Ang Wika Ay Isang Paraan Upang Tayo Ay Magkaintindihan at Magkaisa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Wika ay isang paraan upang tayo ay magkaintindihan at magkaisa.

Ito ay isang palatandaan


na tayo ay mga totoong mga Pilipino. Ang wika natin ay napakahalaga sa bawat mamamayan
upang masabi natin ang ating mga hinanaing. Ang wika natin ang maging gabay tungo sa
ikakaunlad natin bilang mga Pilipino at para na rin sa ikakalutas ng ating mga suliranin.

Tayong mga Pilipino ay may kanya kanyang mga salita ngunit ganun pa man tayo ay
nagkakaintindihan sa wikang Filipino o wikang tagalog may iisa tayong wika para maunawaan
tayo ng ating kapwa tao. Dapat natin tandaan na nang dahil sa wika nararating natin kung ano
man ang mga pangarap natin sa buhay. Kapag tayo ay nagsasalita ng ating sariling wika
ipinapakita natin sa lahat ang pagiging makabayan natin.

Hindi natin ikinakahiya ang sariling wika dahil ayon pa kay Dr.JOSE RIZAL ang ating pambansang
bayani ang sinumang hindi marunong magsalita ng sariling Wika ay maihahalintulad sa isang
malansang isda. Kaya dapat natin pakakatandaan na kahit saan man tayong sulok ng mundo
dapat natin pa rin isalita ang ating sariling wika. Huwag naman natin ikahiya o itago sa utak natin
na kapag nasa ibang bansa tayo English ng English kapwa Pilipino naman kausap natin. Dapat
natin isipin malayo man tayo sa ating bayang sinilangan huwag natin kalimutan na tayo ay mga
Pilipino.

Masarap pakinggan KABAYAN pag ang wika natin ay ating ipinagmamalaki.Huwag nating
talikuran ang pagiging makabayan at makabansa natin mas maganda parin sa pandinig ang
salitang naiintindihan natin dahil ito ang susi ng pagiging mabuting tao para sa lahat. Ito ang
magtuturo sayo para sa ikaayos ng iyong pamumuhay. Magiging maayos ka at karapatdapat sa
ating bansang Pilipinas pag ipinagmalaki mo ang sariling wika natin.Kaya taon taon binibigyang
halaga ang selebrasyong ito lalo na sa buwang agosto para maalaala natin ang pagmamahal sa
ating Wika.

You might also like