Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 46

ALAMAT

Isang uri ng kuwentong bayan at


panitikan na nagsasalaysay ng
mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig.

Alamat ng Pagong - First Version


Nakakita na ba kayo ng pagong? Ito ay isang uri ng reptilyang nabubuhay sa mga pook
na dalatan o katihan. Ang katawan nito ay nababalutan ng matigas na talukab na sa biglang-
tingin ay tila munting plato 0 batingaw; may apat na paa, maikling buntot, mahabang leeg, at
ulong sapad na lumabas-pumasok sa ilalim ng bao o pinakatalukab na nasa kanyang likod. Ayon
sa paniniwala, nagiging malilimutin ang naglalarong pagong. Maaaring tama o mali ito, ngunit
ang tiyak ay masarap ang atay at itlog nito, na kasing linamnam ng kanyang alamat.

Si Gat Urong-Sulong ay matanda na. Papalubog at patakip-silim na ang kanyang buhay,


matapos niyang landasin ang rurok ng kaningningan. Laos na ang dating kilabot at pangunahing
sandata ng Barangay Lumubog-Lumitaw.

Likas mandin na ang isang bagay ay mahalaga kung ito'y pinakikinabangan; ngunit kung
lipas na at walang saysay, ano pa ang dahilan upang ito'y ingatan? At si Gat Urong-Sulong, na
isa nang inutil, ay nalimutan na ng barangay na kay tagal niyang minahal at pinaglingkuran.
Hindi marahil magkakagayon kung di maagang namayapa ang dating puno ng barangay na si
Lakan Dupil. Nagmistula siyang palaboy ng tadhana na walang nais kumandili.

Isang maliwanag at napakaganda ng gabi, ang buong Barangay Lumubog-Lumitaw ay


nagdiriwang. Ipinagbubunyi nila ang pag-iisang dibdib nina Lakan Alamid at Dayang
Matampuhin. Tanging si Gat Urong-Sulong ang nagmumukmok sa kalungkutan. Ang babaing
una at huli niyang minahal ay nagtaksil sa kanya at sumama kay Gat Alamid na ngayon ay
bagong lakan ng barangay. Iyan palang lalaki, masugatan man ang puso at dibdib, ang lahat ay
mababata at matitiis; ngunit kapag dangal niya ang siyang nagkadungis sasabog ang lupa,
babagsak ang langit!

At tinungo ni Gat Urong-Sulong ang baybay-dagat. Matamlay na umupo sa ibabaw ng


isang malapad na bato. Ang mga larawan ng nakalipas ay isa-isang nagdaan sa kanyang gunita,
hanggang sa ang mga ito ay papanglabuin ng mga patak ng luha. Bigla siyang napabuntung-
hininga nang madama ng sarili ang masaklap na kasalukuyan. At nabuo ang isangpasiyang
mapait. Kung ang puso

niya'y bigo at sawi sa pag-ibig, ang lunas ay kagyat na pananahimik...! Humahalakhak at


bumubulong ang hangin at ang laot ng dagat ay kumakaway at nag-aanyaya ng kamatayan!
"Patawarin mo ako Bathala...!" usal ni Gat Urong-Sulong, "Tanging ito lamang ang lunas!" At
siya'y tumindig... lumakad! Kumalabusaw ang tinig... papalayo... papalayo... patungo sa laot ng
karagatan! Subalit atas mandin ng tadhana, biglang umugong ang kapaligiran, yumanig ang
lupa...! Lumindol...! "Ha-ha-ha...!" ani Gat Urong-Sulong, "Ilakas mo pa at nang mamamatay
kaming lahat...!" Tinugon siya nang biglang pagkiwal ng tubig! Kamuntik na siyang bumaligtad
nang siya'y bundulin ng isang nagsusumagsag na munting alon! At sa dako pa roon ng dagat ay
nakita niya na gumugulong, ang nakasisindak at naglalakihang mga alon... patungo... patungo sa
dako niya at sa Barangay Lumubog-Lumitaw!

Umalikabok at uilandang ang mga buhangin sa dalampasigan sa ginawang sagsag-takbo


ni Gat Urong-Sulong! Parang ibininit ng palasong tinungo niya ang barangay... sa dakong
kinalalagyan ng isang malaking gong. Sa nalalabi niyang lakas ay pinalo niya ang gong... sunod-
sunod, hataw-tunog, pandalas... mabilis! Ang "Pag-gong" na iyon ang tanging lunas upang
mapatalastasan ang lahat sa napipintong panganib.

Bawat lakbay-tunog ay umalingawngaw sa buong barangay; sinagap at ipinagsalin-salin


ng mga tambuli sa lahat ang nakagigimbal nitong hatid-patalastas na nagbabayad ng "Madaling
Paglikas sa Burol!" Ang "Pag-gong" ni Gat Urong-Sulong ay patuloy... at patuloy din ang
paglikas sa burol ng libu-libong nilalang. Makalipas ang ilang saglit ay bahagi na ng karagatan
ang buong barangay nang sakmalin ito ng mga rumaragasang dambuhalang alon! "Salamat kay
Gat Urong-Sulong! Kung hindi sa kanyang "Pag-gong" ay wala sinumang makaliligtas sa atin!"

Humupa na ang baha at nagbalik na rin ang mga limikas. Subalit nawawala si Gat Urong-
Sulong; nawawala rin ang malaking gong. Sila marahil ay kapwa tinangay ng baha.

Nalutas ang paghahanap ng mga tao nang isang araw ay makapansin sila ng mahiwagang
hayop sa lugar na dating kinalalagyan ng ging at ni Gat Urong-Sulong. Kataka-taka ang anyo ng
hayop na iyon na ang talukab sa likod ay mistulang larawan ng gong na nawala. Nagpasiya ang
Pandita ng barangay. "Ang mahiwagang hayop na ito ay tatawagin nating 'Pagong' mula ngayon,
bilang pagkilala sa isang ulirang pagpapakasakit ng isang dakilang puso."

Alamat ng Paruparo - First Version

Ang diwata ay pangit, talagang napakapangit! Ang mukha ay mapula at kulubot. Ang mga
mata'y singningas ng apoy. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulupot na basahan ang
kamay. Siya'y pilay kaya pahingkud-hingkud kung lumakad.

Ang kanyang bahay ay nakatayo sa magandang dalampasigan. Kaakit-akit ang kanyang tahanan
dahil sa taglay nito ang lahat ng kulay ng bahaghari. Ang looban ay natatamnan ng sarisaring
halamang namumulaklak. Ang mga taong dumaraan doo'y panay na papuri ang bukambibig. Ang
mga punongkahoy ay may mga bungang nakasisilaw sa mata kung tamaan ng silahis ng araw.

