Professional Documents
Culture Documents
5 - St. Uriel 3 Esp/Cle Genevieve D. Rufino
5 - St. Uriel 3 Esp/Cle Genevieve D. Rufino
5 - St. Uriel 3 Esp/Cle Genevieve D. Rufino
URIEL
Online Links:
Learning Objectives:
Magagawa kong:
Maibibigay ang mga katangian ng isang mamamayang nakikilahok sa mabuting Gawain;
Maibabahagi ang mga sinumpaan sa bansang Pilipinas;
Matutukoy ang mga pahayag na nagpapakita ng katangian ng isang mabuting mamamayan;
Mailalahad ang kahalagahan ng pagiging matapat na mamamayang Pilipino; at
Maparangalan ang isang maituturing na huwarang mamamayan.
Noong nakaraang linggo, itinalakay natin ang pagpapanatili ng pagkamabuting mamamayang Pilipino at
pagiging responsableng tagapangalaga ng ating kapaligiran. Nagkaroon rin kayo nang makabuluhang gawain sa
pakikilahok sa isinusulong ng ating pamahaalan na pangalagaan ang ating inang kalikasan.
Ngayong lingo naman ay makikiisa tayo ng buong tapat sa mga gawaing makakatulong sa bansa at daigdig.
Anu-ano sa palagay mo ang mga bagay na nakakatulong sa ating bansa? Isulat ang iyong naiisip sa loob ng
bandila sa ibaba. Pagkatapos sagutan, kulayan ang bandila.
1. Explore (Discussion/ Reading of the Selection)
Sinu-sino sa inyong lugar ang maaari mong matukoy na mabuting mamamayan na dapat nating tularan? Isulat
ang kanilang buong pangalan sa ibaba.
1. _____________________________________________
2. _____________________________________________
3. _____________________________________________
Alam mo ba na ang Pilipinas ay hindi lamang kilala sa kanyang magagandang pasyalan at tanawin? Tanyag
din ang ating bansa sa galing at kabutihan ng mga Pilipino. Ang sandigan ng isang matiwasay at mapayapang
bansa ay ang kanyang mga mamamayan. Ang mamamayang disiplinado, mapanagutan, tapat at produktibo, at
mapaglingkod ang siyang susi sa isang maunlad at mapayapang lipunan. Sila ang tunay na yaman ng bansa.
Kilalanin natin ang ilan sa mga maitututing nating mabubuting Pilipino.
Bilang Pilipino, tungkulin nating maging mabuting mamamayan. Anu-ano nga ba ang katangian ng isang
mamamayang aktibong nakikilahok sa mabubuting gawain?
1. Siya ay DISIPLINADO
Hindi niya ginagawa ang anumang bagay na makasakit ng kapwa o makasisira ng kapaligiran.
Halimbawa:
1. Hindi niya itinatapon kahit saan ang anumang pinaglagyan ng kanyang binili.
2. Kapag sumakay siya ng pampublikong sasakyan, hindi niya isinisinggit kung san-saan ang pinagbalatan niya
ng kendi o ang tiket na ibinigay sa kanya ng konduktor.
3. Kung siya at ang mga kaibigan ay nakasakay sa dyip, hindi sila nag-iingay dahil hindi nila gustong
makagambala sa ibang pasahero.
4. Kung may nag-abot ng bayad o may mabigat na dalahin, tinutulungan niya ito.
5. Hindi siya nag-uuwi ng mga suplay mula sa kanilang opisina.
6. Kapay siya ay nasa trabaho, matapat niyang ginagawa ang mga tungkuling iniaatang sa kanya.
Pinaghuhusayan niya ang kanyang trabaho. Nakikilahok siya sa mga pangkatang gawain o komite. May
disiplina siya sa pagtupad ng itinakdang gawain bilang kasapi ng pangkat.
Ang isang mabuting mamamayan ay palaging sumusunod sa batas, may nakakita man o wala.
Halimbawa:
1. Kung berde ang ilaw-trapiko, hindi siya tumatawid kahit pa walang sasakyan.
2. Sinusunod niya ang mga panuntunan ng paaralan at hindi siya gumagawa ng mga bagay na labag sa batas.
3. Hindi siya sumasali sa anumang gawaing alam niyang ipinagbabawal ng batas.
4. Nakikilahok siya sa mga pangkat na nagbibigay-alam sa mga kinauukulan ng mga gawaing labag sa batas.
5. Iginagalang niya ang pamahalaan at kinikilala ang kapangyarihan nito.
1. Ginagawa niya nang buong husay ang kanyang tungkulin, maging sa tahanan, paaralan, o sa lugar na
pinaglilingkuran.
2. Siya ay matapat at masipag na naglilingkod.
3. Nakikilahok siya sa mga samahan na tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa kapaligiran.
4. Hindi siya mapanira ng mga gamit ng paaralan o ng mga pampumblikong lugar.
5. Mabuti siyang kapitbahay.
6. Hindi siya gumagawa ng anumang alam niyang makagagambala sa pamayanan.
7. Sa panahon ng sakuna, nakikilahok siya sa mga pangkat upang tumulong at maglingkod sa abot ng kanyang
makakaya.
8. Aktibo rin siyang nakikilahok sa mga gawain sa pamayanan.
9. Sa panahon ng eleksiyon, pinag-iisipan niyang mabuti kung sino ang dapat niyang iboto. Hindi niya
kailanman ipagpapalit ang katapatan niyang ito sa anumang halaga.
