Filipino M1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang kaalaman sa pagsusuri ng


panitikang Filipino na nakatuon sa mga tekstong literari na tumatalakay sa lipunan.

Pamantayang Pagganap: Nakagagawa ang mag-aaral ng mga pagsusuri at paglikha ng


sariling tula, sanaysay at/o maikling kuwento hango sa napapanahong isyu.

==================================================================

GABAY NG NPC KURSONG PANG-ONLINE AY 2020-2021

Pamagat ng Kurso : ___________________________________________________

Pangkat : ___________________________________________________

Talatakdaan : ___________________________________________________

Pangalan ng Fakulti : ___________________________________________________

Bilang ng Modyul : 1 sa 10

Paksa/Aralin : Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Pilipino at Introduksyon nito

Bilang ng Linggo : 1

Nilalayon ng Kurso sa Pagkatuto

Ang nilalayon ng kursong ito ay ang:


1. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan
ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.

2. Naisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa


ng pananaliksik.

1
Kagamitang Pansuporta sa Pagkatuto at Pagtuturo

GAWAIN 1: Suriin ang sumusunod na linya sa pelikula. Pagkatapos ay ilarawan ang


lipunang kinabibilangan ng tauhan.
1. "Puwede ba'ng makausap ang asawa ko, na asawa mo, na asawa ng bayan?" -
Laurice Guillen to Gloria Diaz in Danny Zialcita's Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi
2. "Wala sa damit, wala sa kulay ang pagmamahal. Nasa puso, nasa utak!" - Maricel
Soariano to Nida Blanca in Saan Darating Ang Umaga?
3. "You're nothing but a second-rate, trying hard copycat!" - Cherie Gil, Bituing
Walang Ningning (1985)
4. Akala mo lang wala.. pero meron!! meron!! meron!!" - Carlo Aquino, Bata,
Bata...Paano Ka Ginawa (1998)
5. "Kung hindi tayo kikilos sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?" - Vilma
Santos, Sister Stella L. (1984)

Magtuloy tayo sa pagtalakay!

Pagtalakay at Lektura
Sa kasalukuyan sadyang mas nauunawaan na ng mga kabataan ang panonood kaysa sa
pagbabasa subalit kung titingnan dapat pa ring maunawaan ang ilang aspekto sa paraan
ng pagsusuring teknikal dito. Gayundin ang asignatura o kursong ito ay tatalakay sa iba’t
ibang akdang pampanitikan na kinapapalooban ng iba’t ibang genre na kakatawan sa
lipunan natin noon, ngayon at bukas.

PANITIKAN
Ang panitikan ay isang sangay ng kultura
ng isang lungsod, pamayanan o bansa.
Bahagi ng pamumuhay ng bawat isa ang
tinatawag na panitikan. Ito ay hanguan ng
karanasan. Ang panitikan ay nagmula sa
salitang “titik” na nangangahulugang
literatura.
https://www.google.com/search?q=panitikan&sxsrf=ALeKk00pluHvE3EDYHMp99QO1aOHX
7qRbw:1598024074984&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjav9PKz6zrAhVdw4sB Sa panitikan din makikita ang salamin ng
buhay. Bakit salamin? Sapagkat ito ay mga
obrang maestrang nabibigyan ng buhay dahil sa mga likot ng isipan ng gumagawa o may
likha. Sa ganitong aspekto mayroong TULUYAN at PATULA na anyo ito. Gayundin,
panitikang maituturing ang mga maikling kuwento, pabula, parabula, sanaysay, tula at
iba pa.

2
LIPUNAN
Ito naman ay kinapapalooban ng
pangkat ng mga tao o mamamayan
na siyang nangangasiwa sa kaniya-
kaniyang pamayanan. Ito ang
pagkakaugnay-ugnay ng bawat isa
upang magkaroon ng tinatawag na
lipunan. Sa lipunan na binubuo ng
pamilya, institusiyon, simbahan at
iba pa. Kaugnay ng lipunan ang
kultura ng bawat isa. Sa kultura
lumalabas ang tinatawag na lipunan https://www.google.com/search?q=komunidad&tbm=isch&ved=2ahUKEwjIjLjN0KzrAhVB1ZQKHUYCAf8Q2-
cCegQIABAA&oq=komunidad&gs lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADIC
na kaakibat ay pagbuo ng isang
kabihasnan.