Isang umaga, isang batang lalaki't isang batang babae ang lumisan ng kanilang tahanan. Sila'y
maralita at hindi pumapasok sa paaralan. Sila'y naging palaboy at walang tirahan.
Sa kabila ng lahat ng kahirapan ang dalawa'y maligaya. Laging naibubulalas nila ang mga
salitang "Ang langit ay asul at ang bundok ay luntian." Sa pagtitig nila sa mga mga ibon at batis,
sila'y nagsasalita ng "Mataas ang lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay parang panaginip." Ang
mga nakikita nilang tanawin araw-araw ay sapat

nang magpatighaw sa pagnanasa nilang magkaroon ng magandang tirahan at perang panakip sa


pangangailangan.

Sila'y naglibot at nakita ang bahay ng diwata. "Ligaya, masdan mo ang magandang bahay na
iyon," sabi ng batang lalaki.

"Nakikita ko, Malakas," ang sagot. "May halaman. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga
bulaklak. Nakatatakam ang mga bungang pinilakan at ginintuan na nangagbitin sa mga sanga ng
kahoy," ang dugtong pa.

"Tayo pumasok sa hardin," ang alok ni Malakas.

"Walang tumitira rito," ang sagot ni Ligaya.

Binuksan ng dalawa ang tarangkahan ng halamanan. Sa mga unang sandali, sila'y hintakot
nguni't lumagay ang loob nang malaunan. Walang umiino sa kanila. Sila'y namupol ng mga
bulaklak. Si Malakas ay umakyat sa punongkahoy. Kumain siya at pinatakan si Ligaya ng
matamis na bunga.

"Walang nakatira rito!"

"Oo, noong ako'y bata pa, may isang mamang nagkuwento sa akin tungkol sa lunang katulad
nito. Huwag na tayong umalis," sabi ni Ligaya.

"Ako'y ulila nang lubos. Wala maghahanap sa akin," sabini Malakas.

"Gayon din sa akin," sagot ni Ligaya.

"Ako'y palibot-libot upang humanap ng trabaho upang may makain. Huwag na natin lisanin ang
loobang ito."

Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung saan sila naroon.

Dumating ang diwatang galing sa dalampasigan. Siya'y hihingkod-hingkod. Siya'y langhap nang
langhap pagka't may naamoy na ibang tao. Lalo siyang pumangit sa kapipisngot.
"Bakit kayo nangahas pumasok dito?" ang bungad na tanong. "Ano ang ginagawa ninyo?"
patuloy pa.

Natakot sina Malakas at Ligaya.

"Bakit ninyo pinupol ang aking mga bulaklak at kinain ang aking mgabunga?" sigaw ng
matanda.

Naglakas-loob sumagot si Malakas, "Mawilihin po kami sa bulaklak. Gusto po naming... gusto


ang prutas... mga prutas..."

"Bakit hindi muna kayo humingi ng aking pahintulot? Mga pangahas!"

"Inaamin po namin ang kasalanan. Kami po'y handang magbayad.

Kami po'y mga ulila. Gawin na po ninyo kaming inyong alila! Handa kaming magsilbi!"

Pinagulong-gulong ng diwata ang malalaking mata. Pinakisay niya ang buong katawan,
pinangiwi-ngiwi ang labi at nag-isip.

"Nauunawaan ko. Pakikinabangan ko kayo."

Siya'y bumulong ng mga salitang maysa-engkanto at namangha ang dalawang bata. Siya
kapagkaraka ay naging isang magandang diwata. Siya'y may tangang mahiwagang baston. May
nakakabit na bituin sa dulo.

Patakang nagsalita si Malakas, "O, magandang diwata!"

Ibinaba ni Ligaya ang kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga matang nasilaw sa
liwanag. Nakita niya nang harapan ang diwata. Siya'y may tangang mga bagwis na yari sa
bulaklak.

"Yayamang mawilihin kayo sa bulaklak, kayo'y gagawin kong hardinero. Mula ngayo'y
mahahagkan ninyo ang aking mga bulaklak at maaari kayong magpasasa sa aking mga bunga!"

Dinantayan ng diwata ng kanyang mahiwagang baston ang dalawang bata at sa ilang iglap sila'y
nagkapakpak. Sila'y nagpadapu-dapo sa mga halamanan.

"Ako ngayo'y magandang paruparo!" sabi ni Malakas.


"Ako rin!" sang-ayon ni Ligaya. "Masdan mo ang aking mga pakpak. Itim, asul, at luntian at
kulay-kahel!"

"Sa halamanang ito tayo mabubuhay nang mahabang panahon!" Sabi ni Malakas, "sapagka't tayo
ngayo'y mga paruparo ng diwata!"
PABULA
isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop
o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga
tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at
kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang
mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga
moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

Ang Kabayong Nagdamit Leyon

Isang Kabayo ang naiinggit sa mababangis na hayop ng kagubatan na kinatatakutan ng lahat.

"Mabilis nga akong tumakbo, nasasakyan ng tao at nakapaghahatid ng mga kargamento pero
hindi naman ako niyuyukuran sa kagubatan."
"Alin bang hayop sa kagubatan ang gusto mong tularan?" usisa ng mga Unggoy.

"Natural, gusto kong maging isang Leyon na kinatatakutan sa pagiging Hari nito sa buong
kagubatan."

Napakamot ng ulo ang Usa. Hindi niya akalaing walang kasiyahan ang Kabayo sa pagiging
Kabayo nito.

Isang tanghali habang naghahanap ng mga talahib na makakain ang Kabayo ay natanawan nito sa
gitna ng kagubatan ang isang nakabalumbong banig. Nang ilatag ng Kabayo ang banig ay laking
tuwa niya sapagkat tuyong katawan ng isang makisig na Leyon ang tumambad sa kaniya.

Isinuot kaagad ng Kabayo ang baro at tuwang-tuwang nanalamin sa batis. Mayabang na


naglakad siya sa buong kagubatan. Tuwang-tuwa siya nang sumaludo sa kaniya bilang Hari ang
Elepante, ang Oso at ang Gorilya. Lalo siyang yumabang nang layuan siya sa takot ng Unggoy,
Usa at Kuneho.

Minsang taas-noo siyang nagpapapansin sa kagubatan ay nakita siya ng mapanuring Lobo.

"Haring Leyon. Haring Leyon. Bakit hindi po yata kumikislap ang inyong balahibo kapag
nasisikatan ng araw?"

"Ha?" Hindi kaagad nakasagot ang tinanong. "Na... naligo kasi ako sa batis nang makita kong
duguan ang mga kuko ko matapos gawing pananghalian ang Baboyramo."

Napaurong ang Lobo hindi sa pananakot ng impostor na Leyon kundi sa naibang tono ng
pagsasalita nito.

Nagduda ang Lobo. Alam niyang hindi Leyon ang kausap niya. Para patunayan na impostor ang
Leyon ay ibinalita ng Lobo na darating na ang mga Leyon sa kabundukan. Sa pagkasindak ng
impostor ay napahalinghing ito. Napagsino ng lahat na Kabayong nagdamit Leyon lang ang
impostor. Nang malaman ng lahat na naloko sila ng mapagbalatkayo ay hinabol nila ito upang
ilublob sa kumunoy pero mabilis itong nakatakbo papalayo sa kagubatan.

Aral: Huwag manlamang kaninuman upang ikaw ay pahalagahan.


