Grade 11 Pagbasa q3 Week3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

JUSTICE CECELIA MUNOZ PALMA SENIOR HIGH SCHOOL

Paseo del Carmen St., AMLAC Ville Subdivision, Payatas B, Quezon City
SELF LEARNING MATERIAL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Petsa: Abril 5-9, 2021

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

 Naibabahagi ang katangian at kaliakasan ng iba’t ibang tekstong binasa.


(F11PS – IIIb – 91)
 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. (F11PU – IIIb – 89)

Layunin
 Nakasusuri ng mga tekstong deskriptibo ayon sa kaugnayan ng mga ito sa sarili,
pamilya at lipunan.
 Nakakakilala ng pagkakaiba ng masining at karaniwang paglalarawan.
 Nakasusulat ng tekstong ginagamitan ng tayutay.

Subukin
Panuto: Basahin ang sipi ng isang maikling kuwento. Pagkatapos ay sundin ang
panuto at sagutin ang mga tanong kasunod nito.

Maganda si Mareng Mensiya, ngunit ang mas nakaaakit-pansin sa kaniya, sa pagkatanda ko


sa panahon ng kaniyang ‘kasariwaan,’ ay ang kaniyang makapal, alon-along buhok na lagpas
baywang, mapupurok na psingi, at kutis Morena. Siya pa rin ang nagging ‘high society’ sa aming
lugar sapagkat tanging siya lamang sa aming pook ang nakasusunod sa layaw ng katawan.
Napapalatak kaming lahat, halos maptid ang ugat sa aming leeg kapag hinahabol na naming na
tanaw si Mareng Mensiya kung siya halimbawa’y paluwas ng Maynila upang mag-shopping o kaya’y
magsine; nakakolorete, handbag, sandalyas, at sa barong sunod sa uso. Sa gayong pagkatao’y hindi
maiwasang hindin mangimbulo sa kaniya ang aming ina’t ina.
Sipi mula sa maikling kuwentong “Mareng Mensiya”
Ni Fanny A. Garcia
Mga Gabay na Tanong:
1. Sino ang paksa ng sipi? Anong katangian ng paksa ang inilalarawan dito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Aniong impresiyon tungkol sa paksa ang nabuo sa iyong isipan? Sa kabuuan,
ibigay sa isang pangungusap ang katangian ng paksa na nais iparating ng sipi?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ano-anong paglalarawan ang ginamit tungkol sa tauhan kaya nabuo ang gayong
impresyon sa iyong isipan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Ano ang masasabi mo sa paraan ng pagdedetalye ng mga katangian ni Mareng
Mensiya?
________________________________________________________________

Alam mo ba?

Tekstong Desrkriptibo

- May layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao,
ideya, paniniwala at iba pa.
- Ginagamit bilang pandagdag o suporta sa mga impormasyong inilalahad ng
tekstong impormatibo at sa mga pangyayari o kaganapang isinasalaysay a
tekstong naratibo.

Halimbawa ng sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo.


 Mga akdang pampanitikan
 Talaarawan
 Talambuhay
 Polyetong panturismo
 Suring-basa
 Inserbasyon
 Sanaysay
 Rebyu ng pelikula o palabas
Elemento ng Tekstong Deskriptibo

1. Karaniwang Paglalarawan- tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng


pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri o pang-abay.

Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industriyalisasyon at urbanisasyon, lalo na


ang pagbuga ng usok mula sa mga pabrika at mga kotse sa kalsada, at paggamit ng
karbon sa halip na mga ligtas na alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Sa Tsina,
ang malalaking pabrika sa gawaing industriyal ang nagdudulot ng makapal at
nakakalasong usok.
(Mulas sa Asya: Noon at Ngayon nina Alvarezz at Ditchella, 2014)

2. Masining na Paglalarawan
- Malikhain ang paggamit ng wikaupang makabuo ng kongkretong imahe tungkol
sa inilalarawan.
- Tinatangkang ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang bagay,
karanasan o pangyayar
- Ginagamitan ng mga tayutay.

Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industriyalisasyon at urbanisasyon, lalo na ang pagbuga ng
usok mula sa mga pabrika at mga kotse sa kalsada, at paggamit ng karbon sa halip na mga ligtas na
alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Sa Tsina, kung saan dambuhala at singdami ng kabute ang mga
pabrika na dala ng maunlad nilang industriya, halos balutan na ng itim at nakalalasong ulap ang siyudad.

Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Deskriptibo

1. Layunin ng may-akda
2. Mga pangunahin at suportang ideya
3. Paraan ng Paglalarawan
4. Impresyong nabuo sa isip

Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

1. Alamin ang layunin ng isinusulat at pag-isipan kung paano makatutulong ang


paglalarawan bilang karagdagan o suportang detalye sa mensaheng nais
ipabatid.
2. Pag-isipan kung aling aspekto ng paksang inilalarawan ang sapat nang gamitan
ng payak na paglalarawan lamang at alin ang dapat laanan ng masining na
paglalarawan.
3. Bukod sa pagpipinta ng imahe sa isip ng mambabasa, maaaari ding magdagdag
ng paglalarawan ng emosyon upang tumagos din sa damdamin ng mambabasa
ang inilalarawan.
4. Balikan ang isinulat at siguruhing organisado ito.

