Suratos Darlenne A.

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Kingfisher School of Business and Finance

Mc, Arthur Highway, Lucao Dist. Dagupan City

Gawain sa Sosyedad at Literature

Reflection Paper
Ang Liham ni Pinay

Ipinasa ni:

Darlenne A. Suratos

Ipinasa kay:

Sir Denson Padlan

March 17, 2020


Pamagat: Liham ni Pinay mula sa Brunei

May Akda: Ruth Elynia S. Mabanglo

References: https://dakilapinoy.com/2008/08/22/liham-ni-pinay-kritika-sa-tula-ni-ruth-elynia-s-
mabanglo/

Introduksyon:

Liham ni Pinay mula sa Singapore Hindi makakaila na ang pangingibang bansa ng mga
kapwa nating pilipino ay hindi na bagong konsepto saating bansa. Ang kahirapan ay isa sa
pinakamalaking problema sa ating bansa. Sa kadahilanang walang kakayahang makapag-aral sa
mataas na antas ng edukasyon at tanging pangaraw- araw lamang ng pamumuhay ang kaya
nilang tugunan o kaya pagkabaon sa utang dulot ng mababang sahod dahil hindi ito sapat upang
makaahon sa kahirapan. Dulot sa matinding pangangailangan ng bawat pilipino naiisipan nilang
magtrabaho sa ibang bansa para sa kanilang pamilya upang makabangon sa kahirapan at
magkaroon ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang mga anak. Ito rin ang
pangunahing dahilan kaya mas ninanais ng maraming pilipino ang umalis saating bansa at
magkaroon ng bagong panimula sa ibang bansa.

Katawan:

Ang liham ay nagbibigay ng repleksyon sa mga pinay o Pilipina na piniling umalis sa


ating bayan para sa bansang Singapore, na nagpapakita ng kanyang karanasan at masolusyunan
ang pagsubok na kinakaharap ng kanyang pamilya ang kahirapan. Makikitang mahirap at
masakit saating damdamin na mawalay sa ating mga minamahal mas lalo sa matagal na panahon.
Ngunit kinailangan ng ating minamahal na lumayo upang makapagbayad ng utang at maranasan
ang kaginhawaan. Lahat naman ay lumiliban sa kadahilanang maghatid ng permanenteng saya
para sa sarili at pamilya. Datapwa't sa kabila ng gustong makamit kailangang magsakripisyo,
maranasan ang paghihirap, gutom, pagod at mga matitinding karanasan na siyang naapektuhan
ang kanilang kalusugan at emosyonal na pakiramdam tanging pagtulog sa gabi lamang ang
kanilang pahinga sa buong araw na pagkayod. Ang Overseas Filipino Workers (OFW) ang
nagpakilala sa Pilipinas at sa buong mundo: mulang impormasyong teknolohiya hanggang
pagkakawanggawa; mula bayani hanggang salarin o biktima ng sarisaring krimen at gulo. Ang
pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ng kanilang pamilya ang siyang pinanghahawakan
ng mga pilipinong nasa ibang bansa upang magtuloy pa rin sa pagkayod at matulungan ang sarili
nilang yaman- ang pamilya. Gaano man kahirap ang buhay sa ibang bansa basta para sa mga
minahal nila mapapawi ang hirap at ito ay magsisilbing ngiti sakanilang mga labi.

Konklusyon:

Ang liham ni Pinay ay repleksyong sa mga kababaihang matatag, matapang, pagiging


hindi makasarili, masakripisyo, mapagmahal sa pamilya at kapwa manggagawa. Hindi nila
iniintindi ang hirap at sakit sa pagkayod at nararapat lamang na sila'y pangahalagahan at irespeto
dahil hindi biro ang kanilang trabaho. Kinakaya nilang isakripisyo lahat alang- alang sa
kinabukasan ng kanilang pamilya. Gustong iparating ng liham saatin ang katotohanang
nararanasan ng mga pinay sa ibang bansa na hindi nakikita ng maraming pilipino sa ating
lipunan.