Ang Kasal ng Dalawang Daga

Napakaganda ng nag-iisang anak nina Ama at Inang Daga. Naniniwala ang mag-asawa na nasa
sapat na gulang na ito upang humarap sa altar. Ang problema lang ay walang nangangahas
manligaw sa dalaga. Mayaman at maganda kasi ito.

Sapagkat pangarap ng Ama at Inang Daga na maging maligaya ang dalaga kaya naisip nilang
lapitan ang sinumang karapat-dapat ibigin ng anak.
Una nilang naisip ang Araw. Ang sikat nito ay tinitingala sa kaningningan.

"Ikaw, Araw, ang gusto naming makaisang dibdib ng aming anak."

"Hindi ako karapat-dapat sa dalaga ninyo."

"Pero ikaw ang pinakamakapangyarihang binata sa buong daigdig."


"Higit na dapat ninyong hangaan si Ulap."

Totoo nga naman sapagkat nang magdaan ang makapal at itimang Ulap ay natakpan ang mukha
ng Araw.

"Ulap, ulap," tawag ng mag-asawa sa binatang nakalatag sa kalawakan, "ikaw ang karapat-dapat
na maging asawa ng aming dalaga."

"A... ako? Hindi ako karapat-dapat sa kaniya."

"Pero ikaw ang pinakamakapangyarihang binata sa daigdig."

"Si Hangin po at hindi ako!" pagmamalaking pahayag ng binata.

Totoo nga naman na nang umihip ang malakas na Hangin ay tumabi si Ulap.

"Ikaw, nakatitiyak kami na ikaw Hangin ang tanging binatang dapat makaisang-dibdib ng aming
nag-iisang dalaga."

"Hindi po yata ako karapat-dapat sa inyong pagpili. Nakahihigit po sa akin ang Dingding na
hindi matitinag ninuman sa pagiging makapangyarihan."

Dali-daling pinuntahan ng mag-asawa ang matigas na Dingding.

"Dingding, Dingding. Ikaw ang marapat na mapangasawa ng aming dalaga. Matipuno ang iyong
pangangatawan at hindi maitutumba ng Araw, Ulap at Hangin."

"Huwag ako ang piliin ninyo. Ang binatang Daga ay unti-unting umuukit at nakapagpapabagsak
sa akin."

Totoo nga naman. Anumang tibay ng Dingding ay mauuka at ngangasabin ng isang Dagang
matutulis ang mga ngipin.

Tuwang-tuwa ang lahat ng kalahi ng binatang Daga nang ligawan nito ang nag-iisang dalaga ni
Ama at Inang Daga.

Ipinagbunyi sa Dagalandia ang masayang kasal ng dalawang nilalang.


Aral: Upang mapahalagahan ang kaligayahan, sipatin ito sa malapitan.

Ang Langaw at ang Baka

Malaking-malaki ang pagpapahalaga sa sarili ng Langaw. Gusto niyang lagi siyang napapansin
at pinag-uusapan. Kapag hindi mo siya pinansin ay babalikan ka niya at pipintasan sa iba pang
hayop na kaniyang katsismisan. Ito ang dahilan kaya lagi at laging pinahahalagahan siya ng
Kalabaw at Usa, ng Tsonggo at Tupa.

Upang mabigyan ng importansiya kapag lumilipad at kekendeng-kendeng na ay hinuhunta na


siya ng Tutubi at Mariposa, ng Loro at Maya.

Isang umaga ay naghanap siya sa talahiban ng hayop na hahanga sa kaniyang angking


kagandahan na sa pakiwari ng marami ay salat sa katotohanan.

Natuwa ang Langaw nang matanawan ang Baka na noon ay nguya nang nguya ng mga talahib na
sariwang-sariwa.

"Teka, paano ba ako mapapansin ni Senyora Baka. Siguro kailangang dumapo ako sa sungay
niya."
Marahang dumapo nga sa kaliwang sungay ng Senyora Baka si Langaw Negra.

Papikit-pikit na nakiramdam ang nagpapapansing Langaw pero kahit anong pagpapapungay ang
gawin ay patuloy pa rin sa masarap na pagnguya ang Senyora.

Lumipad sa kanang sungay ang maldita at sumayaw-sayaw pa upang mapansin siya ng Baka
pero pagod na sa pagbali-bali sa katawan ay ayaw pa rin siyang tingnan ng Senyorang Bakang
may napakataas yatang pamantayan.

Upang tuwirang makita ay lumipad na ang Langaw sa ilong ng Baka pero wala pa ring nangyari.
Hindi pa rin pinansin ang nagpapapansin.

"Teka, teka," bulong ni Langaw Negra. "kailangan sigurong sa harap na ng mata ni Senyora
Baka ako magpunta nang sigurado na niya akong makita!"

Lumipad nga at dumapo sa pilikmata ng Senyora ang pilyang Negrita. Nang hindi man lang
kumurap ang Baka ay nainis na ang Prinsesa Negra.

"Aalis na ako, Senyora Baka. Salamat sa pagbibigay pahintulot mong makapagpahinga ako sa
dalawang sungay mo. Kahit na gusto kong makipagkaibigan at makipag-usap sana sa iyo ay
hindi ko na magagawa. Marami pa kasi akong mas mahalagang bagay na gagawin at mas
espesyal na mga hayop na kakausapin.

"Di sumige ka. Bakit kailangang magpaalam ka pa?" pagalit na sigaw ng Bakang malapad na
ikinatakot ng Langaw na mabilis pa sa alas kuwatrong lumipad.
Ang Lobo at ang Kambing

Gutum na gutom na ang Lobo. Sa paghahanap ng hayop na mapapananghalian ay napatingala


siya nang matanawan sa mataas na batuhan ang nanginginaing Kambing. Inisip ng Lobo kung
paano niya mapapababa ang bibiktimahin.

"Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing! Napakaganda mo lalo't tinatamaan ng sikat ng araw


ang balahibo mo."

"Talaga? Salamat." Sandaling yumuko lang ang Kambing na nagpatuloy sa panginginain.

"Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing! Nag-aalala ako sa kapakanan mo. Baka madulas ka
sa gilid ng batong tinutuntungan mo!"

"Kaya ko ito. Salamat sa pag-aalala mo," nagpatuloy sa panginginain at di man lamang tumingin
ang sumibangot na Kambing.

"Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing! Di ka dapat sobrang magkakain. Ang anumang


sobrang pagkain ay makasasama sa kalusugan natin."

Sa pakikialam ng makulit na Lobo ay galit na galit na umingos ang Kambing na nagpatuloy sa


masarap na panginginain.

Nang inaakalang ayaw ng Kambing sa mga pananalitang naglalambing ay malakas na tinawag


ito ng naglalaway na sa gutom na Lobo.
"Hoy, Kambing. Bakit nagtitiis ka sa kaunting damo sa ituktok ng batuhan. Bumaba ka at
napakaraming damo kang makakain para sa iyong pananghalian!"

