng iba’t ibang kulay.

Nasa ikaanim na baitang na siya ngayon. Hinahangaan si Ramon ng kanyang


mga kamag-aral sa bilis niyang mag-isip ng solusyon sa mga problema lalo na sa
mga proyektong kanilang ginagawa. Maging ang kanilang mga guro ay natutuwa sa
pagiging malikhain ni Ramon. Walang nasasayang na bagay sa kanya.

Isang araw ay nag-anunsiyo ng isang paligsahan sa kanilang paaralan


tungkol sa paggawa ng mga bagay na makikita nila sa paligid. Agad na nagpalista si
Ramon. Pag-uwi ng bahay ay hiningi niya ang isang lumang picture frame na nasa
imbakan ng gamit. Nilinis niya ito at pinahiran ng varnish upang kumintab. Inilabas
niya ang kaniyang mga bato at namili ng mga gagamitin sa kaniyang proyekto.
Kumuha rin siya ng mga tuyong sanga at dahon para palamuti. Maingat niyang
idinikit ang mga ito sa picture frame.

Dumating ang araw ng paligsahan. Tuwang-tuwa si Ramon at ang kaniyang


mga kaklase dahil siya ang nagkamit ng unang gantimpala. Labis na humanga ang
mga hurado sa pagiging maparaan, malikhain at orihinal na ideya ni Ramon.
Kakaiba nga naman ang ginawa ni Ramon sapagka’t binuo niya ang larawan ng
kanilang pamilya sa pamamagitan ng mga pinagdikit-dikit na iba’t ibang hugis,
kulay at laki ng mga bato.

Sagutin naman natin ang ilang mga katanungan tungkol sa binasa mong kuwento.
1. Sino ang tauhan sa kuwento?
2. Ano ang mga bagay na nakahiligan niyang gawin?
3. Ano kaya ang dahilan at ang proyektong ito ang nakakuha ng pinakamataas na
karangalan?
4. Ano-ano ang mga katangian ng isang malikhaing paggawa?

4
Suriin

Likas na sa tao ang pagiging malikhain. Nakagagawa siya ng mga bagay na hindi pa
naiisip ng iba, higit na napauunlad ang mga bagay na nagawa na at nakatutulong
sa mga mamamayan ng bansa. Sa pamilya unang nagsisimula ang paglinang sa
kakayahan ng isang bata. Sila ang unang huhubog sa kakayahan nitong bumuo ng
mga bagay at magpalawak ng kanyang imahinasyon. Hayaang siya ang gumawa ng
paraan upang makabuo ng isang bagay. Natural lamang ang magkamali, sa halip na
ito ay kagalitan, maging mapagpasensiya at gabayan itong makahanap ng mga
solusyon sa kaniyang suliranin.

Maraming Pilipino na ang nagawang paunlarin hindi lamang ang sarili kung hindi
pati ang kaniyang kapwa at bansa. Sa tulong ng kaniyang malawak na imahinasyon
ay naiangat niya ang kaniyang kabuhayan. Kinilala ng mga taga-ibang bansa dahil
sa dedikasyong kaniyang ipinakita. Napakasarap maging bahagi ng ganitong
pagkilala. Sa ngayon, unti-unti mo itong pag-aralan at sa kalaunan ay malalaman
mo rin ang mga paraang kailangan mong matutunan.

Ano-ano nga ba ang magagawa mo upang mapaunlad mo ang iyong kaalaman


upang maging daan para ikaw ay maging malikhain?

1. Kuryosidad at imahinasyon– Interesado ka ba sa iyong paligid? Inaalam mo ba


ang mga bagay na maaari mong gawin upang mapabuti mo ito? Kapag tinitingnan
mo ang isang bagay, nakabubuo ka ba ng mga ideya upang paunlarin pa ito?
Higit mo bang mapagaganda ito?
2. Malawak na Interes – May angking kaalaman ka ba upang ang kuryosidad mo
sa isang bagay ay makabuong muli ng mga ideya para sa isang malikhaing
paggawa?
3. Sensitibo sa iyong Paligid – Nararamdaman mo ba ang mga kakulangan sa
iyong kapwa at sa mga sitwasyon sa iyong paligid? Nabibigyang inspirasyon ka
ba upang makagawa ng mga bagay-bagay?
4. Tiwala sa Sarili – Naniniwala ka bang ang mga bagay na pinaghiwa-hiwalay mo
ay makakaya mong buoing muli? Kaya mo bang kumilos upang ang isang
masuliraning sitwasyon ay mahahanapan mo ng lunas?
5. Orihinal – Ang bagay na ginawa mo ba ay hindi pa nasubukan o nagawa ng iba?
Ang ginawa mo ba ay makatutulong sa iyong kapwa upang mapabuti niya ang
kanyang buhay?

