Professional Documents
Culture Documents
Filipino9 LAS Week4 JMMQ3
Filipino9 LAS Week4 JMMQ3
:
R epublic of the P hilippines
9 D epartment of Education
REG IO N IV-A CALABARZO N
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
4
GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO 9
ALAMAT
SANAYSAY
Pangalan:________________________________ Baitang at Pangkat: _________________
A. Panimula
Ang mga akda gaya ng alamat, pabula, parabula, maikling kuwento, nobela at iba pa ay karaniwang
kapupulutan ng mga aral na maaari nating maging gabay sa pamumuhay. Ang pagbabasa ng mga ganitong uri ng
panitikan ay makatutulong sa atin upang lalo pa nating makilala ang ating pamayanan at kulturang pinagmulan.
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at
karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan; Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/ di
makatotohanan ng akda.
C. Panuto
Inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod:
1. Ingatan ang papel na ito. Huwag dudumihan at tanging sagot lamang ang dapat makikitang nakasulat dito.
2. Basahin at unawaing mabuti ang panuto sa bawat gawain.
3. Gawin at tapusin ang bawat gawain nang nagpapakita ng pagtatamo ng kompetensi.
4. Kung may katanungan at nais linawin ay maaaring makipag-ugnayan sa mga guro gamit ang FB messenger at
text/tawag sa numero ng kanyang telepono.
D. Pamaraan
Panimula
BALIK-ARAL
Bago ka tumungo sa bagong aralin, iyo munang sagutin ang susunod na gawain upang mataya ang iyong
natutuhan sa nakaraang aralin.
Panuto: Sumulat ng pangyayaring nagpapakita ng tunggaliang tao vs. tao at tao vs. sarili.
Ang kuwento ni Prinsesa Manorah ay isang alamat mula sa pinanggalingang bansa nito. Ang alamat o legend
sa wikang Ingles ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, o pangyayari o katawagan na maaaring
kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan.
Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay at ng mga
pangyayaring mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang
salitang alamat ay panumbas sa salitang, “legendus” ng wikang Latin at “legend” ng wikang Ingles na ang ibig sabihin
ay “upang mabasa.”
Nang dahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at noo’y wala pang sistema ng panulat, ito ay nagpasalin-
salin na lamang.
Binabati kita! Ngayon naman ay alamin mo ang mahahalagang impormasyong magpapayabong pa sa iyong
kaalaman at pinag-aaralan ukol sa alamat. Narito at basahin mo nang may pang-unawa.
Sa isang alamat o kuwento, maituturing na mahalagang sangkap ang kilos, gawi at karakter ng isang tauhang
gumaganap upang lubos na maunawaan ng mambabasa ang pagkamakatotohanan at ‘di makatotohanan ng mga
pangyayaring inilalahad. Nasasalig din dito kung paano tatanggapin ng mga nakikinig o bumabasa ang mga aral at
mensaheng hatid nito.
2. ‘Di makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na walang basehan kung bakit nangyari. Ito ay hindi
suportado ng mga ebidensiya o katuwiran. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang nagpapahiwatig ng pag-
aalinlangan o di-katiyakan tulad ng baka, sa aking palagay, palagay ko, sa tingin ko, marahil, sa tingin ko, at iba pa.
Halimbawa:
1. Baka mangyari ang mga sinabi sa pamahiin.
2. Sa aking palagay, totoo ang iyong mga sinasabi.
3. Palagay ko, mataas ang aking grado.
4. Sa tingin ko, mas masaya kung sama-sama tayo.
5. Marahil ang mga bagay na ito ay makasisira sa ating pagsasama.
Pakikipagpalihan
AKTIBITI
Gawain sa Pagkatuto: 1 (Punan Mo Ako!)
Panuto: Kilalanin ang mga tauhan at bigyang-kahulugan ang kanilang kilos, gawi at karakter batay sa
usapang napakinggan (ipabasa ito sa nakatatanda o sinomang makatutulong sa iyo). Isulat ang iyong sagot sa loob ng
grapikong pantulong. Gayahin ang pormat at sagutin sa hiwalay na papel.
PAMANTAYAN: 5 4 3 2
E. Repleksiyon
Panuto: Dugtungan ang sumusunod batay sa naunawaan mo sa aralin:
Naunawaan ko na
__________________________________________________________________________________
Napagtanto ko na
__________________________________________________________________________________
G. Mga Sanggunian
Filipino_Learner_s_Module_Grade_9
Filipino-9-SLMs-3rd-Quarter-Module-5.pdf
H. Susi sa Pagwawasto(optional)
Inihanda ni:
JECILLE M. MASALUNGA
Guro I
Lagda:
JOCELYN P. ARQUILLO
Punungguro II