"Hoy, Lobo," galit na sigaw ng Kambing. "huwag mong akalaing napakabobo ko. Alam kong
pananghalian mo at hindi pananghalian ko ang puntirya mo kaya pinabababa mo ako."

Sa pagkapahiya ng Lobo ay lumayo na ito.

Aral: Di lahat ng pag-aalala ay may katapatang kasama.

Ang Lamok at ang Leyon


Minsang namamahinga sa tabing ilog ang Leyon ay naisipan itong buwisitin ng Lamok.

"Hoy, Leyon! Ikaw nga ba ang Hari ng Kagubatan?"

Tumindig ang Leyon at hinanap kung saan nanggagaling ang boses. Nang walang makita ay muli
itong nagbalik sa may damuhan. Habang ikinikiskis nito ang matatalim na ngipin sa batuhan ay
may narinig siyang busina na paikut-ikot sa kanyang tenga.

"Hoy Leyon.. Leyon," pangisi-ngising usisa ng pilyong Lamok na dumapo pa sa ilong ng


nakangunot na Leyon. "tinatanong kita. Ikaw nga ba ang Hari ng Kagubatan?"

"Oo, ako nga! Hindi mo ba alam? Ako ang Haring dapat igalang ng sinumang naninirahan sa
kagubatan!" pagyayabang ng Leyon.

"Teka, teka. Bakit ikaw ang dapat na maging Hari. Para sa akin wala kang karapatang mamuno
sa kapaligiran. Hindi ako hanga sa iyong pagtatapang-tapangan!"

Tumayo sa galit ang mga tenga ng Leyon. Tumindig din sa kabangisan ang mga balahibo nito.

"Grrr..." nanlilisik ang mga matang hinampas ng Hari ang ilong upang patayin ang maliit na
Lamok na madaling nakalipad at mailing nagbaon ng panusok sa pisngi ng Hari.

"Aruy! Aruy!" nagkikisay sa sakit ang Leyon.

"May Hari bang ganiyan? Isang tusukan lang ng insektong katulad ko ay nag-aaaruy na? Ako
ang dapat tanghaling hari. Maliit man ay may panandata namang makapagpapa-aruy sa hari-
hariang di dapat patungan ng korona ng kagitingan!"

Lumipad na naman nang paikut-ikot ang nambubuwisit na Lamok. Kahit maliit lang ang
pangangatawan ay pinagalaw naman niya ang laki ng kaniyang kaisipan.

Nang ituturok na naman niya ang matulis na panurok ay tumalon na sa gitna ng sapa ang takut na
takot na Leyon. Napag-isip-isip ng Lamok na mabisa pala ang matulis niyang panusok. Sa
mariing tusok lang ay nagkokokoromba na sa pag-aruy ang pobreng Hari ng kagubatan.
Tuwang-tuwa sa kahahagikgik ang pilyong Lamok. Tuwang-tuwang naglilipad sa paligid-ligid
ang insektong may matulis na panurok. Sa kasamaang palad ay nasabit ang pakpak niya sa sapot
sa mga sanga ng puno ng banaba.

Sa pagpipilit na ikampay ang mga pakpak ay napakapit siya sa malagkit na sapot ng Gagamba.
Sa pagpipilit na makawala ay lalong nagkasabit-sabit ang mga paa, pakpak at buong katawan ng
Lamok.

Nang dumating ang gutum na gutom na Gagamba ay maluwag sa loob na tinanggap ng Lamok
ang kapalaran niya. Ang ikinalulungkot lang ng Lamok ay nailublob niya sa sapa ang higanteng
Leyon pero maliit na Gagamba lang pala ang sa kaniya ay lululon.

Aral: Huwag mong tapakan ang sinuman upang pahalagahan ka ng kalahatan.

PARABUL
A
Kwentong hango sa
Bibliya. Naglalaman ito ng
mga talinghaga at
nagtuturo ng aral. Ito ang
uri ng kwentong
ginagamit ng ating
Parabula: Ang Pariseo at ang Kolektor

May dalawang lalaking nagtungo sa templo upang manalangin. Ang una ay ang pariseo

at ang ikalawa ay ang kolektor ng buwis.

Tumayo nang tuwid ang pariseo at nagdasal.

"Nagpapasalamat po ako, Panginoon, na ako ay hindi sakim, mandaraya, at babaero na

tulad ng iba. Nagpapasalamat ako na di ako tulad ng kolektor ng buwis na iyon. Nag-
aayuno ako nang dalawang araw bawat linggo at ibinibigay ko sa iyo ang ika-sampung

bahagi ng aking kinikita."

Ang kolektor ng buwis naman ang tumayo sa di-kalayuan at ni hindi maitaas ang

kanyang mukha sa kalangitan. At habang nagdarasal nang taimtim, bahagyang

pinapalo niya ang kanyang dibdib.

"Panginoon, maawa po kayo sa akin na isang makasalanan!"

"Sinasabi ko sa inyo," wika ni Jesus, "ang kolektor at hindi ang pariseo ang pakikinggan

ng Diyos. Dahil ang sinumang itinataas ang sarili ay ibinababa, at ang ibinababa ang

sarili ay siya namang itinataas."

Parabula: Ang Taong Di-Marunong Magpatawad

Isang hari ang nagpasyang alamin ang

pagkakautang sa kanya ng kanyang mga alagad.

Nagsisimula pa lamang siya nang biglang iharap sa

kanya ang isa sa kanyang mga alagad dahil sa

milyung-milyong dolyar na utang nito sa hari. Ang

alagad ay walang maibayad sa napakalaking

pagkakautang nito, kaya ipinag-utos ng hari na

ipagbili ito bilang alipin kasama ang kanyang asawa

at mga anak. Gayundin, ang lahat ng kanyang ari-

arian ay iniutos na kunin upang maidagdag sa bayad

sa hari.
Lumuhod at nagmakaawa sa hari ang lalaki.

"Bigyan ninyo po ako ng panahon at babayaran ko kayo," pagsusumamo nito sa hari.

Naawa naman sa kanya ang hari kaya't siya ay pinatawad sa kanyang pagkakautang.

Nang lumabas ang lalaki upang umuwi na ay nasalubong niya ang isang kapwa alagad

na may utang sa kanyang ilang dolyar. Agad niya itong hinawakan at sinimulang

sakalin.

"Bayaran mo ang utang mo sa akin," matigas na sabi nito.

Lumuhod ang kanyang kapwa alagad at nagmakaawa sa kanya.

"Bigyan mo ako ng panahon at babayaran kita," pagmamakaawa nito.

Ngunit hindi niya ito pinatawad at sa halip ay kanyang ipinakulong. Nagalit ang ibang

alagad ng hari nang mabatid nila ang pangyayari. Ipinaalam nila sa hari ang ginawa ng

lalaki sa kanyang kapwa alagad na may utang sa kanya.

Ang lalaki ay ipinatawag ng hari.

"Ikaw ay isang walang kwentang alipin! Pinatawad kita sa lahat ng iyong pagkakautang

dahil nagmakaawa ka sa akin. Dapat ay naawa ka rin sa iyong kapwa alagad tulad ng

pagkaawa ko sa iyo," wika ng hari.

