Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ST.

THOMAS ACADEMY
STO. TOMAS CITY, BATANGAS

PAMAGAT
YUNIT 2- FLORANTE AT LAURA

Modyul 7:
A. Panitikan Kabanata 7 : Panibugho ng Isang Nagmamahal

PANIMULA
Isa sa madalas na dahilan sa pagkasira ng isang magandang pagsasama ay ang paninibugho.
Madalas na nauuwi ito sa pagkakagalit at paghihiwalay. Ano nga ba ang panibugho? Ang
panibugho ay dulot ng labis na pagmamahal. Ayon sa iba, nagpapamalas daw ito ng kakulangan ng
pagtitiwala sa sarili at maging sa kapwa. Ngunit alinman sa dalawa ang kadahilanan, nararapat na
mamayani sa bawat isa ang pagtitiwala sa sarili at kapwa lalo na sa minamahal upang maging
masaya ang pagsasamahan.

Sa araling ito matatalakay ang labis na pagmamahal ni Florante na nagdulot ng panibugho dahil
sa inaakala niyang pagtataksil ni Laura sa kanya. Iniisip niya na siya ay nakalimutan na ni Laura at
sumama ito sa kanyang matalik na kaaway na si Konde Adolfo.

Upang maiwasan at mabuwag ang panibughong nararamdaman, kinakailangan lamang na


magkaroon ng tiwala na siyang magpapatibay sa isang relasyon.

Layunin
 Nakapagpapahayag ng mga kasabihan, ideya at karanasan ukol sa kahulugan ng
salitang “panibugho” sa tulong ng graph
 Nakapaglalahad ng opinyon, saloobin, at damdamin ukol sa ilang mga pahayag sa
akda.
 Nakapaglalahad ng mga sariling hakbangin upang maiwasan ang paninibugho.

Pagtalakay sa Aralin
Nilalaman
A. Pagganyak:

Gabay na tanong:
1. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong makaramdam ng pagseselos o paninibugho?
2. Maglahad ng ilang mga karanasan o pangyayari na nagdulot ng paninibugho o pagseselos.
3. Ano ang mga paraan na iyong ginagawa upang mawala o maiwasan na makaramdam ng
paninibugo o pagseselos?

B. PAGLINANG
Basahin at alamin mo ang pangyayari sa Kabanata 7: Panibugho ng Isang Nagmamahal sa
sangguniang Obra Maestra: Florante at Laura, Pahina 51-56

Talasalitaan:
Ilahad ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit
1. Sukat na ang tingnan ang lugaming anyo nitong sa dalita’y hindi makakibo.
2. Higit na malaking hirap at dalita parusa ng taog lilo’t walang awa.
3. Kung apuhapin ko sa sariling isip ang suyuan namin ng pili kong ibig.
4. Kung ang panambita’t daing ay marinig nang mahimasmasan ang tipon ng sakit
5. At tinatangisan ng sula ko’t giliw ang pagkabuhay ko’y walang hangga mandin.

Page 1
ST. THOMAS ACADEMY
STO. TOMAS CITY, BATANGAS

2. Pagtalakay ng Aralin
Mga Gabay na Tanong:
1. Bakit labis na nakaramdam ng paghihirap si Florante?
2. Bakit hinangad ni Florante ang sariling kasawian
3. Bakit sinabi ni Florante na wala nang halaga ang naging pag-iibigan nila ni Laura?
4. Ano ang pinagmumulan ng paglililo at madalas na humahantong sa away ng magkasintahan
o mag-asawa?
5. Kung ikaw si Florante, hihilingin mo rin ba sa Diyos na kunin na ang iyong buhay dahil sa
maling paniniwala na ang iyong kasintahan ay nagtaksil?

C. PAGPAPALALIM:
Pagpapanuod ng isang spoken poetry hinggil sa selos
https://youtu.be/peiTVXoL6d4

Gabay na tanong:
1. Sa iyong palagay, ano ang kadalasang nagiging dahilan ng panibugo o selos?
2. Ano ang nagiging epekto ng paninibugho sa iyong sarili o sa isang relasyon?
3. Ano ang mga hakbang na maaaring gawin upang ito’y maiwasan.?

HALAGANG PANGKATAUHAN :
Ang pagtitiwala ang bubuwag sa panibugho at magpapatibay sa isang relasyon.

D. PAGLALAHAT: LMS
Bilang isang kabataan, ano ang dapat gawin upang maging matibay ang samahan ng iyong
minamahal sa buhay?

E. PAGLILIPAT: LMS
Itala sa Great Wall of Love Organizer ang iba pang mga paraan kung paano maiiwasan ang
magselos.

Maglaan ng oras sa
minamahal

Page 2
ST. THOMAS ACADEMY
STO. TOMAS CITY, BATANGAS

IV. TAKDANG ARALIN:


Basahin ang Kabanata 8: Alaala ni Laura, Obra Maestra, pahina 59-63
Sagutin ang mga tanong:
1. Paano ipinakita ni Laura ang pagmamahal kay Florante?
2. Ano ang mga pinaghihinayangan ni Florante kay Laura?

Sanggunian: Obra Maestra, Florante at Laura pp.50-56

Prepared by: Checked by:


Approved by:
gsmamon
Bb. Geraldine S. Mamon Gng. Nelia G. Maldia
Dr. Randy M. BajaFREIdr.
Guro sa Filipino Assistant Principal
Principal

Page 3

You might also like