Filn - Lec1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales, Philippines
Tel/Fax No.: (047) 811-1683

College/ Department College of Communication and Information Technology


Course Code FILN 2
Course Title Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Place of the Course in the Program
Semester & Academic Year 2ndSemester, AY 2020 – 2021

Introduksyon:

Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na


nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng
kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng
mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap,
reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao,
isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.

Inaasahang Matutuhan:
Sa pagkatapos ng kurso, inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

1. Nauunawaan ang panitikan at kasaysayan.


2. Nalalaman ang paraan ng pagpapahayag
3. Naiisa-isa ang pag-aaral ng panitikan
4. Naibibigay ang kalagayang nakapangyayari sa panitikan

Talakayan:

Lektur 1

 ANG PANITIKAN AT KASAYSAYAN

Matalik na magkaugnay ang Panitikan at kasaysayan. Sa pagtalakay ng


kasaysayan ng isang lahi, tiyak na kasama rito ang damdamin, saloobin, kaugalian, o
tradisyon ng lahing ito. At ang lahat ng ito kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan.
Ang kasaysayan ay naisatitik kaya’t ito’y makatotohanang panitikan. Ang lahat ng
mga bagay na naisatitik at tunay na mga nangyayari ay makatotohanang panitikan.
Samakatuwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan.

Ang panitikan at kasaysayan ay mayroon ding pagkakaiba. Ang panitikan ay


maaaring mga likhang-isip o bungang isip lamang o mga pangyayaring hubad sa
katotohanan na naisatala, samantalang ang kasaysayan ay pawing mga pangyayaring
tunay na nagaganap may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at may panahon.

Modyul 1: Ang Panitikan at Kasaysayan / Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan (Week 1-2) 1
 MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

Pasulat man o pasalita, tuluyan man o patula, ang anu mang sining ng panitikan ay
maaaring talakayin sa apat na paraan ng pagpapahayag.

1. PAGSASALAYSAY- Ito’y isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang


karanasan.

2. PAGLALAHAD- Ito’y isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o


konsepto. Nagmumugkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay.
Tumatalakay rin ito sa suliranin, nagbibigay dahilan, at nagpapayo ng mga
kalutasan.

3. PAGLALARAWAN-Ito’y isang paraang naglalarawan ng isang tao, bagay o


lunan. Ang mga detalye ng mga katangian o kapintasan ng tao o bagay na
namamalas ay nababanggit ditto.

4. PANGANGATWIRAN-Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakiking


na pumanig sa opinyon ng nagsasalita o sa sumusulat ang paraang ito.

 BAKIT DAPAT MAG-ARAL NG PANITIKAN

May limang mahahalagang bagay kung bakit dapat tayong mag-aral ng


Panitikang Pilipino.

UNA: Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang
ating mananang yaman ng isip at angking talino ng ating pinangggalingang
lahi.

IKALAWA: tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y


may dakila at marangal na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng
pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.

IKATLO: Upang matanto natin an gating mga kakulangan sa pagsulat ng


panitikan at makapagsanay na ito’y matuwid at mabago.

IKAAPAT: Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat


at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.

IKALIMA: Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling


kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling
panitikan.

Modyul 1: Ang Panitikan at Kasaysayan / Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan (Week 1-2) 2
MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN.

1. Klima-Marami ang nagagawa ng nga klima tulad ng init ng panahon ,lamig ng panahon,
tag-ulan o tag-araw sa damdamin ng isang tao.

2. Hanap buhay o mga gawain sa pang-araw araw-Ang mga pahayagan sa panitikan ay


naiuugnay sa mga trabaho ng mga tao.

3. Lipunan o pulitiko-Ang ideolohiya , ugaling panlipunan at pamahalaan gayunman ang


kultura ng mga tao ay nasasalamin sa panitikan ng bansa.

4. Pook o tinitirahan-Ang heograpiya ng isang lugar ay may malaking impluwensya sa tao.

5. Edukasyon at Pananampalataya-Ang mga panitikan na inihahahayag sa lipunan ay


naaayon sa mga natutunan at mga paniniwala ng mamamayan.

