SDO - Navotas - AP6 - Q2 - M2 - Ang Mga Pagsusumikap NG Mga Pilipino Tungo - FV

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

DIVISION OF NAVOTAS CITY

6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Ang mga Pagsusumikap ng mga
Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng
Nagsasariling Pamahalaan

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Araling Panlipunan – Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Ang mga Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa
Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marjorie O. Gutierrez
Editor: Josephine D. Prudenciado
Tagasuri: Ruth R. Reyes
Tagaguhit:
Tagalapat: Editha R. Reyes
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Ruth R. Reyes, EPS in Araling Panlipunan
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
6

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Ang mga Pagsusumikap ng mga
Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng
Nagsasariling Pamahalaan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan VI ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Pagsusumikap ng mga Pilipino
Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan VI ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Mga Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng
Nagsasariling Pamahalaan !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Ang modyul na ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan
sa mga mag-aaral bilang gabay sa kanilang pag-aaral ng mga paksa sa Araling
Panlipunan VI. Ang bawat nilalaman ng modyul na ito ay iyong magagamit upang
iyong higit na maunawaan ang mga pangyayari at konsepto sa nasabing asignatura.
Ito ay isinaayos upang iyong masundan ang mga mahahalagang pangyayaring
nakapalaboon sa aralin.

Sa pamamagitan ng modyul na ito ang mag-aaral ay maipaliliwanag ang mga


pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan.
Ang mga nakapaloob dito ay makatutulong sa iyo upang lubos na maintindihan ang
susunod na aralin. Inaasahang matapos at maisakatuparan mo ito sa loob ng isang
linggo. Naway ang bawat pangyayari ay iyong pagtuunan ng pansin at isapuso para
sa iyong lubos na pagkatuto.

1
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1. Ang batas na ito ay nagtatadhana ng pagkakaroon ng halalan at ipagpatuloy


ang kampanya para sa Kalayaan.
A. Asamblea ng Pilipinas C. Batas ng Pilipinas 1902
B. Batas Jones 1916 D. Batas Tydings-McDuffie 1934
2. Ang Batas Jones ang una at opisyal na pangako sa paggawad ng Kalayaan ng
Pilipinas kinilala ito sa tawag na __________.
A. Asamblea ng Pilipinas C. Batas Tydings-McDuffie 1934
B. Batas ng Pilipinas 1902 D. Philippine Autonomy Act of 1916
3. Ang batas na ito ay pinagtibay noong Enero 17, 1933 upang makamit ang
kasarinlan ng Pilipinas. Ito ang batas na sinuportahan ng Misyong OsRox.
A. Batas Hare-Hawes-Cutting C. Misyong OsRox
B. Batas Tydings-McDuffie D. Saligang Batas
4. Siya ang hinirang ni Pangulong Wilson ng Estados Unidos bilang gobernador
ng Pilipinas na nagpabilis ng Pilipinisasyon ng pamahalaan sa Pilipinas.
A. Francis Burton Harrison C. Manuel Quezon
B. Henry John Ford D. William Atkinson Jones
5. Ano ang hindi kabilang sa tatlong sangay ng pamahalaan na itinadhana ng
Batas Jones?
A. ehekutibo C. lehislatibo
B. hudikutura D. pangulo
6. Kailan ipinagtibay ng mga Pilipino ang Saligang Batas 1935?
A. Agosto 14, 1935 C. Pebrero 14, 1935
B. Mayo 14, 1935 D. Setyembre 14, 1935
7. Ang batas na ipinagtibay ni Gobernador Harrison kung saan ang mga kawani
ng pamahalaan na nakapaglingkod ng anim na taon pataas ay maaari nang
magretiro na nagdulot nang pagreretiro ng maraming Amerikano.
A. Civil Retirement Act No. 2581 C. Public Defender Act
B. Minimum Wage Law D. Tenancy Act
8. Kailan naitatag ang unang Asamblea ng Pilipinas?
A. Hunyo 16, 1907 C. Pebrero 16, 1907
B. Oktubre 16, 1907 D. Setyembre 16, 1907
9. Namuno sa pagbabalangkas ng Saligang Batas 1935.
A. Claro M. Recto C. Rafael Palma
B. Manuel Quezon D. Sergio Osmeňa
10. Sino ang hinirang na lider ng mayorya ng kauna-unahang Asamblea ng
Pilipinas.
A. Francis Burton Harrison C. Rafael Palma
B. Manuel Quezon D. Woodrow Wilson