1. Ikinararangal niya na siya ay Pilipino. Tinatangkilik niya ang mga produkyo ng bansa.
2. Alam at ipinagmamalaki niya ang kultura at lahing kinagisnan kahit kanino man.
3. Hindi niya minamaliit o hinahamak ang sariling bansa bagkus ay ipinakikilala niya ang kagandahan at yaman
nito sa mga dayuhan.
4. May malalim siyang kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas. Iniingatan niya rin ang kapaligiran at likas-yaman
nito.
5. Hindi siya nag-iiwan ng anumang kalat kung magawi sa mga pook-pasyalan.
6. Sumasali siya sa pangkatang pagbabantay ng kalikasan. Ipinagbibigay-alam niya sa mga kinauukulan ang
anumang gawaing makasisira sa mga likas-yaman tulad ng illegal na pagtrotroso o pangingisda, pagsusunog
ng basura at illegal na pagmimina.
1. Ehemplo o huwaran siya ng isang mabuting Pilipino lalo na sa mga nakababata sa kanya.
2. Ipinagpapatuloy niya ang magagandang katangian at kaugalian ng mga Pilipino.
3. Lagi niyang isinasaalang-alang ang kapakanan ng kanyang bansa.
I. Kilalanin ang iyong sarili bilang isang mamamayan. Basahin ang tseklis sa ibaba at lagyan ng tsek (/) ang
kolum na maglalarawan sa iyo. Maging matapat sa iyong pagsagot.
Kung karamihan sa mga pahayag ay lagi mong ginagawa, dapat kang hangaan dahil maituturing kang
huwarang mamamayan. Sikaping laging gawin ang tama at mabuti para sa kapwa, sa bansa at sa
Diyos.
II. Parangalan ang mga huwaran ng mabuting pagkamamamayan upang maging inspirasyon din sila sa iba.
Panuto: a. Gumawa ng badge at ibigay ito sa isang kilalang maituturing na huwarang mamamayan.
b. Kamayan siya at batiin sa kanyang mabuting gawa. Maaari siya ay isang guro, doctor, pulis,
ina, ama, tsuper, janitor, bomber o sinuman na maituturing na huwarang mamamayan.
e. Magvidyo sa iyong pagbibigay parangal at isend it sa ating groupchat NDB GRADE 5 ST.
URIEL.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. Transfer (Activities in application to real life situation/ Values Integration [PVMGO, AR Attributes, Augustinian
Values, Church Teachings)
Anong aral (VALUES) ang napulot mo sa ating aralin ngayong linggo? Bakit?
Paano mo ito mailalapat sa iyong pang-araw-araw na gawain? Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
May natutuhan ka ba sa aralin natin ngayong linggo? Balikan ang Panunumpa sa watawat ng Pilipinas at
Panatang Makabayan at sagutin ang tanong sa ibaba:
MERON WALA
1. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, ano ang
Kung mayroon, anu-ano ang mga natutuhan mo? Isulat
sinumpaan mo sa ating bansa na dapat mong
ang iyong sagot sa loob ng kahon.
isabuhay?
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
Kung wala naman, anong bahagi ng ating aralin ang _____________________________________
hindi mo lubos maintindihan at bakit?
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
1. Bilang mamamayan ng Pilipinas, bakit napakahalaga na maging matapat sa lahat ng ating mga ginagawa?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
WEEK 5 QUARTER 3
Score:
Pangalan: _____________________________________________________ Baitang: 5 – ST. URIEL
A. Gumuhit ng masayang mukha (😊) kung ang pahayag ay nagpapakita ng katangian ng isang mabuting
mamamayan at malungkot na mukha naman (☹) kung hindi ito nagpapakita ng mabuting pagkamamamayan.
_________ 1. Inilalagay ko muna sa aking bulksa ang pinagbalatan ng kinain kong kendi hanggang sa
makakita ako ng basurahan.
_________ 2. Kung nakasakay ako ng dyip at magbabayad ng pamasahe, gumagamit ako ng “po” at
nagpapasalamat sa sinumang nag-abot ng aking bayad.
_________ 3. Pinagmamalasakitan ko ang mga gamit sa paaralan. Hindi ko sinusulatan ang mga pader at
upuan.
_________ 4. Nakahiligan ko na ang mamitas ng mgta bulaklak basta may makita ako.
_________ 5. Wala akong ionteres na makilahok sa samahang nagsusulong ng kalinisan.
_________ 6. Kinukuha ko ang anumang pagkakataong mamuno ng proyektong pangkapaligiran.
B. Bilang isang mabuting mamamayan, ano ang dapat mong gawin sa sumusunod na mga pagkakataon? Isulat
ang iyong sagot sa patlang. (5 puntos bawat bilang)
1. Maraming nagkalat na mga sanga at dahon sa kalsada matapos ang bagyo. Ang lahat sa inyong
pamayanan ay abala sa paglilinis sa paligid. Samantala, parang inaantok ka dahil medyo malamig pa rin
ang simoy ng hangin. Anong ang dapat mong gawin?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Nakita mo ang iyong kapatid na inipon ang mga tuyong dahon at basura sa tabi ng inyong puno upang ito
ay sunugin. Anong ang dapat mong gawin?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Napansin mo na hindi tumitinag ang kamag-aral mo sa kanyang kinauupuan kahit recess na. nang
tanungin mo siya, napag-alaman mong wala siyang baon. Samantala, pinabaunan ka ng iyong nanay ng
sapat lang na pangmeryenda. Ano ang dapat mong gawin?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________