Dahil sa galit, ipinabilanggo ng hari ang lalaki hanggang sa mabayaran nito ang

kanyang pagkakautang.
Parabula: Ang Mabait na Samaritano

Isang lalaki ang naglakbay mula Jerusalem patungong Jerico. Sa daan ay hinarang

siya, pinagnakawan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos wala nang buhay ng

masasamang loob.

Isang pari ang napadaan kung saan nakahandusay ang lalaki. Ngunit nang makita niya

ang lalaki, sa kabilang gilid ng daan siya lumakad.


Ganito rin ang ginawa ng isang napadaang Levite.

Isang Samaritanong naglalakbay ang napadaan at nang makita nito ang lalaki ay

nakadama ito ng labis na pagkaawa. Nilapitan niya ang lalaki at tinulungan ito.

Pinahiran niya ng langis at alak ang mga sugat ng lalaki at saka binendahan.

Pagkatapos ay isinakay niya ito sa kanyang kabayo at dinala sa isang otel kung saan

niya inalagaan ang wala pa ring malay na lalaki.

Kinabukasan, bago umalis ang Samaritano ay binigyan niya ng dalawang pilak ang

namamahala sa otel at ipinagbiling alagaan ang lalaki.

"Alagaan mo siya at sa pagbabalik ko ay babayaran ko ang lahat ng magagastos mo sa

kanya."

Parabula: Ang Sampung Dalaga

Ang pagtatamo sa kaharian ng langit ay itinutulad sa pangyayari ukol sa sampung


dalaga na naghihintay sa kanilang mapapangasawa. At sinabi ni Jesus, "Magbantay
kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras."

Lima sa mga dalaga'y matatalino at ang lima naman ay mga hangal.


Ang matatalinong dalaga ay nagbaon ng sobrang langis para sa kanilang mga lampara,
samantalang ang mga hangal ay hindi.

Hindi agad dumating ang kanilang mapapangasawa at sa paghihintay, ang mga


dalaga'y nakatulog. Nangagising sila nang hatinggabi na at narinig nila ang pagdating
ng kanilang mga mapapangasawa. Nagsigayak sila sa pagsalubong. Inihanda na nila
ang kanilang mga lampara. Ang mga hangal ay naubusan ng langis kaya't nanghingi
sila sa matatalino. Ngunit ayon sa mga ito ay hindi sila mabibigyan ng langis sapagkat
baka hindi magkasya para sa kanilang lahat ang kanilang baong langis.

Ang mga hangal ay nangagsialis upang bumili ng langis. Wala sila nang dumating ang
kanilang mga mapapangasawa. Ang matatalinong nangakahanda ay sumamang
magpakasal sa mga lalaki. At napinid na ang pinto pagkatapos.

Nang magsidating ang mga hangal na babae ay kinatok nila ang pinto at nakiusap,
"Panginoon, Panginoon, kami po'y pagbuksan ninyo ng pinto."

"Hindi maaari! Hindi ko kayo nakikilala," ang narinig nilang sagot sa kanila.

Parabula: Ang Tatlong Alagad

Isang lalaki ang paalis upang maglakbay. Tinawag niya ang kanyang tatlong alagad.

Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Ang una ay binigyan

niya ng limang libong piseta, ang ikalawa ay dalawang libo, at ang ikatlo ay isang libo.

Pagkatapos ay umalis na ang lalaki upang maglakbay.


Samantala, ang alagad na binigyan niya ng limang libo ay agad na ginamit na puhunan

ang pera at kumita siya ng limang libo. Gayundin ang ginawa ng ikalawa at kumita rin

siya ng dalawang libo. Ngunit ang ikatlo ay naghukay sa lupa at dito itinago ang perang

iniwan sa kanya.

Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik ang lalaki. Tinawag nito ang tatlong

alagad upang magsulit. Unang lumapit ang alagad na may limang libo.

"Panginoon, binigyan mo ako ng limang libo at heto, limang libo rin ang kinita ko," wika

nito.

"Magaling! Isa kang mahusay na alagad," sabi ng lalaki. "Napagkatiwalaan kita ng maliit

na halaga kaya ipagkakatiwala ko sa iyo ang higit na malaking halaga. Halika at

makihati sa aking kaligayahan."

Lumapit naman ang ikalawang alagad at nagwika, "Panginoon, binigyan mo ako ng

dalawang libo. Tingnan n'yo at kumita rin ako ng dalawang libo."

Sumagot ang lalaki, "Magaling! Isa kang mahusay at mapagkakatiwalaang alagad.

Napagkatiwalaan kita ng maliit na halaga kaya ipagkakatiwala ko rin sa iyo ang higit na

malaking halaga. Halika at makihati sa aking kaligayahan."

Huling lumapit ang alagad na may isang libo at nagwika, "Panginoon, ako ay natakot

kaya itinago ko ang inyong pera sa ilalim ng lupa. Heto ang inyong pera."

Nagalit ang lalaki sa kanyang alagad at sinabing, "Tamad na alagad! Sana ay

idiniposito mo man lamang ang aking pera sa bangko upang kahit papaano ay kumita

ito ng interes na makukuha ko sa aking pagbabalik. Kunin ang pera sa kanya at ibigay

sa may sampung libo. Dahil ang taong mayroon na ay higit na bibigyan at magkakaroon
siya ng labis. Ngunit iyong wala, kahit ang kaunting nasa kanya na ay kukunin pa sa

kanya. At sa walang silbing alagad na ito, itapon siya sa kadiliman."

SALAWIKAIN
Mga maiiksing pangungusap
na lubhang makahulugan at
naglalayong magbigay
patnubay sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay.
Naglalaman ito ng mga
karunungan.

Kasabihan Tungkol sa Paggalang

1. Ang gawa sa pagkabata,


Dala hanggang pagtanda.

2. Ang magalang na sagot,


Ay nakakapawi ng poot.

3. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.

Kasabihan Tungkol sa Kaibigan

1. Ang matapat na kaibigan,


Tunay na maaasahan.

2. Ang tao kapag mayaman,


Marami ang kaibigan.

3. Ang tunay na anyaya,


Sinasamahan ng hila.
4. Ang tunay na kaibigan,
Karamay kailan man.

5. Ang tunay na kaibigan,


Nakikilala sa kagipitan.

6. Kaibigan kung meron,


Kung wala’y sitsaron.

7. Puri sa harap,
Sa likod paglibak.

8. Turan mo ang iyong kaibigan,


Sasabihin ko kung sino ikaw.

9. Walang paku-pakundangan,
Sa tunay na kaibigan.

Kasabihan Tungkol sa Buhay

1. Aanhin mo ang palasyo, Kung ang nakatira ay kuwago?


Mabuti pa ang bahay kubo, Ang nakatira ay tao.

2. Ako ang nagbayo, Ako ang nagsaing.


Saka ng maluto’y, Iba ang kumain.

3. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,


Tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.