2
Ang mga Pagsusumikap ng
Aralin
mga Pilipino Tungo sa
1 Pagtatatag ng Nagsasariling
Pamahalaan

Binabati kita! Napagtagumpayan mo ang pagsusulit. Halina’t namnamin ang


tunay na pangyayari sa kasaysayan upang maiwasto ang mga sagot sa bawat bilang
sa pamamagitan ng pagbalik tanaw sa nakaraang aralin na susundan ng
pagtatalakay sa paksa.

Napag-aaral natin sa unang aralin ang mga pagbabagong naganap sa ating


lipunan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol at mga Amerikano. Kabilang
na nga dito ang uri ng pamahalaan at mga patakarang ipinatupad ng mga dayuhan
sa ating bansa. Bago natin isa-isahin ang mga pagsusumikap ng mga Pilipino tungo
sa pagtatatag ng nagsasariling pamahalan. Halina’t ating balikan ang nakalipas na
aralin.

3
Lagyan ng tsek ang hanay na inilalarawan sa bawat bilang.

Mga Katangian Panahon ng Panahon ng


pananakop ng pananakop ng
mga Espanyol mga Amerikano
1. Ingles ang wikang ginagamit sa
panturo.
2. Ipinagbawal ang
pagwawagayway ng bandilang
Pilino.
3. Pagmamalupit sa mga
katutubo.
4. Pag-usbong ng uring mestiso
sa pagbuo ng kamalayang
nasyonalismo.
5. Pagpapataw ng buwis at kota
sa mga produkto.

Mga Tala para sa Guro


Pagkatapos mong balikan ang mga nakalipas na aralin. Batid
kong handa ka na para sa susunod na gawain at aralin. Nawa’y
ikaw ay maligayahan sa mga bagong kaalaman at ito’y maging
gabay mo upang mas lalo mo pang maunawaan at mahalin ang
mga aralin ng asignatura.

4
Narito ang bilang ng mga Amerikano at Pilipinong naglingkod sa pamahalaan.

Number of Regularly and Permanently Appointed Americans and


Filipinos in the Service at the Middle of Fiscal Years Indicated
Year Americans Filipinos Total
1903 2,777 2,697 5,474
1905 3,307 5,023 7,330
1907 2,617 3,902 6,518
1909 2,659 4,397 7,056
1911 2,633 4,981 7,614
1914 2,430 6,791 9,221
1915 1,935 7,881 9,816
1917 1,310 9,859 11,169
1918 948 10,866 11,814
1919 760 12,047 12,807
1920 582 12,561 13,143
1921 614 13,240 13,854
Pinagkunan: History of the Filipino People by Teodoro A. Agoncillo, 1987 Edition, p.315

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Tungkol saan ang talaan?

__________________________________________________________________________________

2. Ano ang inilalahad nito?


__________________________________________________________________________________
3. Ano kaya ang kaugnay nito sa ating susunod na aralin?

__________________________________________________________________________________

5
Ang Pilipinisasyon ay ang unti-unting paglipat ng kapangyarihang pampolitikal
galing sa mga Amerikano papunta sa mga Pilipino. Narito ang mga hakbang na
isinagawa at batas na ipinatupad para sa pagsasarili ng Pilipinas mula sa pananakop
ng Estados Unidos.

