San Miguel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DALAWANG EKTARYANG LUPAIN SA HENERAL SANTOS, IBINIGAY NG SAN MIGUEL CORPORATION

Kayrami ng naibahaging iba’t ibang tulong ang San Miguel Corporation sa komunidad. Maliban sa mga
programang inilulunsad katulad na lamang ng Outreach Program, Feeding Program, pagbibigay ng mga
scholarship sa mga kabataang walang kakayahang makapag-aral, at mga aktibidades na nagsusulong sa
kapakanan ng kalikasan, ay nagbibigay rin sila ng libreng lupain sa mga mamamayang walang
kakayahang makabili ng sariling lupa.

Noong taong 2015, matatandaang nagbigay ng pitong ektaryang lupain sa Barangay Upper Tambler ang
San Miguel Foundation para sa mga impormal na naninirahan sa siyudad o mga iskuwater. Naghandog
din sila ng mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang lumipat sa relocation site katulad na
lamang ng patubigan at kuryente.

Ang kanilang kawanggawa ay hindi natatapos kahit pa sa kasalukuyang taon. Napag-alamang may iilang
mga pamilyang naninirahan sa pribadong lupain ng San Miguel Corporation sa siyudad ng Heneral
Santos, ngunit, imbes na magsampa ng kaso ang kompanya laban sa mga ito ay mas pinili nitong
maghandog na lamang ng relocation site na magsisilbing alternatibo at permanente nilang matitirhan na
may lawak na dalawang ektarya. Maliban dito ay may ilulunsad rin ang korporasyon na mga programang
pangkabuhayan para sa mga ito nang sa gayon ay matulungan sila at mabigyan pa ng dagdag kaalaman.
Sila rin ay maghahandog ng mga scholarship grants at iba pang mga tulong para sa mga ito.

Makikita ang malaking pagmamalasakit ng kompanya para sa mga kapus-palad. Ito ay may matayog na
hangarin na makatulong sa pagpapabuti ng kalagayan at kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino
maging ng buong bansa. Ang korporasyon ay tunay na may busilak na pusong nananaig at handang
tumulong sa pagbangon ng bawat Pilipinong naghihirap anumang oras.
INTERNATIONAL WOMEN’S MONTH, IDINAOS SA RTC 12

Ang mga kababaihan noong unang panahon ay pinagkaitan ng maraming karapatan. Matatandaang ang
mga kababaihan ay nananatili lamang sa bahay upang gampanan ang mga tungkulin sa mga gawain at
hindi maaaring makapag-aral kaya sila ay binigbigyang-tatak bilang mga mangmang. Biktima rin sila ng
iba’t ibang karahasan ngunit mananatiling tikom ang kanilang mga bibig dahil ang kanilang mga puso’y
napuno ng takot. Tila sila’y mga buhay na mga patay. Ang kanilang mga sigaw ay mananatili lamang na
mga bulong sa hangin.

Ngunit sa paglipas ng panahon unti-unting nagbukas ang liwanag ng lipunan para sa mga kababaihan.
Natanggap na nila ang mga karapatang ipinagkait sa kanila sa mahabang panahon. Nagpapatunay
lamang na nagbunga ang paghihirap ng mga kababaihan noon na matapang na ipinaglaban ang espasyo
sa lipunan na dapat ay sa kanila. Kaya ngayong kasalukuyang panahon, madamdaming ipinagdidiwang
taon-taon ang buwan ng mga kababaihan.

Isa sa mga sumasagisag ng katapangan ng mga kababaihan ay ang mga babaeng kapulisan. Ito ay
sapagkat sa kabila ng kanilang pagiging babae at sa kabila ng mapanganib na uri ng trabaho ay handa
silang magsilbi sa bayan at sa mamamayan.

Kaya, bilang pagpupugay sa mga babaeng pulis ng Police Regional Office 12, ipinagdiwang nila ang
International Women’s Month Celebration na may temang “Women in Leadership: Achieving and Equal
Future in Covid-19 World”. Ang selebrasyon ay isinagawa noong ika-8 ng Marso ngayong taon sa
Regional Training Center ng PRO 12.

Nagsilbing inspirasyon ang kanilang tagapagsalita na si Atty. Mayor Cynthia Guiani-Sayadi sa nasabing
pagdiriwang. Si Mayor Guiani-Sayadi ay nagbigay ng motibasyon sa lahat ng mga kababaihang PNP
trainees sa PRO 12.

Aniya ang mga kababaihan ay nararapat lamang ipagmalaki sa buong mundo dahil sila ay maaasahan,
masipag, at magaling sa anumang larangan. Kaya, isang pagkakataon ang naibigay sa kababaihan na
ipakita ang kanilang natatanging mga talento simula noong nagbukas na ang lipunan para sa kanilang
pagkakaroon ng pantay na karapatan.

Ngunit, sa kabila ng pagpapalakas ng puwersa ng mga kababaihan ay hindi pa rin nawawala ang
karahasan na tinatamasa ng iba’t ibang mga kababaihan sa bawat panig ng mundo. Marami pa ring mga
kababaihan ang inaabuso at pinagsasamantalahan nang walang kalaban-laban.
Bilang isang abogada, sinusulong ng mayora ang kapakanan ng mga kababaihan at ginagawa niya ang
lahat upang maprotektahan sila sa legal na paraan. Ninanais ng mayora na ang bawat kababaihan ay
magtulungan sa pag-angat ng bawat isa nang sa gayon ay walang mapag-iiwanan.

Ibinahagi ng mayora ang mga programang nagsusulong sa karapatan at nagpoprotekta sa mga


kababaihan at kabataan sa lungsod ng Cotabato. Tinutulungan nilang makabangong muli ang mga
palaboy-laboy na mga kabataan at mga inaabusong kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pansamantalang tirahan at libreng pagsasanay mula sa TESDA nang sa gayon ay matuto sila ng iba’t
ibang kasanayan na magagamit nila sa paghahanapbuhay.

Kahit sa kasalukuyang pandemyang kinakaharap ng buong mundo ay nasubok rin ang katatagan ng
bawat kababaihan lalo na ang mga babaeng front liners na nangunguna sa laban kontra COVID-19.
Saludo siya sa mga babaeng pulis, nars, doctor, titser at maging sa mga ina na nanatiling nakatayo sa
gitna ng bantang dala ng pandemya sa bawat isa.

Kaya, binigyang-diin ng mayor na walang sinuman ang may karapatang magmaliit sa kakayahan ng mga
kababaihan dahil mananatili silang matatag sa kahit anumang labang kakaharapin sa buhay.

Samantala, nasisiyahan naman ang mayora sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga ito at siya ay
namangha sa mga ipinakitang talento ng mga estudyante ng RTC 12 mula sa Batch 2020-03 at Batch
2020-04 na inaasahang magtatapos ngayong taon. Aniya, tunay na talentado ang mga kapulisan at ang
paraang ito katulad ng pagsasagawa ng mga presentasyon ay makatutulong sa pagpapaunlad ng
kanilang mga talento. Siya rin ay nagbibigay-pugay sa galing ng pamumuno ni PLTCOL Marvin Fontalva sa
kanyang mga nasasakupan.

Binabati naman ni PLTCOL Fontalva ang lahat ng mga kababaihan. Malaki rin ang kanyang pasasalamat
sapagkat tinanggap ng mayora ang kanilang alok na ito ay maging tagapagsalita sa kanilang pagdiriwang
at nasisiyahan rin siya dahil binigyang-pagkilala nito ang husay ng kanilang presentasyon.

You might also like