Mga Tayutay

1. Simili o Pagtutulad- tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaiabang


bagay, tao, o pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang,
kagaya, kasing, kawangis, kapara at katulad.
a. Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga mata.
b. Ang bawat hakbang ng iyong mga paa ay parang isang higante.
2. Metapora o Pagwawangis- tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang
gamitan ng mga salitang naghahayag ng pagkakatulad.
a. Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan.
b. Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib.
3. Personipikasyon o Pagsasatao- paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga
bagay na abstrakto o walang buhay.
a. Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin.
b. Matalinong mag-isip ang bagyo kaya lilihis ito sa ating bansa.
4. Hayperboli o Pagmamalabis- eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya
hindi literal ang pagpapakahulugan.
a. Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking kinakaharap.
b. Nagdurugo ang aking utak sa hirap ng pagsuuslit na ito.
5. Onomatopeya o Paghihimig- tumutukoy sa paggamit ng salitang may
pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito.
a. Malakas ang dagundong ng kulog.
b. Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan.
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga teksto. Suriin ito ayon sa mga katangian at
anyo ng isang tekstong deskriptibo.
1. Ano ang paksa at layunin ng personal na sanaysay?
2. Anong impresyon at damdamin ang nabuo sa iyo habang binabasa ang
sanaysay.
3. Paano napukaw ng teksto ang iyong impresyon at damdamin mula sa
mambabasa?
4. Bigyan ng komento ang paraan ng paglalarawan ng may-akda. Paano nagging
mabisa ang sanaysay sa paggamit ng paglalarawan?
5. Magbigay ng reaksiyon sa huling talata ng sanaysay. iugnay ito kahit sa anong
konseptong may kinalaman sa sarili at komunidad.
Paglalapat
Panuto: Kapanayamin ang limang tao mula sa inyog lugar. Maaari ding
humanap ng kakapanayamin sa ibang lugar tulad ng bukirrin, tabing-dagat,
probimsiya o iba pa, Makipagkuwentuhan at iaplarawan sa kanila ang kanilang
pamamaraan ng panumuhay o anumang aspekto nito. (Gawin ang
pakikipagkuwentuhan sa pamamagitan ng chat o text). Sundan ang gabay sa
pagsulat ng tekstong naglalarawan at agmiting gabay ang rubrik sa ibaba para sa
isusulat.

Rubrik sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

Elemento Pamantayan Puntos Natamong


Puntos
Prosesong ginawa Nakapagsagawa ng panayam sa limang 7
upang makuha nag tao at may katibayan na nagpapakita
mga datos nito
Nilalaman ng Malinaw na nailahad ang layunin sa 10
artikulo pagsulat ng teksto.
Lantad ang pangunahing ideya na
tatalakayin at detalyado ang mga
suportang ideya
Malinaw ang imahe o impresyong nabuo
sa paglalalarawan
Paggamit ng Kumpletong nailarawan ang mga datos 15
natutuhan sa na nakalap mula sa limang taong
pagsulaat ng kinapanayam.
tekstong Wasto ang paggamit ng payak at
naglalarawan masining na paglalarawan.
Akma ang aspekto o katangiang
binigyang-diin sa paglalarawan upang
suportahan ang pangunahing ideya.
Pagpapahalaga Naipapaliwanag nang malinaw ang pag- 8
uugnay ng kaisipang nakuha sa
panayam sa mga usaping may
kaugnayan sa lipunan.
Kabuuan 40
Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung masining o karaniwang paglalarawan ang ipinapakita ng


pangungusap.

1. Tila isang tuod na puno na lamang ang kaniyang naging tugon sa isang sigaw ng
isang magnanakaw.
2. Isang bundok ng labada ang hinaharap ni Tiya Molly tuwing Sabado.
3. Nagulat siya nang makitang ngumingiti na pala ang isang pares ng kaniyang
sapatos.
4. Sirang-sira na ang kaniyang bag nang iwan ng magnanakaw sa isang kanto.
5. Lumalangitngit na ang kawayan sa lakas ng hangin na dala ng bagyo.
6. Bihira na sa ngayon ang isang kandidatong may ambuting hangarin para sa
bayan.
7. Matapang na ipinaglaban ni Jejomar Binay ang knaiyang paninindigan na hindi
siya haharap sa Senado tungkol sa bintang sa kaniyang katiwalian.
8. Lumuluhang panininidigan ang iniharap ng akusado ng isang krimen.
9. Malakas, matipuno, at matikas ang nararapat na katangian nng isang lalaking
haharap sa laban ng oksing.
10. Kahit kalian, talo ang wlang paninindigan.

Sanggunian
Atanacio, et,al. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang teksto Tungo sa Pananaliksik. South
Triangle , Quezon City: C E Publishing, Inc.

You might also like