Ang mundo ay patuloy na umiinog. Napakarami pang pagbabago ang masasaksihan


mo. Nguni’t marami ka ring magagawa. Maging mapagmatyag ka lamang sa iyong
paligid, pag-aralan ang mga ito at baguhin ang sa akala mo ay kaya mong paunlarin.
Magagawa mo ba ito? Oo. Walang imbentor o siyentipiko na nagsimula sa madali.

5
Pinagana nila ang kanilang isip at talino upang makabuo ng mga bagay na
pinakikinabangan natin ngayon. Ginawa nilang basehan ang mga kakulangang
namasid nila at dito sila nagsimulang lumikha. Ito ang magiging pundasyon mo sa
iyong paglikha. Kaya mong paunlarin ang bansa kung ito ay nanaisin mo.

Pagyamanin

A. Panuto: Isulat sa papel ang Oo kung ang gawain ay makatutulong na malinang


ang pagkamalikhain ng tao at Hindi kung hindi ito makatutulong.

1. Madalas na lumiliban sa klase si Mark.

2. Laging nagbabasa si Aliana ng mga aklat at dyaryo.

3. Nakikipagpalitan ng opinyon si Cheska sa kanyang mga kasambahay at kamag-


aaral.

4. Nagpupuyat palagi si Ken dahil sa paglalaro ng mobile games.

5. Gabi-gabing nag-aaral ng leksyon si Jelai.

B. Panuto: Iguhit ang larawan sa iyong sagutang papel. Sa bawat talutot ng


bulaklak ay isulat mo ang maaaring makatulong sa iyo upang ikaw ay maging
malikhain. Ipaliwanag ito.

C. Ang buong aralin ay nakabuod sa pamamagitan ng pangungusap na ito.


Gamitin ang sumusunod na code upang malaman ito.

Panuto: Isulat ang katumbas na letra ng bilang sa loob ng kahon na nasa


ibabaw nito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

6
A B C D E F G H
1 2 3 4 5 6 7 8
I J K L M N O P
9 10 11 12 13 14 15 16
Q R S T U V W X
17 18 19 20 21 22 23 24
Y Z
25 26

Magsimula rito:

1 14 7 20 1 15 14 7 13 1 12 9 11 8 1 9 14

1 25 13 1 11 1 20 21 20 21 12 15 14 7 21 16 1 14 7

13 1 16 1 21 14 12 1 4 1 20 13 1 9 19 21 12 15 14 7

1 14 7 11 1 14 9 25 1 14 7 2 1 14 19 1

Isaisip

Naunawaan mo ba ang araling tinalakay? Isulat mo ang mga paraan na magagamit


mo upang makalikha ng proyekto na makatutulong sa pag-unlad ng ating bayan.
Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

7
Isagawa

Gawain 1
Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang MK kung malikhaing kaisipan at DM
kung hindi malikhain. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Bakit kaya parang naiiba ang pantalon na ito kaysa doon, pero magkamukha
naman?
2. Sandali at kukuhanan ko ng larawan ang mga ulap, gusto kong iguhit ito sa
bahay.
3. Bukas, ang mga boteng ito ay magiging magandang mga paso.
4. Diyan mo ilagay ang mga upuan. Sa banda roon ang mga halaman. O, hindi
ba? Ang gandang tingnan.
5. Napudpod na ang tsinelas ko. Halika gawin nating gulong ng laruan ko.

Gawain 2
Tingnan ang mga larawan. Gamit ang mga natutunan mo, anong mga bagay kaya
ang malilikha mo para ang mga ito ay mapakinabangang muli? Isulat sa sagutang
papel.

