Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY NG IMPORMASYON

Pagbubuod ay paraan ng ppagpapaikli o pinaikling bersiyon ng teksto. Ang buod ay ang diwa, sumaryo, o
pinaka-ideya ng teksto.

Katangian ng pagbubuod

1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa


2. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda; bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita
3. Mag 1/3 ng teksto o mas maikli pa ditto ang buod

Hakbang sa pagbubuod

1. Bashin, panoorin, o pakinggan muna ng pahapyaw ang teksto


2. Sa mga nakasulat episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuuyin ang paksang
pangungusap o pinakatema
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Isulat ang buod.
5. Huwag maglalagay ng mga detalye, halimbawa at ebisdensya.
6. Makakatulong ang paggamit ng mga signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga
ideya gaya ng gayumpaman, kung gayon, samakatuwid, gayundin, sa kabilang dako, bilang
kongklusyon, bilang pangwakas, at iba pa
7. Huwag magsisingit ng mga opinion.

Sa pagsulat maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagbubuod at pag-uugnay ng impormasyon na


nakalap, tulad ng;

1. Hawig- tinatawag itong paraphrase sa Ingles. Galling ito sa salitang Griyego na paraparhrasis, na
ibig sabihi’y “dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag”
2. Lagom o Sinopsis- isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.

Hakbang sa pagsulat ng sinopsis

a. Basahin ang bawat kabanata


b. Isulat ang mga tema at simbolismo sa bawat kabanata
c. Igawa ng balangkas ang bawat kabanata
d. Gumawa ng isa hanggang dalawang pangungusap na buod, storyline o tema
e. Gawan ng synopsis ang bawat kabanata
f. Sundin ang kronolohiya ng istorya

Upang maging kapana-panabik ang pagkukwento nang palagom:

a. Simulan ito sa pangunahing tauhan at ang kaniyang pinagdadaanan o problema


b. Maaaring maglakip ng maikling diyalugo o sipi
c. Ilantad ang damdamin ng tauhan at mga dahilan kung bakit namomroblema siya

3. Presi- nanggaling ang salitang presi (précis) sa lumang Pranses na ibig sabihi’y pinaikli. Ito ang
buod ng buod. Ito ang pinaikling buod ng mahalagang punto, pahayag, ideya o impormasyon

Katangian ng Presi

a. Malinaw ang paglalahad


b. Kompleto ang mga ideya
c. May kaisahan ng mga ideya
d. May pagkakaugnay-ugnay ang mga ideya
e. Siksik sa dalawa hanggang tatlong pangungusap ang pangkalahatang puntos.

4. Sintesis- mula sa salitang Griyego na sytithenal (syn= kasama; magkasama; tithenal= ilagay;
sama- samang ilagay) ang salitang sintesis

Hakbang sa pagbuo ng sitesis

a. Introduksyon
Pangalan ng may akda
Pamagat
Impormasyon tungkol sa may akda, teksto, paksa
b. Katawan
1. Organisahin ang mga ideya upang masuri kung may nagkakapareho
2. Suriin ang koneksiyon ng bawat isa sa paksa at pangunahing ideya
3. Simulan sa pangungusap o kataga ang bawat talata
4. Ibigay ang mga impormasyon mula sa iba-ibang batis o paksa o opinyon sa isang paksa
5. Gumamit ng angkop na mga transisyon at paksang pangungusap
6. Gawin impormatibo ang sintesis
7. Huwag maging masalita sa sintesis
8. Maging matapat sa teksto, kinapanayam o pinagkuhanan ng impormasyon
c. Kongklusyon
1. Introduksiyon ng koleksiyon ng mga artikulo sa libro o journal
2. Report ng pinag-usapan sa talk show, pulong, komperensiya o panel discussion
3. Rebyu ng mga literaturang pinagkunan ng impormasyon o ideya
4. Report ng isang dokumentaryo ukol sa isang paksa
5. Maikling rebyu ng mga sinulat ng isang may akda kaugnay ng isang particular na paksa

Abstrak- isang maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings, at papel-
pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang Gawain na may kaugnay sa disiplina upang
mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
Kabanata 3

Aralin 1: TSISMISAN: GAWAIN PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

Ang tsismisan ay isa na sa mga kinagawian ng mga Pilipino. Ayon sa pagpapakahulugan ng UP


Diksiyonariyong Filipino (2010), ito ay kaswal na usapan o palitan ng usapin tungkol sa particular na
paksa na karaniwang kaugnay ng mga detalyeng hindi kumpirmadong totoo.

Sa pagpapakahulugan naman ng Bibliya, ang salitang Hebreo sa Lumang Tipan na isinalin sa wikang
tagalong na “tsismis” ay nangangahulugan na “isang tao na nagbubunyag ng mga lihim, isang tao na
nagpaparoo’t parito upang maghatid ng malisyosong impormasyon o isang taong gumagawa ng
iskandalo”

Ang isang tsismoso/tsismosa ay isang tao na pinagkatiwalaan ng isang impormasyon pagkatapos ay


ipinagsabi sa iba ang impormasyong iyon kahit sa mga taong hindi dapat makaalam. Ang tsismis ay
kakaiba sa pagbabahagi ng impormasyon sa intensyon nito. Ang layunin ng mga tsismoso/tsismosa ay
pagandahin ang tingin ng iba sa sarili sa pamamagitan ng pagpapasama ng imahe ng iba. Bagamat ang
tsismis chismes (salitang Espanol), o huntahan ay isang dynamik na interaksyon kung saan may maluwan
na panlipunan at cultural na naugnayan sa isang lugar na ginagalawan.

You might also like