Philippine Organic Act of 1902 o Batas ng Pilipinas, 1902


Noong Hulyo 1902, inilipat sa kongreso ng Estados Unidos ang pamamahala sa
Pilipinas. Ilan sa itinadhana nito ay ang:

1. Talaan ng mga Karapatan ng mga mamamayang Pilipino;


2. Pagtatatag ng mga kagawaran o departamento ng pamahalaan;
3. Dalawa ang komisyon o kinatawan ng Pilipinas sa kongreso ng Estados
Unidos; at
4. Pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas sa taong 1907 na binubuo ng mga
Pilipino.

Pagbuo ng Partido Politikal


Noong 1905, naghanda ang mga Pilipino para sa halalang itinadhana ng Philippine
Organic Act of 1902. May dalawang partidong politikal ang nabuo. Ang una ay Partido
Nacionalista na may layuning makamit ang Kalayaan ng Pilipinas sa lalong madaling
panahon at ang ikalawa ay Partido Progresista na may layuning maghintay ang mga
mamamayan hanggang sa ang Pilipinas ay magkaroon ng maunlad na kabuhayan
at kultura bago humingi ng Kalayaan sa Estados Unidos.

Ang Asamblea
Hulyo 1907, nang idinaos ang kauna-unahang halalan para sa Asamblea ng
Pilipinas. Limampu’t siyam (59) ang nanalo sa Nacionalista, Labing anim (16) sa
Progresista, at lima (5) sa Independiente.

Ika-16 ng Oktubre 1907, nang maitatag ang Asamblea ng Pilipinas, Kung saan
nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makilahok sa pamamalakad ng
pamahalaan. Si Sergio Osmeňa ang nahirang bilang tagapagsalita o ispiker, at si
Manuel Quezon ang lider ng mayorya o majority floor leader. Ang ilan sa mga nagawa
ng Asamblea ay ang mga sumusunod: pagtatakda ng unang araw ng Mayo bilang
Araw ng Paggawa, Pagtatag ng isang bangko para sa magsasaka, Pagpapatibay ng
batas para mapalaganap ang edukasyon sa buong bansa at Pagpapaunlad ng
sistema ng komunikasyon at transportasyon.

6
Ang Simula ng Pilipinisasyon ng Pamahalaan
May dalawang lapiang pampolitika ang Estados Unidos noon, ito ay ang pangkat
Republican at pangkat Democrat. Ang pangkat Democrat ay sang-ayon sa pagsasarili
ng Pilipinas samantalang hindi naman sumasang-ayon sa maagang pagsasarili ng
Pilipinas ang pangkat Republican. Nang mahalal si Woodrow Wilson, isang
Democrat, bilang bagong Pangulo ng Estados Unidos noong 1912, sinang-ayunan
niya ang maagang pagsasarili ng bansa.Ipinadala niya si Henry John Ford upang
pag-aralan ang kalagayan ng Pilipinas. Iniulat ni Ford na may kakayahan nang
magsarili ang mga Pilipino. Kung kaya hinirang ni Wilson si Francis Burton Harrison
bilang gobernador-heneral ng Pilipinas. Tiniyak niyang magkakaroon ng mas
maraming Pilipinong mamamahala sa bansa o Pilipinisasyon ng pamahalaan.

Mga Hakbang sa Pilipinisasyon(1913-1921)


Nang maging gobernador ng Pilipinas si Harrison, nagpalabas ito ng kautusan na
nagpapababa ng sahod ng matataas na pinuno at nagbabawal sa kanila na magmay-
ari ng anumang negosyo. Dulot nito ay ang pagbibitiw ng mga Amerikano.

Ipinagtibay din niya ang Civil Retirement Act No. 2581 noong Pebrero 1916 kung saan
ang sinumang kawani ng pamahalaan na nakapaglingkod nang mula anim na taon
pataas ay maaari nang magretiro bago sumapit ang unang araw ng Hulyo 1916.
Maraming Amerikano ang nagretiro at tumanggap ng pensiyon. Ang ipinalit ni
Harrison sa kanila ay mga Pilipino lalong napabilis ang Pilipinisasyon ng bansa.