Mga plastik na bote Mga lumang damit

Mga kahon Mga lata

8
Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Paano mo magagamit ang iyong
pagkamalikhain upang mabigyan ito ng solusyon? Piliin ang titik ng tamang sagot
at ito ay isulat sa iyong sagutang papel.
1. Papasok ka na sa paaralan ng may dumaang kotse at natalsikan nito ng putik
ang suot mong damit. Malapit ng tumunog ang bell hudyat sa pagpasok.
A. Uuwi na lang at liliban sa klase
B. Uuwi muna at magpapalit ng uniporme. Ipaliliwanag sa guro kung bakit
ako nahuli.
C. Babatuhin ko ang dumaang kotse.
2. Linggo at magsisimba kayo, wala kang magagamit na sapatos dahil nasira ang
suwelas nito.
A. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking nanay.
B. Manghihiram muna ako sa kapatid ko o sa aking pinsan.
C. Hindi na lamang ako magsisimba.
3. Sa pagmamadali mo ay naihulog mo ang proyektong ipapasa mo sa iyong guro.
Labis itong narumihan.
A. Ipapaliwanag ko sa guro ko ang nangyari at gagawa na lamang ako ng
panibago
B. Uuwi ng bahay at babaguhin ko ang aking gawa.
C. Kukunin ko ng palihim ang gawa ng kamag-aral ko.
4. Gabi na at ihahanda muna ang iyong mga kailangan para sa iyong iuulat
kinabukasan nguni’t nagamit na pala ng ate mo ang Manila Paper na itinabi
mo.
A. Bibili na lang ako ng Manila Paper sa palengke.
B. Gagamitin ko ang lumang Manila Paper na maaari pang sulatan.
C. Hindi na lang ako mag-uulat sa klase.
5. Araw ng Sabado at ikaw ang nakaiskedyul na maglilinis ng bahay ninyo.
Pinupunasan mo ang plorera nang dumulas ito sa iyong mga kamay at
nabasag.
A. Sabihin sa nanay na nabasag ito ng bunso mong kapatid.
B. Itatago sa likod-bahay ng hindi mapansin ni nanay.
C. Sabihin sa Nanay ang totoong nangyari at humingi na lamang ng
paumanhin.
6. Napunit ng pinsan mo ang mga pahina ng aklat na ipinahiram sa inyo. Alam
mong marami pang bata ang gagamit dito.
A. Susuntukin ko ang pinsan ko.
B. Ididikit ko ng Scotch Tape ang mga pahina at manghihingi ng paumanhin
sa guro.
C. Isasama ko siya sa paaralan at papagpapaliwanagin sa guro.

9
7. Sumuot sa butas ng bakod ng kapitbahay ang alagang tuta ng kapatid mo.
Nakiusap siya sa iyo na kuhanin mo ito.
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Hahayaan kong ang kapatid ko ang kumuha sa lumipat na aso.
C. Magpapaalam ako sa kapitbahay na kunin ang alaga naming aso.
8. Nag lakbay aral ang inyong klase sa Rizal Park. Kakain na kayo ng tanghalian
ng mapansin mong hindi mo nailagay ang kutsara at tinidor sa lalagyan mo ng
baon.
A. Huhugasan ko na lamang ang aking kamay para makakain.
B. Itatago ko na lamang ang aking baon.
C. Hihintayin matapos kumain ang kamag-aral at manghihiram ng kutsara.
9. Nakalimutan mong kunin sa kamag-aral mo ang aklat sa TLE, naroon ang mga
paraan para sa gagawin mong proyekto.
A. Kukuha ako ng aklat sa silid ng walang paalam.
B. Pag-aaralan ko na lamang ang mga naitala ko sa aking kuwaderno.
C. Sisisihin ko ang aking kamag-aral.
10. Ikaw ang nakatokang magluto sa araw na iyon. Inayos mo na ang lulutuin
mong paksiw. Narinig mong tinatawag ka ng iyong Tatay kaya’t nagmamadali
mong isinalang ang kaserola. Hindi mo pala nabuksan ang kalan.
A. Babalik ako sa kusina at bubuksan ang kalan.
B. Hahayaan mo na lamang na si Nanay ang magbukas ng kalan.
C. Sasabihing inakalang bukas ang kalan.

Karagdagang Gawain

Lumikha ng isang bagay na magagamit mo sa bahay o sa paaralan mula sa mga


patapong bagay na makikita sa inyong bahay.

10
Susi sa Pagwawasto

bansa.
at maisulong ang kaniyang Depende sa sagot ng bata
nakatutulong upang mapaunlad
Ang taong malikhain ay Balikan
Depende sa sagot ng bata Gawain C
/ 10.
Gawain 2 Depende sa sagotng bata / 9.
X 8.
B Gawain X 7.
MK 5. Oo 5. X 6.
MK 4. Hindi 4. / 5.
MK 3. Oo 3. / 4.
MK 2. Oo 2.
Hindi 1.
/ 3.
MK 1.
/ 2.
Gawain 1 Gawain A X 1.

Isagawa Pagyamanin Subukin

Depende sa sagot ng bata

Karagdagang Gawain

10.A C 5.
9. B B 4.
8. A A 3.
7. C B 2.
6. B B 1.

Pagtataya

Sanggunian
Ylarde , Zenaida, and Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong
Panahon 6. Quezon City: Vidal Group, Inc.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon Sa Pagpapakatao Baitang 1-10. 2016.


https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-CG.pdf

De Guzman, Aladdin, and Efigenia Pangilinan. 2018. Gintong Butil 6. Quezon City:
Rex Printing Company, Inc.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like