Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Quñones, Geraine Rose D.

Ika-3 Marso, 2021


BSA- 21 Prop. Marco L. Apolonio

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

F. PANTAWANG PANANAW

(Pasulat na Pag-uulat)

Ang pantawang pananaw ay nangagahulugang tawa bilang kritika sa mga isyu at tauhan
sa lipunan. Kung kaya't isang pagbasang kritikal ng kamalayan (pagsasanib ng damdamin at
isipan) ang pantawang pananaw ng isang taong mulat sa nangyayari sa lipunan. Ang pantawa
bilang 'pan + tawa' ay pag- angkin at pantukoy sa kakanyahan at kakayahan ng tawa bilang
kritika.Tinaguriang pantawang pananaw ang ganitong kalikasan at kakayahan. Ang tawa bilang
catharsis ay masasabing panandalian - isang comic relief. Ang pantawang pananaw ay nakakabit
sa kamalayan at diwa ng mga Pilipino.
May limang elemento ang pantawang pananaw. Ito ang: (1) midyum, (2) kontexto, (3)
kontent o anyo, (4) aktor, at (5) manonood. Isang diwa ng karanasang Pilipino ang pantawang
pananaw. Nakapaloob ito sa karanasan ng tawa bilang kritika, bilang pagtulisa sa kapangyarihan
at kaayusan sa lipunan na mababakas mula pa sa oral na tradisyon, bago pa dumating ang mga
Kastila, hanggang sa paglaganap ng mass media ngayon. Ang bahaging ito ay tumutukoy sa
midyum ng pantawang pananaw. Ang midyum ay daluyan kung saan nagiging laganap o
natatangi ang pantawang pananaw. Kasama rin sa elementong ito ang lunan o situs ng daluyan,
halimbawa, sa entablado, kalye, radyo at telebisyon. Samantala, napakaloob sa daluyang ito ang
iba't ibang anyo na kinabibilangan ng kwentong bayan, sainete, drama, bodabil, dulang panradyo
at impersonasyon bilang palabas sa telebisyon. Ang mga nagsisiganap o mga aktor, ang
tinaguriang mga komedyante at impersoneytor. Ang mga isyung panlipunan na tumatahak sa
sosyal at pulitikal na kalagayan ng bansa ang bumubuo sa kontexto ng pantawang pananaw.
Ilang katangian ng Pantawang Pananaw. Katulad nang nabanggit na hindi lamang pagtawa na
walang kontexto ang pantawang pananaw. Itinataas ito hindi lamang bilang sa aspektong
emosyunal, kundi bilang isang kritikal na pagbasa na tumatarok sa kamalayan at kaisipang
Pilipino. Subjektibong pagbasag sa imahe at katawan. Masasabing isa itong pagkwestiyon sa
katauhan, kaligiran, katawan, at kaayusang panlipunan bilang objek ng tawa at pagtuligsa.
Winawasak nito sa ganitong kritikal na pagbasa ang imahe ng kapangyarihan bilang kahinaan o
ang kapangyarihan bilang imahe ng kawalang kapangyarihan. May kasaysayan. Masasabi
nating nakatuon sa pangyayaring historikal ang pagkukwestiyon sa imahe o katawan ng
kolonyalismo (panahon ng pananakop) o komersyalismo (panahon ng kulturang popular).
Nagpapabago ng kahulugan ang pantawang pananaw sa tayo o poder ng karanasang
kolonyalismo o komersiyalismo. Intersubjektibo. Nangangailangan ng kapwa o sabjek na
tuwirang babasa at magkikritika gamit ang pantawang pananaw. Ang ganitong paraan ay
nangangahulugan ng walang humpay na pagbasa ng manonood, tagapakinig at sinuman upang
makapagbigay ng tuloy tuloy napanlipunang kritika. Intertextual at Reflexibo.
Nangangailangan nang pagiging bukas ng ilang texto upang magamit sa pagpapakahulugan at
pagkatuto na mensahe o simbolo sa alinmang diskurso. Kung kaya’t mahihinuhang naglalakbay
ang pantawang pananaw mula sa kwentong bayan hanggang sa kulturang popular. Samakatuwid,
hindi lamang masasabing isang genre o anyo ng panitikan ang pantawang pananaw, sapagkat
nakabukas sa iba’t ibang anyo at daluyan sa karanasang Pilipino ang pagiging texto nito bilang
pagbasa. Maaari rin kasing isama ang komiks, comic strip na makikita sam ga pahayagan,
pelikula at iba pa. Kung tutuusin, isang magandang paksa sa iba pang pag-aaral ng pantawang
pananaw ang isama ang ilang nabanggit na anyo. Subalit nakatuon lamang sa limitasyon ng pag
aaral na ito ang konsepto at prakrika ng pagtatanghal at palabas na gamit ang pantawang
pananaw, partikular sa impersonasyon.

You might also like