MGA AKDANG PAMPANITIKAN


Mga akdang Tuluyan:
• ALAMAT - isang uri ng panitikan na nagkukukwento tungkol sa pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig
• ANEKDOTA - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.
• NOBELA - o kathambuhay ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang
kabanata.
• PABULA - ay isang uri ng kathang-isip na panitikan na kung saan mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan , katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, at lobo at kambing.
• PARABULA - o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
• MAIKLING KWENTO - isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isaito ng kakintalan o impresyon
lamang.
• DULA - isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro.
• SANAYSAY - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-
kuro ng may-akda.
• TALAMBUHAY - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang
tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
• TALUMPATI - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
• BALITA - mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.
• KWENTONG BAYAN - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.

Modyul 1: Ang Panitikan at Kasaysayan / Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan (Week 1-2) 3
ANG IMPLUWENSYA NG PANITIKAN

Banal na Kasulatan
• Ang Biblia ay mula sa bansang Palestina Ang Biblia ay mula sa bansang Palestina at
naging batayan ng sangkakristiyanuhan. at naging batayan ng sangkakristiyanuhan. Ito ay
naging banal sapagkat ito’y Ito ay naging banal sapagkat ito’y kinasihan ng banal na ispiritu.
kinasihan ng banal na ispiritu.

Koran
• Mula sa bansang Arabia na nagtataglay Mula sa bansang Arabia na nagtataglay ng mga
kaisipan at kautusan siyang ng mga kaisipan at kautusan siyang sinusunod hanggang sa
ngayon ng mga sinusunod hanggang sa ngayon ng mga Mohammedan. Mohammedan.
• Ito ay mula sa salitang arabic na ang ibig Ito ay mula sa salitang arabic na ang ibig sabihin
ay isang pagbasa. sabihin ay isang pagbasa.
• Naglalaman ng mga paniniwala na galing Naglalaman ng mga paniniwala na galing kay
Allah na ibinigay kay Muhammad

5 Pillars of Islamic Faith


• Araw-araw na pagbigkas “Walang panginoon Araw-araw na pagbigkas “Walang
panginoon kundi si Allah at si Muhammad ang kanyang kundi si Allah at si Muhammad ang
kanyang propeta propeta • Pagdarasal ng limang ulit sa isang araw na Pagdarasal ng limang
ulit sa isang araw na nakaharap sa Mecca na ang ulo’y nakatungong nakaharap sa Mecca na
ang ulo’y nakatungong sumasayad sa lupa

Mahabharata Mahabharata
• Isa sa dalawang pangunahing Sanskrit Isa sa dalawang pangunahing Sanskrit epiko ng
India na nagbigay-halaga sa epiko ng India na nagbigay-halaga sa mataas na kalidad ng
literatura at mataas na kalidad ng literatura at inspirasyong panrelihiyon. inspirasyong
panrelihiyon.
• Tumutukoy ito sa labanan sa pagitan ng Tumutukoy ito sa labanan sa pagitan ng dalawang
grupo ng magpi-pinsan – ang dalawang grupo ng magpi-pinsan – ang Kauravas Kauravas at
ang at ang Pandavas. Pandavas.
• Ang ibig sabihin ng Mahabharata ay Ang ibig sabihin ng Mahabharata ay “Great King
Bharata” “Great King Bharata”

Book of the Dead Book of the Dead


• Ang Book of the Dead ay kayamanang Ang Book of the Dead ay kayamanang
pangliteratura ng Ehipto pangliteratura ng Ehipto
• Ito’y produkto ng mga lumang kulto Ito’y produkto ng mga lumang kulto nabuo sa
kabihasnan ng lumang Ehipto. nabuo sa kabihasnan ng lumang Ehipto.
• Ito ay koleksyon ng mahigit 100 na sulat Ito ay koleksyon ng mahigit 100 na sulat tungkol
sa mahika, dasal at awit sa mga tungkol sa mahika, dasal at awit sa mga anito tulad ni Amon-
Re at Osiris.

