Professional Documents
Culture Documents
TAYUTAY
TAYUTAY
TAYUTAY
PAGTUTULAD (SIMILE)
Ito ay paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay,
hayop, pangyayari at iba pa. Ginagamitan ito ng mga salitang
tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya/gaya
ng, sing/kasing.
PAGWAWANGIS (METAPHOR)
Ito ay isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng
mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo,
kagaya/gaya ng, sing/kasing.
PAGMAMALABIS/EKSAHERASYON (HYPERBOLE)
Ginagamitan ng eksaherasyon upang maglarawan.
PAGTAWAG (APOTROPHE)
Isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay
isang tao.
PAGTATAMBIS (OXIMORON)
Nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang mas
lalong mapatingkad ang bias ng pagpapahayag.
PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)
Pagbabanggit ng bahagi bilang katapat ng kabuuan o ng
kabuuan katapat ng bahagi na ginagamit sa pagpapahayag.
TANONG RETORIKAL
Isang masining na pagtatanong ngunit ito ay hindi
nangaingailangan ng kasagutan.
PAGPAPALIT-TAWAG (METONYMY)
Pinapalitan ang salita o mga salita ng isa pang salita o mga
salita na may kaugnayan sa pangungusap.
ALUSYON (ALLUSION)
Isang gumagamit ng pamamaraang panretorika na pagtukoy
sa isang tao, pook, katotohanan, kaisipan o pangyayari na
iniingatan sa pinakatagong sulok ng alalala ng isang taong may
pinag-aralan.
1. Ang Britania Islands ay ang Boracay ng CARAGA Region.
2. Ang Batanes ang tinaguriang Switzerland ng Pilipinas.
3. Nahihiya man akong aminin pero mithiin kong maging isang Juliet ng
aking kaklase na si Romeo.
4. Lahat ng mga ilaw ng tahanan ay mga Maria sa kanilang mga
pinakamamahal na anak.
5. Sa husay ni Kiray sa pakikipaglaban, siya ang Athena ng kanilang
purok.