Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang trabaho ng isang guro, isinasabuhay, isinasapuso.

Tinanggap namin ng buong puso ang hamon


ng pagiging pangalawang magulang sa aming mga mag-aaral. Ngayong may pandemya, inaasahan
naming ang mga magulang ay handang makibahagi sa aming pagtuturo sa kanilang mga anak sa
darating na pasukan.

Kailangan dito ng pagbabago sa pananaw at pag-iisip. Hindi magiging mahirap ang pagtuturo sa mga
bata sa tahanan man o paaralan kung may pagmamahal. Pero sana, huwag lang nating pagtuunan
ang edukasyong naglalayong linangin ang isip kung hindi pati na rin ang socio-emotional na
nakasanayan ng mga bata.

Malaking bagay ang training na ito ng USAID para palawigin ang mga kaalaman at kakahayan naming
mga guro sa panahong humaharap kami sa malaking hamon ng edukasyon.

Natutunan ko na kahit wala masyadong mga aklat at gamit ngayong pasukan, maraming mga paraan
para magturo at matuto. Maaaring gamitin ang mga gawain sa bahay gaya ng pagluluto at
paghuhugas ng mga plato upang tulungan ang batang linangin ang kaniyang kakayahan sa wikang
binibigkas.

Ang pinakama-mimiss ko ngayong pasukan ay ang makita ang kasiyahan sa mga mukha ng mga bata
dahil uuwi sila na may bagong natutunan. ‘Yung teaching and learning process na buong-buo, ‘yun
ang nakaka-miss.

-----

The work of a teacher should be lived and taken to heart. As teachers, we wholeheartedly took on
the challenge of being the second parents to our students. And now with this pandemic, we hope
parents will be willing to take part in our responsibilities of teaching their children in the coming
school year.

This requires a change in perspective and thinking. Teaching children at home or school will not be
difficult if there is love. But let us not just focus on education that nurtures the mind but also
cultivates children’s socio-emotional skills.

This training by USAID is a huge help for us teachers in terms of expanding our knowledge and skills
at a time when we are facing a major educational challenge. I learned that even though there aren’t
a lot of books and materials this school year, there are many ways to teach and learn. Parents and
learning home partners can use household chores such as cooking and washing dishes to help
children develop their oral language skills.

What I will miss the most this school year is seeing the happiness on my pupils’ faces because they
will come home with something new. The teaching and learning process as a whole, that's what I will
miss. #KuwentongGuro #EarlyGradesMatter
Alamin ang mga Uri ng Pang-aabuso at Mapang-abusong Pag-uugali

Ang pang-aabuso ay pagtrato sa iba o sa sarili sa nakasasakit o nakapipinsalang paraan. Pinipinsala


nito ang isipan, ang espiritu, at kadalasan ang katawan din. Ito ay labag sa mga turo ng Tagapagligtas
at mga batas ng lipunan. Sinuman ay maaaring mabiktima ng pang-aabuso anuman ang kanilang
edad, kasarian, at katayuan. Maaaring ilan sa kanila ay walang sapat na kakayahang proteksyunan
ang sarili, tulad ng mga bata, may kapansanan, o matatanda. Kinukondena ng Panginoon ang
mapang-abusong pag-uugali sa anumang uri nito—pisikal, seksuwal, berbal, o emosyonal.
Nakalulungkot na maaaring mangyari ang pang-aabuso sa sinuman. Ang kaalaman sa kahulugan ng
pang-aabuso ay makatutulong para makapagsalita tungkol dito, matukoy ito, matugunan ito, at
mapagaling mula sa pang-aabuso.

Mga Uri ng Pang-aabuso

Ang pang-aabuso ay maaaring mangyari sa anumang relasyon, ito man ay sa kapamilya, kaibigan,
asawa, o kadeyt.

Seksuwal—Ang seksuwal na pang-aabuso ay anumang pagniniig ng dalawang tao kung saan ang isa
sa kanila ay tutol sa pagniniig na may nangyayaring hipuan o kahit walang hipuan kung saan ang
isang tao ay ginagamit para sa seksuwal na kasiyahan ng ibang tao. Ang seksuwal na pang-aabuso sa
bata ay anumang seksuwal na ginagawa ng isang matanda sa isang bata (anuman ang edad nito).
Kabilang din sa seksuwal na pang-aabuso ang seksuwal na ginagawa ng isang bata at tinedyer, lalo na
kapag ang tinedyer ay mas matanda o nasa posisyon na impluwensiyahan, hingin ang tiwala, o
kontrolin ang bata. Kabilang din dito ang panonood, paggawa, at pamamahagi ng pornograpiya na
gumagamit ng bata at panonood din ng pornograpiya na kasama ang isang bata.