The Divine Comedy


• Ang La Divine Commedia (Italian) ay isa Ang La Divine Commedia (Italian) ay isa sa mga
haligi ng panitikan ng Europa. sa mga haligi ng panitikan ng Europa. Itinuturing ito na isa sa

Modyul 1: Ang Panitikan at Kasaysayan / Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan (Week 1-2) 4
mga dakilang gawa Itinuturing ito na isa sa mga dakilang gawa sa kasaysayan ng literatura. sa
kasaysayan ng literatura.
• Ang obra-maestra na ito ni Dante Alighieri Ang obra-maestra na ito ni Dante Alighieri ay
naisulat noong 1310-1314.

Five Classics at Four Books


• Ang Five Classics at Four Books ay Ang Five Classics at Four Books ay maituturing na
pinagmulan ng “Confucian maituturing na pinagmulan ng “Confucian Literature”.
Literature”. • Ito’y naglalaman ng mga turo ni Ito’y naglalaman ng mga turo ni Confucius
tungkol sa kahulugan ng buhay, Confucius tungkol sa kahulugan ng buhay, nakapaloob ito sa
dalawang koleksyon ng nakapaloob ito sa dalawang koleksyon ng mga kasulatan.

Five Classics Five Classics


1. The Book of Changes (Yi Ching) The Book of Changes (Yi Ching)
2. The Book of History (Shu Ching) The Book of History (Shu Ching)
3. The Book of Songs (Shih Ching) The Book of Songs (Shih Ching)
4. The Book of Rites (Li Ki) The Book of Rites (Li Ki)
5. The Book of Spring and Autumn (Chun The Book of Spring and Autumn (Chun Chui)

The Four Books The Four Books


• The Analect The Analect
• The Mencius The Mencius
• The Doctine of the Mean The Doctine of the Mean
• The Great Learning

Iliad at Odyssey Iliad at Odyssey


•Mula sa bansang Gresya na isinulat ni Mula sa bansang Gresya na isinulat ni Homer
Homer Ang Iliad Ang Iliad
• Tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran Tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga
Greko noong kanilang ng mga Greko noong kanilang kapanahunan. kapanahunan.
• Tulang epiko na tungkol sa salaysay ng Tulang epiko na tungkol sa salaysay ng pagsakop
ng mga Griyego sa Lungsod ng pagsakop ng mga Griyego sa Lungsod ng Troy. Troy.
• Pinakatanyag na akda mula sa panitikan Pinakatanyag na akda mula sa panitikan ng Gresya.

Odyssey Odyssey
• Isinulat patapos na ang 8 Isinulat patapos na ang 8th th Century B.C. Century B.C.
• Tumatalakay sa mahabang paglalakbay ni Tumatalakay sa mahabang paglalakbay ni
Odysseus isang bayaning Griyego pabalik Odysseus isang bayaning Griyego pabalik sa
Ithaca pagkatapos ng pagbagsak ng sa Ithaca pagkatapos ng pagbagsak ng Troy. Troy.
• Itinuturing ito na isang salaysayin ng Itinuturing ito na isang salaysayin ng pagmamahalan
o mga katangiang pagmamahalan o mga katangiang makaromansa.

Tema/kaisipan ng Iliad at Odyssey


• Naglalantad ng katapangan at Naglalantad ng katapangan at pagpapakasakit ng sarili
pagpapakasakit ng sarili
• Paghahangad ng Kapangyarihan Paghahangad ng Kapangyarihan
• Nagpapakita ng kahinaan ng tao Nagpapakita ng kahinaan ng tao
• Pagmamahal sa pamilya at kalahi

Modyul 1: Ang Panitikan at Kasaysayan / Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan (Week 1-2) 5
El Cid Compeador El Cid Compeador
• Nagpapakita ng katangiang panlahi ng mga Nagpapakita ng katangiang panlahi ng mga
kastila at ng kanilang alamat at kasaysayang kastila at ng kanilang alamat at kasaysayang
pambansa noong unang panahon pambansa noong unang panahon
• Ito’y isang tulang pasalaysay na kung saan Ito’y isang tulang pasalaysay na kung saan
malaking bahagi ng tula ay base sa malaking bahagi ng tula ay base sa katotohanan.
katotohanan.
• Si Rodrigo Diaz de Bivar ang tinuturing na Si Rodrigo Diaz de Bivar ang tinuturing na
pambansang bayani sa Espanya. pambansang bayani sa Espanya.
• Ang ibig sabihin ng El Cid ay Diyos ng digmaan Ang ibig sabihin ng El Cid ay Diyos ng
digmaan o pakikipaglaban.

