Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Programang Pantelebisyon

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng
sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y
mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at
pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng  pinanonood na mga
programa sa telebisyon.

Dokumentaryong  Pantelebisyon –   Mga palabas na naglalayong maghatid ng


komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at
tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

ang TELEBISYON ang midyum ng telekomunikasyon na naghahatid ng mga gumagalaw na imahe


na maaaring monochrome o colored, mayroon o walang tunog.

Ngayon, telebisyon na ang pinakaimplumwensiyal na pinanggagalingan ng entertainment sa


Pilipinas. Ayon sa isang sarbey ng AGB Nielsen, telebisyon ang pangunahing pinagkukunan ng
mga balita. May higit 200 estasyon na rin ang umeere dito sa bansa na kasama sa Kapisanan ng
mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na karamihang pagmamay-ari ng tatlong pinakamalaking
network sa Pilipinas, GMA, ABS-CBN at TV5.

KATANGIAN NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON


1. Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng dokyumentaryo kung saan nagpopokus ito sa pagkilos
ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa buhay. Ang mga
tao, lugar at pangyayari ay totoong nagaganap at kadalasang napapanahon.Ito rin ay
naglalahad ng katotohanan sa mga nagaganap sa loob ng isang lipunan halimbawa ng paksang
ukol sa kahirapan.

2. Layunin– ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng dokyumentaryo. Layunin
nitong irekord ang panlipunang kaganapan na itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa
lipunan. Sa pamamagitan nito, layunin din nilang mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu, mga
tinatangkilik at marahil ang ating simpatya sa isyung ito. At dahil din dito ay may kakayahan
silang maipaalam sa atin ang nagaganap sa ating lipunan upang magkaroon tayo ng aksyon
ukol dito. Halimbawang layunin nito ay mamulat tayo sa iba pang buwis buhay na
hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa kahirapan.

3. Anyo- ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ang mga
diskusiyon ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung akma o karapat-dapat dito.
May mga pagkakataon na ang iskrip dito at ang mga aksyon ay mula sa mga umiiral na mga
pangyayari.
4. Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa panahon ng
pageedit nito. Ang isa sa mga mahalagang sangkap ay ang mga nonactors o ang mga ‘totoong
tao’ sa paligid na walang ginagampanang anomang karakter. Ang lugar din ay aktwal na hindi
gaya ng mga nasa pelikula na nasa loob ng studio. Maaaring tingnan ang iba’t-ibang Uri ng
anggulo sa Dokyumentaryong Pampelikula.

5. Uri ng karanasan- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang epekto nito sa tao
na maaaring magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga nasalikod ng
dokyumentaryo sa mga makakapanuod nito ay hindi magpokus sa mga artista kundi sa
pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito sa paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng
kamera na alamin ng manunuod ang kanilang layunin. Maaari itong maging uri ng karanasang
tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa.

You might also like