Ang pisikal na pang-aabuso ay sadyang pananakit sa isang tao, tulad ng pagpalo, pagsipa,


pambubugbog, pangangagat, o anupamang kilos na humahantong sa pisikal na pananakit,
pagpinsala, o pag-iiwan ng mga pasa o bugbog.

Pagpapabaya—ang pagpapabaya ay ang hindi paglalaan ng kinakailangang pagkain, damit o tirahan,


o kakulangan sa naangkop na paggabay; kinakailangang gamot o kalusugan ng isipan; sapat na
edukasyon; o kapanatagan ng damdamin. Kabilang dito ang pagpapabaya sa isang taong kailangan
na palaging maalagaan sa mas matagal na panahon nang walang sapat na paggabay at suporta.

Emosyonal at Berbal—ang emosyonal at berbal na pag-aabuso ay ang pagtrato sa isang tao na


nagpapahina ng kanyang loob o nagpapababa ng kanyang pagpapahalaga sa sarili. Kabilang sa mga
halimbawa ang palaging paghahanap ng mali, pang-iinsulto, hindi pagtanggap, at pagkakait ng
pagmamahal, suporta, o gabay. Kabilang din dito ang pagkakita ng isang bata ng karahasan sa
tahanan.

Pinansyal—nangyayari ang pinansyal na pang-aabuso kapag ang isang tao ay pinagkakaitan,


ninanakawan, o kinokontrol ang pera o ari-arian ng iba nang walang pahintulot. Ito ay isang uri ng
panlilinlang.

Iba pang mga Mapang-abusong Pag-uugali

Ang mga sumusunod na pag-uugali ay laban sa mga turo ng ebanghelyo. Bagama’t hindi lahat ng ito
ay masasabing pang-aabuso, lahat ito ay nakapipinsalang pag-uugali.
Pang-eengganyo—Nangyayari ang pang-eengganyo kapag kinakaibigan o tinatangka ng isang tao na
mapalapit sa kanya ang loob ng isang tao o pagtiwalaan siya nito para seksuwal na maabuso niya ang
taong iyon. Ang kadalasang biktima ay bata. Kabilang sa pag-uugaling ito ang pagbibigay ng regalo o
pabor, paghiling na mapag-isa sila, pag-uusap ng malaswang paksa, o pagpapakita ng pornograpiya o
pakikipagniig sa bata. Nangyayari din ito sa internet at sa pamamagitan ng mobile device ng bata.

Malupit na Pagdisiplina—Ang mga bata ay natutulungan at napapalakas sa tama at mapagmahal na


pagdisiplina. Subalit ang pamimintas o panlalait ay nagpapahina ng kanilang kumpiyansa at
pagpapahalaga sa sarili at kapakanan. Ang positibong pagdisiplina ay makatutulong sa mga bata na
malaman kung ano ang mabuti at masama. Ang malupit na pagdisiplina na nagdudulot ng pisikal na
pinsala ay pang-aabuso at dapat ireport sa mga awtoridad.

Panliligalig—Ang panliligalig ay lumilikha ng mapagpoot na kapaligiran at maaaring maging sanhi ng


mga bagay mula sa pagtigil sa mga karaniwang ginagawa hanggang sa pag-iisip ng pagpapakamatay.
Maaaring kabilang dito ang mga salita o kilos na nanlalait, pasaring, at pagtingin o pagkomento sa
mga pribadong parte ng katawan. Kasama rito ang paggamit ng mga online profile o impormasyon
para manmanan o takutin ang isang tao.

Bullying—“Ang bullying ay ang mapangahas na pag-uugali kung saan sinasadya o paulit-ulit na


ginagawa ng isang tao ang nakapipinsala o nakaliligalig na kilos sa ibang tao. Ang bullying ay
maaaring gawin sa pakikipagniig, pagsasalita, o pagkilos na hindi ipinahahalata” (“Bullying,”
American Psychological Association, apa.org). Kasama sa cyberbullying ang paggamit ng mga online
profile o impormasyon para i-bully ang isang tao, tulad ng papapadala o pagpo-post ng mga
mensahe tungkol sa isang tao para siraan, takutin, o bantaan ito. Kasama rin dito ang sadyang
paninira ng mga relasyon o katayuan sa lipunan ng isang tao.

Hazing—Nangyayari ang hazing kapag ang isang grupo ay nagpapagawa ng mali o nakakainsultong
bagay sa isang tao para maging bahagi siya ng grupo.

Mga Sanggunian mula sa Komunidad at Simbahan

(Ang ilan sa mga sanggunian na nakalista sa ibaba ay hindi ginawa, pinananatili, o kontrolado ng Ang
Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagaman ang mga materyal na ito ay
ginawa bilang karagdagang sanggunian, hindi iniendorso ng Simbahan ang anumang nilalaman na
hindi akma sa mga doktrina at mga turo nito.)

You might also like