Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ipinasa ni: Maria Cristina Angelica C.

Omadto

Ipinasa kay: Bb. Jocelyn Burabo

Overtime pay, pangunahing problema ng mga manggagawa

Buod

Ayon sa aking nakuhang artikulo ukol sa overtime pay, isa ito sa pinakamalaking problema pa rin
ng mga manggagawa hanggang ngayon. Nakasaad dito ang paglabag sa general labor standards ng mga
employer gaya ng bayad kapag nasa night shift, overtime, at holiday pay. Nangunguna ang hindi
pagbibigay o maling computation ng night shift differential, overtime at holiday pay sa listahan ng mga
bagay na iniinda ng mga manggagawa. Sa ating bansa ay mayroong nag o-operate ng hotline na 1349 na
inilunsad ng Department of labor and Employment o DOLE, dito maaaring tumanggap ng mga
katanungan hinggil sa karapatan bilang isang manggagawa. Isang taon makalipas ito mailunsad ay
mayroon na agad halos 100,000 katanungan ang natanggap ng nasabing hotline mula sa DOLE.

Sa kabilang banda, ay mayroong ibinahagi na magandang balita ang DOLE, unti-unti nang
bumababa ang mga tawag kaugnay ng 'endo' (end-of-contract) o kontraktuwalisasyon. Ayon sa DOLE,
bukod sa 1349 hotline, nakatulong ang regular na inspeksiyon nila sa mga kompanya, at iyan ay base pa
rin sa artikulong aking nabasa online.

Ipaliwanag kung anong karapatan ang nalabag sa manggagawa:

Ang normal na oras ng trabaho sa isang araw ay 8 oras lamang. Kung ang isang manggagawa ay
umabot sa lagpas na walong oras, nararapat lamang na ito’y may kalakip na karagdagang bayad o dagdag
sahod dahil sa kanyang overtime. Sa aking artikulong nakuha, malinaw na may paglabag na naganap sa
karapatan ng isang manggagawa. Ang isyu na ito ay masyadong pa ring mainit hanggang ngayon dahil sa
rami ng mga nakakaranas nito. Karapatan sa pagkakaroon ng karagdagang sahod o overtime pay ang
pinakapaksa ng naturang artikulo.

Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/news/07/04/17/overtime-pay-pangunahing-problema-ng-mga-
manggagawa

You might also like