4. Ang bayaning nasugatan, Nag-iibayo ang tapang.

5. Ang buhay ay parang gulong, Minsang nasa ibabaw,


Minsang nasa ilalim.

6. Ang bulsang laging mapagbigay, Hindi nawawalan ng laman.

7. Ang hindi napagod magtipon, Walang hinayang magtapon.

8. Ang iyong kakainin, Sa iyong pawis manggagaling.

9. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.


10. Ang lumalakad nang mabagal, Kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin, Kung matinik ay malalim.
Kasabihan Tungkol sa Kalikasan

1. Ang araw bago sumikat, Nakikita muna’y banaag.

2. Kapag ang ilog ay maingay, Asahan mo at mababaw.

3. Kapag ang ilog ay matahimik, Asahan mo at malalim.

4. Tikatik man kung panay ang ulan, Malalim mang ilog ay mapapaapaw.

Kasabihan Tungkol sa Katapatan

1. Ang hindi tumupad sa sinabi, Walang pagpapahalaga sa sarili.

2. Ang iyong hiniram, Isauli o palitan.


Upang sa susunod, Hindi ka makadalaan.

3. Ang lalaking tunay na matapang, Hindi natatakot sa pana-panaan.

4. Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.


5. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.
6. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat.
7. Ang tunay mong pagkatao, Nakikilala sa gawa mo.

8. Ang utang ay utang, Hindi dapat kalimutan.

9. Kapag bukas ang kaban, Nagkakasala sinuman.

10. Nasa taong matapat ang huling halakhak.

Kasabihan Tungkol sa Pag-ibig

1. Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘Di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.

2. Ang pili nang pili, Natapatan ay bungi.


3. Pag kahaba-haba man ng prusisyon, Sa simbahan din ang tuloy.

4. Pagsasama ng tapat, Pagsasama ng maluwat.

5. Walang matiyagang lalaki, Sa pihikang babae.

6. Madaling pumitas ng bunga, Kung dadaan ka sa sanga.


MITO
Ang mitolohiya ay isang halos
magkakabit-kabit na kumpol ng mga
tradisyonal na kuwento o mito (Ingles:
myth), mga kuwento na binubuo ng
isang partikular na relihiyon o
paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng
mga kuwentong mito ang mga diyos at
nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa
mga likas na kaganapan. Halimbawa na
ang kung paano nagkaroon ng hangin o
mga karagatan. May kaugnayan ang
mitolohiya sa alamat at kuwentong-
bayan.
Ang Sirena at si Santiago
Mitolohiya mula sa Pagadian

Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena, mga
mahiwagang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang pinag-
uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli ng sirena, patay man o buhay.
Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na
mangingisdang nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay
nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon ng tubig upang makarami ng huli kada
araw.

Isang hapon, habang siya’y nag -iisang nangingisda, mayroon siyang narining na
napakagandang tinig. Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang isang
babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mga malalaking bato. Hindi siya
makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang angking galing
ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na parang
isda ang dalagang nasa harap niya. Nang napansin ng dalaga na may taong nakakita
sa kanya, kinabahan ito at dali-daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso ng lalaki
na agad-agad din namang sumagwan para mahabol niya ito. Nakumbinsi ni Santiagong
mag-usap si lang dalawa at dahil dito ay naging malapit sila sa isa’t-isa. Nagpakilala
naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang nangyari, araw-araw na
silang nagkikita at nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa nahulog sila sa isa’t -isa.
Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging
magkasintahan na sila. Sa sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan
niyang sumama sa kaharian ng kanyang mahal upang doon na manirahan. Noong una,
hindi sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kaya’t pumayag na
lang siya.

Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang


kanyang pamilya at nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang
mga magulang ang ibang mga mangigisda para hanapin ang kanilang anak. Sa
kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang
puntahan, sa likod ng malaking bato kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro ang
magkasintahan sa mga isda nang biglang dumating ang grupo ng mga mangingisda na
nagulat sa kanilang nakita. Sinulong nila ito dahil akala nila’y ginayuma niya si Santiago
upang maging isa sa mga sinasabing bihag ng mga sirena. Agad namang pinrotektahan
ng lalaki ang kanyang minamahal at sa kasamaang palad ay natamaan ito ng balsa at
namatay. Sinikap ng sirenang makaalis ngunit naabutan din siya at sunod na pinatay.
Sinabi ng mga isda ang kanilang nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa puno ng
kaharian ng mga sirena na napuno ng galit kaya’t gustong bigyan n
g parusa ang mga tao upang matuto ang mga ito.

Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o tinatawag na “tsunami” sa kasalukuyan,


na naglunod at pumatay sa mga mangingisda at nagdulot ng malaking pagkakasira sa
buong lungsod ng Pagadian. Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na
nagsisilbing palatandaan sa kasakiman ng mga tao noon na nagdulot sa nangyari sa
magkasintahan. Ngayon, naging napakabait na ng mga tao sa dagat, mga isda, sa
kapwa nila, at hindi na mang-aapi ng sirena sakaling
Mitologhiya: Si Malakas at Si Ganda

Ginawa ni Bathala ang lahat ng hayop at halaman dala ng kanyang kalungkutan.


Malaparaiso ang sinaunang mundo ngunit walang tao na nakatira rito. Hanggang sa
isang araw, may isang ibong lumipad sa himpapawid.
Natanaw nito ang pagkataas-taas na kawayan. Dala ng pagod, ito ay nagpasyang dumapo sa
naturang kawayan. Habang nagpapahinga ay nakarinig siya ng tumutuktok sa loob ng halaman.
May tinig na nakiusap na sila ay pakawalan.

Noong una ay ayaw ng ibon na biyakin ang kawayan dahil baka ito ay patibong lamang. Ngunit,
may Nakita siyang butiki kaya inumpisahan niya itong tinuka. Kinalaunan ay nakawala ang
butiki kaya pinagpatuloy na lamang ng ibon ang pagtuktok. Hanggang sa nabiyak ang kawayan
at lumabas si Malakas.

Isinunod niya ang isa pang kawayan at doon naman lumabas ang isang mahinhing dilag na ang
pangalan naman ay Maganda. Ang dalawa ang siyang nag-umpisa ng lahing kayumanggi.
MAIKLING
KWENTO
Kwentong naglalaman ng
maiksing salaysay tungkol sa
isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang
mga tauhan.

Maikling Kwento: Ang Araw at ang Hangin


Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway itong dalawang
ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.
Isang araw, sinabi ng hangin, "O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa
iyo?"
Ngumiti ang araw. "Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may lalakeng
dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang
kikilalaning mas malakas."
"Payag ako. Ngayon din", magkakasubukan tayo, "malakas na sagot ng hangin. "Ako ang uuna,"
dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa anumang labanan.
Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan ng tao ang hihip
ng hangin kaya naging masigla at bumilis ang lakad nito.
Nilakasan ng hangin ang paghihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang sa may leeg ng
kanyang polo. Inubos ng hangin ang buong lakas sa paghihip. Lalo namang pinakaipit-ipit ng
mga braso ng lalake ang damit dahil tila giniginaw na siya.
Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa paghihip niya ay talagang hindi niya makuhang
mapaalis ang damit ng lalake. "Sige," sigaw niya sa araw. "Tingnan naman natin ang galing mo.
Marahil, hindi mo rin naman mapapahubad ang taong iyon."
Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis ng lalake.
Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya, at ang lalake ay nagkalas ng mga ilang
butones sa baro.
Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinanggal nang lahat
ang mga butones ng polo at hinubad ito. Panalo ang araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang
hangin.