Ang dalawang salitang ito ang bumubuo sa tinatawag na Sosyedad na Literatura na


tumutukoy sa pagsusuri at paglilimi ng mga paksa upang makita ang kahalagahan at
pagiging isang aktibong manonood sa paraan ng pagbibigay ng opinyon o pananaw sa
pamamagitan ng batayang sosyal at aspektong teknikal.

Ano ang pagkakaiba ng SINTESIS at BUOD, kapag sinabing buod ito ang kabuuang
ideya o pangunahing ideya mula sa isang akda o obra. At kung sintesis naman ang pag-
uusapan ito ay ang pagsasama-sama ng mga buod upang maging isa at magkaroon ng
koneksyon ang bawat isa.

Ang DULOG FORMALISTIKO bilang mambabasa ay tinutuntun ang anyo at paraan ng


pagkakasulat ng isang manunulat. Karaniwan sa dulog na ito makikita ang ayos at porma
ng akda dahil ito’y pagsusuri batay sa kung ano ang alam ng may-akda o nais niya bilang
panlasa sa kanyang obra maestro. Sining na maituturing ang isang akda kahit ito’y
tumutukoy sa porma o kaanyuan nito.

Ang URI NG GENRE ay depende sa uri ng akdang pampanitikan at nakaayon sa


pagkakagawa ng akda. Kung sanaysay ang pag-uusapan Ang sanaysay sa ganitong uri ay
walang pag-aatubili at hindi seryoso. Malimit na nasusulat sa unang panauhan at palagay
na palagay ang loob ng may-akda. Mabiro man o palagayan, lakip din nito ang
katalinuhan ng pag-iisip at masusing pagmamasid. (Ati-atihan Yaman ng Diwa III)

Ang PAKSANG-DIWA O TEMA ay tumutukoy sa kung paano ang isang akda ay


umiinog sa iisang kakintalan o maaaring ang nais ipabatid ng may-akda para sa
mambabasa. Sa pamagat minsan ay maituturing na itong paksang-diwa o tema sapagkat

3
nakaukit na rito ang pangkalahatang tatalakayin sa akda.

Sa BANGHAY makikita ang pagkasunod-sunod ng isang akda, ito man ay kuwento,


nobela, o dula sapagkat makikitaan ito ng pagsasalaysay ng mga pangyayari sa bayan o
maging sa pansariling karanasan ng may-akda.
Maaaring sa mababaw na pagsusuri, masasabing ang banghay ang pinakapuso ng genre.
Makikita rito ang suliraning kinahaharap ng tauhan o may-akda sa kanyang panahon.
Matutunghayan din dito ang ilang bahaging gagamitan ng likot ng pag-iisip.

Ang SIMULA ay bahaging ito ang magbibigay kamulatan sa mambabasa kung paano
uusbong ang matamang pag-iisip sa isang akda. Dito matatagpuan ang sinasabing maliit
na suliranin na kinahaharap ng may-akda o ng tauhan.

Sa SULIRANIN naman magsisimula ang sinasabing magiging problema ng tauhan sa


akda sapagkat makikita rito ang sinasabing kinahaharap na suliranin ng tauhan. Tulad ng
sa akda, makikita ang suliraning kagutuman ang tila pagbibingi-bingian at kawalang-
pake ng naka-upo sa gobyerno noong panahon na iyon. Kagutuman ang naging suliranin
sa sanaysay na ito.