The Songs of Roland The Songs of Roland


• La Chanson de Roland ang La Chanson de Roland ang pinakamatanda at pinakadakilang
tula na pinakamatanda at pinakadakilang tula na naisulat sa wikang pranses noong naisulat sa
wikang pranses noong kalagitnaang panahon. kalagitnaang panahon.
• Ayon sa mga iskolar ang tula ay naisulat Ayon sa mga iskolar ang tula ay naisulat sa
pagitan ng taong 1098-1100. sa pagitan ng taong 1098-1100.
• Sa ibang mga iskolar ang tulang ito ay Sa ibang mga iskolar ang tulang ito ay isang
propaganda upang hikayatin ang isang propaganda upang hikayatin ang mga kristiyano na
kalabanin ang islam.

A Thounsand and One Nights A Thounsand and One Nights


• Ito’y nagtataglay ng mga kaugaliang pampamahalaan, Ito’y nagtataglay ng mga kaugaliang
pampamahalaan, pangkabuhayan, pangkalinangan at panrelihiyon ng mga pangkabuhayan,
pangkalinangan at panrelihiyon ng mga taga-silangan. taga-silangan.
• Kilala din ito sa tawag na “The Arabian Nights” Kilala din ito sa tawag na “The Arabian
Nights”
• Unang naisalin ito sa wikang Pranses mula sa salitang Unang naisalin ito sa wikang
Pranses mula sa salitang Arabo noong 1700’s at noon din ito unang nailimbag sa Arabo
noong 1700’s at noon din ito unang nailimbag sa pamamagitan ni Antoine Galland isang
Pranses, kaya pamamagitan ni Antoine Galland isang Pranses, kaya nakilala ito sa Europa.
nakilala ito sa Europa.
• Ang bersyon ni Sir Richard Burton na may 16 na volume Ang bersyon ni Sir Richard
Burton na may 16 na volume ang pinaka-kilalang salin sa Ingles na hinango niya ang pinaka-
kilalang salin sa Ingles na hinango niya naman kay John Payne. naman kay John Payne.
• Ang A Thousand and One Nights ay koleksyon ng mga Ang A Thousand and One Nights
ay koleksyon ng mga kuwento tulad ng Aladdin, Sindbad at Ali baba na mula kuwento tulad
ng Aladdin, Sindbad at Ali baba na mula sa Arabia at Persia.

Modyul 1: Ang Panitikan at Kasaysayan / Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan (Week 1-2) 6
1. Tulang pasalaysay- ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o
pangyayari sa buhay.

MGA URI NG TULANG LIRIKO

A. Epiko- ang mga epiko ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi


mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan.
B. Awit at Kurido- ang mga ito ay may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa
pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsepe’t
prinsesa.
K. Balad-ito ay mga himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.

2. Tula ng damdamin o Tulang Liriko- ang uring ito ay nagpapahayag ng damdamin


maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao o kaya’y likha ng maharaya o
mapangaraping guni-guni ng makata ba batay sa karanasan.

MGA URI NG TULANG LIRIKO

A. Awiting bayan- ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa
o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.
B. Soneto-ito’y tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan,
may malinaw na batiran ng likas na pagkatao at sa kabuuan ito’y naghahatid ng
aral sa mambabasa.
C. Elehiya- nagpapahayag ng damdamin o guni-guni tungkol sa kamatayan o kaya’y
tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
D. Dalit –awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting
pilosopiya sa buhay.
E. Pastoral- ito ay may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
F. Oda-Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin;
walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taluodtod sa isang saknong.

3. Tulang dula o pantanghalan

a. Komedya- isang gawa na ang sangkap ay piling pili at ang pangunahing tauhan
ay may layong pukawin ang kawilihang manood.
b. Melodrama-ito ay karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musical, kasama
na ang opera.
c. Trahedya- angkoop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa
pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
d. Parsa- isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga
kawing-kawing na mga pangyayaring nakatatawa.
e. Saynete- ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao
pook.