Bisang pangkaisipan: Ang pagbabasa ng liham ni pinay mula sa brunei napagtanto ko ang
katotohonan na hindi lahat ng nasa ibang bansa ay magaganda ang kanilang karanasan. Ang
pangingibayo mula sa ibang bansa ay animo'y sugal na minsan swerte at minsan hindi dahil may
mga dayuhan ang hindi kanais-nais ang kanilang ginagawa. Napagtanto ko rin ang sakripisyo ng
mga kababaihan para sa ikabubuti ng kanilang pamilya, tinitiis ang hirap upang makamit ang
kaginhawaan. Isinasantabi ang kanilang mga pangarap upang anak o pamilya nila'y may
magandang kalalagyan.

Bisang panlipunan: Ang kahirapan ang pangunahing dahilan kaya maraming pilipino ang
nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Mababang sweldo na nagiging suliranin kaya hindi
natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya. Ngunit sa kabila nito,
isinasantabi ang lahat tulad ng pangarap, pagpiling sa pamilya at mga ninanais ng bawat isa.
Kung kaya napakaraming pilipino ang lumiliban at sinusubok ang lahat ng paraan para sa
magandang kinabukasan.

Bisang pandamdamin: Ina, ate, kapatid o tita ay kasama sa pagbibigay kahulugan ng isang
kababaihan, hindi natin maipagkakaila na mahirap mawalay saating mahal sa buhay. Labis na
magiting at matatag ang mga tulad nila dahil kinakaya nilang tiisin at isakripisyo ang mga bagay
na kanilang ninanais. Isa rin ay ang pangaabuso ng mga dayuhan sa kasarian at personalidad ng
mga pilipino. Masakit mang isipin at mahirap tanggapin na kinailangan pa nilang mangibang
bansa para matustusan ang ating mg pangangailangan.
Mahal kong Pinay,
Binabati kita saiyong kagitingan at maituturing na ikaw ay bayani sa iyong pamilya at
Inang mahal. Bilang tagahanga at kapwa mo pinay nais kong ipaabot sa iyo itong mensahe na
nanggaling malapit sa puso mo lubos akong nagagalak sa pinapakita mong katapangan at
katatagan.
Nabasa ko sa iyong liham ang katotohonang nasa likod ng pakikipagsapalaran sa ibang
bansa. Hindi biro ang iyong naging karanasan dahil napakarami ang dapat osakripsyo at
isaalang-alang tulad ng paglayo sa piling ng pamilya, mga pangarap, kagustuhan at mga hirap na
naranas. Ang tulad mo kababayan ay huwaran dahil kinaya mong suungin ang ibayong dagat
hindi para saiyong sarili kundi sa pamilya at bayan. At hindi rin bago saamin ang pangaabuso
sainyo naming kababayang OFW, lalo na ang mga kababaihan. At ito ay hindi dapat
ipagsawalang bahala, kailangan nating kumilos dahil walang magsusulong nito, kundi tayong
mga kababaihan at mga kapamilya natin. Kalakip ng liham na ito ay ang paalala na ang inyong
kalagayan sa bansang inyong pinatatrabahuan ay pansamantala lamang. Maunlad man ang
bansang inyong kinaroronan, matatapos din ang dagok sa iyong buhay at mananatili ka pa rin sa
bansang iyong pinagmulan, ang Pilipinas. Binibigyan ko ito ng diin upang bigyang halaga ang
inyong mga paghihirap bago pa man ito matapos ang oras sa pagkakayod mula sa ibang bansa.
Ang totoo, wala nang ibang panahon kundi ang pamamalagi mo riyan ngayon, dahil ang bukas
ay hindi na sa iyo. Naniniwala ako na walang OFW, ang hindi nag-isip o naghangad ng
kabuhayan bilang paghahanda sa pagtatapos nang pagtatrabaho sa abroad, ang deperensya na
lang ay kung paano o anong kabuhayan ang maaari nilang ipamalit sa pag-aabroad sakaling tapos
na ito. Ang magkaroon ng magandang buhay, mabayaram ang mga utang at may magandang
kinabukasan ang pamilya ang siyang pangunahing dahilan kung kaya ikaw ay patuloy pa rin
namamalagi at lumalaban sa iyong kinaroroonan.
Lubos kitang ginagalang at nabibilang saaking inspirasyon sa buhay. Ipinagdarasal ko sa
ating Diyos na ikaw ay gabayan sa pagtahak ng iyong daan patungo sa kaginhawaan. Nawa'y
patatagin ka nitong aking mensahe, andito lang kaming mga mahal mo sa buhay na naghihintay
sa iyong pagbabalik at hanggad ang mainit na yakap para sayo at mapawi lahat ng pait na iyong
naranasan. Saludo ako sa iyo aming bayani!
Nagmamahal,
Darlenne Suratos