TUNGGALIAN, ito ay ang daan patungo sa pagbubukas ng kapana-panabik na


pangyayari sa kuwento.
Mayroon itong apat na uri, tingnan ang nasa ibaba.
TUNGGALIAN KAHULUGAN
Ito ang tunggalian na ang tauhan sa akda
ay nagkakaroon ng pansariling desisyon
Tao sa Sarili ayon sa kaniyang gawi. Siya rin ang
magtatakda ng kaniyang desisyon kung
gagawa siya ng tama o mali.
Ito naman ang tunggalian na ang tauhan
sa akda mayroong kahiwaan na iba pang
tauhan. Sa uring ito inilalahad ang
Tao sa Kapuwa
paniniwala na nag-uudyok upang
magkaroon ng hindi pagkakaunawaan o
pagkakaintindihan.
Direkta itong naaapektuhan ang paraan
Tao sa Kapaligiran/Kalikasan ng pagdedesisyon na minsan ay hindi
naaayon sa kaniyang kagustuhan.

4
Sa tunggaliang ito, makikita ang pagitan
ng paraan ng pag-iisip ng isang tauhan
Tao sa Lipunan
patungo sa kaniyang lipunan na
ginagalawan.

Sa bahaging ito - Ang KASUKDULAN naman ng banghay, nakasadlak dito ang kapana-
panabik na pangyayari sa isang kuwento sapagkat maaaring magkaroon ng kalutasan ang
suliranin o tumindi ang suliraning kinahaharap ng mga tauhan.

Ang impresyong nakintal sa isipan ng isang mambabasa ay narito sa bahaging ito.


Narito kung nagandahan o dili kaya’y naibigan ng isang mambabasa ang ganitong
babasahin. Ito ang KAKALASAN.

Sa bahagi ng banghay na ito, ang WAKAS makikita ang aral o nais ng may-akda na
ikintal sa isipan ng kanyang mga mambabasa.

Sa paglalatag ng mga tauhan, nangangailangan ito ng mas kaganyak-ganyak na paraan


kung ang KARAKTERISASYON ay ipapasok. Ano ito? Kaiba ito sa tinatawag nating
tauhan. Ang karakterisasyon ay isang paraan kung paan iinog ang pagganap ng tauhan sa
kaniyang paggaganapan. Pumapasok dito ang personalidad ng isang tauhan.
Nahahati sa dalawang pamaraan sa karakterisasyon:
1. Direktang Karakterisasyon – direktang pagtukoy ng manunulat sa katangian ng
kaniyang mga tauhan sa mambabasa.
2. Di Direktang Karakterisasyon – paghingi ng manunulat na pagsusuri sa mismong
tauhan mula sa mambabasa.

Mula sa mga detalyeng ito, upang maging mas lubos nating maunawaan ang hinggil sa
tauhan. Mayroon ding tinatawag na klasipikasyon ng tauhan, ito ang BILOG NA
TAUHAN at LAPAD NA TAUHAN.
Sa katauhan ni Amor Powers na si Jody Sta.
Maria na maituturing na bilog na tauhan dahil sa
unang bahagi ng kuwento ay mayroon siyang
kabaitan sa pag-uugali at nang bandang huli ay
naging mapaghiganti sa paraang alam niya. Ilan
lamang ito sa mga halimbawa ng tinatawag na
klasipikasyon ng tauhan.
Bukod sa klasipikasyon ng tauhan, mayroon
ding tinatawag na PROTAGONISTA at ANTAGONISTA, ang dalawang uri ng tauhang ito
ay hindi kaila sa ating lahat dahil ito ay naglalarawan lamang sa pagiging bida at

5
kontrabida sa isang akda o obra.

Sa pagbabasa ng isang kuwento o maging ng sanaysay, unti-unting mararamdaman na


pumapasok ka sa isang di-pangkaraniwang kaya’t kailangan ang paghahanda – alamin
kung nasaan, anong oras na. Paraan ito ng may-akda upang ihatid ang mambabasa sa
TAGPUAN na magtatakda ng lugar at oras na pangyayarihan nito.