Philippine Autonomy Act of 1916


Ika-29 ng Agosto 1916, pinagtibay ng kongreso ng Amerika ang Batas Jones o ang
Philippine Autonomy Act of 1916 bilang kapalit ng Philippine Organic Act of 1902. Ito
ang una at opisyal na pangako sa paggawad ng Kalayaan ng Pilipinas. Bunga nito,
ang sangay ng lehislatibo ay lubusang napasakamay ng mga Pilipino.

Ang Batas Jones o ang Philippine Autonomy Act of 1916 ang nagtadhana ng
pagkakaroon ng tatlong sangay ng mga pamahalaan. Ito ay ang ehekutibo na
kinakatawan ng gobernador-heneral na hinirang ng Amerika, lehislatibo o
tagapagbatas na kinatatawan ng lehislatura at hudikaturana kinakatawan ng mga
hukuman.

Noong Oktubre 1916, pinasinayaan sa Maynila ang kauna-unahang Lehislatura ng


Pilipinas (Batasan) sa ilalim ng Batas Jones. Ang lehislatura ay may dalawang
kapulungan. Ito ay ang Mababang Kapulungan (pumalit sa Philippine Assembly) na
may 90 kinatawan, 81 binoto ng mga Pilipino at ang 9 ay hinirang ng Gobernador-
Heneral si Sergio Osmeňa, Sr. ang ispiker at ang Mataas na Kapulungan o Senado
(pumalit sa Philippine Commission) na may 24 senador, 22 ang binoto ng mga
Pilipino at 2 ang hinirang ng Gobernador-Heneral ai Manuel L. Quezon ang Pangulo
ng Senado.

Noong Enero 1917, itinatag ang kauna-unahang Gabinete. Ang unang Pilipinong
naging kagawad ng Gabinete ay si Rafael Palma, na noon ay kagawad ng Senado.
Hinirang siya bilang kalihim ng Kagawarang Panloob.

7
Ang Misyong Pangkalayaan
Mula 1919 hanggang 1931 ay nagpadala ng sunod-sunod na Misyong
Pangkasarinlan ang mga Pilipino sa Estados Unidos. Ngunit bigo ang lahat ng ito sa
pangamba ng mga Amerikano na mawala ang Pilipinas bilang mamimili ng kanilang
kalakal. Taong 1933 nang magtagumpay ang misyon ng mga Pilipino na mahingi ang
kasarinlan sa Kongreso ng Amerika. Ito ay sa pamamagitan ng Batas Hare-Hawes-
Cutting na pinagtibay noong Enero 17,1933. Nang iuwi ito nina Sergio Osmeňa at
Manuel Roxas, ito ay hindi naibigan ni Quezon. Humingi si Quezon ng mas mabuting
probisyon ngunit kaunti lamang ang pagbabago sa Batas Hare-Hawes-Cuttting. Ito
ay tinawag na Batas Tydings-McDuffie at nilagdaan ni Pangulong Roosevelt ng
Amerika noong Marso 24, 1934. Sa bisa nito ang pamamahala sa bansa ay unti-
unting inilipat ng mga Amerikano sa Pilipino.

Para maihanda ang bansa ay gagawin ang sumusunod:

1. Ang pagtatag ng Malasariling Pamahalaan sa Pilipinas na tatagal ng sampung


taon;
2. Ang pagkakarron ng kumbensiyong maghahanda ng Saligang Batas;
3. Ang pagkakaroon ng plebisitong magpapatibay sa Saligang Batas;
4. Ang paghahalal ng mga namumuno sa Malasariling Pamahalaan; at
5. Ang pagtatakda ng araw ng pagpapahayag sa kasarinlan ng Pilipinas sa Hulyo
4, 1946, matapos ang sampung taon ng Malasariling Pamahalaan.

Saligang Batas ng 1935


Nagkaroon ng halalan sa Maynila para sa paghahanda ng Saligang Batas noong
Hulyo 10, 1934. Nahalal bilang pangulo ng kumbensiyon si Claro M. Recto at
Ruperto Montinola bilang pangalawang pangulo. Ilang buwan pinag-usapan at
pinagtalunan ang mga tadhana ng Saligang Batas nang pinagtibay ito noong Pebrero
8, 1935. Ang Saligang Batas na ito ay hindi lamang para sa Malasariling Pamahalaan
o Commonwealth kundi para na rin sa hahaliling Republika.

