Activity Sheet Week 1 AP 10

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: ____________________________________________

Baitang at Seksiyon:____________ Petsa: ________________


GAWAING PAGKATUTO

Ang pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu ay lubhang makabuluhan. Maliit man o malaki ang
isyung pinag-uusapan, mahalaga na maunawaan at masuri natin ang epekto nito sa bawat tao sa lipunan.
Ito ay nangangailangan ng isang malalim na pagsusuri sapagkat malawak ang saklaw nito.Bilang isang
responsableng mag-aaral, karapat-dapat lamang na maunawaan mo ang mga konseptong napapaloob dito.
Mahalagang maunawaan mo na ang bawat isyu ay hindi basta pinag-uusapan kundi ito ay matalinong
sinusuri at pinagtatalunan.
Kasanayang Pampagkatuto at koda
Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu (MELC Week 1)

Gawain: Halina’t Sagutan Natin!


I. Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik ng pinakaangkop na sagot sa
sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na aspekto ng pagsusuri ng kontemporaryong isyu ang binibigyang – diin ang
mga primaryang sanggunian upang mapag-aralan ang isang isyu?
A. Kahalagahan C. Perspektibo o pananaw
B. Pinagmulan D. Pagkakaugnay
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa halimbawa ng primaryang sanggunian?
A. Aklat C. Talambuhay
B. Sariling Talaarawan D. Ulat ng nakasaksi
3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kontemporaryong isyu?
A. Mga nagdaang kalamidad sa bansa C. Kabuhayan ng isang maliit na komunidad
B. Uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno D. Kasalukuyang sitwasyong politikal sa bansa
4. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng sanggunian ang hindi nagbibigay ng impormasyon tungkol sa
mga kontemporaryong isyu?
A. Internet C. Lumang Pelikula
B. Telebisyon D. Pahayagan
5. Ito ay mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos?
A. Katotohanan C. Hinuha
B. Opinyon D. Kongklusyon
6. Ito ay isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay.
A. Katotohanan C. Hinuha
B. Opinyon D. Kongklusyon

II. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel kung ito
ay katotohanan, opinyon, pagkiling (bias), hinuha, at kongklusyon.

1. Malaking pinsala sa mga aria-arian ang idinudulot ng mga bagyo at pagbaha.


2. Ang Pamahalaang Duterte ay matapat sa pagpapatupad ng mga programang makakatulong upang
mabigyang – solusyon ang isyung pangkalusugan ng kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.
3. Malaking pinsala sa mga ari-arian ang idinudulot ng mga kalamidad.
4. Dahil sa kawalan ng disiplina, maraming tao ang tinatamaan ng sakit.
5. Hindi napigilan ng Administrasyong Duterte ang patuloy na paglala ng suliranin sa droga sa bansa.
6. Tuwing buwan ng Hulyo hanggang Oktubre, nagaganap ang matinding bagyo sa Pilipinas
7. Walang pinipiling edad ang tinatamaan ng sakit.
8. Tinatayang umabot sa milyon ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong Yolanda sa Tacloban
9. Dapat ipaubaya sa lokal na pamahalaan ang pamimigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo
10. Maraming mga Pilipino ang nangingibang bansa sapagkat mas malaki ang kita at maraming
oportunidad doon kaysa dito sa Pilipinas.

You might also like