Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

JUSTICE CECELIA MUNOZ PALMA SENIOR HIGH SCHOOL

Paseo del Carmen St., AMLAC Ville Subdivision, Payatas B, Quezon City
SELF LEARNING MATERIAL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Petsa: Marso 29-Abril 2, 2021

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa.
(F11PS – IIIb – 91)
 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. (F11PU – IIIb – 89)

Layunin
 Nakatutukoy ng mahahalagang elemento sa tekstong impormatibo.
 Nakagagamit ng mga impormasyon sa tekstong impormatibo bilang solusyon sa umiiral
na suliranin ng komunidad.
 Nakasusulat ng isang halimbawa ng tekstong impormatibo.

Subukin
Panuto: Kausapin ang iyong kasama sa bahay. Ipagpalagay na isa sa inyong dalawa ang
manedyer ng isang kompanya at ang isa naman ay aplikante. Punan ang mga patlang ng
hinihinging impormsyon ayon sa inyong papel na ginagampanan.

Bilang isang manedyer, ano anong Bilang isang aplikante, ano anong impormasyon
impormasyon ang dapat kong ang dapat kong ipaalam sa manedyer ng
malaman tungkol sa aking aplikante? kompanya.
Alam mo ba?
Tekstong Impormatibo

- Uri ng babasahing di-piksiyon.


- Isinulat sa layuning makapaghatid ng imprmasyon sa mga mambabasa.
- Maaaring Mabasa sa mga magasin, mga batayang aklat, mga aklat, sanggunian, at iba
pa.

Halimbawa ng sulatin o akdang pampanitikan na naglalaman ng tekstong impormatibo


 Mga sangguniang aklat gaya ng ensayklopediya, almanac, batayang aklat, at diyornal
 Ulat
 Pananaliksik
 Artikulo
 Komentaryo
 Polyeto o brochure
 Suring papel
 Sanaysay
 balita

Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo

1. Layunin ng may-akda
2. Mga pangunahin at suportang ideya
3. Hulwarang Organisasyon
4. Talasalitaan
5. Kredibilidad ng mga impormasyong nakasaad sa teksto

Paghahanda para sa pagsulat ng Tekstong Impormatibo

1. Pananaliksik upang masigurong pawang mapagkakatiwalaan at totoong impormasyon


lamang ang isusulat.
2. Kung magkulang sa pananaliksik, maaaring mga ideya niya lamang ang maisusulat.
3. Tiyaking may sapat na batayan upang hindi makalito sa mambabasa at lalong
mapagtibay ang paghahatid ng impormasyon.
4. Gumamit ng angkop at wastong salita.
5. Isaalang-alang ang ugnayan ng mga ideya at ang diin at linaw ng pagpapaliwanag.
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga teksto. Sagutan ang talahanayan

Mga salitang Pangunahing Kredibilidad ng Mabisang paraan


nakatulong sa impormasyon/ideya na mgs upang magamit
Pag-unawa sa nakuha sa teksto impormasyong ang kaalaman
teksto tinalakay sa bilang solusyon
teksto sa umiiral

Kinikilala ng sosyolohiya na malaki ang papel na ginampanan ng pamilya sa lipunan.ito


ang tumatayong sentro ng sosyalisasyon. Tinatawag din itong pinakamaliit na yunit ng
lipunan . Sinabi nga ni Ramirez sa kaniyang aklat na Understanding Philippine Social realities
na mahalagang pagtuunan ng pansin ang pamilyang {ilipino upang lubos na maunawaan ang
lipunan ng Pilipinas/. Sa pamilya nagaganap ang pagbabahagi ng pagpapahalagang Pilipino na
siyang naibabahagi rin sa lipunan at sa huli, muli itong ibinabalik sa loob ng pamilya. Kaya nga
maaaring masabi na kung anong klase ng pamliya mayroon ang isang lipunan ay ganoong
klase din ang paglalarawan ng lipunang kinabibilangan nito at bise bersa. Hinuhubog ng
pagpapalaki ng magulang ang uri ng Pilipinong bubuo sa isang istraktura ng lipunan. Marahil
kung paano mag-isip, magsalita at kumilos ang isang indibidwal sa loob ng pamilya, ay
nagpapakita kung paano rin siya pinalaki ng kaniyang mga magulang. Ang mha sistemang ito
ang humubog sa kulturang nakagisnan ng lipunang Pilipino.
Halaw mula sa Pagkalusaw at Pagliligtas ng Wikang Bolinao: isang Panimulang pag-aaral,
-sulating pananaliksik nina Atezora at Morales

Ang mga bakla at ang Kultural na kapangyarihan ng mga wikang ginagamit ng mga bakla
sa Gay Beauty Contest
Palaki nang palaki ang bilang ng mga bakla sa lipunang Pilipino. Ang bakla ay isang
Paglalapat
Panuto: Umisip ng isang paksa na maaarig gawan ng iba’t ibang uri ng impormasyon.
Sagutan ang gabay bilang paghahanda sa pagsulat. Sumulat ng isang tekstong impormatibo
tungkol dito.

1. Layunin sa Pagsulat
2. Pangunahing ideyang tatalakayin
3. Mga susuportang ideya sa pangunahing ideya
4. Hulwarang organisasyon na gagamitin
5. Mga impormasyong kailangang saliksikin at sanggunian
Rubrik sa Pagsulat ng Tekstong Impormatibo

Pamantayan Puntos Natamong


Puntos
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng
teksto.
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin.
Himay-himay na inilahad ang mga suportang ideya.
Organisado ang mga ideya gamit ang isang angkop
na hulwarang organisasyon.
Matibay na nailahad ang mga ideya nang may sapat
na batayan/sanggunian at walang kinikilingan upang
maipakita ng kredibilidad ng mga impormasyong
isinaad sa isinulat na teksto.
Kabuuan

Pagtataya
Panuto: Isulat ang I kung karaniwang naghahayag ng impormasyon ang uri ng teksto na
nakasaad sa bilang at H kung hindi.
1. Pahayagan
2. Pagsusuri sa isang dulang pangtanghalan
3. Editoryal
4. Maikling kuwento
5. Mapa ng Pilipinas sa isang atlas
6. Talumpati
7. Talata tungkol sa iba’t ibang uri ng halaman sa ensayklopediya
8. Facebook post
9. Proposal para sa isang proyekto ng barangay
10. Tula

Sanggunian
Atanacio, H. C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang teksto Tungo sa Pananaliksik. South Triangle ,
Quezon City: C E Publishing, Inc.

You might also like