Ang mahahalagang itinadhana ng Saligang Batas 1935 ay mga sumusunod:

1. Tatlo ang sangay ng pamahalaan na may magkakapantay na kapangyarihan:


ang ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura.
2. Ang Pangulo at ang Pangalawang Pangulo ay halal ng bayan. Sila ay
maglilingkod ng anim na taon at hindi na maaaring mahalal muli.
3. Ang kapangyarihan ng lehislatibo o tagapagbatas ay nasa Asamblea na
bubuuin ng kagawad na ihahalal ng mamamayang may karapatang bumoto
at manunungkulan sa loob ng tatlong taon.
4. Ang kapangyarihan hudisyal o panghukom ay nasa Kataastaasang Hukuman
at iba pang mababang hukuman
5. Ang pagkakaroon ng talaan ng mga Karapatan ng mga mamamayan.
Noong Mayo 14, 1935, ipinagtibay ng mga Pilipino ang nasabing saligang batas sa
pamamagitan ng isang plebisito.

8
A. Narito ang ilan sa mga Pilipino namuno upang magkaroon ng Pilipinisasyon
ang ating bansa sa Panahon ng mga Amerikano. Tukuyin ang kanilang ginawa
sa ibaba at isulat sa patlang.

RAFAEL PALMA CLARO M. RECTO MANUEL QUEZON SERGIO OSMEŇA MANUEL ROXAS

__________ 1. Namuno sa kumbensiyon na bumuo ng Saligang Batas 1935.

__________ 2. Lider ng mayorya ng kauna-unahang Asamblea ng Pilipinas.

__________ 3. Ang unang Pilipinong naging kagawad ng Gabinete.

__________ 4. Tagapagsalita o ispiker ng Asamblea ng Pilipininas.

__________ 5. Kasama sa pamumuno ng isa sa misyong pangkalayaan.

B. Lagyan ng bilang 1 hanggang 10 ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga


hakbang kaugnay sa pagkakatatag ng Pilipinisasyon ng nagsasariling
pamahalaan.
1. Itinatag ang kauna-unahang Asamblea ng Pilipinas.
2. Ipinagtibay ang Batas Jones bilang kapalit ng Batas Pilipinas 1902.
3. Sumulat ng Saligang Batas ang mga delegado sa Kumbensiyon.
4. Inilipat sa kongreso ng Amerika ang pamamahala sa Pilipinas batay
sa Batas ng Pilipinas 1902.
5. Nagkaroon ng halalan sa pagkadelegado sa Kumbensiyong
Pansaligang-Batas sa Maynila.
6. Bumuo ng dalawang partidong politikal.
7. Pinagtibay ang Saligang Batas ng mga Pilipino.
8. Namuno bilang gobernador-heneral ng Pilipinas si Harrison.
9. Pagpapatibay ng Batas Tydings-McDuffie.
10.Nagpadala ng mga misyong pangkasarinlan ang mga Pilipino sa
Amerika.