Modyul 1: Ang Panitikan at Kasaysayan / Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan (Week 1-2) 7
4. Tulang patnigan
a. Karagatan- ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya
sa dagat sa hanagrin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap.
b. Duplo-ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula.
c. Balagtasan-ito ang pumalit sa duplo at ito ay sa karangalan ng Siesne ng
Panganay sa si Francisco Balagtas Baltazar.

Talakayan:

Lektur 2
 PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASAYSAYAN

Mayroon narin an gating ninuno noong sariling baybayin o alpabetong kaiba sa kasalukuyang
ginagamit na dinala ng mga kastila. Ito ay ang alibata-ang abakadang kahawig ng Malayo-
Polinesyo, na unang ginamit ng ating ninuno.

Ang ating mga ninuno ay gumamit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog, at dahon
at balat ng mga panunongkahoy bilang sulatan.

MGA BAHAGI NG PANITKANG FILIPINO BAGO DUMATING ANG MGA


KASTILA

1. Ang alamat- isang iro ng panitikang tuluyan na ang karaniwang paksa ay


nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan o katawagan.
2. Kwentong bayan- ito ay madalas nangyayari sa loob at labas ng ibang lugar. Ito ay
nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga tao, kaya’t ang katotohanan sa kuwento ay
mahirap tukuyin.

Bukod sa mga nabanggit na epiko, marami pang kahawig ng mga ito ang maaaring
mabasa at mapag-aralan tulad ng:

a. Bidasari-epiko ng Moro
b. Biag ni Lam-ang-epiko ng Iloko
c. Maragtas- epiko ng Bisaya
d. Haraya- epiko ng Bisaya
e. Lagda-epiko ng Bisaya
f. Hari sa Bukid-epiko ng Bisaya
g. Kumintang- epiko ng Tagalog
h. Parang Sabir-epiko ng Moro
i. “Dagoy” at “Sudsud”-epiko ng mga Tagbanua
j. Tatuang-epiko ng mga Bagobo
k. Indarapatra at Sulayman-epiko ng Moro na bumubuo sa “Darangan”
l. Bantugan-epiko ng Moro na bumubuo sa “Darangan”

Modyul 1: Ang Panitikan at Kasaysayan / Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan (Week 1-2) 8
m. Daramoke-A-babay-epiko ng Moro na bumubuo sa “Darangan”
3. Awiting Bayan-isa sa mga matatandang uri ng Panitikang Filipino na lumitaw bago
dumating ang mga Kastila. Ito ang naglalarawan ng kalinangan ng ating tinalikdang
panahon. Karamihan sa mga ito ay may lalabindalawanhing pantig.

MGA KARUNUNGANG BAYAN

1. Salawikain- nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang


asal ng ating mga ninuno.
2. Sawikain- mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
3. Bugtong-binubuo ng isa o dalawang taludtud na maikli na may sukat at tugma. Ang
pantig naman nito ay maaaring apat o hanggang labindalawa.
4. Palaisipan- noon pa man ay may matatawag na ring palaisipan ang mga ninuno
Halimbawa: may bola sa mesa. Tinakpan ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang
di man lang nagalaw ang sombrero?
Sagot: butas ang tuktok ng sombrero.
5. Bulong-ito ay ginagamit pangkulam o pang ingkanto
6. Kasabihan- ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang
tao.
7. Kawikaan-kauri ng sawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral
ng buhay.

SANGGUNIAN:

Panitikang Filipino-Kasaysayan at Pag-unlad-Pangkolehiyo


Abadilla, Alejandro G. tanagabadilla, Unang Aklat. Manila: Panitikan Publishing. Co., 1964
Agoncillo, Teodoro Ang Maikling Kuwentong Tagalog, Quezon City: Inang wika Publishing
Co., 1971.

Inihanda ni:

G. MELCHOR E. PAJES
Instraktor I

Binigyang-pansin ni:

G. MICHAEL G. ALBINO, MIT


Program Coordinator, CCIT

Modyul 1: Ang Panitikan at Kasaysayan / Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan (Week 1-2) 9

You might also like