Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

GAHAMAN

Ngayong lumalaban tayo sa pandemya,


kailangang-kailangan natin ng pera;
Pera, para sa proteksiyon at pera para sa ayuda
Pero higit sa lahat, kailangan para sa mga tao ng bayan.

Ngunit ano ang ating gagawin


Kung ang perang para sa atin,
ay ibinulsa at inangkin?
Tila hindi pala kayang palambutin ng krisis na ito,
ang matitigas nilang mga puso.
Ayuda ang aming dinggin
Bakit binigyan kami ng buhangin?
Agad namang binuksan
Mga turista'y nagpuntahan
Mga frontliners ay naghihirap
Habang sa Manila Bay ay kayo'y nagpapasarap

Krisis daw ay ginagawan ng paraan


Maraming problema daw ang nasosolusyonan
Ngunit paano magtatagumpay sa giyera,
kung di nila alam ang tunay na kalaban?

Imbis na ang mga Pinoy ay tulungan,


nauna pa ang kanilang kadamutan
Mga opisyales na gahaman
Hustisya ay nasaan?

Mga liwanag ng pag-asa,


unti-unting dumidilim na.
Pero tayo ay mga Pilipino
Pagkatapos nito, ay sabay sabay tayong tatayo
at haharap muli sa mundo

LOWRIMORE PADRONIA
Filipino PT #3

You might also like