9
Halina’t punan ang mga patlang upang mabuod ang ating aralin.

Batas ng Pilipinas 1902 o


_______________________

Malasariling Pamahalaan o
Halalan para sa Asamblea
Commonwealth

Pilipinisasyon at
Halalan
Paghahanda sa Pagsasarili

Misyong ________________ Saligang Batas ______

Pinagtibay ang Batas Naghalal na pangulo ng


_______________________ kumbensiyon si
_____________________

10
Tapusin ang pangungusap.

1. Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ang mga Pilipino ay


nagsumikap na

2. Para sa akin, ang Kalayaan ay

3. Upang maging lubos na malaya ang ating bansa kailangan nating

11
Baahin at Unawaing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Piliin at bilugan ang
letra ng tamang sagot.

1. Ang batas na ito ay nagtatadhana ng pagkakaroon ng halalan at ipagpatuloy ang


kampanya para sa Kalayaan.
A. Asamblea ng Pilipinas C. Batas ng Pilipinas 1902
B. Batas Jones 1916 D. Batas Tydings-McDuffie 1934
2. Ang Batas Jones ang una at opisyal na pangako sa paggawad ng Kalayaan ng
Pilipinas kinilala ito sa tawag na __________.
A. Asamblea ng Pilipinas C. Batas Tydings-McDuffie 1934
B. Batas ng Pilipinas 1902 D. Philippine Autonomy Act of 1916
3. Ang batas na ito ay pinagtibay noong Enero 17, 1933 upang makamit ang
kasarinlan ng Pilipinas. Ito ang batas na sinuportahan ng Misyong OsRox.
A. Batas Hare-Hawes-Cutting C. Misyong OsRox
B. Batas Tydings-McDuffie D. Saligang Batas
4. Siya ang hinirang ni Pangulong Wilson ng Estados Unidos bilang gobernador ng
Pilipinas na nagpabilis ng Pilipinisasyon ng pamahalaan sa Pilipinas.
A. Francis Burton Harrison C. Manuel Quezon
B. Henry John Ford D. William Atkinson Jones
5.Ano ang hindi kabilang sa tatlong sangay ng pamahalaan na itinadhana ng Batas
Jones?
A. ehekutibo C. lehislatibo
B. hudikutura D. pangulo
6. Kailan ipinagtibay ng mga Pilipino ang Saligang Batas 1935?
A. Agosto 14, 1935 C. Pebrero 14, 1935
B. Mayo 14, 1935 D. Setyembre 14, 1935
7. Ang batas na ipinagtibay ni Gobernador Harrison kung saan ang mga kawani ng
pamahalaan na nakapaglingkod ng anim na taon pataas ay maaari nang
magretiro na nagdulot nang pagreretiro ng maraming Amerikano.
A. Civil Retirement Act No. 2581 C. Public Defender Act
B. Minimum Wage Law D. Tenancy Act
8. Kailan naitatag ang unang Asamblea ng Pilipinas?
A. Hunyo 16, 1907 C. Pebrero 16, 1907
B. Oktubre 16, 1907 D. Setyembre 16, 1907
9. Namuno sa pagbabalangkas ng Saligang Batas 1935.
A. Claro M. Recto C. Rafael Palma
B. Manuel Quezon D. Sergio Osmeňa
10. Sino ang hinirang na lider ng mayorya ng kauna-unahang Asamblea ng Pilipinas.
A. Francis Burton Harrison C. Sergio Osmeňa
B. Manuel Quezon D. Woodrow Wilson

12
Para sa pagtatapos ng ating aralin. Kumpletuhin ang pangungusap.
Ngayon alam ko na ang kahalagahan ng

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Ibig ko pang malaman/matutuhan ang sumusunod:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

13
14
Subukin
1. C
2. D
3. B
4. A
5. D
6. B
7. A
8. B
9. A
10.B
Pagyamanin Isaisip Tayahin
A. • Philippine 1. C
Organic Act of 2. D
1. CLARO M. RECTO 1902 3. B
2. MANUEL QUEZON 4. A
• Misyong
3. RAFAEL PALMA 5. D
4. SERGIO OSMEŇA Pangkalayaan 6. B
5. MANUEL ROXAS • Tydings Mc- 7. A
Duffie 8. B
B. • Claro M. Recto 9. A
• 1935 10.B
1. 3 6. 2
2. 5 7. 10
3. 9 8. 4
4. 1 9. 7
5. 8 10. 6
Sanggunian
Aklat:
Antonio, E, D. (n.d.). K to 12 Kayamanan 6, Batayan at Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan
Teodoro A. Agoncillo, (1987). History of the Filipino People p.315
Mula sa Internet:
Quizlet.com. Retrieved from https://quizlet.com/228562095/aralin-6-
pilipinisasyon-tungo-sa-pagsasarili-flash-cards/ October 15, 2020

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like