Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Parabula ng Sampung Dalaga

Ang “Parabula ng Sampung Dalaga” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Mateo kabanata 25
talata 1 hanggang 13 (Mateo 25:1-13).

Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay maitutulad sa talinghagang ito.

Mayroong sampung dalaga na lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Lahat sila ay may dalang
ilawan. Lima sa mga dalaga ay matatalino samantalang ang lima ay hangal.

Bagama’t may dala-dalang ilawan ang limang dalagang hangal, wala naman silang baon na langis na
reserba. Kabaligtaran naman ng limang dalagang matatalino dahil bukod sa kanilang ilawan na dala ay
mayroon pa silang baong langis.

Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya naman ang mga dalaga ay inantok at nakatulog sa
paghihintay.

Nang maghatinggabi na ay may sumigaw at sinabing, “Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo
upang salubungin siya!”

Mabilis na bumangon ang sampung dalaga at agad na inayos ang kani-kanilang ilawan.

Napansin ng mga dalagang hangal na aandap-andap na kanilang ilawan kaya naman sila’y humingi ng
langis sa mga dalagang matatalino.

Ngunit pinayuhan ng mga matatalino na pumunta na lamang ang mga hangal sa tindahan upang bumili
ng langis dahil baka hindi magkasya sa kanilang lahat ang dala nilang langis.

Kaya naman agad na lumakad ang limang babaeng hangal upang bumili ng langis.

Di nagtagal ay dumating ang lalaking ikakasal at ang nasumpungan niyang limang dalaga ay kasama
niyang pumasok sa kasalan saka isinara ang pinto.

Pagkaraan ay dumating ang limang dalagang hangal at nakiusap ng, “Panginoon, panginoon, papasukin
po ninyo kami!”

Ngunit tumugon ang lalaking ikakasal at sinabing, “Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.”

Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang
oras.”

Aral:
 Walang nakaaalam ng araw o ng oras sa pagbabalik ng Panginoon kaya naman dapat nating
ugaliing maging handa ng lahat ng pagkakataon.
Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
Ang kwento sa Bibliya na “Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin” ay hango sa Bibliya na
matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 17 talata 11 hanggang 37 (Lucas 17:11-37).

Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem ay dumaan siya sa gitna ng Samaria at Galilea.

Nang papasok na siya sa isang nayon ay sinalubong siya ng sampung lalaki na may ketong.

Nakatayo sa malayo ang sampu at sumigaw ng, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”

Nang makita sila ni Jesus ay sinabi nitong, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.”

Sa kanilang paglalakad ay napansin ng isa sa sampung ketongin na sila ay gumaling. Siya ay bumalik at
sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos.

Ang lalaking bumalik ay isang Samaritano. Tinanong ni Jesus kung nasaan ang iba pa niyang kasama.

“Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?”

Pagkaraan ay sinabi ni Jesus sa lalaki, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong
pananalig.”

Aral:
 Ang nais ng Diyos ay matuto tayong magpasalamat sa lahat ng pagpapalang natatanggap natin.
Ito man ay maliit o malaking pagpapala, nalulugod ang Diyos sa taong marunong magpasalamat.
 Kung may bagay kang nais mong gawin ng Diyos sa buhay mo, sabihin mo sa kanya kung ano ito
at dapat ay magkaroon ka ng malaking pananalig sa Diyos na magagawa niya iyon.
Ang Taong Di-Marunong Magpatawad
Isang hari ang nagpasyang alamin ang pagkakautang sa kanya ng kanyang mga alagad. Nagsisimula pa
lamang siya nang biglang iharap sa kanya ang isa sa kanyang mga alagad dahil sa milyung-milyong dolyar
na utang nito sa hari. Ang alagad ay walang maibayad sa napakalaking pagkakautang nito, kaya ipinag-
utos ng hari na ipagbili ito bilang alipin kasama ang kanyang asawa at mga anak. Gayundin, ang lahat ng
kanyang ari-arian ay iniutos na kunin upang maidagdag sa bayad sa hari.

Lumuhod at nagmakaawa sa hari ang lalaki.

"Bigyan ninyo po ako ng panahon at babayaran ko kayo," pagsusumamo nito sa hari. Naawa naman sa
kanya ang hari kaya't siya ay pinatawad sa kanyang pagkakautang.

Nang lumabas ang lalaki upang umuwi na ay nasalubong niya ang isang kapwa alagad na may utang sa
kanyang ilang dolyar. Agad niya itong hinawakan at sinimulang sakalin.

"Bayaran mo ang utang mo sa akin," matigas na sabi nito.

Lumuhod ang kanyang kapwa alagad at nagmakaawa sa kanya.

"Bigyan mo ako ng panahon at babayaran kita," pagmamakaawa nito.

Ngunit hindi niya ito pinatawad at sa halip ay kanyang ipinakulong. Nagalit ang ibang alagad ng hari nang
mabatid nila ang pangyayari. Ipinaalam nila sa hari ang ginawa ng lalaki sa kanyang kapwa alagad na may
utang sa kanya.

Ang lalaki ay ipinatawag ng hari.

"Ikaw ay isang walang kwentang alipin! Pinatawad kita sa lahat ng iyong pagkakautang dahil
nagmakaawa ka sa akin. Dapat ay naawa ka rin sa iyong kapwa alagad tulad ng pagkaawa ko sa iyo,"
wika ng hari.

Dahil sa galit, ipinabilanggo ng hari ang lalaki hanggang sa mabayaran nito ang kanyang pagkakautang.

You might also like