Mendo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa bahaging ito ng papel, naitala ng mga mananaliksik ang ilang mahahalaga at may katuturang
panitikan at pananaliksik na nauugnay sa mga paksang knilang kinasangkutan. Ng panitikan na
tinatalakay dito ay: Katuturan at Epekto ng Social Media sa mga Estudyante, Paano nabago ng Social
media ang pananaw sa mga bagong lenggwahe

Banyagang literatura

Ayon kay Bruce Hopkins ng Social Media for Educators (2020) Sa mundo ngayon ng konektadong pag-
aaral, ang epekto ng social media sa edukasyon ay nagiging isang kadahilang unti-unting nagbabago ang
pamamaraan ng paghahatid ng mensahe, sa tulong narin ng Facebook, Twitter at Snapchat. Ang social
media at edukasyon ay maaring umkma sa isa’t isa kung ggmitin ito ng epektibo. Ang teknolohiyng
pinapayagn ng mga platapormang ito ay isa rin sa mga puwersang nagtutulak sa likod ng epekto ng
teknolohiyang ito sa eduksyon

Naniniwala din si Abelardo Pardo na ang teknolohiya ay nag-aalok bilang plataporma sa pagbabago t
pinapayagan itong iphayag ng mga gumagamit ang kanilang mga opinion tungkol sa kung ano ang
kanilang nararamdaman patungo sa impormsyong nai-publish, dagdag rin niya na ang social media ang
plataporma upang hingkayatin na makisalamuha sa ibang panig ng mundo. Pinabulaanan din niya na ang
ganitong kalseng pakikipag-ugnayan ay isang mahalagang bahagi kung paano natututo ang tao (Pardo,
2013, p.45)

Ang mga salitang pumapaligid sa atin araw-araw ay nkakaimpluwensya sa mga salitng ginagamit natin,
dahil ang karamihan sa nkasulat na wika na nakikita natin ay nasa mga screen na ngayon tulad ng
computer, tablet at smartphone kaya ang wika ngayon ay bahagyang umuusbong sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnyan sa teknolohiya. Ang henerasyon ngayon ay tungkol sa teknolohiya na ngayon kaya
mabilis ang takbo ng buhay kung kaya ang social media ay isang paraan ng form of expression, form of
communication nirerepresenta nito kung sino ka ngayon as individual. Ang mga kabataan ngayon ay
ginagamit nilang midyum para maexpress ang kanilang emosiyon sa pamamagitan ng teknolohiyng
pakikipag-komunikasiyon (John reed 2014).

Banyagang pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Kate Wilson (2014) Sa mahigit na 829 milyon na taong gumagamit ng
Facebook, binago nito ang kanilang kakayahang manatiling makipag-ugnayan sa mga taong hindi nila
kayang maabot. Ang impluwensiya ng social media sites ay nagging daan upang mabago ang mga
bokabularyo, dagdagan ang bilang ng komunikasyon sa araw-araw at nananatiling konektado sa buong
mundo. Hindi maikakaila na ang social media ay may malaking epekto sa mga praan ng pakikipag-usap ‘
its ever-evolving nature leaves our language in a continuous state of alteration and regeneration’. Tulad
ng pagbago ng social media sa paggamit ng ating wika gayundin ang bagong paggamit ng bokabularyo,
sa pngangailangan ng mabilis at maikli na wika sa komunikasyon ang buong parirala ng pandiwa ay
nagging pangkaraniwang acronyms na ginagamit ngayon sa pang-araw-arawa at hindi lamang sa online.
Kagaya na lamang ng “rolling on the floor laughing” pinabilis nalang na “ROFL” at “talk to you later”
naging “TTYL”. Gamit ang pagppakilala ng mga acronyms sa modernong teknolohiya at sa pang-araw-
araw na komunikasyon ay binabawasan nila ang bilang ng mga salita upang mas mapabilis ang
pakikipag-panayam. Ilan sa mga popular na site sa social media ay naglilimita sa bilang ng mg karakter na
maaari mong ipost eg. Twitter: ‘limits the ‘Tweet’ to 140 characters. Ito ay isang katotohanan na
binabago ng social media ang paraan ng pagtingin sa paggamit ng wika depende sa dami ng
komunikasyon na myroon araw-araw at bilang ng taong kinakausap, at sa istilong mas komportableng
gamitin. Habang patuloy ang pagsulong ng teknolohiya at social media, tiyak na may mga pangyyaring
mabago ang paggmit ng wika.

Inihayag sa resulta na mas nasisiyahan ang mga mag-aaral na makilala ang mga bagong kaibigan sa
online gamit ang social media kaysa sa personal na pagpupulong sa kdahilnang mas marami silang
nagugugol na oras sa paggamit nito. Naniniwala ang mga mag-aaral na sa pamamasgitan ng social media
ay mapapabuti nila kanilang kasanayan sa komunikasyon at maaari silang makipag-usap sa sinuman sa
anumang oras (Prince Sattam bin Abdulaziz University, Firdhouse Khan)

Naglabas ang mga researchers sa The Miriam Hospital’s Centers for Behaviour and Preventive Medicine
patungkol sa masyadong paggamit ng social media na nagdudulot sa pagiging mahina sa akademiko.

Naipublish ni Jennifer Walsh ang kaniyang pananaliksik tungkol sa Emerging Adulthood na ang mga mag-
aaral na gumugugol ng pinakamaraming oras sa paggamit ng social media ay mas kaunti ang nattpos na
takdang-aralin, mas mababaang kumpyansa sa akademiko at marming problemang nkakaapekto sa
kanilang Gawain sa paaralan tulad ng kakulangan sa pagtulog, dagdag rin aniyang ang mga freshmen na
kababaihan ay gumugugol ng hnggang sa 12 oras sa isang araw gamit ang social media

Lokal na pag-aaral

Sa panahon ngayon, nagging parte na ng ating pang araw-araw na pamumuhay ang internet lalo na sa
mga kabataan at estudyante. Marami itong tulong tulad ng: nakapagbibigay ito ng impormasyon at
nkkatulong ito sap ag-unawa ng mga bagay o salita na hindi natin maintindihan, natutulungan din tayo
nito sa mga Gawain sa eskwela at sa pamamagitan ng intenet at nadadagdagan ang ating kaalaman
tungkl sa ibat ibang mga bagya. Nagagamit din ang social media sa pakikipag-komunikasyon ng mga
estudyante sa isat isa, mahalaga ang komunikasyon sa mga estudyante, nabibigyan nito ang mga
estudyante ng oportunidad upang magusap at magpalitan ng ideya kahit malayo man sila sa isat isa.
Ngunit katuwang ng mga tulong na nabibigay nito y may masama din itong naidudulot sa mga
estudyante: Una, maaari nitong gawing tamad ang mga esstudyante sapagkat pwede na lamang nitong
hanapin sa internet ang mga sagot nkanilang kailangan sa mga ibinigay n mga Gawain, nakakapagbigay
din ito ng maling impormasyon na makikita sa internet ay tama o makatotohnan.
(bruh563.wordpress.com)
Sa mkabagong henerasyon mababatid natin ang mga epekto ng mkabagong teknolohiya sa ating wika at
kultura. Ang social media ay isang Sistema na nilikha para komunikasyon ng mga tao, sa pamamagitan
din nito malayang nakakapgpaskil at nakakapagbahagi ng kaalaman at mga larawan ang isang indibidwal
(cialmedia.wordpress.com)

You might also like