Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Ako, Ikaw, Tayo

Tayo, Ikaw, Ako


Mga kabataang ayon sa pambansang bayani
Ay syang magiging pag-asa raw
nitong bayan natin.

Totoo ba?
Naniniwala ka ba?

Gayong tayo raw sa ngayon


ay lulong sa konseptong
dapat ay di mahuli
sa mga "in" at "trending"
sa socila media na lagi nating kapiling.

Tapos, dumating itong pandemya.

Ngayong panahon ng pandemya,


sumabay pa itong ating mga
Pinunong ating pinagkatiwalaan
upang pagsilbihan itong bayan.
May ninakaw, mayroong dolomite,
may debate pati na rin sa bakuna.
Kay daming nangyari,
kay daming pangakong di natin mawari
kung saan na nga ba nawaglit.

Ano ng mangyayari sa ating bayan


Gayong ang mga kabataan
ay pawang tuliro na rin
sa kani-kanilang pag-aaral.
Online class ay nagpapatuloy,
talaga nga bang nakakatulong?

Alam mo kung anong dapat nating gawin?


Pagtanggap.
Oo. Tama.
Pagtanggap.
Tanggapin natin ang mga pagsubok
na ibinuhos satin ng panahon.
Mga pagsubok na inihain
sa ating mga pag-asa ng bayan.
Simulan din nating tanggapin
na tayo ay may mga gampanin.
Sapagkat sa pagdating ng panahon,
ang atin ring henerasyon
ang syang mamumuno
at magsisilbing mga ehemplo
sa susunod pang mga henerasyon.

Simulan natin sa ating mga sarili


ang pagbabago na ating minimithi.
Wag na tayong makipag-away pa
at ipilit ang ating mga opinyon.
Ang lahat ng mga karanasan natin sa ngayon
ang magsisilbi nating pundasyon
Upang sa pagdating ng panahon,
ay mas maging mahusay tayong
mga mamumuno,
mas mahuhusay kaysa sa ngayon.

Ako, Ikaw, Tayo


Tayo, Ikaw, Ako
Mga kabataang ayon sa pambansang bayani
Ay syang magiging pag-asa raw
nitong bayan natin.

Totoo ba?
Naniniwala ka ba?

Ang isasagot natin?


Isang malaking, OO!
Makabago man tayo
kung ituturing,
Tayo ay may KAKAYANAN rin!

You might also like