Kingfisher School of Business and Finance

Mc, Arthur Highway, Lucao Dist. Dagupan City

Gawain sa Sosyedad at Literature

Panunuring Pampelikula
EMIR

Ipinasa ni:

Darlenne A. Suratos

Ipinasa kay:

Sir Denson Padlan


March 17, 2020

I. Pamagat: Emir
II. Director: Chito S. Roño Taon
III. Taon: June 9, 2010
IV. Tagpuhan: Middle East (United Arab Emirates)
V. Tauhan:
 Frencheska Farr bilang Amelia isang nanny
 Jhong Hilario bilang Boyong isang driver
 Sid Lucero bilang Victor kasintahan ni Amelia
 Melanie Dujungco bilang Trining isang mayordoma
VI. Introduksyon:
Nagsimula ang pelikula sa pagpapakita ng karanasan ng kanilang pamumuhay ng bawat
pilipino sa kanilang lugar. Ito ay nagpapakita ng kahirapan kung kaya't kinailangan ni Amelia
na mangibang bansa dahil sa hanggad niyang makatulog sa kanyang pamilya at magkaroon
ng magandang pamumuhay.

Saglit na kasiglaan:
Si Amelia, isang masiyahing batang babae mula sa isang mahirap na pamilyang Ilocano,
ay nagpasiyang pumunta sa ibang bansa at hanapin ang kanyang kapalaran at makakatulong
din sa kanyang pamilya. Siya ay naging katulong ng isang maharlikang pamilya sa Gitnang
Silangan. Ang bagong panganak na anak ay isang lalaki na nagngangalang Ahmed, at si
Amelia ang napili na alagaan ang sanggol, at doon niya sinabi na malaking karangalan na
siya ang napili. Ngunit si Amelia ay nangangamba na baka hindi niya kaya o magampanan
ang kanyang tungkulin bilang isang nanny. Si Amelia ay napamahal at lumalaki na mahilig
sa sanggol, tinuruan niya si Ahmed na magsalita ng Tagalog.

Kasukdulan:
Matapos ang labindalawang taong paglilingkod, umunlad ang buhay ni Amelia. Sa
kasamaang palad, darating ang isang digmaan at ang pamilya ay kailangan na umalis sa
palasyo kung sakaling maatake sila. Subalit sila ay naabutan sa palasyo, at ang ilan sa mga
kasama ni Amelia na maids at ang kanyang amo na babae kasama ang dalawang anak ay
pinatay, ngunit pinamamahalaan nina Amelia at Ahmed na tumakas sa pamamagitan ng
pagpunta sa isang lihim na pintuan sa bahay at, sa tulong ni Boyong driver nakaalis sila sa
palasyo, pumunta sa isang malayong lugar upang magtago. Subalit sa gitna ng disyerto ay
naubusan sila ng gas kaya kailangan ni Boyong maghanap ng gas.

Kakalasan:
Dahil sa pagka-hinto ay naabutan sila. Kaya't nagtago sila sa mga bato at tuloyan na
silang nag lakbay hanggang si Amelia at Ahmed ay nahimatay. Isang babae ang nakakita
sakanila at dinala sa nayon. Isang araw, ang mga lalaking nakasakay sa kabayo ay kinuha si
Ahmed kay Amelia. At hindi na muli nakita ni Amelia si Ahmed. Sa tulong ng pamahalaan,
nakauwi si Amelia, kung saan sinimulan niya ang kanyang sariling negosyo at nabubuhay ng
magandang buhay. Nang maglaon nalaman niya na ang mga kalalakihan na kumuh kay
Ahmed ay utos mula sa kanyang ama na si Sheikh.