Maikling Kwento: Ang Kasaysayan ng Ating Pambansang Watawat

Ang bandilang Pilipino ay nilikha ng madugong pakikibaka. Ginawa ito ng magigiting na kaanib
sa mapaghimagsik na Katipunan ni Bonifacio, na siyang nanguna sa pakikilaban sa Espanya.

Nang una, ang bandila nati'y binubuo ng kayong pula na siyang sagisag ng dugo ng mga kaanib
sa Katipunan, bilang tanda ng kanilang pagtatanggol sa Inang-Bayan. Ang araw ay
nangangahulugan ng pagsibol ng bagong bansa, kaya't sa gitna ng tinurang araw ay may isang
titik na K na ang katuturan nama'y Kalayaan.

Nagkaroon pagkatapos ng iba't ibang hugis, na ang lalong tanyag ay ang kina Heneral Pio del
Pilar at Gregorio del Pilar. Ang balangkas ng mga bandilang ito'y siyang pinagtularan ng ngayo'y
puting triyanggulo, na may dalawang guhit na paayun, araw, at mga bituin.

Ang maningning na tandang ito na buong pagwawaging iwinagayway noong unang taon ng
Himagsikan ay natiklop noong ika-27 ng Disyembre, 1897, nang lagdaan ang kasunduan sa
Biyak-na-Bato bilang pagtatabi ng tabak ng paghihimagsik.

Isang muling pagbabago ang ginawa ng Kapulungan sa Naik sa ating bandila noong ika-17 ng
Marso, 1897, nang ang K ay alisin sa gitna ng Araw.

Ang bandila ngayon ay kahugis noong sa 1898, na ginawa't pinagtibay ng Junta Patriotica,
sanggunian ng mga tapong Pilipino sa Hongkong, at dinala sa Pilipinas ni Heneral Emilio
Aguinaldo noong ika-19 ng Mayo, 1898. Sa maraming paglalabanang sumunod, nang magbalik
ang mga Pilipino sa kanilang lupain, ang bandila, na lalong naging makahulugan sa
pagkakaragdag ng tatlong bituing kumakatawan sa tatlong malalaking pulo ng Pilipinas, ay
buong tagumpay na iwinagayway ng ating hukbo ng Himagsikan.

Ang bandilang ito ay siya nang kinikilalang watawat ng Republika Pilipina noong ika-12 ng
Hunyo, 1898, sa Kawit, Kabite. Siya na ring sumaksi't nagpatibay sa pagpapasinaya ng
Republika sa Malolos, Bulakan, noong ika-23 ng Hunyo, 1899. Ito na rin ang sumaksi sa
pagwawagi't pagkatalo ng mga Pilipino sa Digmaang Pilipino-Amerikano hanggang sa mahuli si
Aguinaldo sa Palanan, Isabela, noong ika-23 ng Marso, 1901.

Sa loob ng mga unang taon ng kapangyarihang Amerikano sa Kapuluan, ang paglaladlad ng


bandilang Pilipino ay naging sanhi ng di pagkakaunawaan, kaya't ang Komisyon, noong ika-23
ng Agosto, 1907, ay nagpatibay ng batas Big. 1696, na kilala sa tawag na Batas sa Bandila na
nagbabawal ng paglaladlad ng bandilang Pilipino sa alin mang pook kahit sa tahanan. Tuwing
magbubukas ng pulong ang Batasan, mula noong 1908 hanggang 1914, ang mga lider na Pilipino
ay gumagawa ng hakbang na tungo sa ikawawalang-halaga ng tinurang batas. Nagtamo sila ng
tagumpay tungkol dito noong ika-22 ng Oktubre, 1919, na panahon ng Gobernador-Heneral
Francis Burton Harrison.
Ang pagkapabalik ng bandilang Pilipino ay nangahulugan ng pagkilala sa pagka-bansa ng
Pilipinas, kaya't sa kasalukuyan, ang ating bandila na sagisag ng bagong kalayaan, at ng bagong
bansa, ay hindi kapiling na nakawagayway ng bandilang Amerikano.

Maikling Kwento: Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawaa ang prinsesa gabi-gabi ngunit, walang makapagsabi kung saan siya pumupunta.

Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing
hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa.
Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo.

Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi
dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring
makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi.

Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng isang


matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang napamahal sa kanya
dahil madalas siyang tulungan nito.

Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. "Maganda pong talaga ang
prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya."

Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa mga balikat niya ay
hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at pinagbilinang magpakaingat
bago siya nagpaalam.
Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang magbantay. Biglang
nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang napakagandang binibini.

May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa ay kanyang
itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy agad ang mga dahon ng halaman.

Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang maramdaman niyang
lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang balabal at sinundan niya ito. May
dinaraanan palang tagong pintuan ito na palabas sa palasyo.

Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. Di nito alam ay kasama ang binata dahil
hindi niya nakikita ito.

Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan huminto ito at
bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga gitanong nagkakaipon doon at nagsasaya.

Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at naglagay ng maskara.

Nilapitan niya ang prinsesa at sila'y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang
mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng sapatos.

Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila'y bumalik sa palasyo.

"Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?" tanong ng hari nang
humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.

"Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi. Ito po ang
katunayan-itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na
makasayaw siya."

Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang nagpakita ng
katunayan. Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang
ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang gabi.

Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng prinsesa na masaya
namang yumakap sa kanya.
DULA
Isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa
ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga
tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-
masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang
mga taong dalubhasa sa larangan ng
pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay
tinatawag na mga mandudula, dramatista,
o dramaturgo.

Dula: Pagsubok
Isinulat ni: Natasha Liv Uy
Tagapagsalaysay: Bagong lipat lang sila Evren sa lungsod ng Baybay. Dahil dito kailangan din
niyang lumipat ng paaralan. Sa pasukan ay hindi naging problema sa
kanya ang pakikihalubilo sa iba dahil sadyang pala-kaibigan ang binata.
Sa unang markahan ay isa siya sa mga top students ng kanilang klase.
Masipag kasi siyang mag-aral at ito ay ang una sa listahan niya ng mga
prioridad.

Guro: Congratulations sa’yo Evren!

Evren: Salamat po sir!

Tagapagsalaysay: Nang humantong ang ikalawang markahan ay patuloy pa rin siyang


nagsusunog ng kilay kada gabi. Ngunit isang araw, habang pauwi na siya
kasama ang kanyang barkada ay kinulit siya ng mga ito na maglaro ng
dota na matagal na niyang hini-hindian.

Valerian: Pre kahit isang laro lang. Subukan mo lang naman.