Ang paggamit ng SIMBOLO ay nangangahulugang pagbibigay ng isang malalim na


kahulugan. Ang nangibabaw rito ay ang saging sapagkat sa una pa lamang ang saging ay
maaaring alternatibong pagkain o kapalit ng kanin sa ganitong sitwasyon ang pag-iisip
ng isang tao tungo sa kanyang paligid ay mabilis subalit ang pinakasimbolo rito ay ang
saging bilang bahagi ng batas ng Pilipinas nakatutuwa man ngunit bakas ang pagiging
malalim na pag-iisip ng may-akda hinggil dito.

Masusuri ang ESTILO ng isang may-akda sa pamamagitan ng kanyang mga salita at


pariralang ginamit sa pagpapahayag ng kanyang sarili at ng kanyang napiling paksa. Ang
simpleng estilo ay lagi nang maganda. Ang kapayakan ay hindi kawalan ng sigla at buhay.
pinakamagaling na gabay hinggil sa estilo ang pagiging payak, natural, at matapat na
paraan ng pagpapahayag.

GAWAIN 2: Balikan ang isang akdang nabasa o napanood mo at lubos mong naalala.
Suriin ito sa pamamagitan sa pamamagitan ng dalawang dulog na natalakay. Sundan ang
format na nasa ibaba.

PAMAGAT NG AKDA:

SUSURIIN PALIWANAG
Uri ng Genre
Paksang-diwa o Tema
Banghay
Paglalarawang Tauhan/ Karakterisasyon
Tagpuan
Simbolismo o Sagisag
Estilo

6
Mungkahing Gawain para sa Pagkatuto

GAWAIN 3: Bilang isang matalinong mambabasa o manonood, paano mo susuriin ang


isang akda? Magbigay ng limang basehan upang sa iyong gagawing pagsusuri.

PAMANTAYAN SA PAGSUSURI PALIWANAG

Pagtataya/ Awtput

Panuto: Gumawa ng isang replektibong sanaysay hinggil sa pinag-aaralan natin ngayon.


Isaalang-alang sa gawaing ito ang mga naging BATAYANG KAALAMAN SA
PANUNURING PAMPANITIKAN. Ipapasa ito sa pamamagitan ng fb group page
(inihanda ng guro/propesor).

Paalala: Buksan ang link (https://prezi.com/zshkyjly57vv/pagsulat-ng-


repleksyon/?fallback=1) upang maunawaan ang paraan ng pagsulat.

Pinakamahusay Mahusay Malilinang


Pamantayan
10 puntos 5 puntos 3 puntos
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang
komprehensibo ang nilalaman ng bawat kakulangan sa
nilalaman ng bawat talata. nilalaman.
talata.
Organisasyon Organisado, simple at Malinaw at maayos Maayos ang

7
malinaw ang daloy ng ang presentasyon presentasyon ng
paglalahad ng ng ideya. Malinaw mga ideya. May
kaisipan. May tamang ang daloy ng bahaging di
pagkasunod-sunod paglalahad ng gaanong malinaw
ang ideya. kaisipan. na paglalahad ng
kaisipan.
Kabatiran ng Maayos at detalyado Maayos ang May kalabuan sa
mga ang ideyang nais ideyang nais ideyang nais
pangunahing iparating. iparating. iparating.
konsepto

Babasahin at iba pang Sanggunian

Para sa mas interesanteng pagbasa o mapapanood magtungo sa mga link at sorses na


nasa ibaba upang na ito upang madagdagan ang inyong kaalaman sa tinalakay natin.

 Panaglima, M. (n.d.-a). Ang Panitikan. Share and Discover Knowledge on


SlideShare. Retrieved August 22, 2020, from
https://www.slideshare.net/MarlenePanaglima/ang-panitikan-198812758
 Subarasquez, G. (n.d.). Banghay ng maikling kuwento. Share and Discover
Knowledge on SlideShare. Retrieved August 22, 2020, from
https://www.slideshare.net/girliesurabasquez/banghay-ng-maikling-kuwento

Pagkilala sa mga Manunulat at iba pang Lumikha

CRISTOPHER S. SOBREMESANA
Guro sa Filipino

Rebecca T. Anonuevo, PhD


NPC President

You might also like