Wakas:
Makalipas ang ilang taon, may isang pamilyar na boses na tumatawag sa kanya na
"Yaya" at nakita niya si Ahmed na malaki na. Natapos ang pelikula kasama sina Ahmed,
Amelia at Boyong sa bahay ni Amelia. Ang mahiyain na si Boyong ay binigyan pa ng
kuwintas si Amelia dahil wala siyang pagkakataon noon.

VI. Teoryang Pampanitikan


Emir ay ang paglalakbay ng OFW sa ibang bansa. Iniwan ng OFW ang kanilang mahal
na pamilya upang sumabak sa ibang bansa upang makakuha ng kapalaran. Nagsisilbi sila sa
taong hindi nila kilala upang makakuha ng pera at yaman. Pinanganib nila ang kanilang buhay sa
kagustuhang suportahan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Minsan ang inosenteng
OFW na ito ay nakatagpo ng digmaan, lindol at maraming mga kalamidad subalit nagpapatuloy
sila sa pagpunta sa ibang bansa upang magkaroon ng pagkakataon.

Bisang Pampanitikan
Upang magsilbing eye-opener at salamin ng ating lipunan. Ipinapakita nito ang totoong
sitwasyon ng mga Pilipino na nagpapatunay sa kanila na umalis sa bansa at hanapin ang kanilang
kapalaran sa ibang bansa. Nagbibigay din ito ng isang mensahe para sa gobyernl na gumawa ng
isang hakbang at gumawa ng isang bagay tungkol dito.
Upang magturo ng maraming mga halaga. Matapos mapanood ang pelikula, si Amelia ay
isang icon ng lakas at katapatan.Ang bawat eksena sa pelikula ay nagbibigay ng mga halaga ng
buhay tulad ng pag-ibig, katapatan, pagtitiis, tiyaga, responsibilidad, katapangan at pakiramdam
ng tiwala.
Upang ipakita ang pagkakaiba-iba ng kultura. Ang pelikula ay nagtatanghal ng dalawang
magkakaibang mga bansa na may dalawang magkakaibang mga kultura na nagpapaalam sa mga
manonood na sa bawat gawain na maaaring mayroon sila, ang pagkakaiba sa kultura ng mga ito
ay nakakaapekto sakanila. Tulad ni Amelia, ang kanyang pakikibaka ay nagpalakas sa kanya
kahit hindi na siya sanay n ginagamit sa asignatura sa bansang kanyang kinaroroonan

VI. Moral Lesson


 Pag-ibig para sa Pamilya at sinakripisyo- kung nais mong makamit ang iyong layunin,
kailangan mong isakripisyo.
 Pag-ibig patungo sa trabaho at katapatan- anumang gawain na iyong pinahahalagahan,
minamahal at nagmamalasakit sa kalooban ay nadulas o nawala sa iyong mga kamay
ngunit mamumulaklak sa mas mahusay na mga bagay.
 Ang kapalaran ay hindi bagay na hinihintay mo, ito ay isang bagay na iyong gagawin at
sakupin.
 Maging mapagpasensya pa dapat kang kumilos. Hindi mo makakamit ang isang bagay sa
isang iglap ng iyong daliri ngunit dapat mong maabot ito sa iyong mga kamay at kung
minsan ay nangangailangan ng oras.
 Kunin ang lahat ng mga pagkakataon at patunayan sa kanila na ikaw ay karapat-dapat sa
mga bagay na iyon - tulad ng sinabi ng awit na "sa simula ng naiiba ngunit natatangi ...
ipakita mo na ika -karapatang tama .. Ang bawat pasya ay maaaring mabuhay ng
binubuksan.

VII. Sinematograpiya
Ang pelikula ay nagpapatunay kung gaano kahirap ang trabaho ng mga kapwa natin
Pilipino sa ibang bansa. Hindi man kasing galing tulad ng mga Hollywood films, hindi ko
maipagkakaila na maganda at maayos ang pagkakagawa ng pelikula mula sa pagkuha ng mga
videos at paglalapat ng mga kanta. Ang mga kanta na inilapat sa pelikula ay naisulat ng maayos,
kaakit-akit pakinggan, mahusay at ito ay umangkop sa ipinapakitang senaryo sa pelikula. Kung
tungkol sa kwento, maganda ang pagkakagawa nito kahit na ang ibang senaryo ay medaling
mahulaan.

You might also like