Lath: Oo nga pre. Tara!

Tagapagsalaysay: Hinatak siya agad ng kanyang mga kaibigan kaya wala na siyang ibang
nagawa kundi sumama.

Evren: Isang laro lang pre ah. Mag-aaral pa kasi ako para sa pasulit natin bukas.

Lath: O sige.

Tagapagsalaysay: Nagsimula na silang maglaro ng dota. Ang sinabing isang laro ni Evren ay
nasundan pa ng isa hanggang sa sila ay naabutan na ng gabi. Ang pag-aaral
para sa kanilang pasulit ay nawaglit na sa kanyang isipan.

Tagapagsalaysay: Kinabukasan ay kalahati lang ang nakuha niyang tamang sagot  sa kanilang
pasulit. Sa puntong iyon nagsimula ang pagbaba ng grado ni Evren at ang
pagka-adik niya sa dota. Napansin ito ng kaniyang guro kaya kina-usap
siya nito pagkatapos ng klase.

Guro: Evren, napapansin ko na bumababa na ang iyong mga grado at hindi ka


na nakakakuha ng mataas na iskor sa mga pasulit ko.

Evren: Pasensiya na po sir. Hindi na po kasi ako nakakapag-aral ng maayos sa


gabi.

Guro: At bakit naman?

Evren: Eh kasi sir naglalaro po kami ng mga kaibigan ko ng dota at minsan


naaabutan na kami ng gabi.
Guro: Hindi talaga mabuti iyang paglalaro niyo niyan eh naaapektuhan ang
pag-aaral niyo. Kaya simula ngayon unahin mo muna ang iyong pag-
aaral kesa diyan sa dota.

Evren: Opo sir

Guro: Kaya mo ‘yan pagsubok lang yan Evren. Sige na pumunta ka na sa


aklatan tutulungan ka ng isa mong kaklase.

Evren: Ho? Sino po?

Guro: Basta sige na pumunta ka na doon baka naiinip na ‘yon.

Tagapagsalaysay: Habang papunta si Evren sa aklatan ay lingid sa kanyang kaalaman na si


Faith ang tutulong sa kanya na mag-aral. Ito ay isa rin sa mga top
students ng kanilang klase at unang araw pa lang ng pasukan ay
nagandahan na talaga siya dito pero hindi niya ito masyadong pinansin
dahil inuna niya ang kanyang pag-aaral.

Faith: O Evren, andiyan ka na pala.

Evren: Faith?

Faith: Ako nga. Halika na simulan na natin para maaga tayong maka-uwi.

Evren: Okay lang naman kung ako lang mag-isa ang mag-aaral baka naaabala
kita.

Faith: Hindi naman, tsaka pinapabantayan ka sa ‘kin ni sir baka daw kasi
hindi ka mag-aaral at pupunta ka lang sa kompyuter shop para
magdota.

Evren: Ah sige.

Tagapagsalaysay: Iyon ang simula ng pagtaas ulit ng grado ni Evren at ang pagiging
magkaibigan nila ni Faith. Isang araw hindi na talaga kaya ni Evren na
hindi siya nakakapaglaro ng dota kaya inilabas niya ang kaniyang
frustrasyon sa kaibigan.

Evren: Faith talaga bang hindi ako pwedeng maglaro ng dota? Alam ko na
importante ang pag-aaral pero tao din naman ako may karapatan din
akong sumaya.

Faith: Hindi naman sa ganon. Pwede ka namang maglaro pero gawin mo sa


tamang oras. Maglaan ka ng oras sa pag-aaral at paglalaro.
Evren: Sige gagawin ko ‘yan

Tagapagsalaysay: Natutunan ni Evren ang pagdisiplina sa sarili at kung paano ibalanse ang
kanyang oras sa pag-aaral at paglalaro. Natapos niya ang High School
bilang salutatorian at si Faith naman ang valedictorian. Lahat tayo ay
dumadaan sa mga pagsubok nasa iyo lang kung haharapin mo ito o
magpapatalo ka lang. Magtiwala ka sa iyong sarili. Malalampasan mo
ito kung ikaw ay pursigido at may tiwala sa Diyos.

TALAMBUHA
Y
Ako si Oct Chill B. Rosalita ipinanganak noong Octobre 22, 1979 sa Purok 5, Kilangi,
Lurugan Valencia City. Ang aking ama ay si Abias A. Rosalita at ang akin namang ina ay si
Mercedes A. Baclay. Mayroon akong apat na kapatid, sina Mera Jean, Deceem, Novielyn at May
Grale. Sa edad na 31, Ako ay nakapag asawa ng isang guro. Ang kanyang pangalan ay si Elaine
M. Galleros. Siya ay tubong Cagayan de Oro city ngunit sa aming bayan siya nagtrabaho, duon
narin kami nagkakilala. Biniyayaan naman kami ng dalawang malulusog na ank, sina Octchill
Rhey, pitong taong gulang at Lainey Rhye na dalwang taong gulang palang. Natapos ko ang
aking pag-aaral sa elementarya at highschool sa Mountain View College. Ngayon, kasalukuyan
akong naka enroll sa Philippine College Foundation sa kursong Edukasyon.
Mahilig akong mamasyal sa lugar na hindi ko pa napuntahan. Kasama ko ang aking
buong pamilya sa aking mga paglalakbay. Mahilig rin akong mag motocross riding. Ito ay isang
delikadong laro ngunit sa pagdarasal at pag iingat, masaya kong ginagawa ang hilig na ito.
Karamihan, kasama ko ang aking bunsong kapatid na lalaki sa paglalaro. Ang pagkanta ng mga
awit para sa panginoon ay isa rin sa pinakagusto kung gawin. Laking pasasalamat ko nang
mabuo ang aming grupo na tinatawag na Triumphant Herald. Kami ay nag aalay ng kanta sa
kahit anong okasyon patungkol sa panginoon. Palagi kaming nag iinsayo upang mas lalo pang
mahasa ang talentong bigay ng panginoon sa samin.
Kami ay pinalaki ng aming mga magulang may takot sa panginoon. Palagi kaming
nagsisimba kasama ang aking mga kapatid at ngayon ang aking bagong buong pamilya. Sa
panginoon rin ako humugot ng pag asa na malampasan ang kahit ano mang pagsubok sa buhay.
Sa ngayon, kasalukuyan naming tinatapos ang aming bahay. Ito ang pinagtuonan ko nang pansin
kapag walang pasok sa trabaho. Tinitulungan ko rin ang aking may bahay sa mga gawain lalong
lalo na sa pagbabantay sa aming dalawang anak.
Kapag matapos ko ang aking pag-aaral, balak ko na makapagtrabaho na rin upang mas
lalo akong makatulong sa pagtustos sa mga pangangailangan ng aming pamilya. Marami akong
pangarap, sisikapin ko itong makamit sa gabay ng ating may likha.
PROYEKTO SA
FILIPINO
Literature I

Ipinasa ni:
OCT CHILL B. ROSALITA

Ipinasa kay:
GNG. MARILOU A. CATALAN

You might also like